Full transcript of “AP 4 QUARTER 1 LESSON 1 MATATAG PAG-AARAL NG KASAYSAYAN #matatagcurriculum Revised K- 12”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.
0:00 Magandang buhay mga bata. Tara samahan ninyo akong matuto kasama si teacher Ia, your online teacher. Please don't forget to subscribe, like, share and hit the notification bell for more videos. Thank you. Matatag Curriculum Araling Panlipunan, Grade 5, quarter 1, lesson 1. Ang ating aralin ngayong araw ay tungkol sa pag-aaral ng kasaysayan. Muli, ako si teacher ang inyong online teacher.
0:45 Simulan na [Musika] natin. Mga kasanayan at layunin. Number one, naipaliliwanag ang pag-aaral ng kasaysayan at mga batayan [Musika] nito. Nailalarawan ang iba't ibang pamamaraan sa pag-aaral ng kasaysayan. Nasusuri ang mga kinakailangang pananaw sa pag-aaral ng kasaysayan at nailalahad ang damdaming pagpapahalaga sa pamamaraan ng pag-aaral at pananaw sa kasaysayan. Number two, natatalakay ang mga pamamaraan at pananaw ng
1:31 kasaysayan. Natutukoy ang kahulugan ng kasaysayan. Natatalakay ang konseptong pangkasaysayan at nailalahad ang mga disiplinang panlipunan na may kaugnayan at batayan sa kasaysayan. Mga nilalaman. Pagbuo ng pangkasaysayang pananaw. Una, pag-aaral ng kasaysayan. kahulugan, batayan at pamamaraan at [Musika] pananaw. Unang [Musika]
2:17 araw, munting balikaral. Gawain bilang isa. #MMK Maaalala mo kasaysayan. Anong say mo? Magkwento tayo. Bawat isa ay may isang minuto para magbahagi sa harap ng klase. Pwede ninyong ikwento ang alin man sa mga ito. Pinakamasayang nangyari sa buhay mo. Isang malungkot o mahirap na karanasan, isang hamon na nalampasan mo at isang hindi mo malilimutang pangyayari. [Musika]
3:02 Gamit ang graphic organizer na makikita sa ibaba, magbahagi ng iyong ideya tungkol sa salitang [Musika] kasaysayan. Narito ang graphic organizer na inyong sasagutan. Narito naman ang maaaring sagot. Bayani, kalayaan, laban, noong unang panahon, mga ninuno, Pilipinas, Katipunan, pagbabago, kwento at gyera. Maaari ka ring magdagdag ng iyong mga naiisip. [Musika]
3:48 Paano makatutulong ang mga kaalaman at konsepto ng kasaysayan sa iyo bilang isang tao at mamamayan ng daigdig? Isulat ang iyong pangunahing sagot o initial answer. magmasid sa mga larawan na may kaugnayan sa ating naunang gawain. Maghanap ng kapareha at pag-usapan o sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Narito ang mga larawan. Tingnang mabuti at pag-aralan. [Musika] Paglaganap ng
4:36 Kristiyano. Pagwagayway ng watawat ng Pilipinas. Batang naapektuhan noong World War I. Estado ng gobyerno noong 2024. [Musika] Batay sa mga larawan. Sagutin ang mga pamprosesong tanong. Una, ano-ano ang napapansin ninyo tungkol sa mga larawan? Pangalawa, bakit mahalaga ang mga pangyayaring ito? Pangatlo, ano-ano ang nagbago?
5:23 Ano-ano ang nagpatuloy? Pang-apat, ano-ano kaya ang mga sanhi at epekto ng mga pagbabagong ito? Sagutin natin. [Musika] Number one, napin ninyo tungkol sa mga larawan? Ang sagot, iba't ibang yugto at tao mula sa pagdating ng Kristiyano, pagtatanggol ng watawat, hirap sa digmaan hanggang sa pamahalaan ngayon. Number two, bakit mahalaga ang mga pangyayaring ito? Ang sagot, nagpapakita kung paano tayo nabigyan ng
6:08 pananampalataya, kalayaan, kapayapaan at [Musika] pamumuno. Number three, ano-ano ang nagbago? Ano-ano ang nagpatuloy? Ang sagot, nagbago mula sa kolonyal na pamamahala tungo sa sariling gobyerno at mas organisadong lipunan. Nagpapatuloy pagmamahal sa bayan, pagkakaisa at kultura o pananampalataya bilang pagkakakilandan. Number four. Ano-ano kaya ang mga sanhi at epekto ng mga pagbabagong ito? Ang sagot, sanhi, pagdating ng
6:56 dayuhan, digmaan at pagkamakabayan, epekto kristiyanismo bilang pangunahing relihiyon, pagkakatatag ng republika at aktibong demokrasya. [Musika] Gawain bilang apat. Buo salita. Susing salita ng aralin. Tutukuyin ang mga konsepto tungkol sa aralin. Gawing gabay ang mga letrang nasa loob ng kahon upang matukoy ang mga [Musika] konsepto. Number one, ito ay nagmula sa salitang griego na ang ibig sabihin ay
7:44 impormasyon mula sa [Musika] pagsasaliksik. Ang sagot, kasaysayan. Kasaysayan. [Musika] Number two, ito ay kinakailangang kasanayan sa pag-aaral ng kasaysayan na pag-iimbestiga ng mga [Musika] pangyayari. Ang sagot, pagsisiyasat. Pagsisiyasat. [Musika] Number 3. Ito ay isa sa mga kaugnay na disiplina ng kasaysayan na tumutukoy sa
8:32 pisikal na katangian sa isang lugar. Ang sagot, heographya. Heographia. Number four. Ito ay nagmula sa salitang griego na ang ibig sabihin ay impormasyon mula sa pagsasaliksik. Ang sagot, historya. Historya. Sa kabila ng mga pagbabagong nagaganap sa modernong mundo, nananatiling mahalaga pa rin ang pag-aaral ng kasaysayan upang mapalawak at mapalalim ang kritikal na pag-iisip ng bawat
9:19 indibidwal. Dahil dito, nagsisilbing panimulang paksa ang pagpapakilala sa disiplina ng kasaysayan. Nakatuon ang araling ito sa pagpapaliwanag ng mga konseptong pangkasaysayan, batayan ng kasaysayan, mga pamamaraan at pananaw pang kasaysayan at halaga at suliranin sa pag-aaral ng kasaysayan. [Musika] Ikalawang araw. Konsepto bilang isa. Mga konseptong
10:06 pangkasaysayan. Munting balikaral. Sa pagtalakay natin ng aralin, aking napagtanto na nakatutulong ang mga kaalaman at konsepto ng kasaysayan bilang isang tao at mamamayan ng daigdig sa pamamagitan ng sagutin ang pinunang sagot o revised answer. Talakayin natin ang pinagmulan ng salitang kasaysayan. Ano nga ba ito? Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng salitang ingles na history. Ang salitang history naman ay nagmula sa salitang griego na historya na
10:52 nangangahulugang pagtatanong, imbestigasyon, pag-uusisa at pagsasaliksik sa mga nakalipas na pangyayari. Isa itong pagtatanong hingil sa nakaraan. Upang maunawaan natin ang kasalukuyan at makapaghanda para sa [Musika] hinaharap. Ayon naman sa historyador na si Dr. Zeus Salazar, ang kasaysayan ay nagmula sa mga salitang saysay at salaysay. Ang saysay ay tumutukoy sa katuturan, kabuluhan at kahulugan habang ang salaysay naman ang sining ng
11:40 pagkukwento. Ayon sa kanya, ang kasaysayan ay salaysay hingil sa nakaraan na may saysay para sa sariling lipunan at kultura. Kahulugan ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay isang makabuluhang salaysay tungkol sa nakaraan. Sapagkat ang salitang ugat ng kasaysayan ay saysay. Binibigyan diin nito ang elemento ng pagiging makabuluhan. Kung tatanungin naman natin kung kanino dapat makabuluhan ang kasaysayan, kinakailangan nating tandaan na ang pagsasalaysay ay laging para sa isang tiyak na
12:27 [Musika] grupo. Sa kontekstong Pilipino, ang grupong ito ay ang sangkapilipinohan. Dagdag pa ang kasaysayan ay pagsasalaysay tungkol sa sarili natin o tungkol sa ating ugnayan sa ibang kabihasnan. Sa ganitong pagpapakahulugan, maaaring paksa ng kasaysayan ang sariling barangay, lalawigan o bansa. Ang kasaysayan ay isa sa mga pangunahing disiplina ng aghangham panlipunan. kung saan pinag-aaralan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng
13:14 tao, mga bansa at daigdig noong mga nakalipas na panahon. Bukod dito ang kasaysayan ay kronolohikong tala ng mga mahahalagang pangyayari na may kasamang mga paliwanag tungkol sa mga dahilan [Musika] nito. Ang kasaysayan ay hindi lamang isang simpleng talaan ng mga pangyayari sa nakaraan o listahan ng mga bayani at makasaysayang bayan. Kolektibo itong salaysay ng mga pagsisikap at pakikibaka ng isang lahi o pangkat ng mga lahi upang matamo ang hinahangad na
14:02 [Musika] lipunan. Kagaya ng inilahad ni Dr. Josei Rizal na ang lumingon sa pinanggalingan ay makararating sa paroroon ay siyang malaking patunay. ng kahalagahan ng pinagmulan at nakalipas na pangyayari sa buhay. Ano man ang katayuan o kalagayan sa kasalukuyan ay huwag kalilimutan na bunga ito ng ginawang desisyon at aksyon sa nakalipas. Tulad ng paghakbang sa unang baytang ng hagdan hindi mararating ang itaas kung hindi dadaanan ang mga naunang baytang.
14:47 [Musika] Dagdag pa dito, mahalagang pag-aralan o balikan ang nakaraan upang maunawaan ang kasalukuyang panahon at mapaghandaan ang hamon ng hinaharap. [Musika] Ang mga sumusunod ay ilan pa sa mga kahalagahan ng kasaysayan sa ating buhay. Karagdagang kaalaman. Natutuhan at naunawaan natin ang dahilang naiambag ng iba't ibang pangkat ng tao sa daigdig. Nagsusuri sa nakalipas na karanasan. Sinisiyasat ngaysayan ang mga sanhi at
15:33 bunga ng bawat pangyayari. Kung ano, bakit at paano ito naganap at ano ang epekto nito. Nagsisilbing daan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan. Ang mga pangyayaring naranasan ng mga tao sa isang pamunuan na nagdulot sa kanila ng pasakit at hirap ay nagiging gabay upang na muling danasin ang ganoong karanasan. Sila ay nagkakaisa at nagtutulong-tulong upang baguhin ang sistema ng pamunuan, patakaran at batas na umiiral. [Musika]
16:20 Lumilinang ito ng iba't ibang kasanayan. Ang kasaysayan ay lumilang ng mga kasanayang umunawa at magbigay kahulugan sa pagbasa ng teksto tulad ng lathalain o dokumento, sanaysay at iba pang babasahin. Naipapahayag nito ang maaaring mangyari sa hinaharap o darating na panahon. Ang kasaysayan ay naghahayag ng espekulasyon o maaaring maganap sa susunod na henerasyon. Ang mga pangyayari sa kasaysayan ay lubhang komplikado at kani-kanyang natatangingkatangian kaya't hindi
17:06 posible na masabi ang eksaktong susunod na pangyayari. Ito ay dahil sa kaisipan ng tao na siyang gumagawa ng kasaysayan ay nakatago sa atin. Kaya't mahirap malaman ang anumang planong mayroon [Musika] siya. Gawain bilang lima, ugnay unawa. H# ating ilapat at iugnay. Sa bahaging ito, ibabahagi ninyo ang inyong kahulugan o konsepto ng kasaysayan gamit ang talaan na ibinigay. Sagutan
17:54 natin. Kasaysayan. Kahulugan. Ang kasaysayan ay kwento ng nakaraan. Naglalahad ito ng mga mahahalagang pangyayari. Pinagmula ng konsepto mula sa mga sinaunang tao at dokumento. Galing din sa mga ala-ala at ulat. Kahalagahan, natututo tayo sa mga pagkakamali noon. Naiintindihan natin ang ating kultura. Aplikasyon ng kasaysayan sa buhay. Ginagamit natin ang mga aral sa paggawa ng desisyon. nagsisilbing gabay sa mas mabuting
18:40 kinabukasan. Konsepto bilang dalawa, batayang pangkasaysayan at kanilang ugnayan. Ang pag-aaral ng kasaysayan gaya rin ng iba pang mga asignatura ay may koneksyon. Ang mga konsepto at mga aralin dito ay kakikitaan rin ng epekto at relatibo sa ibang asignatura o disiplina. Ang mga makikita sa ibaba ay ilan lamang sa mga disiplinang panlipunan. Kaugnay sa kasaysayan. Number one, antropolohiya.
19:28 Ito ay ang pag-aaral ng pinagmulan at kaasalan ng tao at ang pag-unlad at pagkakaiba-baunan, kultura, kaugalian at pangaraw-araw na gawain ng tao. Ang mga datos na nakukuha mula sa pag-aaral ay ginagamit sa pagbuo ng salaysay tungkol sa kasaysayan ng pinagmulan ng [Musika] tao. Number two, psikolohiya. Ito ay pag-aaral ng pag-iisip ng tao. Ito ang nagbibigay kahulugan sa pagbubuo sa personalidad tulad ng ugali at mga gawi ng tao. Sinusuri din nito ang
20:14 disiplinang pagbabago o pag-iiba ng kilos ng tao batay sa mga pangyayari sa kanyang paligid. Number three, sosyolohiya. Ito ang nagbibigay eksplanasyon o paliwanag ng relasyon ng tao sa kaniyang pamilya, kanyang lipunan at sa institusyon at samahang kanyang kinabibilangan. Dito nababatid kung paano umaangkop oon ang tao sa kanyang paligid partikular sa ginagalawan niyang lipunan. Number four, heographia. Ito ang pag-aaral ng pisikal na katangian ng
21:02 mundo. Nakabahagi dito ang pag-aaral ng anyyong lupa at anyyong tubig na matatagpuan sa isang tiyak na lokasyon. Number five, theolohiya. Ito ay ang makatuwirang pag-aaral tungkol sa Diyos o mga Diyos o sa mas pangkalahatang bagay tungkol sa relihiyon o [Musika] espiritwalidad. Number six, filosofiya. Ito ang pag-aaral ng disiplinang kinapalooban ng lohika, etika, estetika, metapysika at epistemolohiya.
21:50 Ito ay pagsusuri sa mga paniniwala ng tao tungkol sa katotohanan, katarungan, hustisya at iba pang may kaugnayan sa pagkamit ng katarungan. Number 7, economics. Ito ay ang pagsusuri kung paano ginagamit ng lipunan ang taglay nitong limitadong yaman upang matustusan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mamamayan. Number 8, Agham political. Ito ang pag-aaral ng mga teorya, paraan at sistema ng pamamalakad ng mga
22:35 pamahalaan. Dito sinusuri ang disiplinang pagpapatakbo ng isang burokrasya at ang pagkilos at pagpapatakbo ng isang [Musika] pamahalaan. Gawain bilang anim. Ugnay unawa. H# ating ilapat at iugnay. Sa bahaging ito, pumili kayo ng tatlong disiplina sa lipunan at ipaliwanag kung paano ito naiuugnay sa [Musika] kasaysayan. Sagutan [Musika] natin. Kaugnay na disiplina. Heographya.
23:24 Konsepto: tinutukoy ang lokasyon ng mga makasaysayang pangyayari. Kaugnay na disiplina. Filosofiya. Konsepto. Tinutulungan tayong unawain ang mga ideya at paniniwala ng tao noon. Kaugnay na disiplina. Agham, pulitika. Konsepto: Sinusuri ang sistema ng pamahalaan at mga batas sa kasaysayan. Ugnay Unawa #ing ilapat at iugnay. Magtatala kayo ng mga maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtatapos sa mga pahayag upang maipakita ang inyong pag-unawa sa
24:12 kasaysayan. Number one, ang masusing pag-unawa sa antropolohiya o mga artifacts ay tungo sa pagtamo ng nalalaman sa kasaysayan ay mahalaga dahil nakikita natin kung paano nabuhay ang mga tao noon at kung paano nagbago ang ating kultura. Number two, bilang isang mamamayang Pilipino, kailangan na ang kaalaman ko sa kasaysayan ay maiuugnay ko rin sa geographiya at ekonomiya dahil naiintindihan ko kung paano nakaapekto ang lokasyon at kabuhayan sa ating kasaysayan.
25:02 Number 3. Bilang isang responsable at mapagmahal na Pilipino, ang pag-alam sa kasaysayan ay masasabi kong susi sa magandang pamamahala ng bansa dahil mas maganda at maayos na pamamahala ng ating bansa sa hinaharap. [Musika] Konsepto bilang tatlo. Pamamaraan at pananaw sa pag-aaral ng [Musika] kasaysayan. Munting balikaral. Sa pagtalakay namin ng aralin, aking napagtanto na nakatutulong ang mga kaalaman at konsepto ng kasaysayan
25:47 bilang isang tao at mamamayan ng daigdig sa pamamagitan ng isulat ang iyong pinunang sagot o revised answer. [Musika] Ang pag-aaral ng kasaysayan ay binubuo ng tatlong bahagi. Una ay pagtatanong. Pangalawa paghahanap at pagsusuri ng datos. At pangatlo, konklusyon. Upang mas maging makabuluhan ang pag-aaral ng kasaysayan, lalong-lalo na sa paghahanap at pagsusuri ng datos, kinakailangang matukoy ang mga pinagkukunan ng mga mahahalagang datos.
26:35 Ito ay may dalawang uri. Una, primaryang sanggunian. Pangalawa, sekundaryang sanggunian. Unahin nating talakayin ang primaryang sanggunian. Ito ay uri ng sanggunian na ang impormasyon ay galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari. Maaaring isang bagay, pangyayari o tao na pangunahin o mismong pinanggalingan ng impormasyon. Ito ay naganap o nasaksihan sa mismong oras kung saan naganap ang pangyayari.
27:21 Narito ang mga halimbawa ng primaryang sanggunian, talaarawan, panayam o interview, mga larawan, poster, audio at video recording, mga relikya o artifacts, mga opisyal na kasulatan o talaan, mga talumpati, manuskrito, personal na liham, nobela. Tula, maikling kwento [Musika] athobiographies. Narito ang mga anyo at iba pang halimbawa ng primaryang sanggunian. Anyo, nakasulat, halimbawa,
28:08 diyaro. Iba pang halimbawa, liham, talaan sa araw-araw at pahayagan. Pangalawa, pasalita. Halimbawa, tape ng talumpati. Iba pang halimbawa, transcript ng pagdinig sa korte o sa senado. Interview: usapan sa telepono. Pangatlo, anyo visual. Halimbawa, litrato. Iba pang halimbawa, larawan, pampulitikang karikatura at mapa. Pang-apat, audio visual. Halimbawa pelikula, iba pang halimbawa, dokumentaryo, video o video. Panglima,
28:55 anyo digital. Halimbawa, email, iba pang halimbawa, diaryo online blog at sulat sa Facebook. At pangahuli, anyo kombinasyon ng mga ito. Halimbawa, talaang may larawan. Iba pang halimbawa, interview at transcript online video ng [Musika] dalumpati. Narito naman ang mga primaryang sanggunian sa kasaysayan. Una, ulat ukol sa kalakalan. Estadistika, datos sa ekonomiya. Pangalawa, sensus. Bilang ng
29:43 populasyon. Pangatlo, batas o proklamasyon. Patakaran atuntunin ng pamahalaan. Pangapat, mapa, lokasyon ng mga lugar. Panglima, diaryo, ang nagaganap sa araw-araw. At panghuli, dokumentary pamumuhay ng tao at ugnayan sa lipunan. [Musika] Ang primaryang sanggunian ay katibayan na may nangyari. Kung wala ito, hindi natin matitiyak na may naganap. Saan? Kailan ito naganap? Kung ano ang
30:28 nangyari at kung sino ang naroon. Kung gayon ang pag-aaral ng kasaysayan gamit ang primaryang sanggunian ay nagdudulot ng sariwa bago naibang pagkakaunawa ng nakaraan na hindi kadalasang nakukuha sa textbook at iba pang mga aklat. Pangalawa ay ang sekundaryong sanggunian. Ito ay uri ng sanggunian na ang mga impormasyong nakuha ay mula sa ibang tao o nagawa matapos maganap ang isang bagay o pangyayari. Ito ang tawag sa impormasyong galing sa iba na nalaman lang natin dahil sa taong nakasaksi sa
31:15 pangyayari. Ang ganitong uri ng impormasyon ay maaaring may kasama ng interpretasyon, komentaryo o pagsusuri. Mga halimbawa ng sekundaryang sanggunian. Mga balita o komentaryo sa pahayagan. Artikulo, mga sanggunihang aklat, encyclopedia internet pelikula panunuri o analysis. [Musika] Pananaw sa kasaysayan. Kinakailangang magkaroon ng patnubay ang mga mamamayan sa kung kaninong pananaw ang pagting sa mga nangyari sa
32:00 kasaysayan. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pagtanaw sa kasaysayan. Number one, pangsilang pananaw. Ito ay ang pagkukwento ng kasaysayan ng Pilipinas ng isang dayuhan para sa kapakinabangan ng kapwa dayuhan. Number two, pangkaming pananaw. Ito ay ang pagkukwento ng kasaysayan ng Pilipinas ng isang Pilipino para sa kapakinabangan ng dayuhan. Number three, pantayong pananaw. Ito ay ang pagkukwento ng kasaysayan ng Pilipinas ng isang Pilipino para sa kapakinabangan ng kapwa Pilipino sa pamamagitan ng wika at
32:48 kailangang Pilipino. Gawain bilang pito. Saang sanggunian dapat? H#Ain at tukuyin. Tukuyin ng mga mag-aaral kung anong uri ng sanggunian. Ang mga sumusunod. Isulat ang primarya o sekundarya sa talaan bago ang bilang. Number one, ang biographiya ni Dr. Jose Rizal. Number two, ang video ng pagkakadeklara ng marshall law. Number three, ang mapa ng Pilipinas. Number four, dicsonaryo, Almanak at
33:38 encyclopedia. Number five, ang litratong nakunan noong EDSA Revolution. Number six, sa eskwelahan, parating ginagamit ang mga textbooks para pag-aralan ang mga asignatura. Anong uri ng sanggunian ang textbook? Number seven. Ang isang reporter ay nagbabalita ng nangyaring pagbaha sa Leyte. Ang nabalitaan natin sa reporter ay halimbawa ng patlang. Number eight. Nabasa ko ang mga impormasyon sa pahayagan. Number nine, nakita ko ang buong pangyayari.
34:25 Number 10. Ako mismo ang nakaranas ng mga [Musika] pangyayari. Primarya o secondarya. Narito ang sagot. Number one, secondarya. Number two, primaria. Number three, primaria. Number four, secondarya. Number five, primaria. Number 6, secondarya. Number 7, secondarya. Number 8 secondarya number 9 primaria at number 10 [Musika] primaria. Ikaapat na araw. Munting balikaral. Pagkatapos ng
35:13 pagtalakay sa aralin sa kabuuan, paano nakatutulong ang mga kaalaman at konsepto ng kasaysayan bilang isang tao at mamamayan ng daigdig. Isulat ang pinal na sagot o final answer. Gawain bilang walo. Buklat mulat #handang mamulat sa mga konseptong dapat. Sa bahaging ito, i-book ninyo ang inyong trip sa pag-aaral ng kasaysayan. Isulat ninyo ang inyong naramdaman habang nag-aaral ang mga konsepto o
35:59 ideyang nakaantik sa inyong isipan at puso at kung paano ninyo ito maiuugnay sa inyong araw-araw na [Musika] buhay. Gawain bilang Siam estasyong madunong. Chuchu, bibiyahe na ang brain train. Sa gawaing ito, sasakay kayo sa brain train. Dadaan kayo sa iba't ibang estasyon at itatala ang inyong buod o summary ng aralin sa bawat hintuan. Konseptong pangkasaysayan batayang pangkasaysayan at pamamaraan at pananaw sa kasaysayan. Narito ang mas malaking
36:50 imahe. Gawain bilang 10 exit ticket. Sagutin ang exit ticket form bilang tanda ng pagtatapos ng pag-aaral ng aralin. Mga tanong, bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan? At pumili ng isang salita o konsepto sa aralin at ipaliwanag ito. Gawain bilang ling tayahin ang nilalaman. Unang bahagi, babasahin ng mga mag-aaral ang mga pahayag. Lalagyan ng check kung tama at ekis naman kung mali ang pahayag. Gagawin ito sa sagutang
37:36 [Musika] papel. Number one, ang historya ay nagmula sa salitang latin na historya na ang ibig sabihin ay tala. Ang sagotis. Number two, ang salitang ugat ng kasaysayan ay saysay. Binibigyang diin nito ang elemento ng pagiging makabuluhan. Ang sagot, check. Number 3. Ang kasaysayan ay nagmula sa mga salitang saysay at salaysay. Ang sagot check.
38:22 [Musika] Number four. Ang kasaysayan ay hindi kinakailangang chronological na tala. Ang sagot Xis. [Musika] Number five. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay mahalaga sa paglinang ng mga iba't ibang kasanayang pampagkatuto. Ang sagot, check. Kalawang bahagi, iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot kung mali.
39:08 Number six. Nababatid sa aghangham politikal kung paano umaangkop oon ang tao sa kanyang paligid. Partikular sa ginagalawan niyang lipunan para sa pag-aaral ng kasaysayan. Ang sagot, masayang mukha. Number 7. Ang mga datos na nakukuha mula sa pag-aaral ng antropolohiya ay ginagamit sa pagbuo ng salaysay tungkol sa kasaysayan ng pinagmulan ng tao. Ang sagot, masayang [Musika] mukha. Number eight. Ang heographiya ay
39:56 hindi kinakailangan sa pag-aaral ng kasaysayan. Ang sagot, sad face o malungkot na mukha. Number nine. Makatuwirang iugnay ang kasaysayan sa pag-aaral ng teolohiya. Ang sagot, masayang mukha. Number 10. Sinusuri ang disiplinang psikolohikal ang pagbabago o pag-iiba ng kilos ng tao batay sa mga pangyayari sa kanyang paligid. Ang sagot, masayang mukha. [Musika]
40:43 Ikatlong bahagi, isulat sapat lang ang T kung ang sumusunod na pahayag sa ibaba ay tama at M kung ito ay [Musika] mali. Number 11. Bago makabuo ng konklusyon, kinakailangang matukoy ang katanungan at makakalap ng datos ang isang mag-aaral. [Musika] Ang sagot T. Tama. Number 12. Ang talumpati ng pangulo sa kanyang state of the nation address or sona ay halimbawa ng sekundaryang sanggunian. Ang sagot M.
41:33 Mali. Number 13. Ang mga mababasa sa internet tungkol kay Ferdinand Magelan na mula sa isang 1565 na book resource ay isang halimbawa ng sekundaryang sanggunian. Ang sagot M. Mali. Number 14. Ang pagkukwento ng kasaysayan ng Pilipinas ng isang Pilipino para sa kapakinabangan ng kapwa Pilipino ay pantayong pananaw. Ang sagot T. Tama. Number 15. Ang pagkukwento ng kasaysayan ng Pilipinas ng isang dayuhan
42:21 para sa kapakinabangan ng kapwa dayuhan ay pangsilang pananaw. Ang sagot P. Tama. Gawain bilang 12. Lipat kaalaman. Mula sa konsepto ng iba't ibang pananaw sa pag-aaral ng kasaysayan, ang mga mag-aaral ay magkukwento ng isang pangyayari sa kanilang buhay batay sa mga iba't ibang klase ng pananaw. Isulat ang iyong karanasan. pangsilang pananaw, pangkaming pananaw at pantayong [Musika] pananaw. Narito ang mas malaki at mas
43:08 malinaw na [Musika] gawain para sa ating rubric. para sa gawaing lipat kaalaman, mga pamantayan, nilalaman, kaayusan at kalinisan, organisasyon ng mga ideya, pagkakaugnay ng mga pangungusap at takdang oras. Tatlong puntos ang pinakamahusay, isang puntos naman ay kailangan pang magsanay. Gawain bilang 13 journal ng karunungan. Itatala at sasabihin ninyo ang inyong sagot sa mahalagang tanong bilang
43:56 paglalahat ng ating aralin. Paano makatutulong sa aking pagkapilipino ang kaalaman tungkol sa kasaysayan sa [Musika] bansa? Maraming salamat sa panonood. Huwag kalimutang i-like at mag-subscribe para sa higit pang educational content. I-click ang bell icon para ma-update ka sa ating mga bagong video. Salamat.