0:00 Ang community-based disaster risk reduction and management plan. Ang pagiging laging handa sa anumang suliranin o kalamidad ay dapat na isasagawa ng bawat mamamayan upang mabawasan o maiwasan [musika] ang anumang epekto ng mga ito sa buhay ng mga mamamayan. Sa videong ito ay ating tatalakayin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang community-based disaster risk reduction. Ito ay nahahati sa apat na yugto o stages. Ang unang yugto ay disaster prevention and mitigation. Sa bahaging ito ng disaster management plan ay tinataya ang mga hazard at
0:48 kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Isinasagawa ang disaster risk assessment kung saan nakapaloob dito ang hazard assessment, vulnerability assessment. capacity assessment at risk assessment. Ang hazard assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring ganasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
1:33 Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment ay dapat bigyang pansin ang pisikal at temporal na katangian nito. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard sa kanilang lugar. upang maging malinaw ang mabubuong hazard assessment. Ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy sa mga pisikal at temporal na katangian ng hazard ay magdudulot ng higit na ligtas na pamayanan.
2:18 Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard na maaaring maranasan sa isang komunidad ay maaari ng isagawa ang dalawang mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment. Ito ang hazard mapping at historical profiling o timeline of events. Ang hazard mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala. Sa historical profiling naman ay gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung ano ang mga hazard na nararanasan sa isang
3:05 lugar, gaano ito kadalas at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala. Ang historical profile ay isang paraan ng pagsasagawa ng hazard assessment. Kinakailangan ng koordinasyon sa mga opisyales ng barangay o kaya ay ng pamahal ang panglungsod o sa ibang lugar ay pambayan upang ito ay mapunan ng tamang impormasyon. Sa pamamagitan ng vulnerability at capacity assessment ay nasusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba't ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. Sa vulnerability assessment ay tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o
3:51 bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa capacity assessment ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba't ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson at Wood Rrow, mayroong tatlong kategorya ang vulnerability. Ito ay ang pisikal, panlipunan at pag-uugali tungkol sa hazard. Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugan na mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala dulot ng hazard. Ayon kina Abarquez at Morsed, sa pagsasagawa ng vulnerability assessment ay kailangang suriin ang mga sumusunod.
4:40 elements at risk, people at risk at location of people at risk. Sa capacity assessment ay sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard. Ito ay may tatlong kategorya. Physikal o materyal, panlipunan at pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Sa pagsasagawa ng capacity assessment ay itinatala ang mga kagamitan, imprastruktura at mga tauhan na kinakailangan sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad. Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng impormasyon sa mga mamamayan at sa mga pinuno ng pamayanan
5:27 kung ano at kanino hihingi ng tulong upang mapunan ang kakulangan ng pamayanan. Sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan. May dalawang uri ng mitigation. Ang structural at non-structural. Ang structural mitigation ay tumutukoy sa mga paghahandang ginawa sa pisikal na kaanyuan ng isang komunidad upang ito ay
6:14 maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ang non-structural mitigation naman ay tumutukoy [musika] sa mga ginawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction ay ang disaster preparedness. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad sa kuna o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya ng mga mamamayan sa komunidad at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng
7:01 lipunan ang kanilang gagawin upang magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala ng buhay. Layunin ang disaster preparedness na maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na estruktura at maging sa kalikasan at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad. Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ang disaster preparedness ay may tatlong pangunahing layunin.
7:46 Una ay ang to inform o magbigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal na katangian ng komunidad. Pangalawa ay to advice. Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksyon, paghahanda at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad [musika] at hazard. Ikatlo ay to instruct. Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin. Mga ligtas na lugar na dapat puntahan. Mga opisyales na dapat hinga ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad at hazard. Ang ikatlong yugto ay disaster [musika] response. Nakapaloob sa disaster response ang tatlong uri ng pagtataya.
8:33 ang needs assessment, damage assessment at loss assessment. Ang needs assessment ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, dahanan, damit at gamot. Ang damage assessment ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. At ang loss assessment ay tumutukoy naman sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo o pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon. Ang ikaapat na yugto ay ang disaster rehabilitation and recovery.
9:19 Ang mga hakbang at gawain sa yugtong ito ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad. Noong 2006 ang interagency standing committee na binubuo ng iba't ibang NGO, Red Cross at Red Crescent Movement, International Organization for Migration, World Bank at mga ahensya ng United Nations ay nagpalabas ng preliminary guidance note. Ito ay tungkol sa pagpapakilala ng cluster approach na naglalayong
10:04 mapatatag ang ugnayan ng iba't ibang sektor ng lipunan. Makakatulong ito upang mas maging malawak ang mabubuong plano at estratehiya at magamit ng mahusay ang mga pinagkukunang yaman ng isang komunidad. Ginamit na batayan ng National Disaster Coordinating Council o NDC ang cluster approach sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad at hazard sa Pilipinas. Noong May 10, 2007 ay ipinalabas ang NDCC circular number 5-2007.
10:51 Ito ay isang direktibo na nagpapatag sa cluster approach sa pagbuo ng mga disaster management system sa Pilipinas. Imininumkahi rito na magtalaga ng pinuno ng bawat cluster [musika] para sa tatlong antas. Ang nasional, regional at provinsyal. Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan. At sa bisa ng Deped Order number 55 series 2008 ay binuo ang disaster risk reduction resource manual upang magamit ang mga konsepto na may kaunayan sa disaster risk reduction management sa mga pampublikong paaralan.
11:37 Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management. Ang disaster management ay isang dynamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-o-organisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang iba't ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Ito ay tumutukoy sa iba't ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad
12:23 at hazard. Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad sa kuna at hazard. Kung bibigyan pansin ang dalawang kahulugan ay makikitang hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapalooban ng disaster management. Kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang makabangon mula sa kalamidad at maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Sa pag-aaral ng disaster management ay mahalagang malaman mo ang iba't ibang termino o konsepto na ginagamit sa disaster management.
13:09 Hazard. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian at kalikasan. May dalawang uri ng hazard. Una ay ang anthropogenic hazard o human induced hazard. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Halimbawa nito ay ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan. Ikalawa ay ang natural hazard. Ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang bagyo, lindol tsunami thunderstorms storm
13:57 surge at landslide. Ikalawa ay ang disaster. Ang disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan. O maaaring gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ring resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ang kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. Ikatlo ay ang vulnerability. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar at imprastraktura na may mataas na
14:43 posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensyahan ng kalagayang geographical at antas ng kabuhayan. Halimbawa ay mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales pagdating ng bagyo. Pang-apat ay ang risk. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad. Ikalima ay ang resilience. Ang pagiging resilient ng isang
15:29 komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring estruktural. Ibig sabihin ay isa saayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari rin itong makita sa mga mamamayan. Halimbawa, ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad. Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing layunin. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit
16:16 ng iba't ibang kalamidad. at mahalaga ang mga bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba't ibang kalamidad at hazard. Ang mga nabanggit na layunin ay kasama sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework o PDRRMF. Binibigyang diin ng Philippine Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan. Isinusulong din ng PDRRM framework ang
17:03 kaisipan na ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ang ating pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, nonongovernmental organizations at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na community-based disaster and risk management. Community-based disaster risk reduction and management