Full transcript of “'Ibinasurang Paraiso,' dokumentaryo ni Kara David (Full Episode) | I-Witness”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.
0:12 Malinaw na tubig, sariwang hangin, luntiang kabundukan, sa loob ng mahabang panahon. [musika] Ganito ang tahanan ng mga katutubong Ata. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. Ang dating paraiso nano
1:05 pang maayos na kalsada paakyat ng sityo tibag subik Zambales. Payak ang pamumuhay rito ng mga katutubo. Malayo sa karangyaan pero malapit sa kalikasan. Maganda pong lugar yon ma'am. Doon po kami nagraransot. Sa totoo lang na buhay ko po ma'am doon po kami nagpapahinga pag nagabihan po kami bago kami aakyat po doon sa kasak po namin. Doon po kami nagraaranso po at doon po kami natutulog. Isang burol sa gitna ng kagubatan ang tinutukoy ni Erlinda. Binaybay namin ang daan patungo sa lugar na ito.
1:53 Sa loob ng mahabang panahon, itong kagubatang ito ang nagsilbing tahanan at kabuhayan ng mga Aita dito sa sityo Tibag, Barangay Naugsol sa Zambales. Marami silang mga itinatanim dito na mga punong kahoy. Dito sila nakakakuha ng iba't ibang pagkain. Pero 7 years ago, pumasok dito yung local government at nagpatayo ng kalsada para sa kanila. Inisip ng mga a maganda itong kalsadang ito. Mas madali nilang maibababa ang kanilang mga kalakal. Pero may iba palang plano ang lokal na pamahalaan kung bakit nila itinayo ang kalsadang ito.
2:41 [musika] Habang naglalakad, napansin ko ang ilang basurang nagkalat sa gilid ng daan. Mula dito medyo may konting amoy na. Hay diyos ko. Oh my gosh. Tsaka marami ng langaw. Malapit na tayo doun sa dulo ng kalsada eh. O na 'yung dulo ng kalsada. At habang lumalapit tayo doun sa dulo ng kalsada, dumadami naman ng dumadami yung basura. Nagiging mas masangsang yung amoy tsaka
3:28 dumadami yung langaw. O na narating na natin yung dulo ng kalsada. >> [musika] [musika] >> Tahimik na naglakad palayo si Erlinda. Mabigat ang kanyang loob. May galit sa kanyang dibdib. Parang nagagalit pong hindi ko po maintindihan ang sarili ko po. Naaawa din po ako sa lugar na bakit ginanito po nila. Masakit po sa damdamin po ma'am.
4:14 Napakasakit po. [musika] Bihira ng pumunta sa lugar na ito si Erlinda. Ang bundok ng masasayang ala-ala noon. Mistulang masangsang na bango. Ngayon may mga taniman po dito. Yun sa ibaba po sa gilid po nitong bundok na ito po ma'am. Itong bundok na ito ma'am parang ganyan po yang bundok na yan nakikita po natin na yan ma'am. Yan po kaganyan po yan. Ito yung bundok na yan. Opo. Yan. Ito lang po ito. Ito lang po. Ganyan ang itsura nati. Opo. Opo. Ganyan. Ganyan po ang itsura nung dati. Yan >> yang kulay berde na yan. >> Opo. Ganyan [musika] po yan. Ito ang ganyan lang po ma. Bangin ito. Bangin po ito. Bangin nong araw po ito. Kung gaano
5:00 po ang pagkabangi niyan, ganyan po ang bangin niyan. Malalim po [musika] 'yan. Ito napapatag na po nila sa kagaganyan po ng buler. Ay oh my god. Oh my gosh. Oh my gosh. Wait lang ha. [sumisinghap] Medyo malambot yung lupa dito sa bahaging ito kasi kung titingnan mo, iisipin mo na patag lang ito na lupa. Pero ang totoo niyan kung nakikita ninyo itong tambak ng basura na ito, itong kinatatayuan ko ay puro ganyan kaya malambot ang lupa sa bahaging ito.
5:45 Oh. Oh my gosh. Ayoko ng dumiretso. Ang sabi sa atin ng mga a itong lugar na to bangin daw ito dati. Pero ngayon halos napatag na yung lupa kasi tinambakan nila ng tinambakan ng tinambakan ng tinambakan ng basura. [musika] Natatandaan pa ng mga katutubo nang unang pumasok sa kanilang bundok ang mga tagapatag dala ang kanilang malalaking truck. Kasi po mayon po meron po kaming bundok ko doon. Nandoon po yung gasakan namin. Opo. Ngayon po sa bawat paglabas po namin galing yung bundok ko nagtataka po kami bakit pinatatag ko 'yun. Ano po sinabi nila? Bakit daw pinapatag ang?
6:32 Yun nga po sabi nga pagagandahin doon. Pagagandahin daw. Tapos po nung nakabilang na po madam ng mga ilang buwan yun na nga pong naayos na nga po 'yun. May umakyat na pong malalaking truck na >> may laman pong basura. Ayon sa mga katutubo, ipinatawag daw sila ni Mayor John Conhon ang alkalde ng Subik Zambales. Nangako raw si Mayor na pansamantala lang ang dump site na ito. Sabi nila gagawin nila nga ng dump site. Sabi ko, "Bakit gagawan ng basura?" Ay, napakakwan naman ng basura. Sabi nila po, "Lalagyan po nila ng yung plastic daw po na maano po. Tapos lalagyan daw po nila ng >> plastic daw. >> Ewan ko po kung anong plastic daw pong ilalagay po nila. At >> saan daw nila ilalagay? >> Doon po sa pagtatapunan daw po ng
7:17 basura. Tapos kada tapon daw po ng basura diyan tabunan daw po ng lupa para hindi daw po magkalat yung basura. >> Ano pang sinabi nila? >> Lalagyan daw po nila ng pader na paano po doon sapa para hindi daw po tatagos yung katas ng basura. Sabi po nila ihiwalay yung mabaho at ihiwalay yung hindi mabaho at ihiwalay yung kung ano-ano po yung syempre yung itinatapon nila lata [musika] mga ano-ano daw po ihihiwalay daw po. Ba ong mga ano parang may mga gasa, mga gos tsaka mga gloves. Halo-halo yung mga basurang makikita
8:04 [musika] dito. At ang sabi sa atin pati raw mga hospital waste, yung lahat daw ng mga basura na naipon nung [musika] pandemya, yung iba dito raw nilagay. So delikado yun kasi including hospital waste dito nilagay. Tinambak nila talaga lahat dito. [musika] Taong 2019 nang itayo ang dumpsite sa Cityo Tibag. Kasagsagan noon ng COVID-19 pandemic at sumobra daw sa dami ang naipong basura. Kanino pong idea yung ilagay po doon sa bundok yung basura? Nung time po kasi naghahanap talaga kami
8:49 ng location eh na pwede po mag-dump kami ng basura doon. Eh since nakita naman na po namin na isolated po yung area eh. Kumbaga wala pong mga nakatira doon. Gubat gubat po yung area kaya pansamantala po doon namin naisip na ilagay. Nag-consult po ba kayo doun sa community around the area? Hindi namin alam ma'am na may community doon sa area. Kasi kung merong community hindi namin tinuloy doon. Ah okay. Hindi ninyo alam na may mga katutubo doon sa area. Ah hindi po. [musika] Pero kung titingnan sa geoportal site ng gobyerno, makikitang sakop ng ancestral domain ng mga katutubo ang gubat na
9:35 pinagtayuan ng dump site. Katunayan, sa gilid lang ng basurahan may makikitang ilang bahay ng mga katutubo. Pero abandonado na ang mga ito ngayon. Ba't wala ng nakatira? Doon na po lumipot ma'am. Kasi po na yung mga anak niya po kasi na amoy po ng basura mabaho po na may mga hika po kasi yung anak niya ma'am eh. Tsaka po dito po talaga yung sa ma'am. Minsan nakakatamad ako makadinok amoy ng bahuro saka yung mga bata ay aboy basura
10:23 mapaho langaw nagtitiisan na lang ako kasi andun yung mga talong ko andiyan yung kabuhayaw ko. Matagal natira sa lugar na ito si Tatay Mariano pero dahil sa basura, napilitan siyang lumipat sa mas liblib na bahagi ng gubad. Kung dati yung mga sagingan nila ay mga 10 to 15 minutes away lang sa kanilang mga tahanan, nung tinambakan ngayon ng basura, napilitan silang ilayo 'yung kanilang mga taniman. Papunta tayo ngayon dun sa kanilang taniman. Pero ang sabi sa atin medyo masukal at mahirap daw 'yung daan.
11:13 Matarik na bangin ang sumalubong sa amin. >> May daan [musika] ba diyan? Ay parang wala pong daan. [musika] Parang pabangin na tutay. Sa kagustuhang makalayo sa amoy ng basurahan, dito sila nagtayo ng bagong tahanan. Hintayin niyo ako po baka Pero gaano man sila kalayo [musika] sa tambakan ng basura tila sinusundan sila ng sumpa. Hay hay. Makalipas ang kalahating oras,
12:01 narating namin ang isang sapa. Ito yung sapa kung saan sila karaniwang kumukuha ng tubig. Pero ang sabi sa akin nung mga katutubo ay kumakatas dito yung basura. >> Opo. >> Ha? Talaga? >> Opo. >> Sa gilid ng sapa, nakabaon ang isang maliit na imbakan ng tubig. Dati po iniinom niyo 'to. Ito po anong iniinom? Pinakaatangke namin ho. Ah ito dito. >> Opo. >> Pero ito hindi niyo na iniinom ngayon? >> Hindi na ho. >> Kung mapapansin ninyo meron ditong tubo. Itong tubo na ito kasi sinisipsip niya yung ground water na nanggagaling dito.
12:49 Ito kasi iyung source of water ng mga katutubo pero simula nung nagkaroon ng dump sight, ang sabi nila nag-iba na raw iyung kulay at saka yung amoy ng tubig na lumalabas dito sa tubo. Kaya ito hindi na nila ngayon naiinom, hindi na nila nagagamit. Ayon sa mga katutubo, nagbago raw ang kulay at amoy ng tubig nang itayo ang dump site ng lokal na pamahalaan. So dati rati sobrang linis daw nitong sapa na ito. Nangunguha pa sila ditito ng mga maliliit na hipon. Pero ngayon talagang madumi na raw talaga. Wala na silang nakukuha. Tapos mapapansin ninyo kahit dito sa lugar na to may mga ano po to basura. Galing na po sa basura. Galing na po. So dinala na ng tubig itong mga to. Oo nga. Mga basura 'to
13:36 basura. Galing na po sa basura po 'yan. At atsaka ito. Opo. Lahat po 'yan. Agad po sa akin. So ibig sabihin kapag malakas ang ulan tapos ah umapaw ito. Umapaw dito. Umaapaw hanggang diyan ng tubig dito sa sapa may dala-dalang mga basura. Bara-bara na po dito. Ito lang ang pinakamalapit na lagusan ng tubig sa bundok. Ay ang daming basura. Pero dahil kontaminado na ito, sa tubig ulan na lang sila aasa para makainom. Kung wala pa pong basura ma'am, ito'y malinis po kahit ganyan lang po namin iinom po kaming namumuto ma'am pag nauuhaw. Pero ngayon hindi niyo na maiinom nito.
14:21 >> Lahat ng malalaking proyekto ng gobyerno kinakailangan ng clearance mula sa DNR o anumang ahensya na nangangalaga sa kalikasan. [musika] During that time po, ang gusto lang namin maitapon po namin yung napakadaming basura na naikot. naipon po pero kasi po ma'am ' ba po ano po sa sa bundok po kasi siya 'di ba tapos marami pong puno doon so um nag-consult po ba kayo baka po magkaroon man magkaroon ng damage doon sa ano naisip man lang ba ng local government yun na baka magkaroon siya ng damage sa kalikasan ah hindi po namin wala kami hindi kami aware kung nakapag-consult sa ah environmentalist kasi that time ma'am
15:08 iba pa yung may hawak ah nag-retire na kasi siya so hindi namin alam kung may previous na usapan kasi po ang sabi po sa amin ng mga katutubo ay noong pinaplano pa lang daw yang um dump site parang ang pagkaka pagkakaintindi nila ay lalagyan niyo raw po ng parang ah plastic or trapal para po hindi sumipsip 'yung katas ng basura sa lupa. Hindi po nagawa 'yon. Hindi po namin nagawa nung nung una kasi sabi nga natin immediate solution lang po ito eh. So hindi po magtatagal. Pero ang dapat sana'y pansamantalang
15:53 solusyon ng pamahalaan nagbunga ng problemang pangmatagalan. January 2022. Natuklasan ng DNR ang pagtatambak ng basura sa Cityo Tibag. Paglabag daw ito sa Ecological Solid Waste Management Act. Inutusan nila ang lokal na pamahalaan ng subik na itigil ang operasyon ng naturang dump sitse. Pero tumagal pa ng tatlong taon bago tuluyang naisara ang tambakan ng basura. Natigil lang ang pagtatapon ng basura nang magkaroon ng lakas ng loob na magreklamo ang mga katutubo. At nitong March 2026,
16:41 tuluyang ipinasara ng DNR [musika] ang tambakan ng basura. So kailan niyo po pinasara yung dump site? October hindi na siya nago-oerate ma'am. October 202. Ah 2025 dahil nagpa >> Because of the complaint. Ma? Oo. Oo. So at saka 'yung DNR din ata. >> Yes ma'am. Uh syempre ah we consulted with the different agencies um NCIP sa region. We talked to attorney Roman and then nag-seek din kami ng guidance from DNR region. Mm. Para po maipasara na to. Mm. So yun ma'am last year din po nag-stop na iyung operations no? [musika] >> Ang tanong bakit umabot ng halos pitong
17:29 taon bago ito tuluyang naipasara [musika] at bakit hanggang ngayon may tambak pa rin ang basura sa bundok? >> [musika] >> Ang mga litratong ito ay kuha noong taong 2020. Makikita [musika] pa sa mga litrato ang buhanging kulay abo at ilang punong nakatayo. Noong mga panahong ito, naniwala ang mga katutubo na panandalian lang ang basura sa kanilang lugar. Hindi magtatagal.
18:14 Pero paongabot ng pitong taon ang basurahang ito bago ito naipasara ng tuluyan? Bakit hindi sila nagreklamo noon? Ayon sa lider ng mga katutubo, nagreklamo raw sila noong 2019 pero kinausap daw sila ng alkalde ng Subik, Zambales at nagkaroon daw sila ng kasunduan. Ano po ang ipinangakil sa inyo ng kamahalaan? Ang sabi nila sabi buonban magbibigay sila sa amin ng 10,000. Para saan yung 10,000? Parang dami an alam ko abang siguro doon. May
18:59 pinirmahan po ba kayong kontrata? Pumirma kami nandon na kami sa opisina nila kami. Ba't po kayo pumirma at pumaya? Kasi ayaw kahit na hindi kami papayag hindi papayag kami hindi puloy nila kasi naumpisahan na ho nila bago kami nag-reyak nalaman na namin na napatag na nila. Oo yun nangyaring ganun eh ' ba so tinanggap niyo na lang yung pera ka naman sa magiging papaganabangan nila yung loobang yung nawala naman kaming maginabang tinanggap namin sa kanilang ipinadalang sulat mariing itinanggi ng lokal na pamahalaan ang paratang ng mga katutubo anila wala raw silang record ng
19:47 anumang kasulatan o kasunduan sa pagitan ng gobyerno at mga katutubong apektado ng dump sits pero Aminado silang may pagkukulang at pananagutan sila sa komunidad. Syempre we acceptity doon sa nangyari and uh the LDU is preparing for reparations. Ma'am this is a concerted effort. So sana frequent din po ang pagpunta nila dito so that we will be informed kung ano pang pwede naming gawin. Ano pa man ang tunay na istorya sa likod nito [musika] para sa mga ita ang mahalaga na ipasara na ang basurahan.
20:32 Makakahinga ng muli ang kagubatan. Ano po ang gusto ninyong mangyari po ngayon? Ang gusto mangyari tanggalin ako nila din kasi akong basura wala na magtatapon yung tirang basura lang po din tanggalin na po yung mga para matan naman mga puno-puno ng car uli kasi may mga puno na paho namatay bumalam eh. Nasira man [musika] at naipatigil ang pagtatapon ng basura sa bundok, nananatili pa rin itong umaalingasaw dahil hindi pa rin nahahakot. Sa sease and disist order ng DNR noong March 2026, nakasulat na kailangang hakutin ng lokal na pamahalaan ng subik
21:19 ang lahat ng basurang itinambak nila sa bundok ng mga Ata. Nagawa niyo na po ba 'yon? Ah based po kasi doun sa aming safe closure plan. Safe closure plan. Ah ah as of now po kasi talagang kailangan po ng budget eh. Kailangan po natin ng at least ah based on engineering po kasi 78 para lang po ma-rehabilitate po yung area. 78 million. 78 million po >> to rehabilitate the Yes po as of now nakapag ano na po kami nakapag-request na kami sa DBWH po through initiative po ni Cong Jiden ng ah at least 60 po para
22:04 po doon sa rehabilitation ayon [musika] sa lokal na pamahalaan ng subik hindi raw nila kayang tanggalin ang basurang kanilang itinambak sa bundok ng mga ATA ang kanilang solusyon Tambakan na lang ng lupa ang bundok ng basura. Kasi po sa on our part po kasi hindi po pupwedeng magtanggal kami parang ah ilang taon pong kukunin yung ano po eh iho-hole yung ano eh yung mga basura. So meron po silang binigay na isang solusyon sa amin. Pwede naman po namin tambakan basta may mga nakalagay lang po doon na mga vent vent. Ah hindi niyo na tatanggalin doun yung basura. Ang ang gagawin na lang po namin
22:50 prevention na lang po na kumalat po yung contamination. ma-contaminate po yung ano natin mga bodies of water po. Pero kung ang mga katutubo ang tatanungin [musika] hindi pera at hindi pangako kundi tuluyang pagtanggal ng basura ang kanilang tanging hiling dahil mas mahalaga ang kalikasan kaysa anumang materyal [musika] na kayamanan. Hindi naman po namin kinakalaban po sila ng mga tigababa po ma'am ha. Pero huwag naman po sana nilang ginanon po itong bundok na ito. Kung sakaali manta kami po ang magdudugyot po doon sa palengke ma'am kasi mayor po sila. Anong masasabi po nila? Doon nga po pag nagtitinda nga po kami ma'am eh sabihin nila kaagad-agad ma'am na wow alisan ninyo.
23:37 Linisan ninyo yung kwan ninyo ha 'yung pwesto ninyo agad-agad sabihin po nila yun. Sumusunod naman po kami ma'am. Pero sila po parang bing sila o ano po sila ang mga katutubong ta ang pinakaunang tao sa Pilipinas. Bago pa dumating ang mga dayuhan, bago pa nagkaroon ng mga batas at [musika] pamahalaan, payapa na silang nabubuhay sa mga kagubatan. Malinaw na paglabag sa batas ang pagtatambak ng basura [musika] sa lupa ng mga Ata. Katumbas ito ng pagbabasura [musika]
24:23 sa kanilang kultura at kasaysayan ng pagmamaliit [musika] sa kanilang karapatan. Kaya sa lalong madaling panahon, kailangan na itong linisin at [musika] masolusyunan. Dahil katutubo ka man o hindi, walang taong [musika] mag-aasam na gawing basurahan ang kanyang tahanan. Ako po si Kara David at ito po ang eyess. >> [musika]
25:09 [musika] >> Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa Eywit Witness mga Kapuso. Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito? I-comment niyo na yan tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel. M.