0:01 Ang mga asyano sa panahon ng pagkalugad at eksplorasyon. Ang Asya ay naging entablado sa mga sigalot na dulot na magkakasalungat na ambisyon ng mga kolonyalista. Ngunit sa kabila nito ay may ilang pamayanan at kaharian sa Asya na namayagpag at lumawak ang impluwensya sa pamamagitan ng pananakop o pangangalakal. Ang mga paglalakbay ni Ibin Batuta. Si Abu Abdullah Muhammad Ibin Batuta ay isa sa mga tanyag na manlalakbay mula Morocco na maihahalintulad sa Europeong manlalakbay na si Marco Polo. Nagsimula ang unang yugto ng kanyang paglalakbay noong 1325
0:48 sa isang Haj papuntang Mcca. Una niyang narating ang Ehipto na noon ay pinamumunuan ng Fatimid Califate. Tumuloy siya sa Iraq at Persia bago makarating sa Arabia at ipinagpatuloy ang paglalakbay patungong Mekah upang tuparin ang kanyang had. Matapos nito ay tumulak siya patimog papuntang Yemen at naglayag pabalik ng Africa patungong Gardafe hanggang sa narating niya ang Somalia. Sa panahong iyon, ang Somalia ay isang mayamang sultanato. Pagkatapos nito ay kanyang binagtas ang baybayin ng swahili hanggang sa marating niya ang mga lungsod ng Mombasa, Sanivar at Kilbar
1:37 bago siya bumalik sa Arabia at Ehipto sa ikalawang yugto ng kanyang paglalakbay ay tumulak si Ibin Batuta sa gitnang Asya mula Korasan papuntang Timog, Silangan. [Musika] Sunod niyang pinuntahan ang sultanato ng Delhi sa India na noon ay pinamumunuan ni Sultan Muhammad bin Tuglok. Dahil sa kasan ni Ibin Batuta sa Shariya o batas Islamiko ay hinirang siya bilang kadi ng sultan. Bilang CAD ay nakatanggap siya ng mga regalo mula sa sultan gaya ng kayamanan, magarang mansyon at mataas na sweldo na nagpataas ng kanyang antas sa pamumuhay at umakma sa kanyang responsibilidad sa
2:24 sultanato. Nagtagal si Ibin Batuta sa India at nagsilbi bilang opisyal ng sultan. Inatasan siya ng sultan na ipatupad ang batas Islamiko sa kalakhang bahagi ng India. Binigyan siya ng sultan ng dalawang katuwang upang magabayan siya sa kanyang mga desisyon lalo na sa mga bagay na kailangan ng kontekstong pangkultura ng India. Sa kabila ng benepisyong ibinibigay sa kanya ng sultan ay nahirapan siya sa kanyang pananatili sa India dahil sa mga suliraning pampulitikal dahil sa mga radikal na desisyon ng sultan na nagpahina sa kanyang popularidad. Hindi sinang-ayunan ng marami ang marahas na pagpaparusa ng sultan sa mga
3:10 nagkasala sa batas. Marami sa mga maharlika ang hindi nakasundo ng sultan at nagnais na patalsikin ito. At dahil sa gulong ito ay lalong ninais ni Ibin Batuta na magbitiw sa kanyang tungkulin bilang Cady. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa sultan ang isang kaibigang sufi ni Ibin Batuta na nagresulta sa pagbitay sa sufi at pagkakakulong sa mga malalapit dito kabilang na si Ibin Batuta. Sa loob ng siam na araw ay nakulong si Ibin Batuta at inasahan na rin niya ang pagbitay sa kanya. Ngunit nagulat siya nang siya ay kausapin ng sultan na parang walang nangyari. Nagpaalam siya sa sultan na nais niyang
3:57 ipagpatuloy ang kanyang had upang makaalis sa India. Ngunit imbes na payagan ay hinirang siya bilang embahador ng sultan sa Chsina upang magdala ng mga yaman at kalakal bilang handog ng sultan sa emperador ng China. Tumulak siya patungong timog at tumuloy sa Male Maldives kung saan naging laganap ang relihiyong Islam. Nagpatuloy siya sa isla ng Sri Lanka bago makarating sa Bangladesh. Nagpatuloy siya sa paglalakbay sa mga sultanatong nasasakupan ng Malaysia bago tumulak pahilaga kung saan ay narating niya ang kaharian ng Tawalisi na pinamumunuan ng isang
4:42 babae. At mula dito ay tumulak patungong Shenjo sa probinsya ng Fujian sa China. Isang imperyong mangangalakal noon ang China sa ilalim ng dinastiyang Yuan at dinastiyang Ming. Maraming mga dayuhan noon ang naninirahan sa Chsina bilang mangangalakal at may mga komunidad na Muslim na matatagpuan sa Chenjo. Ang ikatlo at huling bahagi ng paglalakbay noon ni Ibin Batuta ay ang pag-iikot niya sa hilagang Africa lalo na sa mga Islamikong komunidad sa kanlurang Africa. Umuwi si Ibin Batuta sa Morocco noong 1534 matapos siyang pabalikin ng sultan sa kanyang korte. Sa kanyang pag-uwi ay
5:28 isinulat niya ang kanyang ala-ala sa kanyang mahabang paglalakbay. Ang mga paglalakbay ni Shengha. [Musika] Kinikilala ang mga paglalakbay ni Shengha bilang isang malawakang paglalayag mula sa imperyong Ming patungo sa timog silangang Asya, timog Asia, Arabia at silangang Africa. Mas kilala ang mga paglalakbay ni Shengha bilang paglalayag ng mahigit 3 barko na tinawag na treasure ships na naganap noong 14:05 hanggang 1433. Ang mga paglalayag na ito ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng diplomatikong pakikipag-ugnayan sa maraming kaharian
6:14 at pamayanan sa iba't ibang bahagi ng Asya at Africa. Ipinanganak si Shengha sa isang pamilyang Muslim sa Yunan noong 1371. Una siyang naging yun hanggang sa tumaas ang kanyang rango sa pamahalaang Ming dahil sa kanyang abilidad bilang sundalo. 14:05 ng siya ay mahirang bilang admiral at pinangunahan ang pitong ekspedisyon sa ilalim ng pamahalaang Ming. Nakipagkasundo si Shengha sa mga pamahalaang nagnanais makipagkalakalan sa Ming at nakipagdigmaan naman sa mga pirata at iba pang kumalaban sa mga lugar na kanyang pinuntahan. Naipamalas ang kapangyarihan
6:59 ng Ming at mas lalong napalawak ang kalakalan sa timog silangang Asya. Sa pagpanaw ni Shengha noong 1433 ay itinigil ng pamahalaang Ming ang anumang paglalayag at isinara nito ang Chsina sa daigdig at pinagtuunan ng pansin ang pagdepensa sa kaharian. Ang Mughal Empire ng India. ika-17 siglo ng umusbong ang imperyong Mughal at napag-isa nito ang iba't ibang kaharian sa India. Nakipag-ugnayan ang mga Europeo sa imperyo upang pahintulutan silang makipagkalakalan at magtatag ng mga himpilan sa iba't ibang bahagi ng India. Kumita ng malaki ang imperyo mula sa mga
7:45 ipinataw na buwis sa mga dayuhan. Unti-unting lumawak ang impluwensya at kapangyarihan ng mga Europeo sa India at naging malaking hamon sa imperyo na mapanatili ang katatagan. Isang digmaan ang sumiklab sa pagitan ng British East India Company at Imperyong Mughal noong 1686. Bunsod ng pagkakaunawaan hinggil sa kalakalan. Nagpadala ng mga barko ang Inglatera at kinubkob nito ang ilang daungan sa India tulad ng Madras at Mumbai. Nang lumaon ay nanaig ang pwersang militar ng mga mughal at napilitan ang mga ingles na sumuko at magbayad ng
8:30 malaking multa sa emperador. Sa pagpasok ng ikaw taon ay humina ang imperyong mughal dahil sa mga digmaang sibil, bunsod ng pag-aagawan sa trono at pamamahala ng mga mahihinang pinuno. Isang labanan ang sumiklab sa pagitan ng Bengal at mga Briton noong 1756. Sinalakay ng pwersang Bengali ang Kalkuta at binihag ang ilang sundalong Briton. Nang sumunod na taon ay isang puwersang militar ang ipinadala ng British East India Company sa Bengal at nagmarsa patungong Kalkuta at pinalaya ang lungsod mula sa mga Bengali. Sinalakay din ng mga Briton ang muog ng mga Frances sa Shender na
9:18 nakipag-alyansa sa mga Bengali. Sunod-sunod ang naging labanan sa pagitan ng mga Bengali at Briton na nagwakas noong June 23, 1757 malapit sa bayan ng Place. Natalo ng mga Briton ang pwersang Bengali at tuluyan ng napasailalim sa kontrol ng British East India Company ang rehiyon ng Bengal. Sa pagpasok ng ikilab si na taon ay kinalaban ng British East India Company ang kaharian ng Marathha, isang pangkat ng mga nagsasariling pamayanan sa gitnang bahagi ng India. Tatlong digmaan ang naganap sa pagitan ng kompanya at ng maratha. At sa pagtatapos ng ikatlong digmaan ay
10:03 napasailalim na sa kontrol ng mga Briton ang malaking bahagi ng India. Nanatili sa pamumuno ng mga lokal na pinunong Indian ngunit hindi maikakaila na ang British East India Company ang tunay na autoridad sa lupain ng India. Ang Shogonatong Tokogawa. 1543 ng aksidenteng matunton ng mga Portugues ang hapon matapos mataboy ng bagyo ang kanilang sasakyang pandagat patungong Chsina. [Musika] Nakita ng mga Portugues na sagana ang hapon sa supply ng pilac na maaari nilang gamitin sa pakikipagkalakalan sa Chsina. Nakita rin ng mga Hapones ang potensyal ng mga produktong Portugues na
10:51 maaari nilang mapakinabangan. Kabilang dito ang Arcubus na ginamit ni Oda Nobunaga upang pagisahin ang hapon na noon ay nasa gitna ng S Goku o digmaang sibil. Dahil sa pagkapanalo ni Oda Bonaga sa mga labanan ay naitatag ang panahong Azuchi Momoya na naglagay sa kaayusan sa pamahalaan at lipunang Hapon. Ang panahong Asuchi Momoya ay ang panahon na napag-isa ang mga naglalabang dano sa ilalim ng pamumuno ni Nobonaga. Hinirang si Oda Nobonaga bilang Shgun o komandanteng militar at pinuno ng pamahalaan ng buong Hapon. Nagkaroon ng magandang ugnayan ang
11:37 pamahalaang Nobonaga at mga Portugues. Dumating din ang mga misyonerong katoliko mula sa Goa noong 1548 na pinangunahan ng Hesuitang pari na si Francis Saber. Kalaunan ay dumami na ang mga misyonero at mga mananampalatayang Katoliko sa hapon dahil sa pagdating ng mga kastilang Dominicano, Franciscano at agustinong misyonero mula Maynila. 1582 ng pumanaw si Nobonaga at pinalitan siya ni Toyotomi Hideyoshi. Sa panahong ito ay tumindi ang impluwensya ng mga kanluranin sa lipunang Japones. Bunga ng pagpapabinyag ng ilang daimyo o lokal na pinunong hapones kasama ng kanilang nasasakupan.
12:25 Ginawa ito ng mga dayo upang makatanggap ng mga pang-ekonomiya at pangmilitar na benepisyo mula sa mga kanluranin. Kinuwest ni Hideyoshi ang katapatan ng mga Daimyo at kanilang relasyon sa mga Espanyol at Portugues. Nakita ng Shogonato na maaaring ginagamit ng Espanya at Portugal ang relihiyon upang unti-unti silang sakupin. 1587 ay sinimula ni Hideoshi ang paghihigpit sa mga katoliko sa hapon at ang pagpapatalsik ng mga paring katoliko at pagpapalaya sa mga hesita na namamahala sa Nagasaki. Ipinag-utos din ni Hideoshi ang pagpatay sa pamamagitan ng pagpapako sa krus sa 26 na Katoliko kasama ang
13:11 anim na dayuhang franciskanong misyonero sa Nagasaki. Sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin ang pakikipagkalak-ala ni Hideoshi sa mga kanluranin at nagpatuloy pa rin ang mga gawain ng mga misyonero sa kabila ng banta sa kanilang seguridad. 1598 nang pumanaw si Hideoshi at nakaramdam ng kalayaan ang mga misyonero at humindi ang kanilang ebanghelisasyon at umabot sa 3,000 ang mga naging katoliko. Matapos pumanaw ni Hideyoshi ay itinatag ni Tokogawa Iyasu ang shogonatong Tokogawa noong 1603. isang pamahalang militar na itinatag sa Edo. Taong 1614 ay pinalayas ni Iasu ang
13:59 misyonero papuntang Macau at Maynila at sinira ang mga simbahan. At dahil dito, maraming hapon ang napilitang talikuran ang katolisismo o patuloy na isabuhay ang kanilang paniniwala ng palihim. Lalong tumindi ang pag-uusig sa mga Katoliko sa hapon matapos maganap ang pag-aalsang Shimabara noong 1637. Isang pag-aalsa ng mga mamamayan sa Shimabara at Amakusa laban sa Shonato dahil sa matinding tagutom. Naging huling tanggulan ng mga nag-aalsa ang kastilyo ng Hara na may pwersang umabot sa 20,000. laban sa pwersa ng shogonato na umabot sa atbong samuray.
14:47 Namatay ang lahat ng nag-aalsa at sinunog ang kastilyo. Nakita sa mga guho ang medalyon at krus ng mga Katoliko kaya't nakita ng Shogonato ang rebelyon bilang isang pag-aaklas ng mga katoliko laban sa Shogunato. Isa ito sa mga nagtulak sa shogunatong tokogawa upang paigtingin ang restriksyon sa pagdaong ng mga kanduranin sa hapon lalo na sa mga kastila at Portugues na ganap na ipinagbawal simula 1639. Tanging mga olandes at chino lamang ang mga dayuhan na pinayagang makipagkalakalahan sa hapon sa isla ng Dajima. Nakilala ang patakarang ito bilang sakoku o saradong bansa dahil sinara ng
15:34 hapon ang sarili mula sa impluwensya ng mga kanluranin. Umiral ang sakoko sa bansang Hapon sa loob ng mahigit dal taon. Ang mga asyano sa panahon ng Pagalugad at eksplorasyon. [Musika] Hello M