Full transcript of “Ang Heograpiyang Pisikal ng Timog Silangang Asya Week 1 FIRST TERM Revised K-10 #AP7 #trimester”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.
0:01 Ang geografiyang pisikal ng timog silangang Asya. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa timog silangang Asya na may estratehikong lokasyon. Ito ay nagsisilbing lagusan o crus na daan sa pagitan ng silangan at kandlorang kalakalan. Gayon din sa pagitan ng Pacific Ocean at iba pang bansa sa rehiyon. Tinawag na nanyang ng mga chino at nanyo ng mga Japones ang rehiyon na parehas nangangahulugang South Seas. Kilala naman ito ng mga taga Timog Asya bilang Suanapum na ang kahulugan ay land of gold. Ang timog silangang Asya ay matatagpuan sa timog ng mainland China. silangan ng
0:48 timog Asia at Bay of Bengal, Kanluran ng Oceania at Pacific Ocean at hilagang kanluran ng Australia. Ang timog silangangang Asya ay nakalatag sa tropics na nasa gitna ng globo sa pagitan ng tropic of cancer sa 23° 26 minutes and 7 seconds latitude ng hilagang hating daigdig at tropic of Capricorn sa 23° 26 minutes at 20.7 seconds latitude ng timoghating daigdig maliban sa pinakahilagang bahagi ng Myanmar na nakalagpas sa hilaga ng tropic of cancer. Ang kabuuang lupain ng timogsilangang Asya ay nakalatag sa tagpuan ng tatlong pangunahing continental plates ng
1:34 Eurasian, Indo-Australian at Pacific Plates. Ito ang dahilan kung bakit ang rehiyon ay kabilang sa zona ng Pacific Ring at Circum Seismic Belt. At dahil dito ang rehiyon ay katatagpuan ng maraming fault o lamat sa lupa at folding o pagtiklop pataas ng lupain na nagiging sanihi ng pagkakaroon ng mataas na lupain o bundok at pagputok ng mga bulkan sa rehiyon. Halimbawa ng fault ay ang Philippine Fault Zone na may habang 1,200 km na binabagtas ang kabuuang kapuluan ng Pilipinas. Ito ay nagmumula sa hilagang kanluran ng Luzon patungo sa tim silangan ng Mindanao. Ang timog silangang Asya ay may habang
2:20 6,437,376 na km mula sa hilagang Kanluran hanggang sa timog silang ang bahagi nito. Sinasaklaw nito ang may 13 million km squ na lupain at dagat kung saan ang sukat na 4.49 49 million km s ay lupa. Ito ay binubuo ng mga hangganang pulitikal na lumikha ng iba't ibang hugis at sukat. Ang hangganang politikal na ito ay nalikha ayon sa likas na katangian pagkakatulad ng mga katutubong pangkat naaangking lupain at kasunduang pulitikal. Ang timog silangang Asya ay rehiyon ng mga tangway, kulo, kapuluan, aplaya,
3:07 loo, makipot na loo at golpo. Ang kaisa-isang landlock na bansa sa rehiyon ay ang law na nahahangganan ng China, Vietnam at Thailand. Ang timog silangang Asya ay binubuo ng dalawang magkaibang bahagi. Ang mainland na timog silangang Asya at Insular na timog silangang Asya. Ang West Philippines Sea ang nagsisilbing hangganan sa pagitan ng dalawang rehiyon. Ang mainland na timog silangang Asya. Ito ay binubuo ng mga bansang Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Ang mga bansang Cambodia, Laus at
3:53 Vietnam ay matatagpuan sa silangang bahagi ng rehiyon at kilala rin sa tawag na Indo-Chinese Peninsula o Indochina. Ang Malay Peninsula ay matatag po ang nakalatag ng may 144,841 km mula sa ulo ng Gulf of Thailand hanggang sa Singapore. At dahil dito, ang Malay, Peninsula ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng rehiyong mainland at Insular. Hinahati ang malay pinula ng pinakamakitid na bahagi nito, ang Eastm of Crack. Matatagpuan sa mainland timog silangang Asya ang limang mahahalagang ilog. Ang Meekong River ang pinakamahabang ilog sa rehiyon na nagsisilbing
4:40 hangganan sa pagitan ng Lao at Thailand at patuloy na umaagos papasok ng Cambodia hanggang sa Vietnam kung saan matatagpuan ang malaking delta sa tabi ng lungsod ng Hachimin. Ang Red River naman ay umaagos mula sa China papasok sa Hanoy hanggang sa Red River Delta ng Gulf of Tonkin. Ang Irawadi River naman ay dumadaloy sa kahabaan ng Myanmar na nagpapasagana sa pusod ng pangunahing sakahan ng bansa. Ang Salwin River ay dumadaloy din sa kahabaan ng Myanmar na nagpapataba sa mga lupaing sakahan ng bansa. Ang Chupo Praya River na matatagpuan sa Thailand ay nakalikha ng mga sangang ilog sa mga lupaing pinaninirahan ng
5:26 higit na nakakaraming populasyon ng bansa. Karaniwan ang hanay ng mga bundok mula sa hilaga patungo sa timog ng rehiyon na napaghihiwalay lamang ng ilang pangunahing ilog at lambak ilog. Bagam't maraming hanay na mga bundok, matatag at mapayapa ang mga bulkan sa rehiyon maliban sa mga manakan-anakang lindol sa hilagang bahagi nito. Ang hanay ng bundok sa rehiyon ay nagmumula sa Tibetan Plateau patungo sa kanlurang bahagi ng Myanmar na bumubuo sa Patkay range, Naga Hills, CH Hills at mga bundok ng Arraacan. Ang isa pa sa pangunahing hanay ng bundok sa rehiyon ay nagmumula naman sa silangan ng Myanmar patungong hilagang
6:12 kanluran ng Thailand na umabot hanggang sa timog ng Ismus of Cra sa Malay Peninsula. Matatagpuan naman ang hanay ng bundok ng Anamis Cordillera sa kanluran ng Lao at Vietnam. Matatagpuan din sa bahaging ito ang mga talampas na inaabot lamang ng 5 hanggang 2,000 talampakan. Halimbawa nito ang Sehan Plateau sa silangan ng Myanmar at Corat Plateau sa silangan ng Thailand at Candlorang Law. Ang kalawakang kapatagan at lambak ng rehiyong mainland ay matatagpuan sa katimugang bahagi nito. Ang pinakamalawak na kapatagan ng rehiyon ay ang ibabang meong basin na nakasaklaw sa kalakhang Cambodia at katimugan ng Vietnam.
6:58 Ang meekong basin sa Cambodia ay mataas lang ng kaunti mula sa level ng ibabaw dagat na naliligiran ng mga bulubundukin. Dito matatagpuan ang Tondless sap na kilalang pinakamalaking lawa sa timog silangang Asya. Ang insular na timog silangang Asya ay kinabibilangan naman ng mga bansang Brunei Darusalem, Indonesia, Pilipinas, Timor Leste, Malaysia at Singapore. Ang mga bansang ito ay nalikha sa tagpuang hangganan ng tatlong tectonic plates o malalaking tipak ng lupain ng daigdig sa rehiyon. Ang galaw ng mga tectonic plate na ito ang dahilan ng pagkakaroon ng maraming
7:43 pulo at lawa, mahahabang hanay at matataas na bundok sa rehiyon. Ito rin ang sanhi kung bakit madalas na nakakaranas ng paglindol at pagputok ng mga bulkan sa rehiyon. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagputok ng Mount Pinatubo noong 1991. Gayun din ang manakanakang pagputok ng Mount Mayon at Mount Taal sa Pilipinas. Ang lindol na may magnitude 9 na naganap noong 2004 sa Sumatra, Indonesia na naging sanhi ng malawakang sakuna na umabot hanggang sa rehiyon ng Indian Ocean. Ang rehiyong insular ay saklaw ng Sunda shelf. Ang Sunda shelf ang karugtong ng Continental Shelf patungong timog silangan mula sa Gulf of Thailand
8:30 hanggang sa Java Sea. Ang kalagitnaan ng mga pulsa rehiyon ay katatagpuan ng matataas na lupain na pinagmumulan ng mga ilog na umaagos patawid sa mga kapatagan. Ang mababaw na katubigan ng Sunda Shelf ay mahalagang daanang pangkala-kala ng mga taong naninirahan sa mga pulo. Ang Indonesia na binubuo ng tinatayang pulo ay kinikilalang pinakamalaking kapuluan sa daigdig. Ito ay matatagpuan sa Pacific Rim at nagtataglay ng 150 aktibong bulkan kasama ang Krakataa. Ang pagputok nito noong 1883 ay naging sanhi ng kabuuang pagkasira ng bulkan na lumikha ng ilang maliliit na pulo.
9:18 Naging sanhi rin ito ng tsunami na umabot hanggang baybayin ng Timog Africa. At ang dami ng abo at gas na inilabas nito sa atmosfera ay naging sanhi ng pansamantalang paglamig ng klima sa daigdig. Kung kaya't ang sumunod na taon ng 1884 ay kinilala bilang taong walang tag-init. Matatagpuan naman sa timog silang ang bahagi ng rehiyon ang kapuluan ng Pilipinas. Ayon sa National Mapping and Resource Information Authority, ang Pilipinas ay binubuo ng tinatayang 7,6 at 41 pulo sa kasalukuyan at matatagpuan sa pagitan ng West Philippines Sea at Pacific Ocean. Ito ay lumitaw sa pagitan ng dalawang bloke ng Oceanic crust sa hangganan ng
10:04 Euratian at Pacific Plates. At bunsod ng lokasyong ito ang Pilipinas ay katatagpuan ng tinatayang 3 bulkan. 24 sa mga ito ay aktibo. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Sismology, ang mga bulkan ng Mayon, Pinatubo, Taal, Hibok-hibok, Bulusan at Kanlaon ang ilan sa mga aktibong bulkan sa bansa sa kasalukuyan. Ang tinatayang 300 km² na sukat ng Pilipinas na may kabuoang baybayin na 36,289 km ay nahahati sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo. Ang Luzon na pinakamahalagang bahagi ng bansa, ang
10:49 pangkat ng mga pulo ng Visayas at ang Mindanao na matatagpuan sa katimugan ng bansa. Matatagpuan din sa rehiyong insular ang Sunda Islands. Ang Sunda Islands ay tumutukoy sa pangkat ng mga pulo sa kapuluang malay na nahahati sa apat na bansa. Brunei, Timor Leste, Indonesia at Malaysia. Ito ay nauuri sa Greater Sunda Islands na binubuo ng Sumatra, Java at Lebes na bahagi ng Indonesia at Borneo na bahagi ng Brunei, Indonesia at Malaysia. Samantala, ang Leser Sunda Islands ay binubuo naman ng Bali, Lombok, Sumbawa,
11:35 Sumba Flores at Alor na bahagi ng Indonesia at Timor Leste. Ang Timor Leste ay matatagpuan sa pinakatimog na gilid ng Indonesia. Ang bansang ito na tinatayang may sukat na 32,000 km s ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng Australia at Asia. Dahil nasa hangganan ng continental plate, ito ay mabundok at nagtataglay lamang ng 8 por ng lupaing maaaring taniman. Kaiba sa Timor Leste, ang Brunei Darusalem na matatagpuan sa hilagang baybayin ng Borneo ay halos binubuo ng Kapatagan na may mga bundok sa silangan. Ito ay katatagpuan din ng makikitid na
12:21 baybaying kapatagan. Ang klima sa tim silangang Asya. Ang kalakhang timog silangang Asya ay nakapaloob sa zona ng klimang tropikal maliban sa pinakahilagang bahagi ng Myanmar na nakalagpas sa hilaga ng tropic of cancer na nakakaranas ng mainit at mahalumigmig na tag-init at malamig na taglamig na klima. Samantalang ang kabuuang rehiyon na nakalatag sa klimang tropikal ay nakararanas ng panahon ng tag-init. at tag-ulan. Ito ay nasasaklawan din ng msonal na sistema ng panahon kung saan ang hangin ay nag-iiba-iba ng direksyon kada anim na buwan na nagiging sanhi na maaaring matinding pag-ulan o matinding init ng
13:08 panahon. Ang panahon ng tag-ulan sa rehiyon ay nararanasan mula sa buwan ng Mayo hanggang Oktobre o Novyembre. Samantalang ang tag-init naman ay nararanasan mula Disyembre hanggang Abril. Ang vegetation cover ng timog silangang Asya. May tuwirang ugnayan ang klima at topograpya sa vegetation cover ng rehiyon. Ang madalas na pag-ulan at mainit na klima sa rehiyon ay nagbunga ng marami at kakaibang mga uri ng vegetation cover na napangingibabawan ng mga punong lumikha na mahahalagang kagubatan. Ang vegetation cover sa timogsilangang Asya ay nauuuri sa dalawang pangkat. Ang tropical Evergreen sa mga kapatagang
13:55 lupain malapit sa Ecuador at Tropical Desiduous o kagubatang monson sa mga lupaing nakakaranas ng panapanahong tagtuyo. Ang kagubatang tropical Evergreen ay kakikitaan ng magkakaibang taas at uri ng puno at halamang kabilang sa uring defterocarpasy. Ang ganitong uri ng kagubatan ay karaniwan sa bansang Cambodia, katimugan ng Vietnam, Thailand at Pilipinas. Sa Pilipinas, ang ganitong uri ng mga puno ang kilalang pinagmumulan ng mga kahoy na apitong, bagtikan, lawan, tangili, giho at yakal. Ang kagubatang desiduwos naman ay karaniwang matatagpuan sa silangang
14:41 Indonesia, Myanmar, Thailand at Lao. Kung saan ang dami ng ulan ay hindi lumalagpas sa 80 pulgada kada taon. Karaniwan sa ganitong uri ng kagubatan ang mga punong tik. Ang punong tik ay kapansin-pansing matatagpuan din sa Pilipinas. Ito ay punong endemic na sa Pilipinas na pinagmumulan ng kahoy na Molave. Bukod sa dalawang uri ng kagubatang nabanggit, matatagpuan din ang mga mangrove belt o palumpon ng bakawan na karaniwan sa mga baybaying puok ng mga bansa sa rehiyon. Sa tinatayang uri na mangrove sa daigdig na tumutubo sa tubig alat ay ipinagmamalaki ng Pilipinas ang
15:26 pagkakaroon ng 46 na uri nito. Matatagpuan din sa timog silangang Asya ang tinatawag na kagubatang Upland na karaniwang katatagpuan ng mga punong Maple, Oak at Magnolia na matatagpuan sa mga gilid ng hanay na mga bundok sa rehiyong mainland. Dahil sa pagkakaiba-iba ng topograpia pati ng mga vegetation cover sa timog silangang Asya ay nagkakaiba rin ang uri ng pamumuhay at kabuhayan ng mga tao rito. Ang mga epekto ng katangi pisikal ng timog silang ang asya sa pamumuhay ng tao. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng iba't ibang uri ng topograpya, klima at
16:11 vegetation cover sa pamumuhay at kabuhayan ng mga tao sa rehiyon. Ang mga ilog ay sentro ng buhay ng milyong tao sa rehiyon. Ito ay nagkakaloob ng pagkain, tubig tabang, masaganang taniman, transportasyon, libangan at iba pa. Ang mga lunas at tubig sa luran ng mga ilog na ito ay nagkakaloob din ng masasaganang sakahan at produktibong pangisdaan na nakapagsu-supply ng 80% prang pangangailangan ng mga tao sa rehiyon. Samantala, ang mga lupaing sakahan sa rehiyon ay nagsisilbing tirahan ng maraming tao. Sa mga puok na ito, sinasaka ang maraming uri ng binhi ng palay at iba pang produktong pagkain na
16:57 sumusuporta sa lumalaking populasyon ng mga bansa sa rehiyon. Karaniwan ang pagsasaka sa wet rice paddies tulad sa Pilipinas. Ito ay naging sanhi ng pirmihang paninirahan na siyang nakabubuo ng pagsasama-sama ng mga magsasaka sa isang higit na maunlad na pamayanan. At dahil dito ay nalilinang isang pagkakakailanlilang uri ng buhay at tradisyon. Malaki rin ang kinalaman ng klima sa naging uri ng pamumuhay ng mga tao sa rehiyon. Palay ang pangunahing pananim sa rehiyon dahil ito ang angkop sa klima ng rehiyon. Pinatutunayan nito ang produksyon ng tanim ay naaayon sa klima ng isang lupain. Gayun pa man, may mga pagkakataon din
17:42 namang nagagawa ng paraan ng mga tao na makawala sa restriksyon o limitasyong maaaring dulot ng klima sa mga pananim sa isang puok. Ang pagdaan ng bagyo sa Pilipinas o saan mang lupain sa timsilangang Asya ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pananim at ari-arian at pagbuwis ng buhay na maraming tao. Sa kabilang dako, ang mga rehiyong maaaring ligtas sa lupit na malalakas na bagyo ay nagdurusan naman dahil sa kawalan ng tubig at ulan. Ang hindi pagdating ng inaasahang pag-ulan sa rehiyon ay maaaring maging sanhi ng nakamay na tagutom at labis na kahirapan tulad ng naganap sa Cambodia. Ang matinding bagyo sa rehiyon ay
18:27 karaniwang dumarating sa buwan ng Agosto hanggang setyembre. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang pinakamatinding bagyo na tumama sa Pilipinas ay ang bagyong Hayan o Yolanda na naganap noong November 2013. Ito ay nagdulot ng pagkasira ng kabahayan, gusali at ari-arian na nagkakahalaga ng Php95.5 bilion at ikinamatay ng humigit kumulang nab tao. Samantala ang pagtaas naman ng temperatura sa tim silangang Asya ay nagiging sanhi ng pagbaba ng kapasidad ng mga magsasaka na magtrabaho sa palayan. Dahil dito ay bumababa ang produksyon at
19:14 supply ng pagkain at ito ang isa sa mga nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang pagputok ng mga aktibong bulkan, paggalaw ng mga fault zone at manakanakang paglindol ay nagdadala ng takot at pangamba sa mga tao sa rehiyon. Ang matinding pagbuga ng mga bulkan ng gas, abo, lava at bato ay nakakasira ng mga panirahan, pananim at imprastraktura. Higit sa lahat, ito ay nakamamatay at nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga taong naninirahan malapit sa mga bulkan. Patunay rito ay ang pagputok ng Mount Pinutubo noong 1991 na naging sanhi ng pagkasira ng bilyong dolyar na ari-arian, pagkamatay ng mahigit 8 da
20:00 mamamayan at pagkasira ng halos 8,000 kabahayan. Ang mga ganitong pangyayari ay nagiging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa na kinakailangang unahin ang pagkakaloob ng agarang tulong sa mga tao. Gayun pa man, ang mga materyal mula sa bulkan ay pinagmumulan ng matabang lupa na sa sandaling malinang ay makakatulong sa pag-produce ng higit na masaganang ani. Ang init na nagmumula sa bulkan ay nagpo-produce ng enerhiyang geothermal o init na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang yamang likas sa timog silangang Asya. Ang timog silangang Asya ay tradisyonal na producer at tagaluwas ng hilaw na materyales na karaniwang yamang likas.
20:46 Dahil sa napapabura ng klima at kondisyong naaayon sa agrikultura, ang kabuuan ng rehiyon ay agrikultural. Ang yamang likas sa rehiyong mainland. Ang malalawak at mahahabang ilog at delta. Gayun din ang klimang monson ay nakatutulong upang patabain at gawing produktibo ang malalawak na lambak at kabatagan ng rehiyon. Dahil dito, ang karamihan sa mga tao ay naninirahan sa mga kapatagang sakahan na mas ginagawa pang sagana ng mga makabagong sistemang pang-irrigasyon. Ang mga pakinabang na nakukuha mula sa Mekong at Ton Lesles sa Cambodia. Ang makitid na baybayin at matabang sakahan
21:32 sa paanan ng bundok ng Anamite ng Vietnam. Ang masaganang kapatagan ng Charaya River sa Thailand. Ang malawak na saklaw ng kapataga ng Nueva Ecija at ng rice Teres sa Banawe ng Pilipinas. Ang matabang lupain sa Java, Indonesia at ang masaganang kapatagan ng lambak Ilog Irawadi ng Myanmar ay mga pawang pinagmumulan ng milyon-milyong toneladang ani ng bigas at iba pang produkto na mahalaga hindi lamang para sa ikabubuhay ng populasyon sa rehiyon kundi ng iba pang bansa sa mundo. Dahil sa mayaman sa kagubatan ay mayaman din ang rehiyon sa mga kahoy na pangkonstruksyon. Ito ang bumubuo sa por ng ekonomiya ng Cambodia. Ganito rin ang kalagayan sa
22:19 Malaysia kung saan ang pinakamahalaga ay ang industriya ng kahoy at ang mga kahoy na pangkonstruksyon ang isa rin sa pinakamahalagang produkto na iniluluwas ng bansang Malaysia. Ang Tamkuyi Forest na matatagpuan sa Vietnam na may sukat na 520 hectares ang pinakamalaking kagubatan sa timsilangang Asya. Bagam't nasa rehiyong insular ay mayaman din ang Pilipinas sa kahoy kung kaya't masigla rin ang industriya ng kahoy sa bansa. Sa Pilipinas nagmumula ang mga kilalang matitibay na kahoy ng Akishia, Falcata, Mahogani at Jimelina Yemane. Ang rehiyon ng karaga ang kinikilalang pangunahing producer ng kahoy sa bansa
23:05 kung kaya't ito ay binansagang timber corridor ng Pilipinas. Masigla rin ang industriya ng goma sa Malaysia, Thailand at Cambodia dahil dito matatagpuan ang malalawak na rubber plantation. Noong 2014 ay tinatayang umuuko pa ang rubber plantation ng 94,282 km s o ng lupain ng rehiyon. Kasama ang Cambodia, Lao, hilagang Kanlurang Vietnam, hilagang silangang Thailand at estadong Shan ng Myanmar. Ang Thailand ay nakapag-produce ng pinakamaraming goma sa buong daigdig noong 2021. Nakatumbas ng 30% ng goma sa buong daigdig. Hindi rin nahuhuli ang mga bansa sa
23:50 rehiyong insular pagdating sa yamang likas. Ayon sa World Conservation Monitoring Center ng United Nations Environment Program, ang Indonesia at Pilipinas ay dalawa sa bansang itinuturing na mega biodiverse sa daigdig. Ibig sabihin ay matatagpuan sa dalawang bansa ang marami at kakaibang uri ng species ng hayop at halaman. Sa Sumatra, Indonesia lamang makikita ang Sumatran Tiger, Sumatran Rhinocerus at Borneo Pigmy Elephant. Sa New Guini at Indonesia lamang matatagpuan ang three Kangaro at matatagpuan naman ang Wall Ace Hawk Eagles sa Brunei, Indonesia, Myanmar, Thailand at Malaysia.
24:37 Samantala ay matatagpuan naman sa Pilipinas ang 70 hanggang 80% ng species ng mga halaman gaya ng luya, begonyas, Gesniads, orchids, Pandan, Palmera at Diptero Cararp na kilalang endemic sa Pilipinas. At sa Pilipinas din lamang matatagpuan ang mga hayop tulad ng Tamarao, Philippine Eagle, Pilandok, Isarog Stripe Shur Rat, Palawan Peacock Peant, Mindora Strip Face Fruit Batayan Wartipig. Bagam't ang karamihan ng kulo sa Pilipinas ay katatagpuan ng maraming uri ng species wala ng hihigit pa sa maipagkakaloob ng Palawan na tinuguriang The Last Frontier ng Pilipinas. Ito ay
25:23 dahil sa libo-libong kilometrong kagubatan at baybayin nito na hindi pa nagagalugad. Mayaman din sa kagubatan ang iba pang bansa sa rehiyong insular. Ang mga kagubatang ito ay matatagpuan sa Borneo ng Malaysia, Singapore, Indonesia, Brunei, Timor Leste at Pilipinas. Karaniwan sa borneo ng Malaysia ang mga kagubatang mangrove, freshwater swamp forest at deptero cararp. Natural na vegetation naman sa Brunei ang Tropical Evergreen Rain Forest na umuuko pa sa 81% ng kabuuang lupain ng bansa. Umaabot naman sa 921,000 na ektarya ang kagubatan ng Timor Leste.
26:12 Ikatlo naman ang Indonesia sa nagtataglay ng pinakamalaki at iba't ibang uri ng kagubatang tropical. Ayon naman sa food and agriculture organization ng United Nations, may 25.7% o 7665,000 na ektarya ng lupain ng Pilipinas ang kagubatan. Ang pinakamalawak na kagubatan sa bansa ay matatagpuan sa Palawan. Mayaman din sa mineral tulad ng natural gas langis nickel boxite coal copper, tin, iron at ginto ang ilang bansa sa rehiyon. Ang Indonesia, Malaysia at Brunei ang pangunahing producer ng mga mineral na ito. Matatagpuan din sa rehiyon ang malalawak
26:59 na plantasyon ng asukal. Ang Negros at Luzon, ang sentro ng taniman at produksyon ng asukal sa Pilipinas. Matutuklasan din sa rehiyon ang mga yamang dagat. Ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia at Timor Leste ay kasama sa Coral Triangle ang tinuguriang Global Center of Marine Biodiversity. Ang bahagi ng katubigan ng mga bansa na umaabot sa Pacific ay nagtataglay ng kulang sa 500 species na lumilikha ng coral reef sa kani-kanilang rehiyon. Sagana rin ang timogsilangang asya sa mga pampalasa tulad ng paminta, luya, bawang at nutmeg na mahalaga sa pagpreserba ng mga pagkain. Malaki rin ang ambag ng mga yamang likas na ito sa
27:46 pag-angat ng ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon. Ang mga ito ay patuloy na inaangkat ng mga europeo hindi lamang bilang mga sangkap ng kanilang pagkain kundi bilang sangkap din ng mga gamot na herbal na pampatibay ng immune system. Ang likas kayang pag-unlad sa timog silangang Asya. Ang pag-iingat sa pinagkukunang yaman ay tumutukoy sa nakaplanong paggamit ng yamang likas sa maayos at tamang paraan. Ang balanseng paggamit at pag-iingat sa yamang likas para sa kinabukasan ay tinatawag na sustainable development o likas kayang pag-unlad. Higit kailan man mahalaga ang pagkakaisa ng bawat mamamayan sa pagharap sa hamon ng mga sulyarining pangkapaligiran.
28:33 Bunsod ng layong maisulong ang kaginhawaan ng malaking bilang ng populasyon ng mga bansa sa rehiyon, hindi maikakailang nakakaapekto ang kalagayang ekoloikal ng rehiyon sa mga mamamayan nito sa kasalukuyan na maaari pang lumala sa darating na panahon. Patunay nito ang sumusunod na suleraning pangkapaligiran na nagsisilbing hamon sa rehiyon. Ang mga suliraning pangkapaligiran sa timogsilangang Asya. Dahil sa geographical na lokasyon ng Timogsilangang Asya, ang mga bansa rito ay nakalantad sa mga hamong pangkapaligiran na pinalalapa ng tumataas na temperaturang global. Ilang halimbawa na mga hamong pangkapaligiran ay ang higit na malalakas at madalas na bagyo, mas
29:20 marahas na tagtuyot at kawalan ng kapanatagan sa pagkain. Sa kasalukuyan, ang timog silangang asya ay nahaharap sa mga sumusunod na hamong pangkapaligiran. Ang pagkaubos ng nanganganib na species. Matatagpuan sa timsilangang Asya ang kalahati ng kagubatang tropikal sa mundo na nagsisilbing imbakan ng carbon at napakaraming biodiversity sa kagubatang ito. Kabilang ang species na hindi matatagpuan sa an bahagi ng mundo. Ang ilan sa mga species na ito na kasalukuyang nanganganib maubos ngayong ikaw siglo ay ang Asian Elephant, Sumatran Tiger, Orangutan at Javan Rinacerus.
30:06 Ang pagkakalbo ng kagubatan. Ayon sa bagong pag-aaral ng Earth org, kalahati na lamang mula sa orihinal na Dami ang natitira sa kagubatan sa kabundukan ng timogsilangang Asya. Tinatayang nasa 189,000 km s ng kagubatang ito ang ginawang taniman sa loob ng nakaraang dalawang dekada. Ayon sa mga eksperto, ito ang pinakamalalang dahilan ng pagkawala ng biodiversity. Bunsod nito ay tinataya na mahigit 40% ng biodiversity ng rehiyon ang maaaring mawala sa kasalukuyang siglo kung patuloy na magaganap ang kasalukuyang pagkalbo sa kagubatan. Ang pagkakalbo ng kagubatan sa kabundukan na pinagmumulan ng mga ilog
30:53 ay maaaring maging sanhi ng paghuho ng lupa at matinding pagbaha sa mga kapatagan ng mga bansang apektado rito. Ang polusyon sa hangin. Pandaigdigan ang suleroning polusyon sa hangin ngunit isa ang timogsilangang asya sa may pinakamalubhang polusyon sa hangin sa daigdig. Kasunod ang silangang Asia at India. Ang ha na kapansin-pansing dumadala sa rehiyon ay nagiging sanhi na malalang pagkakasakit at iba pang alalahaning pangkaligtasan. Ang haze season ay tumutukoy sa rehyal na polusyon ng hangin, sanhi ng deforestation at pagsunog ng mga halaman sa lupaing agrikultural.
31:38 Ang pagkasira ng mga coral refs. Ang timog silangang Asya ay may tinatayang 100,000 ketrong kwadradong coral rips na halos 34% ng kabuuan ng daigdig. Ito ay nagtataglay ng anim naan sa halos 8 coral species na pinakamataas na antas ng marine biodiversity sa daigdig. Ang sobrang pag-asa sa yamang tubig sa rehiyon ay nauwi sa mababang kalagayan ng maraming coral reef lalo na sa mga puok na sentro ng populasyon. Ito ay naganap dahil sa paggamit ng mapanirang paraan ng pangingisda, sobrang pangingisda at polusyon ng katubigan. Nalalagay ngayon sa panganib ang titayang 88% ng coral reef sa rehiyon.
32:26 Ang seguridad sa tubig. Ang daigdig ay masasabing malapit na sa sitwasyong thick water. Nakakabahala din ang higit na mabilis na pagkatunaw ng mga glacier na nagmumula sa Himalayas na nagsu-supply ng tubig sa Mekong bunsod ng global warming. Ayon sa ulat ng UNICEF ay halos 70% na pinagkukunan ng inuming tubig ng 20,000 bahay sa lungsod ng Chaarta sa Indonesia ay kontaminado ng dumi. Sa Asya, nararanasan ang pinakamataas na antas ng urbanisasyon sa buong daigdig. Ito ang dahilan ng paglago ng bilang ng mga Islam o karaniwang tirahan na
33:13 mahihirap sa mga lungsod. Kaugnay ng urbanisasyon ay ang suliranin sa kakapalan ng populasyon na karaniwang nararanasan sa maunlad na lungsod ng isang partikular na bansa. Ang pagdagsa ng tao sa mga lungsod ay nauuwi sa pagsibol ng mga mega city. Dahil sa nakakaranas ng pag-unlad, ang mga mega city ay nakalilikha ng higit na oportunidad para sa mga mamamayan na ang punot dulo ay ang labis na paggamit sa kalikasan. Noong 2002, lima sa mga lungsod sa Asya ang kabilang sa unang s megities ng daigdig. Ang mga lungsod na ito ay lumilikha ng sariling kapaligiran na kung tawagin ay Urban Heat Island.
34:00 Nakapagdudulot ng kakaibang init ang mga aspalto, kongkreto at mga bagay na gawa sa ladrilyo at bato at bakal ng mga daanan at gusali. Ang kakaibang init na ito pati na ang carbon dioxide, carbon monoxide, ozone, sulfur oxide, nitrogen oxide, lead at iba pang kemikal na ibinubuga ng mga gawain ng tao ay may dalang dumi sa hangin at nagpapababa ng kalidad nito na siyang kalimitang sanhi ng pagkakasakit o kamatayan ng mga mamamayan. Ang heograapiyang pisikal ng timog silangang Asya.
34:51 เ