0:01 Magandang buhay [musika] halin't matuto kasama si teacher aika your online teacher. Simulan na natin. GMRC Grade 6 term 1 week 1. Ang ating mga aralin ngayong linggo ay tungkol sa una ang tao ay nilikha sa larawan ng Diyos. Pangalawa, ang tao ay nilikhang may dignidad. Pangatlo, mga kilos ng pagkilala sa sarili bilang nilikhang may dignidad. Muli, ako si teachera, ang inyong online teacher. Mga kasanayan at layunin na isa sa buhay
0:49 ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagbabahagi ng talento at pagpapaunlad ng mga gawi. A. Natutukoy ang mga sariling kilos ng pagkilala sa sarili bilang [musika] nilikha na may dignidad. B. Napatunayan na ang pagkilala sa sarili bilang nilikha na may dignidad ay nagmumula sa kanyang pagkabukod tangi sa lahat ng nilalang at ito ang batayan ng paggalang sa sarili at kapwa. C. Nailalapat ang mga sariling kilos ng pagkilala sa sarili bilang nilikha na may dignidad. Halimbawa, pagpapaunlad ng sariling talento.
1:36 Maikling balikaral. Balikan natin ang mga kaalamang inyong natutuhan sa nakaraang mga aralin sa grade 5. One. Ano-ano ang mga paksang lubos ninyong kinagiliwan at inaasahan ninyong muling tatalakayin ngayong kayo ay nasa ikaanim na baang na? Maaaring sagot, ang mga paksang lubos kong nagustuhan ay tungkol sa paggalang pagiging responsable at pakikipagkaapwa tao. Naasahan kong muli itong tatalakayin ngayong ikaanim na baytang. Two. Ano-ano ang mga aralin na hindi ninyo lubos na naunawaan sa ikalimang baytang at inaasahang muling tatalakayin ngayong ikaanim na baytang?
2:22 Maaaring sagot, ang mga aralin na hindi ko gaanong naunawaan ay tungkol sa tamang pagdedesisyon at pagharap sa suliranin. Umaasa akong mas malinaw itong maitatalakay ngayong ikaanim na baytang. Panghikayat na gawain. Panuto, punan ang UBH chart ng iyong unang sagot sa mahalagang tanong. Gawin ito sa loob ng limang minuto. Mahalagang tanong. Ano ang nagtutulak sa tao na gumawa ng mga kilos na magpapaunlad sa sariling gawi? Unang sagot, ang pagmamahal sa sarili, pamilya at pangarap ang nagtutulak sa tao na gumawa ng mabuting kilos at magpaunlad ng sarili.
3:09 Binagong sagot. Ang tamang pag-iisip, disiplina at mabuting impluwensya ng ibang tao ang tumutulong upang mapaunlad ng tao ang kanyang sarili. Huling sagot. Ang pananagutan, pagsisikap at pagtitiwala sa sarili [musika] ang nagtutulak sa tao na gumawa ng mga kilos na magpapabuti at magpapaunlad sa kanyang gawain. Sino ka? Kilala mo ba ang iyong sarili? Ang bawat tao ay nilikhang bukod tangi o iba sa iba pang nilikhang may buhay sa mundong ibabaw. Ang pagkabukod tangi ng bawat tao ay nagmula sa kristiyanong paniniwala na ipinahayag sa bibliya na nagsasabing
3:57 nilikha ng Diyos ang bawat tao sa kanyang imahe. Kaya't ang tao ay may dignidad at bukod tangi kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Naninwala ka ba na ikaw ay may dignidad at bukod tangi? Tuklasin natin ang katotohanan sa likod ng pahayag na nakasulat sa Bibliya sa pamamagitan ng kasunod na gawain. Isip sulat. Panuto, kilalanin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbuo ng mga umpisang pangungusap sa loob ng mga kahon sa ibaba. Narito ang halimbawang sagot. Sino? Ako ay masipag at mabait na mag-aaral. Gusto ko ang pagbabasa at paglalaro ng
4:45 sports. Sumasali ako sa mga gawain sa paaralan at pangkatang aktibidad. Ang aking talento ay pagguhit at pag-awit. Pangarap kong maging guro balang araw. Pinag-aralan ko ang mabuting asal at tamang pakikitungo sa kapwa. Sigurado ako na magaling ako sa pagtulong at pakikipagkaibigan. Sinusubo ko ang aking katatagan sa pagharap sa mga problema at hamon. Lagi kong pinag-iisipan ang aking kinabukasan at pag-aaral. Lagi kong isinasa puso na dapat maging
5:30 mabuti at responsable sa lahat ng oras. Nabuo mo ba ang lahat ng mga umpisang pangungusap sa loob ng mga kahon? Sagot. Oo. Nabuo ko ang lahat ng mga umpisang pangungusap sa loob ng mga kahon. Halimbawa, ang kakayahan kong tuparin ang aking mga pangarap. Ikaw naman, ang aking mga kakayahan na nagpapabukod tangi sa akin ay una, mag-aral ng mabuti. Pangalawa, tumulong sa kapwa. Pangatlo, gumalang sa magulang at guro. Pang-apat,
6:16 makipagkaibigan ng maayos. Panglima, harapin ang mga pagsubok. Vokabularyo. Ibigay ang kahulugan ng mga salita na nakasulat sa ibaba. Dignidad. Halaga at dangal ng isang tao. Larawan ng Diyos. Ang tao ay nilikha na may kabutihan at kakayahang gumawa ng tama. Bukod tangi, naiiba at may natatanging kakayahan. Basahing mabuti at unawain ang sumusunod na mga paksa. Bigyang pansin ang kahulugan ng dignidad, bukod tangi at
7:03 larawan ng Diyos na bilang mahahalagang konsepto sa aralin. Ang tao ay nilikha sa larawan ng Diyos. Ang Diyos ay espiritu at walang anyo. Kaya't ang pagkakatulad natin ay hindi pisikal kundi espiritwal. [musika] Ang pangunahing katangian ng tao na nagpapabukod tangi sa kanya kung ihahalintulad sa ibang nilikha ay ang kanyang pag-iisip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mga tuwiran, magmuni-muni at pumili ng malaya. May likas na kakayahan rin siyang hubugin at paunlarin ang kanyang sarili. Lumikha ng maraming bahay. Pumili ng matuwid at makatuwiran at
7:50 isakilos ang mga bagay na kanyang nais gawin batay sa pahintulot ng kanyang konsensya. Ang kakayahang mag-isip ng tama ang isa sa pinakamahalagang regalo ng Diyos sa tao nang siya ay likhain sa imahe ng Diyos. Sino ako? Ako ay espesyal na nilalang sapagkat nilikha ako sa wangis ng Diyos. Disenyo ng may likha na may layunin. Nakasaad sa Bibliya na nilikha ng Diyos ang bawat tao sa kanyang larawan. Ibig sabihin nito, ang bawat isang tao ay nagtataglay ng imahe ng Diyos na lumikha sa kanya at kakaiba mula sa ibang nilikha. [musika] Ang imah ng Diyos sa tao ang
8:37 nagpapabukod tangi sa kanya mula sa ibang nilikhang may buhay. Subalit ang pagkakalikha sa tao ayon sa wangis ng Diyos ay hindi nangangahulugan na kamukha ng tao ang Diyos sa pisikal na anyo. Bukod pa dito ang pagkakatulad natin sa may likha ay nangangahulugan na ang Diyos na lumikha ay makatuwiran. Kaya't nilikha ng Diyos ang mga tao upang maging makatwiran. [musika] Ang Diyos ay malikhain kaya nilikha ng Diyos ang mga tao upang maging malikhain. Naiintindihan ang Diyos ang tama at mali kaya nilikha ang tao upang maunawaan ng tama at mali ang mabuti at masama.
9:26 Nilikha ng Diyos ang tao dahil sa kanyang kabutihan. Kaya't sa pagkilala ng tao kung ano ang tama at mali, mabuti at masama, inaasahan na pipiliin ng tao ang mabuti at iiwasan ang masama sapagkat ito ang makatuwirang gawin. Kapag isinasakilos ng tao ang mga nabanggit na katangian ng Diyos na may likha sa kanya ay inilalarawan rin niya ang katauhan at katangian ng Diyos sa kanyang mga kilos at nagsisilbi siyang kinatawan ng Diyos sa lupa. Nilikha ng Diyos ang tao sa kakaibang paraan na nilikha niya ang lahat ng iba pang nilalang na may buhay. Kaya't ang tao ay bukod tangi.
10:11 Panuto. Tayahin ang iyong naunawaan sa unang paksa sa pamamagitan ng pagbuo sa sumusunod na mga umpisang pangungusap. One. Bakit sinasabi na ang tao ay bukod tangi? Sagot, ang tao ay bukod tangi dahil nilikha siya sa larawan ng Diyos at may kakayahang mag-isip, magpasya at gumawa ng mabuti. Two. Paano mo ipinakikita ang pagiging bukod tangi? Sagot, ipinakikita ko ang aking pagiging bukod tangi sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti, paggalang sa kapwa at paggamit ng aking mga talento.
10:56 Ang tao ay nilikhang may dignidad. Ang salitang dignidad ay nagmula sa salitang latin na dignitas. mula sa dignus na nangangahulugang karapat-dapat. Ang dignidad ay nangangahulugan ng pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahalaga at pagmamahal mula sa kanyang kapwa. Bilang tao, siya ay nilikha sa imahe ng Diyos at nagtataglay ng kapantay na karapatan tulad sa ibang tao. Sa makatuwid, ang dignidad ay nagmumula sa pagkakapareho nilang tao na nilikha sa wangis ng Diyos. Lahat ng tao, ano man ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
11:43 kakayahan ay may dignidad. Sapagkat lahat ay nagtataglay ng pantay na karapatan na maging instrumento ng kabutihan ng Diyos upang itaguyod, protektahan at paunlarin ang buhay sa mundong ibabaw. Ang pagtanggap sa pantay-pantay na karapatan ng tao na maging kinatawan ng kabutihan ng Diyos ay nakakaapekto sa ating paraan ng pagtingin sa ibang tao. Sa mga taong ating nakakasalamuha. Gusto man natin sila o hindi, sang ayon man tayo sa kanila o hindi. Ang pag-unawa sa dignidad ng tao ay ang pagbibigay halaga at paggalang sa kung sino ka. sa paniniwala mo at sa paraan ng iyong pamumuhay. Ang pagtrato sa mga
12:29 tao ng may dignidad ay nangangahulugan na ipinapakita natin ang paggalang at itinuturing sila ng ayon sa kung paano natin gustong tratuhin tayo. Dahil sa dignidad, ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makakasakit o makasasama sa ibang tao at sa iba pang nilikhang may buhay. Dahil sa dignidad ay nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran na siyang nararapat dahil sa mata ng Diyos pantay-pantay ang lahat. Ayon kay Professor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng tao ang sumusunod. One. Igalang ang sariling buhay at buhay
13:16 ng kapwa. Huwag gamitin ang iyong kapwa para sa iyong sariling kapakinabangan. Two, isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Isipin kung ano ang magiging epekto sa iba ng iyong gagawin bago kumilos. 3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan. Ang mga ito ang nararapat na ipakita mo sa iyong kapwa kaya't mahalaga ang pagkilala sa dignidad ng tao.
14:06 Panuto, ipaliwanag ang iyong naunawaan tungkol sa iyong sarili bilang nilikhang may dignidad. Kumpletuhin lamang ang pangungusap sa loob ng kahon. One. Ano ang dignidad? Sagot. Ang dignidad ay nangangahulugan ng pagiging mahalaga at karapatdapat, igalang at pahalagahan ng kapwa. Two. Paano mo ipapakita ang pagkilala sa iyong kapwa bilang nilikhang may dignidad? Sagot. Ipapakita ko ang pagkilala sa aking kapwa bilang nilikhang may dignidad sa pamamagitan ng mga sumusunod. One, paggalang sa kanilang damdamin at karapatan. Two, pagtulong at
14:52 pakikitungo ng mabuti sa kapwa. Three, pag-iwas sa pananakit at pang-aapi. Three. Paano mo patutunayan na ikaw ay nilikhang may dignidad at bukod tangi? Sagot: mapapatunayan ko ito sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti, paggalang sa sarili at kapwa at paggamit ng aking talento sa tama. Kaugnay na paksa bilang tatlo. Mga kilos ng pagkilala sa sarili bilang nilikhang may dignidad. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong pag-iisip mo at buong lakas mo. At ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng
15:38 pag-ibig mo sa iyong sarili. Wala ng ibang utos na hihigit pa sa mga ito. Ang pagkilala sa sarili bilang nilikha na may dignidad ay isang malalim na proseso ng pang-unawa at pagtanggap sa sarili [musika] bilang isang indibidwal na may halaga at karapat-dapat sa respeto at paggalang. Narito ang ilang mga kilos na maaaring ipakita ang ganitong uri ng pagkilala. One. Pagtanggap sa sarili. pagtanggap sa iyong sariling mga kakayahan, limitasyon at mga pangarap. Hindi mo kinukumpara ang iyong sarili sa iba at hindi mo iniisip na ang iyong halaga ay nakasalalay sa kung ano ang sasabihin ng
16:24 ibang tao. Two, pagpapahalaga sa sarili. pagbibigay ng oras at pansin sa sarili tulad ng regular na ehersisyo, masustansyang pagkain, sapat na tulog at iba pang mga gawain na nagpapalakas sa pisikal at emosyonal na kalusugan. Hindi mo pinahihintulutan ang ibang tao na labagin ang iyong dignidad at hinahanap mo ang mga sitwasyon at relasyon na nagpapalakas sa iyong dignidad. 3. Three. Paggalang sa sarili. Pagtangi sa anumang uri ng pangaabuso o diskriminasyon laban sa sarili at pagtitiyak na ang iyong mga karapatan at dignidad ay nirerespeto sa lahat ng
17:11 pagkakataon. Four. Pagpapasya sa sarili. Ang pagpapasya batay sa iyong halaga at kung ano ang mahalaga sa'yo at sa iyong mga pangarap kahit na ito ay hindi tanggap ng iba. ay taliwa sa inaasahan ng iba. Ito ay pagiging tapat sa iyong sarili at pagpapakita ng pagmamahal sa sarili sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang iyong mga desisyon ay nagmumula sa iyong puso at pag-iisip. Nangangahulugan din ito ng pagtangi na manipulahin ang iba at pagpapasya batay sa iyong sariling halaga at pangarap. Five. pagpapaunlad sa sarili. Ang patuloy na pagpapaunlad
17:59 at pagpapabuti sa iyong sariling mga kakayahan sa iba't ibang aspeto ng buhay tulad ng pagpapaunlad ng iyong mga talento at hilig, pagiging makatuwiran sa anumang relasyon, sa kapwa at mga desisyon na gagawin sa buhay. Six. Pakikipagtulungan sa iba. pagpapakita ng pagalang sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikinig at pag-unawa sa perspektiba ng anggulong pinagmumulan ng kanilang paniniwala. Pagtataguyod ng pagkakaunawaan at pagmamahal sa gitna ng nagkakaibang pananaw. pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakasunduan na nagmumula sa pagtanggap na lahat tayo ay
18:44 may iba't ibang karanasan at ang lahat ay may karapatan sa dignidad at respeto. Sa pamamagitan ng mga kilos na ito, nagpapakita ka ng pagmamahal sa iyong sarili at pagtanggap sa iyong sariling halaga bilang isang indibidwal na may dignidad. Ang ganitong uri ng pagkilala ay nagbibigay daan sa pag-usbong ng positibong pagtingin sa sarili at mas malusog na mga ugnayan sa iba. Gawain bilang apat. Hamon. Hinuha. Panuto. Humanap ng kapareha. Pag-usapan at isulat ang halimbawa ng mga kilos ng pagkilala sa sarili na iyong isasabuhay araw-araw.
19:31 Bilang nilikhang may dignidad. Gabay mo ang halimbawa sa unang kahon. Narito ang mga halimbawang sagot. Una, pagtanggap sa sarili. Tinatanggap ko ang aking sarili sa iba at hindi ko iisipin kung ano ang sasabihin nila habang pinagsisikapan kong paunlarin ang aking mga kahinaan. Pangalawa, pagpapahalaga sa sarili. Pahahalagahan ko ang aking kalusugan at pag-aaral upang maging mabuting tao. Pangatlo, paggalang sa sarili. Iiwasan ko ang paggawa ng masama at magiging disiplinado ako sa aking kilos. Pang-apat, pagpapasya sa sarili. Mag-iisip muna ako bago gumawa ng
20:18 desisyon upang makagawa ng tama. Panglima, pagpapaunlad sa sarili. Pagsisikapan kong pagbutihin ang aking talento at kakayahan araw-araw. Pangim, pakikipagtulungan sa iba. Makikipagtulungan ako sa aking pamilya, kaklase at kaibigan upang maging maayos ang samahan. Pabaong pagkatuto. Sagutin ang mahalagang tanong gamit ang mga salitang pantulong. Punan lamang ang mangapat lang ng angkop na salita. Mahalagang tanong. Ano ang nagtutulak sa tao na gumawa ng mga kilos na magpapaunlad sa sariling gawi?
21:04 Narito ang mga salitang pantulong. Kilos, bukod tangi, dignidad, pagkilala sa sarili. Mauunawaan ang mag-aaral na ang dignidad bilang nilikhang may pagkilala sa sarili at bukod tangi ang nagtutulak sa tao na gumawa ng mga kilos na magpapaunlad sa kanyang sarili. Pagninilay sa pagkatuto. Suri sarili. Suriin ang iyong sariling mga paraan o proseso ng pagkatuto sa paksang ito. Kopyahin ang talaan ng pag-aaral sa iyong notebook at punan ito ng sagot. Ang aking talaan ng pag-aaral. Tanungin
21:50 mo ang iyong sarili. Ano ang aking natutunan? Pinagmulan ng pag-aaral. Ano ang gagawin kong iba bilang resulta Lunes hanggang Biyernes? Panuto, basahin at unawain ng mabuti ang tanong. Ipaliwanag ang iyong sagot sa sagutang papel. One. Ano ang dignidad? Ang dignidad ay nangangahulugan ng pagiging mahalaga at karapat-dapat igalang at pahalagahan ng kapwa. Two. Bakit ikaw ay bukod tangi kung ihahalintulad sa ibang nilikhang may buhay? Ipaliwanag. Maaaring sagot, ako ay bukod tangi dahil
22:35 ako ay may sariling kakayahan, talino at damdamin na naiiba sa iba. Binigyan ako ng Diyos ng dignidad kaya mahalaga ako bilang tao. Three. Ano-ano ang iyong tungkulin sa iyong sarili at sa iyong kapwa at sa lahat ng nilikhang may buhay bilang taong bukod tangi at may dignidad? Sagot. Ang tungkulin ko sa aking sarili ay alagaan ang aking katawan at mag-aral ng mabuti. Sa kapwa, dapat akong maging magalang at tumulong. Sa lahat ng nilikhang may buhay, dapat akong maging responsable at hindi manakit o manira. Four. Ano-ano ang mga kilos na iyong isa sa buhay sa araw-araw bilang nilikha na
23:22 may dignidad? Magbigay ng tatlo. Tatlong kilos na isa sa buhay ko araw-araw. Una, pagiging magalang sa lahat. Pangalawa, pagtulong sa nangangailangan. Pangatlo, pag-aaral ng mabuti at pagsunod sa tama. Five. Paano mo ba mailalapat ang mga sariling kilos ng pagkilala sa sarili bilang nilikha na may dignidad? Ipaliwanag. Sagot. Mailalapat ko ito sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti araw-araw. Pagreseto sa sarili at sa iba, at pag-iwas sa masamang gawain. Six. Ano kaya ang maaaring mangyari kung
24:07 kikilalanin at igagalang ng bawat tao ang kaniyang sarili at kapwa bilang nilikhang may dignidad? Ipaliwanag. Kung igagalang ng bawat tao ang dignidad ng isa't isa, magkakaroon ng kapayapaan, pagkakaunawaan at mas maayos na pamumuhay ang lahat. Rubric ng pagmamarka. Gawaing pantahanan o takdang aralin. Gumawa ng sulat para sa sarili tungkol sa mga sumusunod na tanong bilang gabay. Una, ano ang iyong pakiramdam ngayong alam mo na ikaw ay nilikhang bukod tangi at may dignidad? Pangalawa, ano ang mga gagawin mong kilos na magpapakita ng
24:54 paggalang mo sa iyong sarili at sa iyong kapwa? Pangatlo, ano ang nais mong maabot sa pagsasabuhay ng mga nabanggit na kilos? Sulat para sa aking sarili. Halimbawa, mahal kong sarili. Masaya ako dahil nalaman ko na ako ay nilikhang bukod tangi at may dignidad. Ibig sabihin, mahalaga ako at may halaga. Ipapakita ko ang paggalang sa aking sarili at kapwa sa pagiging magalang, matapat at mabait sa araw-araw. Iiwas din ako sa paggawa ng masama at sisikaping gumawa ng tama sa lahat ng oras. Nais kong maging mabuting tao na may respeto sa sarili at sa iba at
25:42 makapagbigay ng magandang halimbawa sa kapwa. Lubos na gumagalang. Ako teacher Aika.