TERM 2-FILIPINO 9-WEEK 1: Kaligirang Pangkasaysayan: 1986 MULA EDSA HANGGANG SA BAGONG MILENYO

Teacher Coleen www.youtube.com

Brief Summary

The video discusses the historical context of Philippine literature from 1986, the time of the EDSA Revolution, through to the new millennium, highlighting the impact of societal changes on literary themes and expressions. It emphasizes the connection between literature and history, encouraging students to explore how various events influence writers and their works.

  • The historical influence on literature in the Philippines.
  • The importance of connecting societal conditions to literary themes.

Introduction to the Historical Context of Literature

The lesson begins with an introduction to the significance of the year 1986 in Philippine history, especially in relation to the EDSA Revolution and its aftermath. The video explains that literature is intertwined with history, reflecting societal changes, themes, and expressions that evolve with time. The objectives include identifying key social events from 1986, understanding the relationship between societal conditions and literary themes, and gathering insights from the community to relate personal experiences to literature.

Literary Themes and Historical Experiences

The lesson encourages students to reflect on creative expression by summarizing literary themes pertinent to the post-martial law period. It requires students to think of significant words that describe the literary climate during martial law without directly stating it. The discussion revolves around how experiences of injustice and societal issues drive writers to create impactful literature, making clear that literature is a reflection of real-life experiences.

Understanding Key Terms

Students are tasked with understanding three key terms: "New Society," "Republic," and "Third Republic." Using dictionaries, they are to form their definitions based on personal comprehension before comparing them with the official definitions given. The lesson highlights that "New Society" refers to the society envisioned under President Marcos, while "Republic" denotes governance by elected representatives, and the "Third Republic" symbolizes the liberation from martial law in 1986.

Analyzing a Song Related to 1986

The video presents a song closely associated with the spirit of 1986, emphasizing themes of unity and peaceful change. Students are guided to analyze the lyrics, focusing on the experiences that inspired such a message. They must discuss what the song calls for, the conditions under which the Filipinos sought freedom, and why the peaceful approach was monumental during that time.

Formulating Questions About 1986

Before diving deeper into the history of 1986, students are encouraged to list three questions they hope to answer throughout the lesson. Questions may revolve around the effects of the Marcos family's departure on writers or changes in literary themes post-EDSA. It promotes an active reading approach, enhancing student engagement with the material.

The EDSA Revolution: A Turning Point

The session highlights the significance of the EDSA Revolution, describing its timeline and key events leading up to the ousting of the Marcos family. The role of media, particularly radio and television, is acknowledged as vital in mobilizing citizens. The peaceful revolution is portrayed as a collective effort involving communication and information sharing among the populace.

Post-Revolution Challenges

Despite the significant changes brought by the revolution, the video illustrates that many societal problems persisted, such as labor issues, corruption, and violence. It stresses that literature remains a tool for questioning and highlighting ongoing societal injustices, indicating that the end of a regime does not equate to an end of struggle in literature.

Literature as a Reflection of Society

The lesson points out literature as a mirror to society, where ongoing social and political issues are translated into literary themes. It discusses themes such as community, grief, human rights, and imperialism that emerge from the lived experiences of citizens. The relationship between societal conditions and literary production is a focal point.

Personal Reflection and Group Activity

Students engage in personal reflection by summarizing important lessons learned and identifying concepts that need clarification. They are encouraged to articulate how historical contexts relate to their everyday lives and the perspectives of elders. The importance of group interviews to gather community stories from the past is emphasized.

Technological Influence on Literature

The lesson transitions to the impact of technology on literature entering the new millennium. It questions how the advent of the internet, social media, and digital platforms has altered how literature is created, consumed, and shared, while affirming that human experiences and storytelling remain essential.

Digital Transformation of Literature

Students examine how digital platforms like social media and the internet have reshaped language usage and literary expression. This segment explores the implications of digital technology on communication methods, changing the dynamics between authors and their audiences.

Exploring Contemporary Filipino Literature

Finally, students analyze themes in contemporary literature, recognizing the evolution of topics, genres, and language over time. Group discussions focus on how societal changes influenced these developments, emphasizing the necessity of critical analysis when engaging with modern literary works.

Concluding Thoughts

In the conclusion, the presenter reiterates that while storytelling methods may evolve with technology, the core essence of Filipino identity in literature remains intact. It encapsulates the interplay of history, culture, and personal experiences, underscoring the significance of literature as a reflection of societal nuances.

Summarize any YouTube video in seconds

Get summaries like this one for any video, in your language, with the free Summ app.

Download on the App Store
Get it on Google Play

Transcript

Full transcript of “TERM 2-FILIPINO 9-WEEK 1: Kaligirang Pangkasaysayan: 1986 MULA EDSA HANGGANG SA BAGONG MILENYO”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.

0:14 Magandang araw, Grade 9. >> [musika] >> Sa ating bagong aralin, maglalakbay tayo mula sa isang napakahalagang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas ang taong 1986 hanggang sa pagpasok natin sa bagong mileno. Ang ating paksa ay kaligirang pangkasaysayan ng panitikan noong 1986 mula EDSA hanggang sa bagong mileno. Mahalagang tandaan na hindi hiwalay ang panitikan sa kasaysayan. Kapag nagbabago ang lipunan, nagbabago rin ang mga kwentong isinusulat, mga temang binibigyang diin at maging ang paraan ng pagpapahayag ng mga manunulat. Kaya sa araling ito, hindi lamang natin aalamin kung ano ang nangyari noong 1986.

1:00 Susuriin din natin kung paano nakaimpluwensya ang mga pangyayaring iyon sa panitikang Pilipino. Bago tayo magsimula, tingnan muna natin ang tatlong pangunahing layunin ng ating paglalakbay. Una, makapagtatala tayo ng mahahalagang pangyayaring panlipunan noong 1986. Ikalawa, hihinuha natin ang ugnayan ng kalagayan ng lipunan at ng mga temang lumilitaw sa panitikan. At ikatlo, hindi lamang tayo aasa sa mga aklat. Susubukan din nating patunayan ang mga temang ito sa pamagitan ng panayam sa mga tao sa ating komunidad. Ibig sabihin, gagamit tayo ng kasaysayan, panitikan at karanasan ng tunay na tao. Habang

1:47 sumusunod sa talakayan, lagi ninyong itanong. Kung ito ang nangyayari sa lipunan, ano kaya ang isusulat ng isang manunulat na nabubuhay sa panahong iyon? Ilang malikhaing pagkalahat, isipin ninyong gagawa kayo ng isang Facebook post. Sumulat ng maikling pahayag na naglalaman ang pinakamahalagang konsepong narutuhan ninyo tungkol sa panitikan sa bagong mileno. Maaaring tungkol ito sa paggabago ng wika, papel ng internet, digital platforms o patuloy na ugnayan ng panitikan at lipunan. Sa dulo gumamit ng mga hashtag. Halimbawa sa slide ang h#teknolohiya #intennet at h#panitikang pilipino. Ngunit subukan ninyong gumawa ng sarili ninyong mas malikhaing hashtag. Tandaan

2:33 may klima ng social media post. Maaari pa rin itong maging malinaw, makabuluhan at mapanuri. Subukin natin ang iyong memorya sa pamamagitan ng gawaing Sabihin mo ng hindi sinasabi. Magbigay kayo ng mga susing salita na naglalarawan sa kalagayan ng panitikan sa panahon ng batas militar. Pero may isang rule. Bawal ninyong sabihin mismo ang pariralang kalagayan ng panitikan sa panahon ng batas militar. Ano kaya ang maaari nating gamitin? Maaaring pumasok sa isip ninyo ang mga salitang sensura, protesta kalayaan simbolismo aktibismo, karapatang pantao, pagpuna o pagtutol. Ang mahalaga rito ay hindi lamang maalala ang mga termino. Nais

3:20 nating makita na ang panitika noong panahong iyon ay malapit na konektado sa mismong kalagayan ng bansa. I-pause muna ang video at magtala ng hindi bababa sa limang susing salita. Ngayon tingnan natin kung paano nagsisimula ang isang akda mula sa karanasan. May tatlong bahagi sa slide. Karanasan, naramdaman at ujyok na kilos. Halimbawa, naging biktima ka ng fake news. Iyun ang karanasan. Dahil dito, maaaring nakaramdam ka ng galit o lungkot. Iyun naman ang damdamin. At dahil nais mong maitama ang maling impormasyon, maaari kang sumulat ng isang post para magbigay ng linaw. Yun ang ujok na kilos. Ganito

4:05 rin ang maaaring mangyari sa isang manunulat. May nakita siyang kawalang katarungan, kahirapan, diskriminasyon o pagbabago sa lipunan. May nabuo itong damdamin sa kanya at ang damdaming iyon ang nagtulak sa kanyang magsulat. Kaya madalas ang panitikan ay bunga ng karanasan ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Bago tayo magpatuloy, mayroon tayong tatlong terminong kailangang maunawaan. Bagong lipunan, republika at ikatlong republika. Gamit ang dikyonaryo, aklat o inyong telepono, kung pahihintulutan, hanapin muna ang kahulugan ng bawat isa. Huwag muna nating tignan ang kasunod na slide. Sa paghahanap ng kahulugan, subukang gumawa ng sarili ninyong

4:51 paliwanag. Hindi kailangang kopyang-kopya ang definisyon. Halimbawa, kapag sinabing republika, ano ang naiisip ninyo tungkol sa mamamayan, pamahalaan at pagpili ng mga kinatawan. Bigyan ang sarili ng ilang minuto. Pagkatapos, ihambing natin ang inyong sagot sa mga depinisyong ibinigay sa susunod na slide. Ihambing natin ngayon ang inyong mga sagot. Ayon sa slide, ang bagong lipunan ay tumutukoy sa lipunang nais marating ni Pangulong Marcos Senr. Sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ang republika naman ay isang estado kung saan ang kapangyarihan ay nasa mamamayang pumipili ng kanilang mga kinatawan. At sa presentasyong ito, ang ikatlong republika ay in nilalarawan

5:36 bilang panahon ng paglaya ng mga Pilipino mula sa batas militar noong 1986. Kung may kaunting pagkakaiba ang sagot ninyo, ayos lamang. Basta malinaw ang pangunahing konsepto. Tandaan ang tatlong terminong ito dahil makikita natin mamaya kung paano nagkaroon ng malaking pagbabago sa mapulitika at panlipunang kalagayan ng bansa. Dumako tayo sa isang awiting malapit na iniuugnay sa diwa ng 1986. Handog ng Pilipino sa mundo. Pansinin ang mga lirikong ipinakikita sa slide. Binibigyan diin dito ang pagkakapitbisig ng maraming Pilipino, pagkakaisa sa isang adhikain at ang ideya ng mapayapang pagbabago. Makikita rin ang mga salitang karotohanan, kalayaan at katarungan. Habang binabasa o

6:23 pinakikinggan ninyo ang awit, huwag lamang pansinin ang magandang himig. Tanungin ninyo anong karanasan ng mga Pilipino ang pinagmulan ng ganitong mensahe? Dito natin muling makikita ang konsepto kanina. Karanasan, damdamin at ujok na lumikha. Ngayon ay mas malalim nating suriin ang mensahe ng awit. Una, ano ang panawagan ng awit sa mga lirikong binasa? Malinaw na may panawagan sa pagkakaisa, kalayaan, katarungan at papayapang pagkilos. Ikalawa, sa anong kalagayan natin nais lumaya ang mga Pilipino? Balikan ang konseptong pinaggagalingan ng awit at mga pangyayari bago ang 1986. At ikatlo, bakit binibigyan diin ang mapayapang paraan ng pagbabago? Hindi

7:09 kailangang magkakapareho ang eksaktong paraan ng inyong pagsagot. Ang mahalaga ay maiugnay ninyo ang mga salita sa awit sa kalagayan ng lipunan noong panahong iyon. I-pause muna ang video at sagutin ang tatlong tanong bago tayo magpatuloy. Bago natin basahin at talakayin ang kasaysayan ng 1986, gusto kong kayo muna ang magtanong. magtala ng tatlong tanong na nais ninyong masagot habang nagpapatuloy ang aralin. Halimbawa, paano nakaapekto ang pag-alis ng mga marko sa mga manunulat? Maaari rin kayong magtanong tungkol sa EDSA Revolution, sa kalayaan sa pamamahayag, sa mga pagbabago sa tema ng panitikan o sa karanasan ng mga ordinaryong Pilipino. Bakit tayo gumagawa ng tanong bago magbasa? Dahil kapag may hinahanap

7:55 tayong sagot, nagiging mas aktibo tayo bilang mamabasa. Hindi lamang tayo tumatanggap ng impormasyon. Naghahanap tayo ng koneksyon at paliwanag. Itabi ang tatlong tanong na ito dahil babalikan natin ang mga ito mamaya. Dumako na tayo sa ikalawang sesyon. Ngayon, mayroon na tayong mga tanong at paunang kaalaman. Pag-aralan naman natin ang mahalagang pangyayari noong 1986 at ang naging epekto ng mga ito sa lipunan at panitikan. Habang sumusunod, tandaan ang tanong na ito. Nagiging tahimik ba ang panitikan kapag nagbabago na ang pamahalaan o patuloy itong nagsisilbing salamin ng mga problemang hindi pa nalulutas? Yan ang ating aalamin. Sa slide. Nakatuon tayo sa rebolusyon sa

8:41 EDSA noong Pebrero 1986. makikita ang apat na mahalagang bahagi kailan ito naganap ano ang naging ujoke anong paraan ang ginamit at ano ang naging resulta binibigyang diin dito ang papel ng media partikular ang radyo at telebisyon sa pagtitipon at pagkapakilos ng mamamayan ang paraan naman ay nilalarawan bilang isang mapayapang people revolution at sa resulta ipinakikita sa slide ang pag-alis ng pamilya Marcos at ang pagluklok ng bagong pamumuno sa ilalim ni Corazon Aquino. Pansinin ang isang mahalagang ideya. Hindi lamang ang mga leader ang gumagawa ng kasaysayan. Mahalaga rin ang komunikasyon, impormasyon at sama-samang pagkilos ng mamamayan.

9:26 Sa slide na ito makikita ang tatlong yugto na inilalarawan bilang una, ikalawa at ikatlong republika. Ang unang republika ay iniuugnay sa panahon ni Emilio Aguinaldo. Ang ikalawang republika ayon sa presentasyon ay iniuugnay sa paglaya mula sa mga Amerikano at ang tinatawag dito na ikatlong republika ay inilalarawan bilang paglaya mula sa batas militar noong 1986. Ang mahalagang punto ng slide ay ang konsepto ng paglaya at pagbabago ng pampulitikang kalagayan. Ngunit tandaan, ang pagkakaroon ng pagbabago sa pamahalaan ay hindi nangangahulugang biglang nawawala ang lahat ng suliranin sa lipunan. At yan mismo ang pag-uusapan natin sa susunod. Bagam't may malaking pagbabagong naganap

10:12 noong 1986, ipinakikita ng slide na hindi natapos ang lahat ng problema pagkatapos ng rebolusyon. Nanatili ang panga-api sa ilang manggagawa at magbubukid. Patuloy din naging usapin ang korupsyon. Naran din ang problema sa droga at pagdami ng informal settlers at patuloy na may mga biktima ng karahasan. Ano ang ibig sabihin nito para sa panitikan? Kung may mga problemang patuloy na nararanasan namayan, patuloy ring magkakaroon ng mga manunulat na magatanong, magalarawan, pupuna at magbibigay boses sa mga karanasang ito. Kaya ang paglayay hindi katapusan ng kwento. Sa maraming pagkakataon, simula lamang ito ng panibagong yugto. Narito ang isa sa pinakamahalagang konsepto ng ating aralin, ang panitikan

10:58 bilang salamin ng lipunan. Kung ang kalagayan ng bansa ay puno pa rin ng mga suliraning panlipunan at pampulitika, makikita rin ang mga ito sa mga akdang nalilikha. Ayon sa slide, lumitaw ang mga temang tulad ng pakikisama at pagadalamhati, kahirapan at pulitika, kalagayan ng manggagawa at imperyalismo. Pansinin ang direksyon ng diagram mula sa kalagayan ng lipunan patungo sa tema ng panitikan. Yan ang ugnayang nais nating maunawaan. Hindi basta naiisip ng manunulat ang isang tema mula sa wala. Madalas itong nagmumula sa mga problemang kanyang nasasaksihan sa mga usaping umiikot sa bansa at sa mga karanasan ng kanyang kapwa. Alalahanin natin ang tatlong tanong na isinulat ninyo bago tayo magsimula.

11:44 Basahin muli ang mga ito. Ngayon, tanungin ang sarili. Nasagot ba ng ating talakayan ang mga tanong ko? Kung oo, isulat sa tabi ng tanong ang maikling sagot na nakuha ninyo. Kung hindi pa, huwag burahin ang tanong. Maaari itong maging gabay para sa karagdagang pananaliksik. Pagkatapos, pumili ng isang tanong na sa tingin ninyo ay pinakamahalaga at ibahagi ang sagot. Ang gawaing ito ay mahalaga dahil sinusukat natin hindi lamang kung may natandaan kayong datos kundi kung nalinaw ba ang mga bagay na gusto nating maunawaan. Ngayon ayusin natin ang mga natutuhan sa pamamagitan ng bubble map. Sa malaking bilog sa gitna, ilagay ang pangunahing pangyayari noong 1986 na nais ninyong bigyang diin. Pagkatapos gamitin ang maliliit na bilog para sa mga

12:30 sumusuportang detalye o susing pangalan. Halimbawa, kung ang sentro ay EDS sa Revolution, maaaring iugnay dito ang people power, radyo at telebisyon, paggabago ng pamahalaan, kalayaan at iba pang detalyeng lumitaw sa talakayan. Huwag lamang paramihin ang ilalagay. Piliin ang pinakamahalagang impormasyon. Layunin ang bubble map na makita ninyo ang koneksyon ng pangunahing pangyayari at ng mga detalyeng nakapaligid dito. Mula sa mga pangyayaring inilista ninyo, susunod naman nating tukuyin ang posibleng tema ng panitikan. Sa kaliwang column ay ang salaysay o pangyayari. Sa kanan naman ay ang sayssay o hinuhang tema. Halimbawa, kung ang pangyayari ay kahirapan ng informal settlers, maaaring maging tema ang kahirapan o kalagayan ng

13:16 lipunan. Kung ang pangyayari ay patuloy na korrupsyon, ano naman kaya ang maaaring tema? Maaaring pulitika, katiwalian, kapangyarihan o kawalan ng katarungan? Mahalaga rito ang pangangatwiran. Hindi sapat na magbigay lamang ng tema, kailangang maipaliwanag kung paano nagmula ang temang iyon sa mismong pangyayari. Ngayon, palawakin natin ang ating pag-aaral. sa labas ng silid aralan, ang inyong misyon ay kapanayamin ng isang indibidwal sa komunidad na nasa edad na 55 hanggang 7 taong gulang. Ayon sa tatdang gawain sa slide, ang layunin ay malaman mula sa kanila ang mga pelikula, awit o tulang naaalala nila noong panahong iyon. At tignan kong makikita sa mga ito ang mga temang natukoy natin. Sa ngayon bumuo

14:01 muna ang bawat pangkat ng apat na maratalinong tanong. Iwasang puro oo o hindi ang sagot. Halimbawa, anong awit o pelikula noong panahong iyon ang pinakatumatak sa inyo at bakit? Kapag bukas ang tanong, masi may pagkakataong magkwento ang kinakapanayam. Buuin natin ngayon ang malaking larawan. Makikita sa slide ang apat na magkakaugnay na konsepto. Kasaysayan, kultura, karanasan, panitikan. Ang kasaysayan ay humuhubog sa kultura ng isang lipunan. Ang kultura naman ay nakikita sa paraan ng pamumuhay at karanasan ng mga tao. At ang mga karanasang iyon ay naisasalin sa panitikan. Ngunit maaari rin nating isipin na umiikot ang prosesong ito. Ang panitikan ay maaari ring makaapekto sa pananaw ng tao at maging bahagi mismo ng

14:48 kasaysayan. Kaya kapag nagbabasa tayo ng isang akda, hindi lamang tayo nagbabasa ng kwento. Nagabasa rin tayo ng bakas ng panahon, kultura at karanasan ng mga taong nabuhay noong isinulat ito. Humanap ng kapareha at pag-usapan ang dalawang tanong. Una, bakit mahalagang maunawaan ang kaligirang pangkasaysayan ng mga akd noong 1986? Ikalawa, paano makatutulong ang pag-unawa sa kalagayan ng bansa upang lubos na maunawaan ang panitika nito? Huwag nating hatiin ang tanong na parang kanya-kanyang sagot lamang. Mag-uusap muna paghambingin ang inyong pananaw at pagkatapos ay bumuo ng isang pinag-isang sagot. Sa ganitong paraan, nurutuhan nating hindi lamang magsalita kundi makinig, maghambing ng ideya at bumuo ng mas malinaw na

15:35 paliwanag kasama ang iba. Ngayon ay magkakaroon tayo ng personal na pagnilay. Kumpletuhin ang tatlong pahayag sa inyong journal. Una, narutuhan ko na ano ang pinakamahalagang aral para sa inyo. Ikalawa, nais ko pang linawin ang ano ang konseptong hindi paganap na malinaw. At ikatlo, mailalapat ko ito sa buhay sa pamamagitan ng Dito ninyo ipakikita kung paano naging makabuluhan ang kasaysayan at panidikan sa inyong pangaraw-araw na buhay. Maaaring gamitin ito upang maging masapan sa impormasyon, mas maunawaan ang pananaw ng ibang tao o mas pahalagahan ang karanasan ng nakatatandang henerasyon. I-pause muna ang video at sagutan ang inyong repleksyon.

16:21 Bago matapos ang sesyong ito, tandaan ang tatlong dapat gawin. Una, isagawa ang pangkatang alam panayam gamit ang mga tanong na inaprubahan ng guro. Ikalawa, i-record sa audio o video o maayos na itala ang mga sagot ng kinakapanayam ayon sa napagkasundoang paraan at kinakailangang pahintulot. Pangatlo, ihanda ang inyong pangkat para sa ulat ng patunay sa usunod na pagkikita. Piyaking maayos ang inyong mga tala. Huwag umasa lamang sa memorya. Ang layunin natin ay gamitin ang boses ng komunidad bilang dagdag na patunay sa ating pag-aaral tungkol sa panatikan at kalagayan ng lipunan noong panahong iyon. Dumakot tayo sa ikatlong sesyon. Mula sa 1986, lalawak na ngayon ang ating

17:07 pagkalakbay patungo sa bagong milenio. Makikita natin kung paano binago ng teknolohiya hindi lamang ang paraan ng ating pakikipag-usap kundi pati ang paraan ng paggawa, pagbasa, panonood at pagbabahagi ng panitikan. Kung dati ay papel, aklat, radyo at telebisyon ang pangunahing daluyan, ano kaya ang nangyayari kapag pumasok ang internet, social media, blogs at digital platforms? 'Yan ang ating bagong focus. Pagmasdan ang dalawang imahen sa slide. Sa ikalawa ay isang makinilya, simbolo ng mas tradisyonal na pagsulat. Sa kanan ay isang smartphone na may social media feed. Sa pagitan ng dalawang ito ay makikita ang malaking paggabago sa paraan ng paglikha at pagkonsumo ng teksto. Ang ating paksa ngayon ay ang

17:52 kaligirang pangkasaysayan ng mga tekstong pampanitikan mula 1986 hanggang sa kasalukuyan. Mahalagang tanungin. Nagbago ba ang panitikan dahil nagbago ang teknolohiya? Oo, nagbago ang daluyan, bilis, wika at paraan ng pakikipag-ugnayan sa mambabasa, ngunit nanatiling mahalaga ang kwento at karanasan ng tao. Tatlo ang ating pangunahing layunin sa bahaging ito. Una, mayalarawan natin ang panitikan sa pagbubukas ng bagong milenyo. Ikalawa, atalakayin natin ang epekto ng teknolohiya sa tema at estruktura ng panitikan. At ikatlo, husuriin natin ang mga paggabagong ito sa pamagitan ng isang survey. Mapansin ninyong muli tayong hindi mananatili sa lecture lamang. Gumagamit tayo ng

18:37 sariling karanasan, halimbawa ng mga akda at datos mula sa ibang tao upang malaman kung paano talaga tinatanggap at ina-access ng kasalukuyang mamabasa ang panitikan. Magkaroon muna tayo ng magaan na balikaral. Ibahagi ang pamagat ng paborito ninyong awit at subukang iugnay ito sa kalagayan ng panitikan noong 1986. Maaaring tila mahirap sa umpisa lalo na kung makabago ang napili ninyong kanta. Pero isipin ang tema, ang awit ba ay tungkol sa kalayaan, pag-ibig, paikibaka pamilya pagkakaisa kawalan ng katarungan? Maraming temang umiiral noon ang patuloy pa ring lumilitaw ngayon. Isulat ng pamagat ng awit at isang maikling dahilan kung paano ito maaaring uugnay sa temang panlipunan o

19:22 karanasang tinatalakay natin. Kilalanin natin ang mga logo sa slide. Mula kaliwa, makikita ang Twitter o x sa kasalukuyang anyo ng platform Facebook, Gmail, Instagram at YouTube. Ilang minuto o oras kaya ang ginu-Google ninyo sa mga ganitong application sa loob ng isang araw? Sa unang tingin, parang wala itong kaugnayan sa panitikan. Pero isipin sa mga platform na ito ay nagbabasa ng caption, post, kwento, komentaryo, tula, memes, video essays, spoken word at iba't iba pang uri ng digital text. Kaya maaaring mas marami tayong nababasang tekstto araw-araw kaysa sa iniisip natin. Nagabago lamang ang plataporma. Inin naman natin ang ating paggamit sa mga application na iyon. Una, saan ninyo

20:10 madalas ginagamit ang mga ito? Sa bahay ba, paaralan, biyahe kapag may libreng oras? Ikalawa, ano-anong bagong salita ang nauuso dahil sa mga ito? Maaaring mga pinaikling salita, hashtags, slang, internet expressions o kombinasyon ng Filipino at Engles. At ikatlo, paano ninyo ilalarawan ang wikang ginagamit sa mga platform na ito? Pormal ba? Impormal? Maikli? Direktang-direkta? Madalas bang may emoji o abbreviation? Ang tanong na ito ay mahalaga dahil makikita natin na kapag nagbago ang teknolohiya at paraan ng komunikasyon, nagabago rin ang gamit ng wika. Linawin natin ang dalawang mahalagang termino. Ang teknolohiya ay nilalarawan sa slide bilang paggalapat ng agam sa

20:55 praktikal at industriyal na layunin. Hindi lamang gadget ang teknolohiya kabilang dito ang mga sistemang at kagamitang nalilikha upang mapadali ang gawain, komunikasyon at produksyon. Ang media naman ay isang pangunahing daluyan ng komunikasyong pangmadla. Kasama rito ang radyo, telebisyon, pahayagan, pelikula at sa makabagong panahon, digital at online platforms. Kapag pinagsama ang teknolohiya at media, nagbabago ang paraan kung paano nakararating sa tao ang isang akda. Ang dating kailangang ilimbag ay maaari ng mai-post at maibahagi sa loob lamang ng ilang segundo. Isa pang mahalagang konsepto ay ang vlog. Ayon sa slide, maaari itong maging website na naglalaman ng personal na refleksyon, komentaryo, video at iba pang content.

21:41 Maaari itong maging online publication tungkol sa iba't ibang paksa mula sa mga manunulat. Bago naging napakapopular na maikling social media post at vlogs, malaking bahagi ng personal at malikaing pagsulat online ang blogging. Ito makikita ang paggabago sa relasyon ng manunulat at mambabasa. Hindi na kailangan dumaan palagi sa tradisyonal na publisher bago maibahagi ang sinusulat. Sa digital space, maaaring direktang maiparating ng manunulat ang kanyang teksto sa audience. Ngayon ay gamitin natin ang sarili ninyong karanasan. Mag-isip ang paborito ninyong halimbawa sa apat na kategorya. Awit, pelikula, tula at nobela. Isulat ang pamaga sa bawat kahon. Kung wala kayong maisip sa isang kategorya, huwag mag-alala. Maaari kayong magtanong sa kaklase o alalahanin ng mga akdang

22:27 napag-aralan ninyo. Bakit natin ito ginagawa? Dahil gusto nating tignan kung anong klaseng panitikan at media ang kinahihiligan ng inyong henerasyon. Mamaya husuriin natin hindi lamang ang pamagat kundi pati ang wika, platform at tema ng mga napili ninyo. Tignan muli ang mga pamagat na inyong isinulat. Una, anong uri ng mga salita ang ginagamit sa mga pamagat? Filipino ba? Engles, tuglish, slang? May kakaiba ang spelling. Ikalawa, saan ninyo naa-access ang mga ito? Sa libro ba? Spotify, YouTube, Netflix, Watpad, social media? At ikatlo, ano ang karaniwang tema o paksa? Maaaring pag-ibig, pamilya, mental health, kabataan, pulitika,

23:12 identidad, kahirapan o personal na paikibaka. Dito natin makikita na nagabago ang panitikan kasabay ng panahon. Maaaring pareho ang ilang pangunahing karanasan ng tao ngunit nag-iiba ang wika, anyo at daluyang ginagamit upang maipahayag ang mga ito. Narito na tayo sa ikaapat na sesyon. Sa bahaging ito, pagasamahin natin ang lahat. Kasaysayan, paggabago ng lipunan, pag-unla ng teknolohiya at ebolusyon ng panitikan. Tignan natin ang pagkalakbay mula 1986 patungo sa ikaw siglo. Habang sinusundan ng timeline, obserbahan kung ano ang nanatili at ano ang nagabago. Ang tanong natin, kung ang panitikan ay salamin ng lipunan, ano ang makikita nating paggabago sa salaming ito habang

23:58 nagabago rin ang Pilipinas? Unang bahagi ng timeline. Nagsimula tayo sa 1986. Una ay paglaya. Ayon sa slide, sumigla ang panitikan kasabay ng mas malayang pamamahayag. Ikalawa ay musika o OPM. Naging bahagi ng popular na kultura ang mga grupong tulad ng Eraser Heads, parokia ni Edgar at River Maya. Ikatlo ay ang pagbabago ng tema. Lumawak ang pagtalakay sa pag-ibig, karanasan ng kabataan, karapatang pantao at mga usaping panlipunan. At ikaapat ay media. Patuloy ang pag-unlad ng radyo at telebisyon at lumitaw ang mas maraming independent films. Makikita nating ang panitikan ay hindi lamang nasa aklat. Maaari itong mabuhay sa kanta, pelikula,

24:43 radyo, telebisyon at iba't ibang popular na anyo. Pagpasok ng ika2't1 siglo, mas naging malinaw ang impluwensya ng digital technology. Una ay ang digital na espasyo. Lumawak ang panitikan sa internet sa pamamagitan ng vlogging, vlogging, podcast. at iba pang mga online content. Ikalawa ay ang mabilis na paglaganap. Kung dati ay maaaring abutin ang araw o buwan bago may pamahagi ang isang akda, ngayon ay maaaring maabot ang napakaraming tao. Ikatlo ay ang ebolusyon ng wika. Binabanggit sa slide ang pag-usbong ng Jeemon, Gwords at kulturang netizen bilang halimbawa ng patuloy na pagbabago ng paraan ng paggamit natin ng wika. Ang teknolohiya kung gayon ay hindi lamang nagbigay ng bagong platform. Binago rin

25:31 nito ang bilis, estilo at wikang ginagamit sa panitikan at komunikasyon. Subukan nating ilarawan ng mahalagang pagbabago gamit ang isang malikaying hashtag. Para sa pag-unlad ng teknolohiya sa ika-2't1 siglo, maaaring gumawa ng hashtag na tumutupoy sa digital transformation. Para sa pagdasali ng kwento sa pelikula, gumawa ng hashtag na nagpapakita ng paglipat mula pahina patungong screen. Ganoon din sa pagsigla ng TV at radyo. Paglaganap ng internet at pagkusbong ng iba't ibang wika sa planetikan. Halimbawa lamang maaaring h#kwento sa screen o panitikan online. Ngunit mas maganda kung kayo ang gagawa. Dapat maikli, madaling tandaan at malinaw ang koneksyon sa konseptong inilalarawan.

26:17 Ngayon ay suriin natin ang ilang halimbawa ng akda at pamagat na makikita sa slide. Narito ang bata-bata. Paano ka ginawa? Dekada si aba nakakabasa na pala ako. At pexman, mamatay ka man. Nagisinungaling ako. Pansinin agad ang malaking pagkakaiba sa estilo ng pamagat. May mga pamagat na may tradisyonal ang pagkakasulat at mayroon namang gumagamit ng mas impormal, mapaglaro o makabagong wika. Sa inyong pangkat, huwag lamang sagutin kung alin ang mas gusto ninyo. Suriin ninyo kung ano ipinahiwatig ng pamagat tungkol sa panahon, target na mambabasa at paraan ng pakikipag-usap ng manunulat sa audience. Gamitin ang tatlong tanong bilang gabay sa inyong pagusuri. Una, saan hinalaw o ibinatay ang mga pelikulang bata-bata at

27:04 dekada 70? Pag-isipan ang ugnayan ng panatitikan at adaptasyong pampelikula. Ikalawa, ano ang napapansin ninyo sa paggamit ng wika sa mga pamagat nina baboong at erosatalya? Pansinin ang impormalidad. Pagiging conversational at paglalaro sa baybay at tono. Ikatlo, ano-ano ang tema o paksang maaaring tinalakay ng mga akdang ito? Huwag huminto sa pamagat lamang. Iugnay ang inyong sagot sa mga usaping panlipunan, karanasan ng pamilya, kabataan, pag-ibig at iba pang mga paksang lumitaw sa ating pag-aaral. I-pause ang video at pag-usapan ito bilang pangkat. Ngayon ay sasagawa natin ang panayamadla. Isang simpleng survey upang masuri kung paano tinatanggap ng tao ang panitikan sa

27:49 bagong milenyo may tatlong hakbang. Una, magsaliksik ng s akdang pampanitikan mula sa bagong milenyo. Dalawa, magsagawa ng sarve sa 10 tao gamit ang inihandang talahan na yan. At ikatlo, ilahad sa klase ang konklusyon mula sa inyong nakalat na datos. Pansinin na hindi tayo basta magtatanong kung gusto nila ang akda. Pusuriin natin kung paano nila ito nalaman. Saan nila ito na-access, gaano nila ito nauunawaan at gaano sila nagkakaugnay sa tema. Sa pamamagitan nito, makikita natin ang aktwal na epekto ng digital age sa panitikan. Gagamit tayo ng apat hanggang isang scale sa pagsagot. Ang apat ay lubos na sumasang ayon at ang isa ay lubos na hindi sumasang ayon. May limang pahayag. Una, napanood o nabasa ko ang akda.

28:36 Ikalawa, madali kong nauunawaan ang nilalaman nito. Ikatlo, nalaman ko ang akda dahil sa isang post sa social media. Ikaapat, na-access ko ang akda sa internet. At ikalima, mabilis akong nakaugnay sa tema dahil sa kanaranasan ko ito sa kasalukuyan. Tandaan, hindi ninyo dapat impluwensyahan ang sagot ng kalahok. Bigay lamang ang pahayag at hayaan silang pumili ng sagot na pinakatapat sa kanilang karanasan. Kapag nakumpleto na ang survey, huwag lamang basta bilangin ang mga sagot. Bigyang kahulugan natin ng datos. Una, ano ang nangingibabaw na tugon ng mga kalahok? Halimbawa, kung karamihan ay sumasang ayaw na nalaman nila ang akda sa social media, anong ibig sabihin nito tungkol sa paraan ng paglaganap ng

29:22 panidikan ngayon? Kung karamihan ay nagasabing naa-access nila ang mga akta sa internet, ano naman ay pinahihiwatigo? Sa pagkamarka, tatlong pangunahing pamantayan ang nasa slide. Lalim ng pagusuri, kaisahan ng ideya at gamit ng wika na tigaapat na puntos. Kaya hindi sapat na magpresenta lamang ng numero. Kailangan ninyong makabuo ng malinaw at makatwirang konklusyon. Bilang malikaing pagkalahat, isipin ninyong gagawa kayo ng isang Facebook post. Sumulat ng maikling pahayag na naglalaman ng pinakamahalagang konsepong natutuhan ninyo tungkol sa panitikan sa bagong mileno. Maaaring tungkol ito sa paggabago ng wika, papel ng internet, digital platforms o patuloy na ugnayan ng panitikan at lipunan. Sa dulo, gumamit ng mga hashtag. Halimbawa sa

30:08 slide ang h#teknolohiya #internet at h#panetikang pilipino. Ngunit subukan ninyong gumawa ng sarili ninyong mas malikhaing hashtag. Tandaan may klima ng social media post. Maaari pa rin itong maging malinaw, makabuluhan at mapanuri. Humanap muli ng kapareha at pag-usapan ng dalawang tanong. Una, bakit mahalagang maunawaan ang kaligirang pangkasaysayan ng panitikan sa bagong milenyo? Ikalawa, paano nakatutulong ang kaalaman sa kalagayan ng bansa upang mas maunawaan ang mga akdang nalilika sa kasalukuyan? Subukang pagsamahin ng mga konseptong natalakay natin mula 1986 hanggang digital age. Halimbawa, maaaring isipin kung paano nakaapekto ang pulitika, ekonomiya, teknolohiya,

30:55 kultura atanasan ng kabata sa mga tema ng mga akda. Bumuo ng isang malinaw na sagot bilang pares at suportahan ito ng kahit isang halimbawa. Bago tayo tuluyang magtapos, tasahin muna natin ang inyong pagkatuto. May apat na anta sa slide. Kayang-kaya ko kung mahusay na ninyong nailarawan ng panitikan. Kaya ko kung naipaliliwanag na ninyo ang ugnayan ng teknolohiya at akda. Kinakaya ko kung may ilang bahagi pa kayong kailangan linawin. At hindi ko kaya kung nahihirapan pa kayo sa mahalagang konsepto. Walang masama sa pagpili ng kinakaya ko o hindi kaya. Layunin nito ay malaman kung saan kayo nangangailangan ng dagdag na tulong. Maging tapat sa sarili. Ang reflekson ay hindi tungkol sa mataas na marka. Tungkol ito sa pagkilala kung ano ang

31:42 alam at ano pa ang kailangang pag-aralan. Bilang pagwakas, balikan natin ang pinakamahalagang mensahe ng buong aralin. Mula sa makinilya at tradisyonal na aklat hanggang sa internet, smartphone, social media, blogs, videos at podcast, patuloy na nagabago ang paraan ng pagkukwento. Nagabago ang ating wika, nagabago ang platform, nagabago ang paraan ng pag-abot sa mababasa. Ngunit tulad ng ipinakikita sa slide, may isang bagay na nananatili. Ang kaluluwa ng ating pagkapilipino ay patuloy na nabubuhay sa ating mga kwento. Ang paritikan ay patuloy na sumasalamin sa ating kasaysayan problema pangarap kultura pag-ibig, pakikibaka at pagkakakilanlan. Kaya kapag nagbabasa tayo ng panatikang

32:28 Pilipino, nakalimbag man sa papel o nakikita sa digital screen, mas nakikilala rin natin ang ating lipunan at ang ating sarili. Maraming salamat sa inyong pakikinig at mahusay na pag-aaral. เฮ

Share

More video summaries