Full transcript of “Ang Buhay ng Isang Bayani Documentary”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.
0:19 Pagpapasok sa isip natin, kapag babanggit ang bangalang Jose Rizal, ang matapang na nobelista ng Noli Metangere na gumising sa kamalayan ng mga Filipino, ang bananing binaril sa Luneta, ang makata na nagsabing, ang taong di marunong magbahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isla. Pero sino ba talaga si Jose Rizal? Anong uri ng Filipinas ang kanya kinagisnan? Anong mga ideya at prinsipyo ang kanyang isinabuhay at ipinaglaban? Ano ang kanyang tunay na pagkatao? Ano po ngayong lingkod, Juni Gamboa?
1:06 Samahan po ninyo ako sa susunod na oras. Hanapin natin ang puso at kaluluwa ng dakilang Filipino sa loob ng ribulto sa Luneta. Hanapin natin ang ngiti sa matigas na mukhang nakaukit sa pisong bariya. Sa pamamagitan ng pagpunghay sa mga orinal na sulat, retrato, at iba pang piraso ng alaala, subukan natin kilalani ng isang Pilipinong nagnangalang Jose Rizal.
2:27 natin hanggang ngayon ng isang kwadernong may pamagat na Memorias de un Estudiantes de Manila. Labimbiton taong gulang si Rizal nang tipunin niya ang kanyang mga alaala mula kapanganakan hanggang sa una niyang pag-ibig sa kwadernong ito. Nagkubli siya sa pangalang P. Jacinto para manatiling privado ang kanyang buhay. Pero sa dulo ng dokumento, matatagpuan din ng kanyang pirma. Heto ang sariling salaysay ni Jose Rizal. Isinilang ako sa Kalamba noong Hunyo a 19, 1861, sa
3:16 pagitan ng alas 11 at alas 12 ng gabi. Araw noon ng Merkulis, At ang aking pagsilang sa daigdig na ito ng luha ay muntik nang ikasawi ng aking ina kung hindi niya naipangako sa mahal na birhen ng antipolo na dadalhin ako sa kanyang simbahan. Si Teodora Alonso ang ina ni Rizal, ngunit mas kilala siya noon bilang lolay. Hindi ordinaryo ang aking ina. Mahilig siya sa literatura at mas mahusay magsalita ng Espanyol kaysa sa akin. Siya ay isang matematika. Ang kanyang ama, dating kinatawan sa Cortes, ang una niyang guro. Bukod sa pag-aasikaso sa labing isang anak, pinamahalaan ni
4:05 Doña Lola yung isang tindahan sa silong ng kanilang bahay at iba pang maliliit na negosyo. Dahil sa kanyang malakas na personalidad at pagsisikap, malaki ang nagawa ni Doña Lola yung isang matematika sa masigasig na paghuhubog ng pagkatao ng kanyang mga anak at ng kanilang pag-ibig sa karunungan. Tinuruan niya silang bumasa at sumulat. Sinanay sila sa pagdarasal at pagtulong sa gawaing bahay at kabuhayan. Dahil dito, lubhang malapit si Rizal sa kanya. Kung di dahil sa kanya, ano kaya ang kinasapitan ng aking pag-aaral at kapalaran? Talagang ang inaang lahat sa isang tao pagkatapos ng Diyos. Bagamat tahimik
4:53 lamang ang ama ni Rizal na si Francisco Mercado o Kikoy, sensitibo siya at malapit sa kanyang mga anak. Mahigit apat na pung taon na siya nang isilang si Jose Rizal. Ang aking ama na huwaran ng mga ama ay nagbigay ng edukasyong na aayon sa aming bahagyang kakayanan sa buhay. Sa pagsisikap ay nakapagpatayo siya ng bahay na bato at nakapagpundar ng isa pa. Parehong tagabinyang ang mga magulang ni Rizal, ngunit lumipat sila sa kalamba at nangupahan sa lupang pag-aari ng mga praleng dominiko. Sa bahay kubong tulad nito, madalas maglaro ang isang batang kung tawagin nila ay Mui. Ayon sa kanyang mga kapatid, tahimik na bata si
5:38 Rizal. Bagaman madaling mahalata sa panlalaki ng kanyang mga mata kung siya'y natutuwa o nabibighani sa isang bagay. Mahilig siyang magpinta ng mga hayop, ibon at bulaklak, gamit-gabit ang atsuwete, uling at iba pang katas ng halaman bilang pintura. Mahilig din siyang humubog ng figurin at busto ng mga tanyag na taong nababasa niya sa kanilang mahigit isang libong mga aklat. Matapos kumain at magdasal ng rosaryo, dumada ko kami sa asotea o sa alinmang bintanang katatanawan ng buwan. At magkukwento ang aking yaya tungkol sa mga nakalibing na kayamanan at kalansay, mga aswang, mga nuno, mga punong namumunga ng
6:25 diamante, mga taong nakatira sa buwan. Matamis ang oras sa dahan ng iyon, kaya maunawaan ang lungkot na nadamang risal nang sa napakamurang gulang na siyam na taon ay nalayo siya sa kanyang pamilya upang mag-aral sa binyabi. Inihatid ako ng aking kapatid na si Pasyano isang araw ng linggo. Siyam na taon pa lamang ako pero natutunan ko ng magpigil ng luha. Ipinakilala ko ni Yor Pasyano sa aking maestro na siya ring nagturo sa kanya noon. Sa pamamagitan ni Maestro Justignano Cruz, namulat si Rizal sa isang paraan ng pagtuturo na usong-uso nung panahon iyon. Ayoko ng bilangin ang mga palong natanggap ko.
7:13 Lagi akong nangunguna sa klase pero sa kabila ng aking reputasyon bilang mabait na bata, bihira ang araw na hindi ako nakatatanggap ng tatlo hanggang anim na palo. Pabagya lamang ang sakit na nadama ni Rizal kung ihahambing sa mga sumunod na pagyayari na nag-iwan ng malalalim na sugat sa kanyang alaala. Sinubukan ni Doña Lola inapagbatiin ng kanyang kapatid na si Jose Alberto at ang pabalagay. asawa nito na bukod sa nakikiapid ay iniwan pa ang kanilang mga anak. Ikinagalit ng babae ang pakikialam ni Doña Lola at binaratangan siyang kasabwat ni Alberto sa tangkang lasunin siya. Sa tulong ng tenyente ng Gwardiya Civil na
8:01 kaibigan man din ng Pamilya Mercado, inaresto si Doña Lola sa kanilang bahay. Malupit ang naging pagtrato ng alkalde na inilarawan ni Rizal bilang isang panatikong tuta ng mga praylo. Pinilit niyang umamin si Doña Lola ay kapalit ng pangakong agad siyang pawawalan. Pero tumagal ng darawat kalahating taon ang pagkabilanggo ng inani Rizal. Hindi ko mailarawan ang dinanas naming pagtaramdam at kalungkutan. Mula nooy nawala na ako ng tiwala sa pakikipagkaibigan. Siyam kaming magkakapatid. At kami pinagkaitan ng ina ng mga taong itinuring naming kaibigan at tinratong mga bisita. Ganoon na lamang ang lungkot na pinasa ni
8:48 Rizal nang ihatid siya ni Pasiano sa Ateneo Municipal sa Maynila na nakatirik noon sa Intramuros. At dito'y naranasan ng probinsyanong taga-kalamba ang tagumpay, pait at pag-ibig sa buhay ng isang estudyanteng Maynila. 11 taong gulang pa namang si Rizal nang siya'y magpatala sa tineo. Nung una'y diskumpyado pa ang mga pare na tanggapin siya. Dahil bukod sa alangang panahon siya nagpatala, sadyang napakaliit at napakatamlay ni Rizal. Kaya
9:38 taliwas sa inaakala ng marami, hindi agad nakapagpakitang gila si Rizal bilang estudyante. Nuihirap siyang magsalita ng Kastila, isang probinsyanong malayo sa kanyang bayan. Napakaliit kung ikukumpara sa mga kaklase niyang Espanyol at mestizo at malumbay dahil sa kapalarang sinapit ng ina. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pagsisimba. Mangyari, sa aking pangungulila ay wala kong nalalamang sukat pagbalingan, kundi ang Diyos. Naging masugid din siya sa pagbasa ng mga nobela at akdang pangkasaysayan. Minsay, nagawa niyang linlangin ang ama Nabilhan siya ng istorya universal sa pasubaling kailangan ito sa klase.
10:27 Napalaya na si Doña Tiodora nang magtapos si Rizal ng kursong sekundarya at bumalik sa Ateneo upang magkolehyo. Nang panahon ito'y umusbong ang talino niya sa pag-aaral. Tuwing semestre, nakakapag-uwi siya ng mga premyo. Sa ilalim ng matyagang pamamatnubay ng profesor niyang si Rizal, Padre Francisco de Paula Sanchez. Pinatalas ni Rizal ang kanyang pagkatha sa wikang Espanyol. Nakapagsulat siya ng ilang tula at nagsali ng dulang banyaga na itinanghal sa gabi ng kanyang pagtatapos sa kolehyo. Nang tanggapin ni Rizal ang kanyang diplomang bachelier and artist at limang medalya sa gulang na labing lima,
11:14 sa halip ng matuway, lubha siyang nalungkot. Paalam. Magandang panahon di ko malilimot. Sa karimlan ng aking buhay, ikaw ang sandaling bukang liwayway na hindi na muling babati. Paalam, maliligayang oras ng aking naglahong kamusmusan. Nang bumalik si Rizal sa kalamba, umasa si Doña Lola'y natutulungan na lamang niya si Pasciano sa bukid. Ayaw na sana akong pag-aralim pa ng aking ina. Anya, sapat na ang aking nalalaman At kapag nadagdagan pa ito'y mapupugutan ako ng ulo. Pero nanghinayan si Dong Kikoy sa talino ng kanyang anak, kaya pinag-aral ito ng filosofiya sa Universidad ng Santo
12:00 Tomas. Kumuha din si Rizal ng kurso sa land surveying o agrimansura sa Ateneo upang mapagbigyan ng kanyang ina. Pagkaraan ng isang taon, nagpasya si Rizal na mag-aral na lamang ng medisina matapos mga tuklasang nabubulag na ang kanyang ina. Nooy nakilala ni Rizal ang kanyang unang pag-ibig. Isang kolehialang kasamahan sa dormitoryo ng kapatid niyang si Olimpia. Isang binibining nagngangalang Segunda Katigpak. Siya'y may kababaan ng bahagya. May mga matang kung minsan ay makislap at nangungusap, kung minsan na may malamlam at malungkot. May
12:50 mga pisnging mamula-mula, may isang ngiting nakakagayuma at nakakaakit. Habang kausap siya, wari unti-unti kong nilalago ang napakatamis na lason ng pag-ibig. Ang mga sulyap niya ay bumabaon na parang palaso sa kaibutura ng aking puso. Naudlot ang suyuan, nang pauwiin si segunda ng kanyang ina upang alagaan ng sanggol na kapatid. Ilang mga dalagita ang pinagka-interesan o naging interesado kay Rizal bago niya natuklasan ang palibig sa kaanak niyang si Leonor Rivera. Habang nagbakasyon sa kalamba, naganap ang isa pang pangalipusta na yumanig sa pagkataon ni Rizal. Isang
13:39 gabi, habang naglalakad pa uwi, nakaligtaan niyang saluduhan ng isang tenyente ng Gwagya Sibil. Tatlong hagupit ang tinanggap niya. Inilapit niya ang kaso sa Malacanang, ngunit hindi siya pinansin. Pero ang mga hagupit na ito ay simula lamang ng iba pang latay na tatanggapin ni Rizal upang mamulat sa paaping dinaranas ng mga Filipino sa ilalim ng book pag nalipunan at pamahalaan. Subali si Rizal sa isang timpala ng panitikat, nanalo ng unang gantimpala ang lahok niyang El Consejo de los Dioses. Nang pumanhik siya sa entablado at
14:28 nakita ng mga manunood na isang Pilipino, na isang Indio ang nanalo, walang pumalakpak. Kayang paman, hindi na sila ng loob si Rizal. Pagtanto niya na hindi kikilalanin at hindi sasapat ang kanyang pag-aaral sa Santa, upang makapanggamot. Nabuo ang kanyang pasya na mag-aaral sa Espanya. Tinanggap ni Rizal ang hikayat ng mga kaibigan, maging nang tiyo niyang si Antonio Rivera, ama ni Leonor. Pero walang kapantay ang ibinigay na suporta ng kapatid ni Rizal na si Pasiano. Masinop niyang binalak ang pag-aaral ni Rizal
15:13 at ipinamana ang pangarap na laansana sa kanya. Isang pangarap na ipinagpalit sa obligasyon ng panganay lalakay na pangasiwaan ng kabuhayan ng pamilya. Inilihim nila sa pamilya ang mga balag. Ginising ako ni Senyor Pasiano ng alas 5 ng umaga upang maghanda para sa paglalakbay. Pupungas-pungas pa akong bumangon at nag-ayos ng aking dadalhin. Binigyan ako ni Senyor Pasiano
16:00 ng 365 piso. Gising na ang aking mga magulang pero tulog pa ang aking ibang kapatid. Nilagok ko ang isang tasang kape. Malungkot akong tinignan ang aking kapatid. Walang kaalam-alam ang aking mga magulang. Nang maisip ko na iiwan ko ang aking pamilya, bumalong ang luha sa aking mga mata. Warhi malulunod ako. Ay, kay laki nitong sakripisyo pa sa isang kabutihang ni hindi mo matanganan. Nagtungo si Rizal sa Maynila. Matapos humingi ng mga sulat ng rekomendasyon kay Pedro Paterno at sa
16:46 mga paring Jesuita, Naglayag siya patungong Europa noong ikalawa ng Mayo sa edad na dalawampung taong gulang. Kumuha ako ng lapis at iginuhit sa papel ang baybayin ng Maynila. Nanghihinaman ang aking mga kamay tulad ng aking puso. At tuloy ako sa pagguhig. Unti-unti ring naglaho ang lumbay ni Rizal. Pinalitan ng pagkamangha sa pagtuklas ng bagong buhay at daigdig sa kabila ng mga alon. Iniwan sa atin ang kasaysayan ang napakaraming larawan ng mga tao't tanawin, mga sulat sa magulang at kaibigan, at mga alaala tungkol sa kanyang mga paglalakbay na masinop niyang sinulat sa mga papel at kwaderno.
17:35 Ito halimbawa ang kanyang opinion sa vapoor na djem na, Kumikinang ang lahat, mahangin, malinis ang mga kwarto. Nababalutan ang alpombra ang lahat ng sahig. Malinis ang inidoro, eksselente ang mga banyo. At nang dumako siya sa Aden, may nagtitinda ng malalaking itlog at balat ng leon at tigre. Uminom kami ng limunada. Kumamit ang servidor ng pako para biyakin ang yelo. Kinamay ito sa baso bago ihain sa amin. Nakita rin niya ang bantog na Suez Canal, ang villas ng Sicily at Naples, ang kastilyo sa tuktok ng buldog. Dumaong si Rizal sa Marseille,
18:22 France at mularo ay sumakay ng tren patungong Barcelona, Spain, kung saan siya na malaki ng ilang buwan upang palipasin ang bakasyong pang tag-araw ng mga universidad. Unang araw pa lamang, nawala na ng amor si Rizal sa inang Espanya. Pumasok ako sa pinakapangit na dako ng lunsod. at na malagi sa fondang nakasiksik sa isang makipot na eskinita. Ang mga tao'y walang pakihalam sa isa't isa. Tumatagos ang lamig hanggang buto. May panahon na nagsisiputok ang alipunga sa aming mga katawan. Habang nagpapalipas ng oras bago magbukas ang mga unibersidad, tinupad ni Rizal ang pangako sa ilang kaibigan na magsulat ng mga artikulo para sa
19:12 Diyaryong Tagalog ang unang pahayagan na nakasulat sa Tagalog at Kastila na pinamamahalaan ni Marcelo del Pilar sa Pilipinas. Patuloy din ang pakikipagsulatan sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Mahal kong kapatid, nang matanggap namin ang telegrama na nagbabalita ang nakaalis ka na, malungkot ang ating mga magulang, lalo na si tatay. Siya ay naging balisa, ayaw bumangon sa kama, umiiyak sa gabi. Pinapapunta niya ako sa Maynila upang alamin kung paano mo nagawang umalis upang mag-aaral. Sinabi ko sa kanya na tinustusan ito ng ilan mong kaibigan pero nang mapansin kong balisa pa rin siya at nanganib magkasakit, pinagtapat ko sa
19:58 kanya ang lahat sa pasubali na siya at siya lamang ang makakaalam niyon. Pumuti na ang matanda at ngayon ay nakukuha ng tumawa. Ang iyong nagmamahal na kapatid, Pashano. Iniibig kong kapatid, Nasabi sa akin na gusto mo raw marinig ang wikang Tagalog upang hindi mo malimot ang iyong pinagmulan at kami na iyong mga kapatid. Doon binabasa ko ang iyong mga liham, hindi ko mapigil ang pagluha, lalo na yung singlat mo bago ka umalis at sinabi mong dumaan ka dito upang magpaalam ngunit natutulog pa ako. At sinasabi ni mama na kuunti lamang dala mong sa lapi kaya lagi kong iniisip kung paano ka nakakaraos. Gawa nito,
20:44 Padadalan kita ng diamanting singsing at isuulat mo sa akin kung kanino ko ito maaring ipadala. Ang iyong nagmamahal na kapatid, Neneng. Umabuting kay Rizal ang balita na ipinagdamdam ni Leonor ang kanyang paglisan. Hindi na sila nakapagpaalam sa isa't isa at iniulat ng isang kaibigan ni Rizal na malaki ang ipinayat ni Leonor dahil sa pag-aalala at nagbabalak itong kulayan ng itim ang lahat ng kanyang damit. Mula sa Barcelona ay lumipat si Rizal sa Madrid at magkasabay na nagpatala sa Kolehyo ng Medesina at Kolehyo ng Pelosopiya at Letras. Nakuha rin niyang ipagpatuloy ang hilig sa pagpipinta, pagsusulat at pag-aaral ng mga wikang
21:32 Europeo. Tinipid ni Rizal ang sarili sa maraming bagay, maliban sa libro, tiket sa teatro at kaunting paglilibang. Madrid, Ikatatlumpunang Disyembre, 1882. Senyora Maria, natanggap ko ang maikli, ngunit malaman mong liham. Maniniwala ka ba na hindi pa ako naliligo mula noong Agosto at hindi ako pinagpapawisan? Ganyan dito, napakalamig at napakamahal ng paliligo. Trentay-sinko sentimos ang bawat isa. ang nagmamahal mong kapatid, Jose. Totooong hindi Madrid ang
22:19 sentro ng karunungan sa Europa. Madalas i-reklamo ni Rizal ang gawin ng mga estudyante doon na natutulog hanggang tanghali. Kung gabi naman ay dumadalaw sa bahay ng mga kalapating mababa ang lipad. Pero mahirap ding sisihin ang mga kabataang mula Pilipinas. Sa unang pagkakataon, Malaya sila mula sa kanilang magulang sa isang napakalayong lugar kung saan mura ang aliw. Nakasama ni Rizal ang mga Filipinong intelektwal tulad ni Draciano Lopez Jaina, isang dating estudyante ng medisina na unti-unting kinikilala sa kanyang pagsusulat at pagtatalumpati. At si Gregorio Sansianko may akda ng El Progreso de
23:07 Filipinas. Sumapi siya sa Sirculo Espano-Filipino, isang samahan ng mga Filipino at Espanyol na nagtitipon sa isang bahay upang pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa Pilipinas at maglabas ng isang tayagan o revista. Bukod sa mahusay na kongbersasyon, malaki ang motibasyon sa pagpuntaroon ni Consuelo Ortega ang dalagang anak ng may-ari ng bahay. Niligawan siya ni Rizal. At bagaman inakala ng dalaga na napakasaya niyang kausap, ang pinili niya ay si Eduardo de Ete, isang Kastilang ipinanganak sa Pilipinas na magmula nito'y naging lihim ng kaaway ni Rizal. Namatay ang sirkulo dahil sa
23:55 kakulangan ng pondo at paglaganap ng politikal na kulay na ikinailang ng matatandang Kastila. Di man nila napansin. Tumatalab na ang mga liberal na ideya sa kamalayan ng mga Filipinong intelektwal. Isang proseso ng pagbubukas ng isip sa pagkakaiba ng buhay sa konserbatibong Pilipinas at Espanya kung saan napakaliberal ng pagpapalitan ng mga ideya. Bunga din ito ng mga ideyang naapulot mula sa mga klase sa filosofiya na nagpapahalaga sa katuwiran. sa halip na relisyon at bulag na pananampalataya. Bunga rin ito ng pagpapalitan ng kuro-kuro sa paggitan ng pag-inom ng kape
24:43 o patapos manood ng mga dula sa teatro. Sa makatuwid, naging napakanatural ng pagpasok ng politika sa usapan. Halos hindi ito namalayan. Makikita ang pagsibol ng kamalayang politikal sa isang talumpating binigkas ni Rizal bilang parangal sa pagkapanalo nina Juan Luna at Felix Resurrection Hidalgo sa isang timpalak sa pagpinta. Sinaluna at Hidalgo ay karangalan hindi lamang ng Pilipinas, kundi ng Espanya. Totoo sila isinilang sa Pilipinas, ngunit maaring
25:29 isilang sila kahit saan. Sapagkat ang talino ay walang kinikilalang bayan, ito'y umusbong kahit saan tulad ng liwanag ng karunungan. Puminom tayo para sa kalusugan ng ating mga dakilang artistang Luna at Hidalgo. Puminom tayo para sa kalusugan ng kabataang Pilipino, ang banal na pag-asa ng lupang tinubuan. Nawaypamarisa nila ang dalawang artistang ito at nang ibigay na ng Madre Espanya na masikaso at maingat sa ikabubuti ng kanyang mga probinsya ang mga reformang matagal nang binabalang para sa Pilipinas. Hindi inakala ni Rizal na mamasamain sa Pilipinas ang isang talumpating pinapurihan ng mga liberal na tao at pahayagan sa Espanya.
26:20 Mahal kong kapatid, may karamdaman ng nanay. Hindi siya makakain at makatulog, matamlay at hindi makabangon. Ikaw ang dahilan nito. Kumalat dito ang balita tungkol sa talumpating ibinigay mo para sa dalawang pintor. At may nakapagsabi na hindi ka na makaka-uwi dahil dito na napakarami mo ng kaaway. Ang iyong kapatid, Pasyano. Naging mahirap ang kabuhayan sa kalamba nang bumagsak ang presyo ng asukal sa pamilihan. Dahil dito, lubhang nahuli ang pagpapadala ng salapi kay Rizal. Nagpresinta naman siya na umuwi na lamang sa Pilipinas. Yaman din lamang at nakuha na niya ang lisensyado sa medisina at hindi kakailanganin mag-aral ang doktorado dahil hindi naman niya balak magturo
27:07 ng medisina. Napagkasunduan ang pamilya na huwag pa uwiin si Rizal at sundin ang mongkahi na magsanay muna siya sa obtalmolohiya sa isang klinika sa Paris. Mga limampu hanggang isandaan ang pasyente sa klinika ni Dr. De Wecker. Maraming duling ang naitutuwid ang mata. Kahapon, inaoperahan namin ang isang kusinera na mas dulingpake na Emilio at Mariano. Dalawang minuto lamang na ayos na. Madalas siyang maging panauhin ng pamilyang Pardo de Tavera, mga biyanan ni Juan Luna. Sakalit kapusin ako ng salapi, nagpresinta si Luna na pautangin muna ako dahil mayroon pa
27:54 raw siyang naitatabi. Dahil isang pintor, Kung minsan ay pobre siya at kung minsan na may parang milyonaryo. Ginantihan naman ni Rizal ng pagkakaibigan ang kabutihan ni Luna. Naging modelo siya sa iba't ibang larawan ng pintor. Napagpasyahan ni Jose na magtungo sumandali sa Heidelberg, Germany upang magsanay pang lalo sa klinika ni Otto Becker. Pinagbuti rin niya ang pagsasalita at pagsulat ng wikang alimang. Ngunit sa dyang may lungkot na matatagpuan sa malalaking gusali at nagnyenyebeng mga daan. Kaya laging pinanadabikan ni Rizal ang init ng pagtingin ng kanyang pamilya.
28:41 Kahit kapu sa salapi, pinagsisikapan niyang bigyan ng Aguinaldo ang kanyang mga pamangkin. Isinalin niya at ginawa ng dibuho ang mga kwentong pambata ni Hans Christian Andersen. Madalas din niyang ipagtampo ang katamaran ng kanyang mag-anak sa pagsulat. Mga mahal kong magulang at kapatid, napunuko ang apat na pahina kahit walang sinasabi. Na nagpapakita lamang na pwedeng sumulat ang isang tao kahit wala naman siyang malaking ibabalita. Sa panahong ito, nagsimula sa pamamagitan ng isang sulat ang matalik na pagkakaibigan ni na Jose Rizal at Ferdinand
29:27 Blumentritt, isang Austrian scholar. Prof. Ferdinand Blumentritt, Nang mabalitaan ko po na pinag-aaralan ninyo ang aming wika, at sa katunay ay nakapagpalimbagnan ng ilang akda tungkol dito, minabuti kong padalhan kayo ng isang aklat na sinulat ng isa sa aking mga kababayan, Gumagalang Jose Rizal. Agad na sinagot ni Blumentritt ang sulat, Pinakilala ni Blumentritt si Rizal sa mga kilalang eskolar ng Europa, mga higante ng karunungan at siyensya. Bagamat sa simulay, siyensya at Filipiniana ang nagbuklod sa kanila. Sa pagtagal ng panahon, si Blumentritt ay naging ama-amahan, tagapayo,
30:15 tagapagtanggol at tagahanga, ang tunay na kabyak ng kanyang kaluluwa. Kasama ng sulat na ito ang isang larawang iginuhit ko sa lapis upang makilala ninyo ako sa istasyon. Masakit sa amin ang matagal mong hindi pagsulat. May sakit ka ba o may masamang ng yaki sa iyo? Ngayong bisperas ng bakong taon, ang pamilya ko'y iinom ng punch para sa iyong kalusukang. Tinuno ako ng kaligayahan nang matanggap ko ang sulat mo. Sa labis,
31:00 nakasabikan matagal akong hindi nakakain. Salamat sa Diyos at magaling ka na. Lumamig na ang sabaw sa pagkatulala ko nang mabasa ko ang dalawang sulat. Busog na busog ang puso ko. Naisip ko, Anong kabutihan ang nagawa ko upang maging karapat dapat sa pagkakaibigan ng tulad ninyong busilak ang puso? Sa panahong ito'y tinatapos na ni Rizal ang Noli Metangere. Pero nahirapan siyang maghanap ng pondok upang ipalimbag ito sa mga imprenta ng Berlin. Hindi pa na bebenta ang asukal sa kamalig ng mga Rizal at mahirap ang buhay ng pamilya. Sa
31:45 kabutihan palad, nagpunta roon si Maximo Fiola. isang kaibigang nakilala niya sa Barcelona. Agad na humanga si Viola kay Rizal dahil sa talino nito at dedikasyon sa mga gawain. Dinala niya si Rizal sa isang espesyalistang doktor na nagsabing nagkasakit ito dahil sa labis na pagtitipid sa pagkain. Inabunohan din ni Viola ang buong halaga ng pagpapalimbag ng noly metangere kahit na naungunay ayaw pumayag ni Rizal. Prof. Ferdinand Blumentry, kasama nito ang isang libro, ang kauna-unahan at matapang na libro tungkol sa buhay ng mga Tagalog. Makikita dito ng mga Pilipino ang kasaysayan ng
32:33 nakaraang sampung taon. Marahil ay tutulig sa inito ng gobyerno at ng mga praile. Pero nananalig ako sa Diyos ng katotohanan at sa mga taong nakakakita ng aming tunay na kalagayan. Nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas, sa kabila ng pagpigil ng lahat. Anyay, sinong maniniwala sa intensyon ng kanyang nobela kung hindi siya uuwi sa kanyang bayan upang magsilping halimbawa? Sasabihin nila na malakas lamang ang loob niyang magsulat dahil napakalayo niya sa panganib.
33:26 Pagbalik si Rizal sa Pilipinas, hindi pa gaano'ng napag-uusapan ang Noli Metangere. Bukod sa kakaunti ang kopyang nakapasok sa bansa, kasalukuyang pa lamang itong sinusuri ng mga prayli. Naging mainit ang pagtanggap kay Rizal ng mga karaniwang tao. Matapos kumalat ang balita tungkol sa kanyang husay sa panggagamot. Maraming bata ali at matatanda ang sumusunod saan man siya magpunta. Pero makaraan ng tatlo linggo, nagkatotoo ang hinala ni Rizal. Pinatawag siya ng Gobernador-Heneral sa Malacanang dahil sa reklamo ng mga praile tungkol sa nobela.
34:16 Inilipat ng Gobernador sa Komisyon ng Sensura ang pagpapasya sa nobela at nagtalaga ng isang militar kay Rizal. na di umano'y nangangalaga sa kanyang kaligtasan, ngunit sa katotohan ay isang bantay. Sinundan ni Taviel de Andrade si Rizal saan man siya magpunta. Nagkasundo silang dalawa dahil siya ay edukado at liberal. Tinulungan pa siya ni Taviel na pabulaanan ang mga mapanirang anas-anasang kinakalat ng mga prayde. Espiraw ako ng mga aliman. Protestante, mason, mangkukulam. Pinagbabawalan ako ng aking ama na lumabas ng mag-isa o makikain sa bahay ng iba. Natatakot at nangangatal
35:04 ang matanda para sa akin." Hindi rin siya pinayagan ni Don Kikoy na pumunta sa dagupan upang makita si Leonor. At gayon din naman ang ama ni Leonor sa kanya. Nang imungkahin ang sensura na pigilin ang pamumudmod ng Nolime Tanghere, pinagkaisahan ng mga praile na pilitin ang gobernador na gumawa ng marahas na hakbang tulad ng pagpapakulong kay Rizal. Pinayuhan siya ng general at ng mga mahal sa buhay na umalis na lamang upang matahimik na ang lahat. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas. Tumigil muna siya sa Hong Kong, Macau at pagkatapos ay sa Japan. Kakaunti lang ang magnanakaw sa Japon.
35:50 Sinasabi na laging nakabukas ang kanilang mga bahay, Gawa lamang sa papel ang kanilang mga dingding, at sa mga otel ay maaari kang mag-iwan ng salabi sa mesa ng walang panganib. Kaunti lamang ang mga pulubi. Walang nag-aaway sa daan. Malinis ang mga bahay. Nahumaling si Rizal sa Japan at maging sa isang Hapones ang pinangalan ng Oseisan. Walang naiwang salaysay tukol sa kanilang pagniniig maliban sa ilang pangungusap sa kanyang mga tala. Walang sino mang babae ang nagmahal sa akin tulad mo. Hindi magmamaliw sa aking alaala ang iyong larawan. Ang pangalan mo ay mananatili sa
36:37 aking labi sa bawat buntong ininga. Taglay mo ang lahat ng kulay ng kamelyas, ang kanyang kasariwaan, Sayonara. Sayonara. Pagkatapos ay sa Amerika naman naglakbay si Rizal mula California hanggang New York. Dinalaw ko ang pinakamalalaking siyudad ng Amerika. Ang kanilang naglalakihang gusali, mga ilaw na dekoryente. Walang duda na dakilang bansa ang Amerika. Bagamat marami pa rin itong depekto. Walang tunay na kalayaan ng mga tao. Sa ilang estado, hindi pwedeng mag-asawa ang isang
37:27 negro at isang puti. Sa Inglatera, susunod na malagi si Jose. Sa tulong ng isang sulat mula kay Blumentritt, nakilala niya doon si Dr. Reinhold Rost, na mabilis din niyang naging mabuting kaibigan. Bukod sa palagi ang pag-iimbita sa kanya sa bahay upang magtsaa, kasama ng kanyang pamilya, tinulungan siya nitong makakuha ng permisong gumamit ng aklatan ng British Museum. Doon natagpuan ni Rizal ang isang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas na sinulat ni Antonio Morga, isang tagapayo ng gobernador-heneral na namalagi sa Pilipinas ng sampung taon.
38:14 Para kay Rizal, Mainam na dokumento ang libro ni Morga upang pabulaanan ang paratang ng mga Espanyol na walang sibilisasyon sa Pilipinas bago sakupin ng Espanya. Kaya sa halip na sumulat ng sarili niyang kasaysayan ng Pilipinas, ipinasya ni Rizal na muling ilimbag ang akda ni Morga kasama ang kanyang mga tala. Tsaga niyang kinopia ang buong dokumento. Pagkatapos ay ikinumpara ang datos nito, sa iba pang dokumento tungkol sa Pilipinas. Nang di tumupad ang kababayan niyang si Antonio Maria Regidor sa pangakong ipalilimbagang aklat, nagtungo si Rizal sa Paris upang makamura sa palimbagan. Panahon din ito na maging aktibo si Rizal
39:02 sa La Solidaridad, ang pahayagang propagandistang inilalabas ng mga Filipino sa Espanya. Nagsulat siya sa paanyaya ni Graciano Lopez Jaina, ang una nitong editor, at kahuntahan niya nung nasa Espanya. Karaniwang tema ng mga artikulo ni Rizal ang pagtatanggol sa kultura at pagkatao ng Filipino laban sa panghahamak ng mga peryodistang Espanyol. Hindi tamad ang mga Filipino. Tingnan nyo na lamang kung paano mamuhay ang mga Europeyong nagpaparatang nito sa kanila. Napapaligiran sila ng mga alila na tagatanggal ng sapatos at tagapaypay. Ang tao ay hindi hayop, hindi makina. Ang mithiin niya sa
39:50 buhay ay hindi ang gumawa para sa ibang tao, kundi tuklasin ang kanyang kaligayahan at ikauunlad bilang nilalang. Nagsulat din siya tungkol sa mga karapatan na dapat sana'y tinatamasa ng mga Filipino bilang lehitimong mamamayan ng Espanya na nagbabayad ng buwis at nagbibigay serbisyo. Isa rito ang sikat na liham sa mga babae ng malolos na pinapurihan niya sa kanilang pakikipaglaban upang bigyan ng pagkakataong makapag-aral ng wikang Espanyol. Mahirap na hindi humanga sa kasipaga ni Rizal bilang eskolar at sa katapatan niya sa direksyong itinakda niya para sa kanyang
40:36 sarili. Lalo na kung iisipin na sa buong panahong ito'y Ginigipit siya ng mga problema sa salapi at ng patuloy na pagpapahirap sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas, Pungan ng kanyang mga akda, at ng patuloy na suportang ibinigay nila ni Paciano sa paghahain ng kaso laban sa mga priling nagmamayari ng Hacienda de Calamba, na dati kapanalig ng pamilyang merkado. Ayon sa sulat ng bayaw niyang si Silvestre Ubaldo, Senyor Jose Rizal, Kasalukuyan, labing tatlo o anum na pung sakada ang nakademanda sa Korte ng Hukom Tagapamayapa. Sakaling matalo,
41:23 palalayasin sila. At ipagigiba ang lahat, ang kamalig, ang asokalera, at lahat ng nakatirik sa lupa. Ilang ulit ding ipinatapon sa tagbilaran ang bayaw niyang si Manuel Hidalgo, asawa ni Saturnina. Dinampot siya habang nagnonoche buena ang pamilya. At nang umabot ang kaso sa Sokdulan, pinalayas ang mga magsasaka ng kalamba kasama ang pamilya Grisal. Aking mahal na kapatid, napakasakit ng naganap na pagpapalayas. Ang otoridad, naroon silang lahat upang kamkamin lahat ng pag-aari ng mga pinalayas. Mga tatlong daang pamilyang inagawa ng kanilang lupa, bahay, hayo, aninang asukal at bigas.
42:11 Wala kaming magawa. Nagkalat ang mga gwardiya sabihan. Ginugulo ang lahat. Pati mga batang labing dalawang taon ay pinabibili nila ng sedula. Ang iyong nagmamahal na kapatid na Resisa. Ipinatapon si Paciano kasama ng kanyang mga bayaw sa Mindoro. Nang mamatay ang bayaw niyang si Mariano Erbosa, pinagkaitan nito ng kristyanong libing. Maging ang kanyang munting pamangkin na namatay sa sakit ay balak ding pagkaitan ng libing. Matagal na ibinurol ang bagkay ng bata habang hinihintay ang sagot ng arsobispo. Hindi mapanatag si Rizal, lalo na totoong malaki ang kinalama niya sa
43:00 protesta ng kalamba at sa pagkatha ng nobela. Tumapila na ang kapatid ko sa Korte Suprema at kailangan kong pumunta sa Espanya upang bantayan yun o bumalik sa Pilipinas upang masubaybayan ang mga pangyayari. Nanaisin ko pang mamatay para sa aking mga kababayan kaysa mabuhay dito ng maghinawa. Pero pinigil siya ng kanyang mga kamaganak at kaibiligan. Ano pa bang magagawa niya sa Pilipinas kundi dagdagan ng kanilang pasakit? Ang mga bagay na ito ang gumugulo sa isip ni Rizal nang mamalagi siya sa Espanya. Kaya hindi katakataka na hindi niya gaanong natanganan ang mga sumunod na pangyayari. Nagkaroon ng kaunting
43:48 intriga sa pagitan ni Rizal at del Pilar tungkol sa organisasyon at pamamalakad ng gawain ng mga Filipino sa Madrid. Sinasabi na nagsimula lamang ito sa palagiang pagpapayo ni Rizal tungkol sa pamamalakad ni Del Pilar ng La Solidaridad. Bukod pa rito ang madalas niyang panunuligsa sa pagpapabaya at pambababaing ng mga Filipino. Walang mali siya ang mga payong ito ni Rizal. Siya ang tinitingalang pasimuno ng mga makabayang manunulat at hinirang na pinunong pandangal ng La Solidaridad. Gayunman, nang bumalik siya sa Espanya matapos ang mahabang panahon, marami siyang ideya at
44:37 pangarap para sa mga Filipino roon na inakala niyang hindi siya mahihirapan na ipatupad ang mga ito. Hindi niya naisip na posibleng naliligaw siya sa teritoryo ni Delpila na kinikilala din ng lahat kasama na ni Rizal bilang pangunahing tagapagsulong ng lahat ng gawaing politikal ng mga Filipino sa Madrid mula nang umalis si Rizal. Ayong si Rizal, sinamantala ng kampo ni Del Pilar, lalo na ng dati niyang karibal na si Eduardo de Ullete, ang isang eleksyon para sa pagkapinuno ng mga Filipino sa Espanya upang hihain siya. Inakala ni Rizal na formalidad lamang ang eleksyon.
45:25 Pero ilang ulit na hindi sumapat ang botong nakuha ni Rizal sa napagkasundo ang mayorya. Bagamat nanalo din siya pagkatapos ng ilampang botohan, labi siyang nasaktan. Ginawa man ni Del Pilar ang lahat upang aluin si Rizal. Lubha itong pinarsyonal ni Rizal na lubhang nasugatan sa mga pangyayari. Pero mayroon akong isang kahinaan. Marunong akong magpatawad, pero hirap akong makalimot. Kaya kung naaalala kong ikaw noon ang aking tagapagtanggol, hindi ko rin malimot na ikaw ang unang taong ginamit nila upang patalsikin ako. Hindi pa man humuhupa ang kanyang puot, nakatanggap siya ng isang sulat mula
46:12 kay Leonor Rivera na taglay ang kamandag ng isa na namang kasawian. Wala na ang sulat na ito, pero nalalabi pa ang salaysay niya kay Blumentritt. Ang aking kasintahan na nanatiling tapat sa akin ng higit sa labing isang taon ay magpapakasal na sa isang Ingles. Isang ingenyero sa tren. Nang marinig ko ang balita, hinakala kong mababaliw ako, pero nakalipas na yun. Huwag mong pagtakhan na ipinagpalit niya ako sa isang Ingles na nagngangalang Kipping. Ang mga Ingles ay malaya, ako'y hindi. Tinawaglit na sa kasaysayan ang mga sulat ni Narizal.
47:10 Natuklasan lamang ni Leonor ang lahat ng malapit na siyang ikasal kay Kiping. Hindi niya inurong ang kasal, pero nagbigay ng ilang kondisyon. Dapat niyang makatabi ang kanyang ina sa simbahan. Hindi na siya kakanta habang buhay. At habang panahon, hindi pa tutugtugin ang kanilang piano. Tapos na marahil ang bagyo. Sisikat na ang araw. Dahil ang lahat. Ang lahat-lahat ay naglahuna. Nawala na ang lahat sa amin. Nawala na ang lahat sa akin. At wala nang maaaring mawalap.
47:59 Siguro na may bubuti na ang mga bagay. Ganun nga ang nadaman niya nang magtungo siya sa Biarritz, isang maayang bayan sa France, malapit sa dagat. Binayayaan siya ng panahon upang aluhin ng sarili. Upang ayusin ang kanyang ikalawang nobela. Upang umibig ng muli. Umibig siya kay Nelly Busted. na sinusuyo ng kababayan niyang si Antonio Luna. Tinanong kita ng maraming beses kung may pagtingin ka kay Nelly, at sinabi mong wala. Hinikahit mo pa nga akong ligawan siya. Noong lumaon ay natanggap din ni Luna ang mga bagay-bagay, bagamat minsan nang malasing siya, ay muntik na silang magduwelo ni Rizal.
48:48 Nang lumaay nagkabati rin ang dalawa, at ipinaubaya ni Luna kay Rizal, Pero hindi maaaring magpakasal si Rizal. Nakasangla ang puso niya sa kanyang mga dawain. Marami sanang dalaga na sanay nakapagbigay liwanag sa aking buhay kahit isang araw man lamang. Subalit wala. Wala. Tulad ako ng mga biyahero na dumadaan sa lugar na hitik sa bulaklak. Nilalampasan nila ito sa kaiisip. na may hinahanap silang kung ano na hindi nila mawari. Subalit paglaon, ang natatagpuan nila ay pawang disyerto at pagsisisi. Nagtungo si Rizal sa
49:36 Belgium upang ipalimbag ang kanyang pangalawang nobela. Pero tulad ng dati, kinapo siya ng pondo. Naisanla ko na lahat ng alahas ko, tumitira ko sa isang maliit na silid, kumakain sa isang dukhang restoran para lamang maipalimbag ang aking libro. Kung hindi lamang ako naniniwala na may natitira pang mabubuting Pilipino, iibigin ko pang lamunin ang Diablo ang lahat. Kay raming nangako na magbibigay ng salapi para sa libro. Ano ba ang akala nila sa akin? Kung kailan pa kinakailangan ang isang tao na matahimik ang kanyang diwa at isip, ay sakapan nila lilinlangin at aabahin. Manakanakay na iisip ko tuloy na sunugin ang aking sinusulat at ako'y lilisan upang makapaghanap buhay
50:23 para sa aking sarili. Pero tulad din ng dati, may kaibigan siyang Valentin Ventura na nagpaluwal ng salapi para sa nobela. Ang isa pa niyang kaibigan si Jose Baza ang nagpautang ng pamasahe patungong Hong Kong. Dito'y muling nakatagpo ni Rizal ang kanyang pamilya. Kamabalitan ang mga Espanyol na pabalik na si Rizal sa Asia. Minabuti nilang
51:08 ilibat si Paciano at ang kanyang mga bayaw sa kulo. Sa kabutihang palad, nakatakas sila at nakapuslit patungong Hong Kong kasama si Don Kikoy. Sumunod na pinag-initan ang kawawang si Doña Lola. Dinakip siya sa balighong paratang ng hindi paggamit ng tamang apelido. Mula sa Maynila, pinaglakad siya ng apat na araw hanggang Santa Cruz, Laguna. Isipin mo na lamang ang isang matandang babae na 64 anyos, umaakit ng bundok at naglalakad sa kalye. Naawa ang Gobernador Silio, pinawala ng matanda, at pagkaraay
51:56 pinahintulutang pumunta sa Hong Kong. At sa isang maamong panahon ng biyaya, muling nagkasama ang mag-anak na Rizal upang salubungin ang bagong taon. Nagbukas si Rizal ng klinika, ang mga kapatid niyang babae ang namamahala ng mga gawaing bahay. Masaya ang kanyang mga magulang, lalo na si Dong Kikoy, na laging nakatanaw sa mga bapor sa dagat. Maligayang-maligaya na sana ang pamilya. Pero hindi mapalagay si Jose sa kapayapaan. Gayong alam niyang napakaraming dapat gawin. Sinulat niya, inilimbag, at ipinadala sa Maynila ang konstitusyon ng isang samahang tinawag niyang
52:43 Liga Filipina, na naglalayong himukin ang mga Filipino na magtulong-tulong upang gumawa ng mga kinakailangang pagpabago sa bayan. Nagpunta din siya sa Sandakan, North Borneo, na ngayoy Saba, sa pagnanasang magtayo ng bayan-bayanang malilipatan ang mga Filipinong ipinatapon mula sa kalamba. Inihirap niya ang planong ito sa bagong gobernador General Des Pujol kasama ng paghingi ng pahintulot na bumalik upang ayusin ang ilang personal na bagay. Pinahintulutan siyang bumalik, pero walang ibinigay na garantiya sa kanyang kalayaan. Ano't anuman, Isa itong bagay na matagal na niyang napaghandaan. Mga mahal kong magulang at
53:31 kapatid, maligaya kong isusugal ang aking buhay upang iligtas ang napakaraming inusenteng tao. Mga giliw kong pamangkin, mga anak ng mga kaibigan na nagdurusa dahil sa akin. Sino ba naman ako? Isang tao lamang, walang mag-anak, At nakita niya ang liwanag na yon, pagkaman panandalian
54:20 at puspos ng kalungkutan nang ipatapon siya sa malayong bayan ng dapitan, na nasa probinsya ngayon ng Sambuanga del Norte. Tumira si Rizal kasama ng kumandanteng militar at ng kanyang may bahay na kapwa niyang nakagaangan ng loob. Tumaya sila sa loteriyan ng magkabakas at nang manalo sila'y pinaghatian ng premyo. Dahil dito'y nakabili si Rizal ng lupain sa dalampasiga ng talisay sa halagang labing walong piso. Noong unay, isang kubo lamang ang kanyang itinirik. Do'y nagpapalipas siya ng umagat maghapon, nagbabasa, nagsusulat, at pagkadaki, magbabalik na sa tahanan ng kumandante. Noong tumagal ay nagtayo siya ng klinika
55:07 na bukas sa mayaman at mahirap at nagtatag ng maliit na eskwelahan. Dito'y Europeo ang estilo ng pag-aaral. Itinuturo kasama ng wikang Espanyol ang Ingles, palakasan at mga kakayanan sa paghahanap buhay. Hindi siya pinabayaan ni na Blumentritt sampunang mga kaibigan itong iskola sa Europa. Lagi siyang nakakatanggap at sumusulat ng liham sa ibat-ibang wika tungkol sa ibat-ibang bagay. Nariyang iulat niya ang bagong species ng palaka at insekto na ipinangala naman ng mga Europeo sa kanya. Nariyang magpalitan sila ng kuro-kuro ni Blumentritt tungkol sa wikan Tagalog. Dumating din ang panahon na pinayagang tumira kasama niya
55:55 ang kanyang ina at ilang kapatid na babae. Gayon man, hindi maikakaila na inagaw si Rizal sa nakagawian niyang buhay at ang tahanang natagpuan niya rito ay walang iba kundi isang magandang hawla. Sa isang malungkot na tulang alay sa kanyang ina, isinulat niya ang kanyang damdamin. Naibsan ang pangungulila
56:48 ni Jose nang dumating si Josephine Bracken. Sinamahan ni Josephine sa klinika ang kanyang nabubulag na ama-amahang si Mr. Taufer. Nahulog ang loob nila sa isa't isa at sinasabi na sa dalampasigan ipigtapat ni Rizal ang nilalaman ng kanyang puso. Josefina, Josefina, naparito ka sa dalampasigan. Nagahanap ng pugad, ng tahanan tulad ng ligaw na ibon ng karagatan. Sakaling dalhin ka ng iyong kapalaran sa Japon, China o Shanghai man, huwag sanang mawaglit sa iyong isipan ang puso kong tumitibok na
57:36 ikaw ang dahilan. Bagamat tumutol si Mr. Taufer sa takot na mawawalan siya ng tagapag-alakad, Nagawali ni Josephine na dispatsahin ito sa Maynila at bumalik sa dapitan upang mamuhay kasama ng kanyang mangingibig na tinawag niyang Joe. Pinagkaitan sila ng kasal hanggat hindi formal na nagbabalik loob si Rizal sa simbahang katoliko. Mahal kong ina, mabait siya, masunurin. Naglalabas siya, nananahe, nagluluto. Pinaliliguan at nilalaro ang kanyang mga pamangkin. Walang Pilipinang makahihigit sa pag-aalagang ginagawa niya sa akin.
58:24 Kasal lamang ang kulang sa amin. Pero ikaw na rin ang nagsabi noon, nanay, na mas mabuti pa ang mga nagsasama sa grasya ng may kapal kaysa sa mga kasal na nagkakasalang mortal. Kawin man ni Rizal ang lahat ng paliwanag. ikinahiya ng ilang miyembro ng kanyang pamilya ang kanilang sasama. Ayon kay Josephine, kuminsa'y pinagduduldu lang pa ito sa kanyang mukha sa harap ng kanilang mga pamangkin. Gayunman, tiniis niya ang lahat ng pasaring. Pero sadyang mahirap takasan ang mga kamay ng kasaysayan. Tinanggihan man ni Rizal ang plano ng mga katipunero na
59:11 itakas siya't gawing haligi ng himagsikan. Hindi maikakaila na malaki ang nagawa ng kanyang mga sinulat, ginawa at sinabi sa kamalaya ng mga taong nagpasyang makibaka. Ang dahil ay matagal na niyang itinakwil ang politika matapos ng kapahiyaan sa Madrid. Ang pagkaudlot ng lahat ng kanyang plano upang bumangon muli sa sandakan. At ang naunsyaming pagpapalaganap sa Liga Filipina. Pinili niya ang kapayapaan. Ang buhay na sa wakas ay tahimik. Ang buhay na sa unang pagkakataon ay kanyang-kanya. Sinunod niya ang
59:58 payo ni Blumentrip na mag-voluntaryo bilang manggagamot sa Cuba sa angalan ng Espanya upang mawakasan ang kanyang pagkakatapon at kalaunay makabalik sa kalayaan ng Europa. Pinilisan namin ang dapitan na malagi ako sa distrito ng yon ng apat na taon, labintatlong araw at ilan pang oras. Malayo na siya sa Pilipinas nang maibaba ang pasya na pabalikin siya sa Pilipinas upang humarap sa korte sa paratang na rebelyon at pagbubuo ng mga iligal na samahan. Ipiniit siya sa Fort Santiago noong mga unang araw ng Nobyembre. Niliti siya noong
1:00:44 ikadalawamput-anim ng Desyempre. Pagkaraan ng tatlong araw, pinasa sa kanya ang hatol ng kamatayan. Mga mahal kong magulang at kapatid, gusto ko kayong makapiling bago ako mamatay. Pumunta rito ang mga malalakasang loob. May mahalaga akong bilin. Ang inyong anak, at kapatid na taus-pusong umiibig sa inyo, Jose. Pinakaunang dumalaw ang kanyang ina. Humingi si Rizal ng tawad para sa lahat ng paghihirap na idinulot niya sa pamilya at hiniling na kunin ito ang
1:01:31 kanyang bangkay. Gusto siyang yakapin ng kanyang ina Ngunit pinaghiwalay sila ng mga gwardiya sibil. Sumunod na dumalaw ang kanyang mga kapatid na babae at mga pamangkin. Isa-isa niyang ipinamigay ang kanyang mga nalalabing gamit. Ipinagbili niya kay Trining ang isang lamparang inihandog sa kanya ng mga pardo de tavera. There is something inside. Ibinulong ni Rizal sa Ingles upang di maunawaan ang mga gwardiya. Doon niya isiniksik ang kanyang huling tulang.
1:02:18 Sinulatan niya ang mga mahal sa buhay na hindi nakapagpaalam. Ang kanyang matalik na kaibigan na nagdadalamhati sa Europa. Kapag natanggap mo ang liham na ito'y pumanaw na ako. Paalam, pinakamatalik. Pinakamamahal kong kaibigan. May iniwan akong libro para sa'yo bilang alaalam mo sa akin. Gayon din ang amang hindi pinahintulot ang dumalaw. Ipagpatawad ninyo ang sakit na siya kong isinukli sa inyong mga pagsisikap upang mabigyan ako ng edukasyon. Paalam Tatay.
1:03:05 At ang butihing kapatid na malayo na noon sa larangan ng tigma? Apat at kalahating taon na tayong hindi nagkikita at nagkakausap. Pero hindi naman natin kailangan ng mga salita upang maunawaan ang isa't isa, hindi ba? Masakit para sakin na isiping iiwang kitang nag-iisa upang pasanin ang ating pamilya. Naiisip ko ang iyong mga sakripisyo mabigyan lamang ako ng kinabukasan. Alam kong nagtiisip ka ng napakaraming hirap ng dahil sa akin. Patawarin mo sana ako ang iyong kapatid, Jose.