Isyu sa Paggawa

Brief Summary

This video explores the complexities of the modern workforce in the Philippines, focusing on unemployment, globalization, contracting issues, and governmental responses.

  • It discusses the underlying causes of unemployment.
  • It highlights the impact of globalization on various sectors.
  • It explains the realities of contractual work and its implications for workers.
  • It reviews government policies aimed at addressing labor issues.

Understanding Unemployment in the Philippines

The video opens by discussing the critical issue of unemployment in the Philippines, which affects many individuals searching for work. Unemployment is defined as the percentage of the labor force actively looking for jobs but failing to find one. Factors contributing to high unemployment rates include the youth population aged 15 to 24 struggling to find jobs, rapid population growth leading to a need for more jobs, and inadequate long-term government planning for employment opportunities.

The Effects of Globalization on Labor

The second chapter addresses the effects of globalization on employment. Globalization has led to four main outcomes: increased demand for workers meeting global standards, opportunities for local products to enter international markets, modernization of workplaces with technology, and the influx of cheap labor that affects local competition. The negative impacts are particularly severe on the agricultural sector, where local farmers struggle against cheaper foreign products. This situation also adversely affects the industrial sector due to large foreign companies driving local businesses to close.

Issues with Contractualization

In the third section, the video discusses contractualization, detailing the significant differences between labor-only and job contracting. Labor-only contracting involves subcontracting without proper funding, while job contracting has funding but lacks a direct link to the company's main operations. The video highlights the legal complications regarding job contracting that can jeopardize workers' security. Those under these systems often experience unequal wages and lack benefits, creating a precarious situation for workers facing job loss or health issues.

Government Responses and Solutions

The final part of the video focuses on government initiatives aimed at protecting workers. The primary framework is the Presidential Decree 442, also known as the labor code, which sets rules to safeguard workers’ rights. In response to the contracting crisis, the Department of Labor and Employment (DOLE) implemented Department Order 18A, which strengthens regulations against wrongful contracting practices. Additionally, Department Order 10 was introduced to ensure that contracting does not reduce the working hours of regular employees or weaken labor unions. The chapter concludes with the pressing question of whether these policies sufficiently protect modern Filipino workers amidst globalization and contracting trends.

Summarize any YouTube video in seconds

Get summaries like this one for any video, in your language, with the free Summ app.

Download on the App Store
Get it on Google Play

Transcript

Full transcript of “Isyu sa Paggawa”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.

0:00 Magandang araw sa inyong lahat. Tara, simulan na natin ang paghimay sa mga napakakomplikadong realidad ng modernong kalagayan ng paggawa dito sa Pilipinas. Aalamin natin 'yung mismong mga pinag-ugatan ng mga sakit ng ulo ng ating mga manggagawa mula sa sobrang hirap maghanap ng trabaho hanggang sa mga bagong hamon na dalaan ng modernong ekonomiya. Handa na ba kayo? Let's go. Okay. Himain na natin ito. Grabe yung ipinapakita ng larawang ito ' ba. Ito 'yung napakabigat na pasanin ng kawalan ng trabaho o unemployment. Makita mo pa lang 'yung mahabang pila ng mga naghahanap ng mapapasukan, dagdagan pa ng bigat ng mga bayarin. Ramdam na ramdam mo talaga yung matinding pressure sa mga kababayan natin araw-araw. Hindi lang ito basta statistic sa papel eh.

0:46 Buhay talaga ng mga tao ang nakasalalay dito. Para sa mabilis na direksyon ng talakayan natin ngayon, una, tatalakayin natin ang konsepto ng unemployment. Susundan natin 'yan ng epekto ng globalisasyon. Tapos titingnan natin 'yung issue ng kontraktualisasyon. At panghuli, ano ba ang mga nagiging tugon at solusyon ng ating pamahalaan? Unang bahagi, konsepto ng unemployment. Ito talaga yung pinakabatayang problema ng bawat lipunan. Para mas ma-ets natin yung buong saklaw ng problema, kailangang nating tukuyin ang unemployment rate. Ito yung bahagdan ng ating lakas paggawa na literal na walang trabaho. Mahalagang bigyang diin na isa itong fundamental na problema hindi lang sa Pilipinas kundi sa kahit anong bansa sa mundo. Ito yung sukat natin kung

1:32 gaano karami sa atin ang handa at gustong-gustong magtrabaho pero wala talagang mahanap na oportunidad. Ngayon isipin niyo ito ng mabuti. Ano kaya ang mga posibleng dahilan ng kawalan ng trabaho ng tao? Bakit nga ba napakahirap para sa marami na makahanap ng pagkakakitaan? Bago natin buksan yung mga dahilan, subukan niyo munang pag-isipan kung ano yung nakikita niyong mismo diyan sa mga komunidad niyo. Narito yung tatlong malalaking haligi o dahil batay sa mga pag-aaral. Una, edad. 'Yung mga kabataan nasa 15 hanggang 24 years old, kadalasan naghahanap na ng trabaho yan pero dahil wala pa silang sapat na credensyals o karanasan, laging nare-reject. Pangalawa, yung mabilis na paglaki ng populasyon kasi the more people we have,

2:19 the more jobs we need. 'Di ba? Kapag masyadong marami, hindi na sapat yung trabaho para sa lahat. At pangatlo, ang pamahalaan o mas tiyak yung kawalan ng pangmatagalang plano. Marami ang nagsasabing kulang talaga sa komprehensibong diskarte ang gobyerno para makalikha ng sapat na hanapbuhay para sa atin. Punta tayo sa ikalawang bahagi, epekto ng globalisasyon dahil para sa mga may trabaho na ito yung tuluyang nagbabago ng mga patakaran. Ano nga ba yung apat na pangunahing epekto ng globalisasyon na ito? Una, mataas yung demand para sa mga manggagawa na umaabot sa global standards. Ikalawa, nagkakaroon din naman ng chance ang mga lokal na produkto natin na makilala sa labas ng bansa. Ikatlo, naging

3:06 modernisado na yung mga lugar ng trabaho natin. Pumasok na diyan ang iba't ibang IT at gadgets. At ikaapat, ito yung nagpapakomplikado sa lahat. 'yung murang lakas paggawa na siyang nagpapababa ng presyo. Dahil dito nagiging madali para sa mga dayuhan na magbenta ng murang produkto na siya namang pumapatay sa kompetisyon para sa mga lokal nating kababayan. At malinaw na ipinapakita nito kung paano nasasaktan ng globalisasyon ang mga ordinaryong tao lalo na sa sektor ng agrikultura. ang ating mga lokal na magsasaka ang talagang lubusang nagdudurusa rito. Bakit? Kasi hindi sila makasabay sa pagdagsa ng mga dayuhang produkto na ibinebenta ng napakamura kumpara sa sarili nilang ani pandaigdigang kompetisyon literal na nagiging banta sa

3:52 kabuhayan ng mismong mga taong nagpapakain sa bansa natin. Kung titingnan naman natin ng sektor ng industriya naku hindi rin sila ligtas. Matindi rin ang epekto sa kanila ng pagpasok ng mga dambuhalang dayuhang kumpanya. Kadalasan nangyayari ito dahil na rin sa mga pandaigdigang kasunduang pinansyal na pinasok ng bansa. Ang masaklap dito yung mga kasunduang inaasahan nating magpapabuti sana sa kalakalan ay siya pa mismong nagiging dahilan para malugi at tuluyang magsara ang ating sariling mga lokal na negosyo at industriya. At sa sektor ng serbisyo, napakalawak ng epekto nito mula pa nanalapi at BPO hanggang sa turismo, medical, edukasyon at pati transportasyon. Ibig sabihin lang niyan walang sulok ng ating lakas paggawa ang

4:39 nakakawala sa mga global shifts na ito. Call center agent ka man o nagtatrabaho sa ospital, lahat tayo kailangang makisabay. Ikatlong bahagi, issue ng kontraktualisasyon. Dito na natin makikita yung totoong epekto nito sa buhay ng mga tao. Kaya ano ang talagang kapansin-pansin sa bahaging ito? Madalas kasi nagkakagulo tayo sa dalawang terms na ito. Sa isang banda, nandiyan yung labor only contracting. Ito yung literal na walang sapat na puhunan ng subcontractor. Tapos yung manggagawa may direktang kinalaman sa gawain ng kumpanya. Sa kabilang banda, yung job contracting. May puhunan ng subcontractor. Pero yung trabaho, walang direktang kinalaman sa pangunahing gawain ng kumpanya. Pero ito yung catch na hindi alam ng marami hindi pinapayagan sa batas ang job contracting

5:26 na ito kung nakokompromiso nito ang seguridad sa trabaho ng mga manggagawa. Isang malaking detalye na nagpapakita kung gaano kakomplikado ang sistema at ito na yung pinakamasaklap na realidad ng kontraktualisasyon. Kapag nasa ilalim ka ng ganitong sistema, hindi pantay yung sahod mo. Wala kang mga benepisyong nararanasan ng mga regular. At ang pinakamabigat, nagiging paraan nito para maiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad ng separation pay, SSS at Phil Health. Isipin niyo na lang 'yung bigat nito sa isang manggagawang. Biglang nagkasakit o bigla na lang natanggal sa trabaho tapos wala man lang siyang inaasahang proteksyon. Kaya lumipat na tayo at tingnan kung paano ito humantong sa ikaapat na bahagi, mga tugon ng pamahalaan o yung paghahanap

6:11 nila ng mga solusyon sa mga issyung ito. Ang pinakaprundasyon natin pagdating sa usaping ito ay ang Presidential Decree 442 o yung mas kilala nating labor code. Ito yung mismong nagtatakda ng mga alituntunin para protektahan ang lahat ng manggagawa. Ito 'yung nagsisilbing baseline o pinaka-safety net para sa karapatan ng bawat manggagawang Pilipino mula sa pasahod hanggang sa kaligtasan sa trabaho. Tapos bilang tiyak na tugon naman sa krisis ng kontraktualisasyon, naglabas ang dole ng Department Order 18A noong 2011. Patakaran nito na ginawa para mahigpitang labanan yung mga maling pagpapakontrata. Ang pinakalayunin talaga nito ay protektahan ang karapatan sa seguridad sa trabaho at para makasigurong nakukuha rin ng mga

6:58 manggagawa yung mga benepisyong para sa mga regular. At para mas patibayin pa yung proteksyong ito, idinagdag din ang Dole Department Order 10. Ang ginagawa naman nito, ipinagbabawal nito ang anumang uri ng pagpapakontrata na makakabawas sa oras ng mga regular na manggagawa. Bukod yan tinitiyak nito na hindi magagamit ang pagkokontrata para pahinain ang mga labor unions o bawasan yung kanilang barging leverage kapag nakikipag-usap sa management. Kaya ang pinakamahalagang punto rito na gusto kong iwan sa inyo ay itong katanungang ito. Sapat na ba talaga ang mga patakarang ito ng pamahalaan para tunay na maprotektahan ang modernong manggagawang Pilipino mula sa malaking alon ng pandaigdigang kontraktualizasyon? Sa bilis magbago ng

7:43 sistema, sapat na ba yung mga batas na ito para masiguro ang kinabukasan ng pamilya ng bawat manggagawa? Isa itong napakabigat na tanong na kailangan nating patuloy na pag-isipan. Hanggang dito na lang muna. Maraming salamat sa inyong pagsama sa ating pagsusuri ngayon.

Share

More video summaries