PKLP Term 2 Lesson 7: Kilusang Feminista- Panuelo at Sufragista (Week 3) 1/3

Brief Summary

This lesson focuses on the role of clothing, specifically the panuelo (a traditional headscarf), as a tool for activism among Filipino women. It examines how women utilized their identity, symbols, and collective action to expand their role in society and fight for rights, particularly suffrage. The session emphasizes the collective experiences of women's struggles against foreign domination and the importance of participation in public life. Various historical contexts and movements, like the suffragist movement, are discussed to illustrate the evolution of women's activism.

  • The panuelo is a significant symbol in activism.
  • The lesson compares two movements: the panuelo and the suffragist movement.

Chapter Title: Introduction to the Lesson

In this chapter, Sir Louis introduces the lesson as a continuation of previous discussions about various struggles in history. He poses a crucial question: Can clothing be an instrument of struggle? He outlines that the lesson will explore how Filipino women used their identity and symbolism through clothing to expand their societal roles. The focus is on collective action and the impact it has on societal change.

Chapter Title: Learning Skills

This segment elaborates on the learning skills intended for the lesson. It highlights the examination of collective struggles against foreign forces, emphasizing not just individual stories but the actions of groups and communities. The specific focus will be on the experiences of Filipino women as they gradually entered public space and engaged in significant social and political issues.

Chapter Title: Objectives

Three main objectives are outlined for students to achieve by the end of the lesson. First, students should be able to explain the goals of the panuelo activism and the suffragist movement. Second, they will compare these two movements based on key aspects: goals, methods, symbols, and contributions. Lastly, they are encouraged to reflect on the importance of equal participation of women in society and the implications of these movements on societal change.

Chapter Title: Pre-Lesson: Who Can Participate?

Before the main discussion, a thought experiment is presented where students imagine a scenario where only half of the community can vote on a decision impacting their education and future. This hypothetical situation is linked to the historical context of Filipino women's lack of political rights, prompting students to consider the feelings of those excluded from the decision-making process and the actions they might take to change this system.

Chapter Title: Introductory Activity: What is the Message of Clothing?

This chapter introduces an activity where students analyze four images of women in traditional Filipino outfits, public gatherings, and political campaigns. Focus is placed on what they observe in the clothing of these women and the messages conveyed through their attire. Students are challenged to think deeply about how clothing can carry social and political significance.

Chapter Title: Activity: Reading Images and Analyzing Actions

Students are engaged in a main activity involving source cards where they must interpret not just texts but also images, looking into context, purpose, methods of action, and the contributions of women in their struggles. Questions about the challenges faced by women, their desires for change, strategies used, and outcomes are crucial in this analytical exercise.

Chapter Title: Analysis

In this chapter, the focus is on putting together the evidence gathered from earlier activities. Students analyze why traditional attire and the respectful image of Filipinas functioned as effective strategies for women’s activism. They explore the similarities and differences between the panuelo activism and the suffragist movement, emphasizing the role of collective action in transforming perceptions of women's capabilities and roles.

Chapter Title: Abstraction

Here, students consolidate their understanding of activism, recognizing that it can take many forms, including symbols, attire, writing, organization, and voting. The narrative underscores that the collective actions of women led to a gradual expansion of their political participation, reinforcing the notion that change is often a process rather than a single event.

Chapter Title: Application: Symbol and Voice for Equality

Students are prompted to relate historical lessons to present-day situations involving inequality. They are tasked with identifying current instances of unequal treatment and considering ways to advocate for equal participation through responsible and peaceful methods. The goal is to apply historical insights to contemporary social advocacy.

Chapter Title: Assessment

In this chapter, students evaluate their understanding of the differences between the panuelo activism and the suffragist movement. They must demonstrate their grasp of both concepts by comparing and contrasting them based on purpose, methods, symbols, and contributions to women's rights.

Chapter Title: Concluding Activity: Reflection No. 7

At the end of the lesson, students are invited to write reflections that encapsulate their learning experiences. They must express their most significant realizations regarding women's movements, the utilization of symbols for collective action, and connect these historical lessons to current situations necessitating equal participation.

Chapter Title: Extended Learning Opportunity

Students are encouraged to explore ongoing campaigns that use clothing or visual symbols to convey social messages. They study the meanings behind these symbols and how they are applied to raise awareness, forming a comparative analysis with the panuelo concept covered in the lesson.

Chapter Title: Concluding Message

In the conclusion, the essential question of whether clothing can serve as a tool for activism is revisited. The chapter summarizes the importance of clothing as a symbol of identity and its role in public engagement and political rights, underscoring that collective action amplifies the power of individual voices in advocating for change in society. Thanking students for their participation, the chapter highlights the significance of understanding history as more than just events, but as a reflection of collective human experiences.

Summarize any YouTube video in seconds

Get summaries like this one for any video, in your language, with the free Summ app.

Download on the App Store
Get it on Google Play

Transcript

Full transcript of “PKLP Term 2 Lesson 7: Kilusang Feminista- Panuelo at Sufragista (Week 3) 1/3”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.

0:00 sa kasaysayan [musika][kumakanta] with Sir Louis para matuto. [musika] Magandang araw mga mag-aaral. Muli ako si Sir Louis at samahan niyo ako sa panibagong paglalakbay sa kasaysayan. Sa mga nakaraang aralin, nakita natin na maraming paraan ang pakikibaka. May pakikibakang gumagamit ng sandata, may gumagamit ng panulat at mayroon ding gumagamit ng organisadong pagkilos. Ngunit sa araling ito, may isang mahalagang tanong tayo. Maaari bang maging instrumento ng pakikibaka ang isang simpleng kasuotan? At paano naman kung ang ipinaglalaban ay hindi lamang kalayaan mula sa duuhan

0:46 kundi ang karapatang marinig, makilahok at bumoto. Ito ang ating pag-uusapan sa lesson 7, aktibismong panuelo at kilusang sophrista. Tuklasin natin kung paano ginamit ng kababaihang Pilipino ang kanilang identidad, simbolo, organisasyon at kolektibong pagkilos upang palawakin ang kanilang papel sa lipunan. Kasanayang pampagkatuto. Bago tayo dumako sa ating talakayan, alamin muna natin ang kasanayang nais nating malinang. Sa araling ito, susuriin natin ang mga kolektibong karanasan ng pakikibaka laban sa mga dayuhan gamit ang piling kaso sa kasaysayan. Pansinin ang salitang kolektibo. Hindi

1:32 natin titingnan ang kasaysayan bilang kwento lamang ng isang tanyag na tao. Titingnan natin kung paano kumilos ang mga grupo, organisasyon at pamayanan upang magkaroon ng pagbabago. At sa pagkakataong ito, itutuo natin ang pansin sa karanasan ng kababaihang Pilipino kung paano sila unti-unting nakapasok sa pampublikong espasyo at nakibahagi sa mahahalagang usaping panlipunan at pulitikal. Mga layunin ng aralin. Sa pagtatapos ng ating aralin, tatlong bagay ang inaasahan kong magagawa ninyo. Una, sa bahagi ng kaalaman, maipaliliwanag ninyo ang layunin ng aktibismong panuelo at ng

2:18 kilusang sophrista. Ikalawa, sa kasan. Paghahambingin natin ang dalawang ito ayon sa apat na mahalagang aspekto. Layunin, paraan, simbolo at ambag. At ikatlo, sa loobin, pagninilayan natin kung bakit mahalaga ang pantay na pakikilahok ng kababaihan sa lipunan. Habang nagpapatuloy ang ating talakayan, huwag lamang ninyong itanong. Ano ang nangyari? Mas mahalagang itanong din bakit ito mahalaga at ano ang ipinakikita nito tungkol sa pagbabago ng lipunan. Simulan natin sa isang sitwasyon. Isipin ninyo na may napakahalagang desisyon

3:05 gagawin para sa inyong buong komunidad. Maaapektuhan nito ang edukasyon, kabuhayan, kaligtasan at kinabukasan ng lahat. Pero may kondisyon. Kalahati lamang ng mga mamamayan ang pinahihintulutang bumoto. Katarungan ba iyon? Ano kaya ang mararamdaman ng kalahating walang karapatang makilaho? At higit sa lahat, ano ang maaari nilang gawin kung nais nilang baguhin ang ganitong sistema? Pag-isipan muna ang inyong sagot dahil ang sitwasyong ito ay may malinaw na kaugnayan sa naging karanasan ng kababaihang Pilipino noong panahong hindi pa nila ganap na tinatamasa ang karapatang pulitikal.

3:51 Ano ang mensahe ng kasuotan? Ngayon naman, huwag muna tayong magbasa. Tumingin muna tayo. Pagmasdan ng apat na larawan. Makikita natin ang panuelo, tradisyonal na kasuotang Pilipina, kababaihan sa pampublikong pagtitipon at mga babaeng nakikilahok sa kampanya. Ano ang una ninyong napapansin? Tingnan ang kanilang kasuotan. Tingnan ang kanilang kilos. Tingnan kung paano sila inilalarawan sa pampublikong espasyo. Sa kasaysayan, may mga pagkakataong ang isang larawan o kasuotan ay may mensaheng mas malalim kaysa sa nakikita natin sa unang tingin. Kaya tandaan ang inyong obserbasyon.

4:37 Mamaya aalamin natin kung paano nagkaroon ng panlipunan at politikal na kahulugan ang ilang elementong nakikita ninyo rito. Gamitin natin ngayon ang tatlong tanong bilang gabay. Una, ano ang napapansin ninyo sa kanilang kasuotan? Huwag lamang sabihing tradisyonal. Ano mismo ang napapansin ninyo? Ikalawa, anong identidad ang ipinakikita ng kanilang pananamit? Maaari ba itong magpahiwatig ng kultura, panahon, katayuan o inaasahang papel ng babae sa lipunan? At ikatlo, ito ang pinakamahalagang tanong. Maaari bang gamitin ang kasuotan upang maghatid ng pulitikal na mensahe?

5:23 Karaniwan nating iniisip na ang pulitika ay nasa talumpati. batas, halalan o protesta. Pero posible kayang magkaroon din ng mensahe ang paraan ng pananamit. Yan ang susuriin natin. Pananamit bilang simbolo. Ang pananamit ay hindi lamang tungkol sa proteksyon ng katawan o dekorasyon. Maaari rin itong maging bahagi ng identidad. kung paano ipinakikita ng isang tao kung sino siya, anong kultura ang kanyang kinabibilangan at kung anong pagpapahalaga ang kanyang kinakatawan. Sa ilang konteksto, maaari itong maging simbolo ng paggalang, dignidad, tradisyon o pagiging makabayan. At kapag ang isang simbolo ay sadyang ginagamit

6:10 sa pampublikong pagkilos, maaari na itong magkaroon ng mas malalim na kahulugan. Dito natin sisimulang makita kung bakit mahalaga ang panwelo sa ating talakayan. Pero may isang mahalagang paalala. Hindi ibig sabihin na lahat ng nagsusuot ng panuelo ay nagpoprotesta. Ang kahulugan nito ay nakadepende sa konteksto at paraan ng paggamit. Gawain: Basa, larawan, suri, kilos. Dumakaw tayo ngayon sa ating pangunahing gawain. Basa, larawan. Suri kilos. May apat tayong source card. Sa bawat source card, huwag lamang basahin ang teksto at huwag lamang ilarawan ang larawan. Hanapin ninyo ang apat na bagay.

6:56 Konteksto, layunin, paraan ng pagkilos at ambag. tanungin. Ano ang problemang kinakaharap ng kababaihan? Ano ang nais nilang baguhin? Anong paraan ang kanilang ginamit? At ano ang naging epekto nito? Sa kasaysayan, mahalagang matuto tayong gumawa ng konklusyon batay sa ebidensya. Kaya habang binabasa ninyo ang source cards, tandaan, ebidensya muna bago konklusyon. Source card 1. Panuelo at tradisyonal na pagkakakilanlan. Unahin natin ang panwelo. Ang panwelo ay telang isinusuot sa balikat o leeg at karaniwang bahagi ng trahe deisa sa konteksto ng panahong ating

7:42 pinag-aaralan na iuugnay natin ito sa isang imahe ng isang kagalang-galang, mahinhin at edukadong Filipina. Ngayon dito nagiging interesante ang ating source card. May ilang kababaihang gumagamit or gumamit sa kinikilalang tradisyonal na imaheng ito upang ipakitang ang pampublikong pagkikilahok ay hindi nangangahulugang isinasantabi nila ang kanilang pagiging pilipina. Sa halip, maaari nilang gamitin ang respetong nakaugnay sa kanilang identidad upang magkaroon ng tinig at autoridad sa pampublikong usapan. Kaya ang tanong, kung may isang sistema ng lipunang nagtatakda kung paano dapat kumilos ang babae, maaari kayang gamitin

8:29 mismo ang ilang inaasahang katangi iyon upang buksan ang espasyo para sa pagbabago. Aktibismong panwelo. Dito natin ipakikilala ang terminong aktibismong panuelo. Mahalagang maging malinaw. Ayon sa framing ng ating lesson, hindi ito pangalan ng isang pormal na organisasyong may opisyal na membership iisang leader at tiyak na petsa ng pagkakatatag. Ginagamit ito bilang paraan upang maunawaan ang isang estratehiya ng ilang kababaihan. Sa halip na agad talikuran ang tradisyonal na larawan ng Pilipina, ginamit nila ang kagalang-galang na identidad na iyon upang makapasok sa mga pampublikong gawain. Mula rito,

9:14 nakapagsusulong sila ng edukasyon, kapakanan, reporma at mas malawak na pagkikilahok. Sa madaling salita, ang tradisyon ay hindi lamang naging limitasyon. Sa ilang pagkakataon, ginawa rin itong instrumento ng pagkilos. Kilusang sopragista. Ngayon naman lumipat tayo sa mas tiyak na usapin. So Angrage ay karapatang bumoto at magilahok sa pagpili ng mga pinuno. Hindi basta ibinigay ang karapatang ito sa kababaihang Pilipino. Kinailangan itong isulong sa pamamagitan ng organisadong pagkilos. Bumuo ang mga kababaihan ng mga organisasyon. Sumulat

10:00 sila ng mga artikulo at petisyon. Nakipagpulong sila sa mga mambabatas. Nagsagawa sila ng kampanya at pampublikong talakayan. Pansinin ang mahalagang pagkakaiba. Dito mas malinaw ang konkretong pulitikal na layunin ang karapatang bumoto. Kaya ang tagumpay ng Kilusan ay hindi resulta ng paghihintay. Ito ay bunga ng organisasyon, panghihikayat at sama-samang pagkilos. Plebisito ng 1937. Dito tayo makarating sa isang napakahalagang yugo. Sa 1935 Constitution, itinakda na maipagkakaloob ang suffrage sa kababaihan kung hindi

10:47 bababa sa 3,000 kwalipikadong babae ang boboto ng pabor sa isang plebisito. Ang plebisito ay itinakda sa ilalim ng Commonwealth Act number 34 at isinagawa noong ika 30 ng Abril 1, at 37 at ang resulta 447,725 ang bumoto ng OO. Samantalang 44,307 ang bumoto ng hindi. Hindi lamang nila naabot ang kinakailangang 300,000 affirmative votes. Malaki ang kanilang inilampas dito. Kaya isipin ninyo, matapos ang mahabang kampanya para magkaroon ng tinig nang dumating ang

11:33 pagkakataon daang libong kababaihan mismo ang gumamit ng balota upang pagtibayin ang kanilang karapatang bumoto. Ngayon kayo naman ang magsusuri. Kunan ang graphic organizer gamit lamang ang ebidensyang makikita sa inyong source card. Ano ang suliranin? Ano ang layunin? Ano ang paraan o simbolo? Sino ang kumilos? Ano ang ambag o naging resulta? At mayroon bang limitasyon o hamon? Mahalagang isama ang huling bahagi dahil sa pagsusuri ng kasaysayan, hindi sapat na sabihing matagumpay o hindi matagumpay ang isang kilusan. Kailangan din nating itanong sino ang

12:19 naabot nito? Sino ang maaaring hindi nakabilang? Ano ang kaya at hindi kayang gawin ng estratehiyang ginamit? Yan ang nagpapalalim sa historical analysis. Oras na para ibahagi ang resulta ng pagsusuri. Pero may hamon. Huwag ninyong basahin lamang ang buong source card. Piliin ang isang pangunahing ideya. magbigay ng ebidensyang sumusuporta rito at pagkatapos ipaliwanag kung bakit mahalaga ang inyong natuklasan. Habang nakikinig sa ibang pangkat, gumawa rin ng paghahambing. Maaaring magkaiba ang kanilang simbolo o pamamaraan ngunit may pagkakatulad pa sa kanilang layunin.

13:07 Dito natin makikita na ang pakikibaka ay maaaring magkaroon ng maraming anyo pero maaaring magtagpo ang mga ito sa iisang hangarin para sa mas malawak na pagkilala at pakikilahok. Pagsusuri. Pagsama-samahin natin ngayon ang ebidensya. Una, bakit naging kapakipakinabang ang tradisyonal na pananamit at ang imahe ng kagalang-galang ng Pilipina bilang estratehiya? Ikalawa, ano ang malinaw na pagkakatulad at pagkakaiba ng aktibismong panuelo at kilusang sopragista? At ikatlo, paano nakatulong ang kolektibong pagkilos upang baguhin ang pananaw sa kakayahan at papel ng

13:53 kababaihan? Huwag agad sagutin sa pamamagitan. ng isang salita lamang. Gamitin ang pattern na claim, evidence, explanation. Magbigay ng sagot, patunayan gamit ang source card at saka ipaliwanag kung bakit mahalaga ang ebidensyang iyon. Konteksto ng kababaihan sa panahon ng Amerikano. Upang maunawaan ang dalawang pagkilos, kailangan nating makita ang mas malawak na konteksto. Sa panahon ng pamamahalang Amerikano lumawak ang pagkakataon ng ilang kababaihan sa edukasyon, propesyon, gawaing sibiko at serbisyong panlipunan, ngunit may malaking kontradiksyon

14:39 habang lumalawak ang kakayahan nilang mag-aral at maglingkod sa komunidad, nananatili ang pananaw na ang pulitika ay pangunahing espasyo ng kalalakihan. Ibig sabihin, lumawak ang kanilang kakayahan ngunit hindi kasabay na lumawak ang lahat ng kanilang karapatan. Diyan nagiging mahalaga ang organisadong pagkilos. Kapag may agwat sa pagitan ng kaya mong gawin at ng pinahihintulutan kang gawin, lumilitaw ang pangangailangan para sa pagbabago. Ano ang panwelo? Balikan natin ang mismong panwelo. Isa itong telang karaniwang isinusuot sa balikat o leeg at iniuugnay sa

15:25 tradisyonal na kasuotang pilipina kabilang ang trahe deiza at mga sumunod na anyo nito. Ngunit sa historical analysis hindi lamang natin tinatanong ano ito. Tinatanong din natin ano ang ibig sabihin nito sa panahong iyon. Maaari itong maiugnay sa pagiging Filipina pagalang sa tradisyon, kagalang-galang na pagkababae at sa ilang pagkakataon makabayang identidad. Kaya ang isang karaniwang bagay ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan depende sa gumagamit, lugar, panahon at layunin. Pananamit bilang pulitikal na

16:10 estratehiya. Dito pumapasok ang mahalagang ideya. Ang pananamit ay maaari ring maging bahagi ng pulitikal na estratehiya hindi dahil pulitikal na agad ang anumang damit. Nagiging mahalaga ito kapag ang pagpili at paggamit nito ay konektado sa isang mensahe, identidad o pampublikong layunin. Maaari nitong sabihin, "Ito ako. Ito ang grupong kinakatawan ko. Ito ang pinanindigan ko." Kaya sa pagsusuri ng pananamit, hindi tayo humihinto sa kulay, tela o disenyo. Tinusuri natin ang konteksto, intensyon, audience at mensaheng ipinahihiwatig

16:55 nito. Iyan ang nagbibigay rito ng kahulugang historical. Mahalagang paglilinaw. May isang paglilinaw tayong kailangang tandaan. Ang aktibismong panuelo ay hindi isang organisasyong may iisang founder, opisyal na rooster at eksaktong founding date. Isa itong analytikal na termino upang maunawaan ang paraan ng pagkilos ng ilang kababaihan. Mahalaga ang distinsyon na ito dahil kapag tinawag natin itong isang organisasyon, maaaring magmukhang mayroon itong iisang estruktura at pamunuan na hindi naman iyon ang punto ng konsepto. Mas angkop ito tingnan bilang estratehiya o paraan ng

17:40 pakikilahok na gumagamit sa tradisyonal at kagalang-galang na identidad ng Pilipina upang makapasok sa pampublikong espasyo. paggamit sa tradisyon bilang estratehiya. Ang kawili-wili rito ay hindi nila basta itinakwil ang lahat ng inaasahan ng lipunan. Sa ilang pagkakataon, ginamit nila mismo ang mga inaasahang iyon. Ipinakita nilang maaaring maging ina, asawa, mahinhin, responsable, edukado at kasabay nito ay magkaroon ng boses sa usaping panlipunan. Dahan-dahan nitong hinahamon ang dating simpleng paghahati na ang babae ay para lamang sa tahanan at ang lalaki lamang

18:26 ang para sa pampublikong buhay. Sa kanilang kilos, ibang argumento ang ipinakita nila. Ang pagiging kagalang-galang na babae at pagiging aktibong mamamayan ay hindi magkasalungat at yan ay isang mahalagang pagbabago sa pananaw. Kailan nagiging politikal ang simbolo kapag ginagamit ito ng may kaugnayan sa isang pampublikong mensahe, identidad, paninindigan o layuning makaimpluwensya sa lipunan. Ito ang isang mahalagang kasanayan sa kasaysayan. Huwag magbigay ng kahulugan sa isang simbolo ng walang konteksto. Ang bagay mismo ay hindi sapat. Kailangang tingnan kung sino ang

19:11 gumamit, saan ito ginamit. Kailan at para saan? Lakas ng aktibismong panuelo. Ano ngayon ang naging lakas ng estratehiyang ito? Una, pamilyar at katanggap-tanggap ang simbolong ginagamit. Dahil dito, nagkaroon ng paraan upang makapasok ang kababaihan sa pampublikong espasyo ng hindi agad itinuturing ang kanilang presensya bilang ganap na pagtalikod sa tradisyon. Ikalawa, naiuay nito ang tradisyon at modernong pakikilahok. At ikatlo, unti-unti nitonginamon ang paniniwalang may iisang tamang lugar lamang ang babae. Sa mismong presensya ng kababaihan sa pampublikong gawain, na

19:58 ipakikita nilang maaari silang maging bahagi ng diskusyon, organisasyon at pagbabago. Limitasyon ng aktibismong panwelo. Ngunit walang estratehiya ang dapat nating tingnan ng walang kritikal na pagsusuri. May limitasyon din ang aktibismong panwelo. Ang imaheng edukado at kagalang-galang ay mas madaling maiugnay sa ilang kababaihang may access sa edukasyon at mas mataas na katayuang panlipunan. Kaya itanong natin paano naman ang mahihirap na kababaihan, manggagawa, magsasaka katutubo? Hindi palaging naisasalamin ng isang dominanteng larawan ang karanasan ng lahat. At isa pang mahalagang punto,

20:46 hindi sapat ang simulo lamang upang baguhin ang batas. Para magkaroon ng konkretong legal na pagbabago, kailangan pa rin ang organisasyon, kampanya, lobbying, panghihikayat at kolektibong pagkilos. Kilusang sophrista. Dito naman natin mas malinaw na makikita ang organisadong dimensyon ng pakikibaka. Ang gilusang safragista ay nakatuon sa pagkamit ng karapatang bumoto at makilahok sa pamahalaan at hindi iisang paraan ang kanilang ginamit. May organisasyon, may petisyon, may liham at publikasyon, may pampublikong talumpati, may pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas,

21:32 may information campaign. Bakit maraming paraan? Dahil ang pagbabago ng batas ay nangangailangan ding baguhin ang pananaw ng publiko at kumbinsihin ang mga institusyong may kapangyarihang gumawa ng desisyon. Kaya ang suffrage movement ay magandang halwa ng sustained collective action. Hindi isang beses na pagkilos kundi matagal at organisadong kampanya. Mga kababaihang nanguna. Mahalagang kilalanin ang ilang kababaihang naging bahagi ng pagsusulong ng women's kabilang sa mga pangalang tinalakay sa ating lesson sina Concepson Felix Rodriguez, Pura Villanueva Calao,

22:18 Inkarnasyon Alzona, Sofia de Vera, Pilar Hidalgolim at Josefa Eskoda. Ngunit mahalagang paalala. Hindi natin dapat gawing kwento lamang ng isang great woman ang isang kolektibong kilusan. Mahalaga ang mga leader pero ang pagbabago ay nangangailangan ng organisasyon supporters writers campaigners, civic workers at ordinaryong kababaihang sumuporta at kalaunan ay bumoto. Kaya ang mas mahalagang konsepto rito ay collective leadership and collective action. Landas patungo sa plebisito. Hindi diretso ang landas tungo safrage.

23:04 Noong 1933, ipinasa ang act number 4112 na may probisyong nagkakaloob ng suffrage sa kababaihan. Ngunit nang mabuo ang 1935 Constitution, inilagay rito ang kondisyon ng plebisito, kailangang hindi bababa sa 3,000 kwalipikadong babae ang bumoto ng pabor. Pagkatapos sa pamamagitan ng Commonwealth Act, itinakda ang mismong proseso at petsa ng plebisito. Mapapansin natin ang mahalagang aral. Ang isang kilusan ay maaaring magsimula sa advocacy at kampanya. Ngunit kapag papasok na sa pagbabago ng batas, kinakailangan din itong harapin ang legal at institusyonal na proseso.

23:53 Ikat ng Abril, 1, at 37. At dumating ang araw ng plebisito ika ng April 1, at ang tanong ay simple ngunit napakalaki ng epekto. Pabor ba ang kababaihan sa pagkakaloob sa kanila ng suffrage? Sa opisyal na resulta, 447,725 ang bumoto ng pabor at 44,307 ang bumoto laban. Lumampas ng malaki ang affirmative votes sa kinakailangang 300,000. Kaya mula rito, naging posible ang paggamit ng kababaihang Pilipino sa karapatang bumoto sa mga susunod na

24:40 halalan. Ngunit tandaan, ang isang araw ng pagboto ay ang nakikitang kulminasyon lamang. Sa likod nito ay mga taon ng pag-o-organisa, pagsusulat pakikipag-usap panghihikayat at kampanya. Hindi tagumpay ng iisang tao. May tendency minsan sa kasaysayan na iugnay ang malalaking pagbabago sa isang prominenteng leader. Ngunit mas maingat ang ating pagbasa. May papel ang pamahalaan, mga mambabatas at mga lider sa legal na proseso kabilang ang administrasyon ni Pangulong Manuel El Quezon. Ngunit hindi dapat mawala sa kwento ang matagal na pagkilos ng mga

25:26 kababaihan mismo. Sila ang bumoto ng organisasyon. Sila ang sumulat. Sila ang nangampanya. Sila ang nagmubulisa at sa plebisito sila mismo ang bumoto. Kaya mas malinaw na maunawaan ang tagumpay bilang resulta ng interaksyon ng kilusang panlipunan at prosesong institusyonal. Hindi simpleng regalo mula sa iisang leader. Paghahambing ng dalawang paraan. Ngayon, ilagay natin sa tabi ng isa't isa ang dalawang konsepto. Sa aktibismong panwelo, mahalaga ang kasuotan identidad reputasyon kultura at paggamit sa kinikilalang larawan ng Pilipina upang magkaroon ng espasyo sa

26:12 pampublikong buhay. Sa kilusang sofragista, mas tiyak ang organisadong layunin ang legal na karapatang bumoto. Sa makatuwid, magkaugnay sila pero hindi sila magkapareho. Ang isa ay higit na nauunawaan bilang simboliko at kultural na estratehiya. Ang isa naman ay organisadong kilusang pulitikal na may tiyak na legal na layunin. Mahalaga ang distinksyon na iyan. Ugnayan ng dalawang konsepto. Kung hindi sila magkapareho, bakit natin sila magkasamang pinag-aralan? Dahil pareho nilang ipinakikita ang paglawak na pagkikilahok ng kababaihan sa pampublikong buhay. Pareho silang gumagamit ng kolektibong pagkilos upang

27:00 hamunin ang limitadong pagtingin sa papel ng kababaihan. Ngunit magkaiba ang kanilang pangunahing instrumento sa aktibismong panuelo, kultura, kasuotan, identidad at reputasyon sa kilusangista, organisasyon kampanya petisyon labiing at proseso ng pagboto. Kaya sa kasaysayan, maaaring pareho ang mas malawak na direksyon ng pagbabago ngunit magkaiba ang paraan upang makarating doon. Paglalahat. Kung isang ideya lamang ang matatandaan ninyo mula sa abstrakson, ito iyon. Hindi iisa ang anyo ng pakikibaka. Maaaring simbolo, maaaring pananamit,

27:47 maaaring pagsusulat, maaaring organisasyon, maaaring kampanya, maaaring balota. Sa karanasan ng mga kababaihang ating pinag-aralan, ginamit ang kultura at kolektibong pagkilos upang palawakin ang espasyong maaari nilang galawan sa lipunan. At mula sa pagkakaroon lamang ng limitadong pampublikong papel, unti-unting lumawak ang kanilang pulitikal na pakikilahok. Ipinakikita nito na ang pagbabago sa kasaysayan ay kadalasang proseso hindi iisang pangyayaring bigla na lamang lumilitaw. Ngayon, dalhin natin ang konsepto sa kasalukuyan. Mag-isip ng isang sitwasyon kung saan may hindi pantay na pakikilahok o pagtrato. Maaaring nasa

28:36 tahanan paaralan trabaho komunidad online space o mas malawak na lipunan. Hindi kailangang napakalaki ng issye. Ang mahalaga ay makita ninyo sino ang naaapektuhan, ano ang hindi pantay. at ano ang maaaring gawin upang magkaroon ng mas patas na pagkakataong makilahok. Ang layunin ng gawain ay hindi lamang gumawa ng slogan. Ang layunin ay gamitin ang natutuhan natin sa kasaysayan upang makabuo ng responsable, mapayapa at makataong paraan ng advocacy. Advocacy concept. Ang inyong advocacy concept ay may apat na bahagi. Una,

29:21 issue ano ang gusto ninyong tugunan. Ikalawa, pangkat na naaapektuhan. Sino ang nangangailangan ng mas pantay na pagkakataon? Ikatlo, simbolo o mensahe. Ano ang madaling makilalang representasyon ng inyong panawagan? At ikaapat, paraan ng pagkilos. Ano ang maaari ninyong gawin ng responsable at mapayapa? Tandaan ang natutuhan natin sa panwelo. Ang simbolo ay nagiging makabuluhan kapag may malinaw na konteksto at mensahe. Kaya siguraduhing magkakaugnay ang apat na bahagi ng inyong advocacy. Halimbawa ng advocacy. Halimbawa gamitin natin ang simbolo ng pantay na bilog.

30:08 Maaari itong kumakatawan or kumatawan sa ideyang walang mas mataas o mas mababa. Lahat ay may puwang. Ang mensahe pantay na tinig, pantay na pagkakataon. At bilang konkretong pagkilos, maaaring gumawa ng information campaign na gumagamit ng verified information at mga karanasang makatulong upang maunawaan ang issue. Pansinin ninyo, hindi random ang simbolo, slogan at gawain. Pare-pareho silang nagtuturo sa iisang advocacy goal. Ganon din ang gusto nating makita sa inyong output. Coherent, responsible at meaningful. Dumako naman tayo sa pagtataya. Suri kilos. Dalawang paraan ng pakikibaka ng kababaihan.

30:55 Dito natin susukatin kung malinaw na ba sa inyo ang distinsyon sa pagitan ng aktibismong panuelo at kilusangista. Hindi sapat na alam lamang ninyo ang pangalan ng dalawang konsepto. Kailangan ninyong maipakita kung paano sila nagkakaiba at tagakatulad ayon sa layunin, paraan, simbolo, o mensahe at ambag. Kaya bago sagutan ang matrix, balikan sa isip ang pinakamahalagang konseptong tinalakay natin. Comparison matrix. Sa matrix, mayroon tayong apat na pangunahing aspekto. Sa bawat row, ilagay muna ang tamang impormasyon para sa aktibismong panuelo. Pagkatapos, ilagay ang katumbas na information para sa kilusang sophragista.

31:41 At sa huling bahagi, huwag lamang ulitin ang sagot. maghambing. Halimbawa, magkaiba sila dahil o magkatulad sila sapagkat 'yan ang mahalagang bahagi dahil ang tunay na pagsusuri ay hindi lamang paglalagay ng facts sa dalawang column. Ito ay pagkilala sa relasyon ng dalawang konsepto. Rubric. Tingnan din natin kung paano mamarkahan ang gawain. Tatlong puntos kung wasto ang impormasyon tungkol sa dalawang konsepto at malinaw ang paghahambing. Dalawang puntos kung karamihan ay tama ngunit kulang ang paliwanag. Isang punto kung limitado ang impormasyon at hindi malinaw ang comparison at zero kung walang sagot o

32:26 hindi nauugnay sa hinihing gawain. Kaya kung gusto ninyong makuha ang pinakamataas na puntos, tandaan ang dalawang requirement. Accuracy plus explanation. Hindi sapat ang tama lamang ang dalawang sagot. Kailangang malinaw din kung paano sila nagkakaugnay o nagkakaiba. Processing of answers part 1. Suriin natin ang posibleng tamang paghahambing. Sa layunin, pinalawak ng aktibismong panuelo ang espasyo at pampublikong papel ng kababaihan. Samantalang ang kilusangista ay nakatuon sa pagkamit ng karapatang bumoto at lumahok sa pulitika. Sa paraan, mahalaga sa aktibismong panuelo ang tradisyonal na kasuotan, identidad at kagalang-galang

33:12 na imahe. Sa kilusang sufragista naman, ginamit ang organisasyon, pagsusulat, petisyon, labiing, kampanya at kalaunan ang proseso ng plebisito. Kapwa sila gumagamit ng mapayapang pagkilos ngunit hindi pareho ang kanilang pangunahing estratehiya. Processing of answers part 2. Sa simbolo o mensahe, mahalaga sa aktibismong panuelo ang panuelo at tradisyonal na kasuot ang Filipina bilang bahagi ng pagpapahayag ng identidad. Sa kilosang sopragista, higit na makikita ang simbolo ng boto balota, petisyon at pampublikong kampanya. At sa ambag, nakatulong ang una sa paglawak ng pagkilala sa kababaihan bilang aktibong

33:59 kalahok sa pampublikong buhay. Samantala, nagkaroon ng malinaw na legal na resulta angrage campaign, ang pagkilala sa karapatang bumoto pagkatapos ng matagumpay na plebisito noong 1937. Kaya muli, related but not identical. Reflection 7. Bago natin tuluyang tapusin ang aralin, kumuha na ang inyong reflection notebook. Sumulat ng lima hanggang pitong kumpletong pang-ungusap. Ngunit ayaw nating puro sa mari lamang. Una, sabihin ang pinakamahalagang realization ninyo mula sa aralin. Ikalawa, ipaliwanag kung paano ginamit ng kababaihan ang simbolo at kolektibong pagkilos upang palawakin ang kanilang karapatan at pakikilahok. Ikatlo, iugnay

34:46 ito sa isang sitwasyon sa kasalukuyan. kung saan mahalaga ang pantay na pakikilahok at sa huli, magbigay ng isang responsableng hakbang na personal ninyong magagawa. Dito natin nakikita kung nauunawaan ninyo hindi lamang ang impormasyon kundi ang kahulugan ng aralin. Extended learning opportunity. Kung nais pa ninyong mapalalim ang inyong pag-unawa, narito ang inyong extended learning opportunity. maghanap ng isang kasalukuyang kampanya na gumagamit ng damit, kulay, laso, logo o ibang visual symbol upang maghatid ng panlipunang mensahe. Alamin kung ano ang ibig sabihin ng simbolo. Pagkatapos suriin kung paano ito ginagamit upang makatawag

35:32 ng pansin, makabuo ng identidad o maipahayag ang paninindigan ng isang grupo. Sa huli, ihambing ito sa konseptong tinalakay natin tungkol sa panuelo. Ang mahalagang tanong, paano nagkakaroon ng kapangyarihang panlipunan ang isang simpleng simbolo? Pangwakas na paglalahat. Sa pagtatapos ng ating aralin, balikan natin ang tanong natin sa simula. Maaari bang maging instrumento ng pakikibaka ang isang kasuotan? Ang sagot ay makikita sa konteksto. Ang panuelo ay maaaring simpleng bahagi ng tradisyonal na kasuotan. Ngunit kapag iniugnay sa identidad, pampublikong pagkilos at layuning magkaroon ng boses sa lipunan,

36:17 maaari itong magkaroon ng mas malalim na kahulugan. At sa kilusangista, nakita natin kung paano lumawak mula sa simbolikong pakikilahok tungo sa organisadong kampanya para sa konkretong pulitikal na karapatan. Ang pinakamahalagang aral, nagiging makapangyarihan ang isang tinig kapag nagiging bahagi ito ng sama-samang pagkilos. Maraming salamat sa inyong aktibong pakikinig at pakikilahok. Na pagkatapos ng araling ito ay mas malinaw nating makita na ang kasaysayan ay hindi lamang binubuo ng mga digmaan, batas at tanyag na pangalan. Binubuo rin ito ng mga taong unti-unting lumalawak ang kanilang tinig, humahaon sa dating pananaw at sama-sama ang gumagawa ng pagbabago.

37:03 Muli, ako si Sir Louis at tandaan, sa pag-aaral ng kasaysayan, hindi lamang natin inaalam [musika] kung ano ang nangyari. Sinusuri natin kung paano at bakit nagbago ang lipunan. >> Hanggang sa susod nating paglalakbay sa kasaysayan. [musika] Maraming salamat at magandang araw. Halaghan [musika] hali atlasin ang kwento ng ating kasaysayan [musika] aralang kahapon gabay sa ating sarili kasaysayan sirat [musika] matuto saysay [musika] halin tuklasin ang kwento ng ating P

Share

More video summaries