Full transcript of “SUGO | PAPA DUDUT HORROR”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.
0:03 Papadudo story. [musika] Dear papadudot, huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe. [kumakanta] Magandang araw po sa inyong lahat at sa lahat ng mga nanonood ng inyong programa. Ako po si Nela, si na taong gulang. Isa ako sa mga masusugid mong tagapakinig at tagapanood gabi-gabi dito sa amin. Marami na akong narinig na kwento ng pag-ibig kabiguan at tagumpay sa iyong programa. Ngunit ang sulat kong ito ay ibang-iba. Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako o kung ituturing mo
0:50 lamang itong bunga ng isang malilikot na imahinasyon. Pero bago mo husgahan ang mga sasabihin ko ay nakikiusap ako na basahin mo muna ang buong kwento ng buhay namin lalo na ang misteryong [musika] bumalot sa kapatid kong si Stepen. Relihiyoso po ang pamilya namin. Bata pa lamang kami ni Stephen ay pinalaki na kami nila mama at papa sa loob ng simbahan. Ang linggo ay sagradong araw para sa amin. Walang pwedeng lumaban [musika] sa pagsisimba. At tuwing gabi ay sabay-sabay kaming nagdarasal ng rosaryo sa harapan ng aming altar. Sa aming dalawa, si Stephen talaga ang mas malapit sa Diyos. 17
1:36 taong gulang pa lamang siya pero aktibo na siyang sakristan sa aming parokya. Kilalang-kilala siya ng mga pari at ng mga lola sa simbahan dahil sa kanyang kabaitan at seryosong pananampalataya. Ang pangarap talaga ni Stephen mula pa noong bata pa siya ay ang pumasok sa seminaryo pagkatapos niyang mag-high school upang maging isang ganap na pare. Todo suporta naman sina mama at papa dahil para sa kanila ay isang malaking biyaya. Sa pamilya ang magkaroon ng anak na maglilingkod sa Panginoon. Ngunit noong mga unang linggo ng Mayo, ngayong taong 2026, may kakaibang nagbago kay Stepen.
2:22 Isang hapon, umuwi siya galing sa simbahan na tila wala sa kanyang sarili. Karaniwan kapag pumapasok siya sa pinto ay masigla siyang nagmamano kina mama at kay papa at nagkekwento tungkol sa mga aktibidades ng mga sakristan. Pero noong araw na yon ay diretso lamang siyang naglakad pumasok sa kanyang kwarto. Hindi siya kumain ng hapunan at nang silipin ko siya ay nakaupo lamang siya sa gilid ng kanyang kama. Nakatitig sa pader at tilab tulala siya. Kinabukasan ay ganun pa rin ang kinikilos niya. Dahil nag-aalala ako bilang ate ay sinamantala ko ang pagkakataon noong pansamantalang umalis sina mama at papa para mamalengke. Pumasok ako sa kwarto
3:08 niya papadudot at pinabihan ko siya. Stephen may problema ba? tanong ko sa kanya habang hinahawakan ang kanyang balikat. Napansin nila mama na hindi ka nakikipag-usap. May nangyari ba sa simbahan? May umaway ba sa'yo? [musika] Dahan-dahan niyang iniharap ang kanyang mukha sa akin papadudot. Ang mga mata niya ay mapupungay ngunit may kakaibang lalim na tilab. Malayo ang kanyang tinitignan. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang aking kamay. Malamig ang kanyang mga palad. Ate Nela bulong bulong niya at medyo nanginginig ang boses.
3:55 May nagpakita sa aking anghel. Napatitig ako sa kanya. Akala ko nung una ay nagbibiro lamang siya o baka naman nananaginip ng gising dahil sa sobrang pagbabasa ng mga aklat ng mga santo. Stephen ano bang sinasabi mo? Baka napagod ka lang sa mga activities mo. Hindi ate totoo. Paggigiit niya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi lang siya basta nagpakita. May mga pinakita siyang mga pangitain na visions sa akin. Mga bagay na mangyayari pa lang sa hinaharap. Nakita ko ang mundo na nagkakagulo. Ate, maraming apoy. Maraming taong umiiyak.
4:41 Sa totoo lang, papadudot, hindi ko seryoso ang mga sinabi niya noong sandaling yon. Iniisip ko na baka dala lamang ito ng stress sa pag-aaral at sa matinding pagnanais niyang pumasok sa seminaryo. Ngumiti lamang ako sa kanya at sinabing magpahinga siya ng mabuti dahil baka kulang lamang siya sa tulog. Ngunit ang hindi ko alam yun na pala ang simula ng isang gabi na kailan man ay hindi ko makakalimutan. Dumating ang gabi ng May 15, 2026. Kakatapos lang naming maghapunan at nanonood kami ng telebisyon sa sala. Nang biglang tumayo si Stephen mula sa kanyang upuan. Hindi pa siya nakakahakbang nang bigla na lamang siyang nangisay. Bumagsak siya sahig at nagsimulang
5:28 manginig ang buong katawan niya. Tila ba kinukuryente na ewan. Diyos ko, ang anak ko. Tingin ni mama sabay takbo patungo kay Stephen. Si papa naman ay natatarantang binuhat ang ulo ni Stephen para hindi ito mauntog sa semento. Stephen! Stephen naririnig mo ba ako? sigaw ni Papa ngunit walang sagot ang kapatid ko. Patuloy lamang ang kanyang pangingisay at lumalabas na ang kaunting bula sa kanyang bibig. Natakot ako ng husto. Ang buong akala ko ay inaatake na siya ng epilepsy o kung anong seryosong sakit sa utak. Tumawag agad ako ng ambulansya gamit ang aking cellphone ngunit bago pa man makarating ang tulong, biglang huminto ang kanyang
6:14 pangingisay. Nakahinga kami ng maluwag. Sa pag-aakalang tapos na ang krisis, dahan-dahang iminulat ni Stephen ang kanyang mga mata. Ngunit imbes na mapayapa ang aming kalooban ay napasigaw si mama sa takot. Napaatres papa. Ang mga mata ni Stephen ng buong cornea at pupel niya ay naging purong puti na. Walang kahit anong itim na natira para siyang bulag. Ngunit kitang-kita mong nakatitig siya sa amin. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa sahig. At ah sa paraan ng pagbangon niya ay hindi tulad ng normal na tao. Tuwid na tuwid ang kanyang katawan. Tilabaw may humihila sa kanya pataas. Sino ka? Anong ginagawa mo sa anak ko?
6:59 Sigaw ni papa habang pilit na itinataas ang isang krushiyo na kinuha niya mula sa altar. Agad naming na-realize sa sinasabihan si Stephen. Naririnig ko ang kwento tungkol sa mga sinasapian sa aming lalawigan na kadalasan ay sumisigaw ng masasamang salita. Nagwawala at nanggagaling sa ilalim ng lupa ang kalaban. natila ba nangangailangan ng limang tao para pigilan dahil sa kakaibang lakas. Kaya naman habang umiiyak si mama sa isang sulok at nagdarasal, patakbo akong lumabas ng bahay para pumunta sa pinakamalapit na simbahan. Humingi ako ng tulong sa aming kura paroco, si Father Gabriel. Mabuti na
7:44 lamang at gising pa si Father Gabriel at agad siyang sumama sa akin pabalik sa aming bahay dala ang kanyang banal na langis, istola at ang aklat ng exorcism. Pagpasok namin sa bahay, inihanda ko ang aking sarili sa isang magulong eksena. Inisip ko na baka sinisira na ng masamang espirito ang aming mga gamit o baka sinasaktan na nito si mama at si papa. Ngunit laking gulat namin pati ni Father Gabriel sa aming nadatnan. Kakaiba si Stephen sa lahat ng mga kwento ng sinasapian na narinig ko na. [musika] Walang gulo, walang sigawan at walang karahasan. Si Stephen ay tahimik lamang na nakaluhod sa harapan ng aming malaking kruspishiyo sa sala. Ang
8:31 kanyang mga kamay ay magkadikit at tilab taimtim na nagdarasal. Ang kanyang mga puting mata ay nakatingin ang diretso sa imahe ni Kristo. Kalmado lamang siya at hindi gumagawa ng anumang ingay at hindi rin siya nakakatakot tignan sa kabila ng kakaiba niyang mga mata. Ang pinaka-weird sa lahat, papadudot, ay ang nararamdaman namin sa loob ng bahay. Karaniwan daw kapag may masamang espiritu ay mabigat ang hangin, mabaho at nakakakilabot. Pero ng mga sandaling yon ay biglang guminhawa ang pakiramdam naming lahat. Nawala ang takot sa dibdib ko at maging si mama ay napatigil sa pag-iyak dahil naramdaman niya ang isang kakaibang kapayapaan na bumabalot sa buong sala.
9:18 Para kaming pumasok sa loob ng isang napakatahimik na kathedral sa gitna ng kaguluhan. Lumapit si Father Gabriel kay Stephen. Winisikan ito ng benditang tubig at nagsimulang magbasa ng mga panalangin sa latin. Sa ngalan ni Hesus, nag-uutos ako sayo. Sabihin mo sa akin kung sino ka at bakit mo pinasukan ang katawan ng kabataang ito. Utos ng pari. Lumingon si Stephen kay Father Gabriel. Walang galit sa kanyang mukha kundi isang expression ng wagas na kapayapaan. Ngumiti lamang ang nilalang na nasa loob ng katawan ng kapatid ko. Ngunit hindi siya nagsasalita. Patuloy lamang siya sa pagluhod at
10:03 pagdarasal. Ilang beses pang sumubok si Father Gabriel ngunit hindi talaga nagbago ang reaksyon ng nilalang. Walang kahit na anong palatandaan ng demonyo, walang galit sa banal na tubig at walang pag-ungol laban sa krus. Dahil hindi naman mapanganib ang sitwasyon at hindi rin nagpapakilala ang nilalang. Naguguluhang nagpaalam na lamang si Father Gabriel pagkalipas ng ilang oras. "Hindi ko alam kung ano ito." Sabi ng par sa amin bago umalis. Hindi ito masamang espirito. Mag-ingat kayo at patuloy nating ipagdasal si Stephen. Naiwan kaming tatlo nila mama at papa na nakatitig kay Stephen na hanggang sa mga oras na iyon ay nananatiling nakaluhod sa harapan ng altar.
10:49 Kinabukasan, nanatili pa rin ang nilalang sa katawan ni Stephen. Hindi siya kumakain hindi natutulog ngunit hindi rin naman siya nanghihina. Nanatili lamang siyang nakaupo at nakaluhod sa sala. Nakatitig sa kawalan gamit ang kanyang purong puting mga mata. Umalis muna sina mama at papa para bumili ng ilang mga kailangan sa botika at humingi muli ng payo sa ibang mga eksperto. Kaya naiwan akong mag-isa kasama ang aking kapatid. o kung sino man ang gumagamit sa katawan niya. Habang nagwawalis ako sa sala, malapit sa kinakaroonan niya ay biglang nagsalita si Stephen. Ang boses niya ay boses pa rin ng kapatid ko pero may kakaibang echo at autoridad na tila pa
11:35 nanggagaling sa isang napakalawak na espasyo. "Nela!" tawag niya sa pangalan ko. Nabitawan ko ang hawak kong walis at dahan-dahang humarap sa kanya. Sino ka? Ano ang kailangan mo sa kapatid ko? Pautal-utal ko pang tanong. Huwag kang matakot, anak ng lupa. Sagot niya habang dahan-dahang tumatayo at lumalapit sa akin. Ako ay si Matatron, ang tagatala sa langit. Ang boses na naghahatid ng kalooban ng lumika. Pinasukan ko ang katawan ng iyong kapatid dahil siya ay may dalisay na puso. Isang karapatdapat na sisidlan para sa mensaheng dapat marinig ng mundong ito. Hindi ako makapagsalita sa totoo lang.
12:22 Noon ko lang narinig ang pangalan na iyon sa bibliya kasi ang alam ko ay apat lang na anghel ang binabanggit. Sina Arkanghel Michael, Arkangel Gabriel, Arkanghel Rafael at si Lucifer. Kaya aaminin kong nagulat at na-curious ako dahil may nilalang pala na matatron ang pangalan. "Kumuha ka ng papel at panulat nela." utos niya sa akin habang tinuturo ang aking lamesa sa kusina. "Isulat mo ang lahat ng aking mga sasabihin. Kailangan nitong malaman ng isang katauhan bago sumapit ang takdang panahon." Parang may sariling isipan ang aking mga paa. Lumakad ako patungo sa aking bag kumuha ng isang makapal na notebook at ballpen at bumalik na sa sala. Naupo ako sa sahig habang si Matatron na gumagamit
13:08 ng katawan ni Stephen ay nagsimulang maglakad-lakad sa loob ng bahay. Ang mga sasabihin ko sa'yo ay mga pangyayari sa hinaharap. Panimula pa niya. Habang ang kanyang mga puting mata ay nakatitig lamang sa bintana na tila ba nakikita ang buong mundo mula roon. Ngunit huwag mong iisipin na ang mga ito ay mga hula o predictions lamang. Para sa amin sa itaas ang mga ito ay hindi hula. Ang mga ito ay mga plano na nakatala na sa libro ng tadhana. Huminga ako ng malalim. Inihanda ang aking ballpen at nagsimulang magsulat na. Makinig kang mabuti! wika ni Matatron. Malapit na ang paghuhukom ng Diyos sa mundong ito. Ang takdang panahon ay
13:54 magsisimula sa September 1, 2026 at magpapatuloy hanggang sa September 1, 2030. Sa loob ng apat na taong ito, dadaan ang mundo sa isang matinding paglilinis at ang lahat ay magsisimula sa lalong madaling panahon. Nanginginig ang kamay ko habang sinusulat ang mga petsangyon. September 1, 2026. Ilang buwan na lamang mula sa mga oras na yon. Ang takot na nawala kagabi ay biglang bumalik hindi dahil sa nilalang na nasa harapan ko kundi dahil sa bigat ng mga salitang lumalabas sa kanyang bibig papadudot. "Saan magsisimula ang lahat?" tanong ko habang nakatitig sa aking notebook. "Magsisimula ang apocalypse sa isang
14:40 malaking hudyat. Isang malaking pagsabog ang magaganap sa pagitan ng Europe at Middle East." Sagot pa ni Matatron. habang ang boses niya ay nagiging mas seryoso. Hindi ko sasabihin sao ang eksaktong lugar ngunit sasabihin mo sa kanila na bantayang mabuti ang Malta, Beuth, Istanbul at Cyprus. Ang rehiyong iyan ay makakaranas ng isang matinding trahedya. May kinalaman ba ito sa guera? Tanong kong muli, naalala ko ang mga balita tungkol sa mga tensyon sa pagitan ng mga bansa. "Hindi," tugon niya habang umiiling ang ulo ni Stephen. Hindi ito pagsabog na nagmula sa gyera o sa anumang bomba ng militar. Isa itong
15:27 napakalaking aksidente. Isang trahedya na sanhi ng kapabayaan ng tao at ng kalikasan. Ngunit ito ang magiging mitsa upang magising ang mga bansa sa paparating na dilim. Huminto siya sandali. Lumapit sa aming radyo na nasa ibabaw ng refrigerator at hinawakan pa ito. May isa pang hudyat na hindi gaanong mapapansin ang mga tao ngunit magdadala ng sumpa sa kanilang mga kalalawa. Patuloy ni Matatron. Isang awitin o kanta ang ilalabas sa mundo sa pagitan ng Marso o Abril ng taong 2027. Ang kantang ito ay may sa demonyo. May mga nakatagong frequency at mensahe
16:12 rito [musika] na magbubukas ng pintuan ng isipan ng mga kabataan upang yakapin ang kadiliman. Sa sandaling sumikat ang kantang ito at kantahin ng marami, mas lalong bibilis ang pagbaba ng moralidad ng mga tao. Naramdaman ko ang pagtindig ng aking balahibo. Isang kanta. Sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang mga musika sa internet. Napakadaling maapektuhan ng buong mundo. Kasabay nito wika pa niya. Lalong-lalala ang pulitika sa iba't ibang mga bansa. Ang mga pinuno ay naasahang magpapanatili ng kapayapaan ang siyang mismong magpapasimula ng mga hidwaan. Kabi-kabilang gulo, ang masasaksihan ng
16:58 mundo sa mga telebisyon at social media. Ang mga protesta sa mga lansangan ay hindi na magiging mapayapa. Marami ang mauuwi sa karahasan, patayan at anarkiya. Walang bansang makakaligtas sa politikal na kaguluhang ito. Mabilis ang paggalaw ng aking kamay at pilit na sinusulat ang bawat detalye papadudot. Napatingin ako kay Stephen at nakikita kong may kaunting pawis na lumalabas sa kanyang noo. Ngunit nananatiling blanko [musika] at puti ang kanyang mga mata. Halatang nahihirapan ang katawan niya pero patuloy pa rin ang pagdaloy ng kapangyarihan ng anghel sa kanya. Pagdating ng taong 2027, patuloy pa ni Matatron habang lumalakad patungo sa aming crucifix,
17:45 isang malaking trahedya ang yayanig sa simbahang katolika. Ang santo papa na tinutukoy sa third secret ng Fatima. Ang lihim na matagal ng iniingatan ng Vatican ngunit hindi lubos na nauunawaan ng marami. Isang malubhang pangyayari ang magaganap sa kanya na magiging mitan ng isang pandaigdigang krisis. Anong mangyayari sa Santo Papa? Tanong ko at medyo kinakabahan para sa kaligtasan ng pinuno ng aming simbahan. Ang pangyayaring yon ang maghuhudyat sa isang malaking gyerang pangrelihiyon. Direktang sagot pa ni Matatron. Hindi lang ito magiging labanan ng mga bansa dahil sa teritoryo o langis kundi labanan ng pananalig at paniniwala.
18:30 Ang gyerang pangrelehiyong ito ay mabilis na lalala at pwedeng mauwi sa ikatlong digmaang pandaigdig sa kalagitnaan ng taong 2027 o sa pagpasok ng 2028. Ang mga lungsod na dati ay sentro ng kultura at relihiyon ay magiging abo dahil sa makabagong armas. Napatigil ako sa pagsusulat. World War I. Palagi ko itong naririnig sa mga balita at sa mga usap-usapan sa internet bilang isang malayong posibilidad. Pero ang marinig ito mula sa isang nilalang na nagpapakilalang anghel ay nagdala ng tunay na takot sa aking puso. [musika] Bago matapos ang taong 2027, dagdag pa niya habang lalong bumababa ang tono ng
19:16 kanyang boses. Isang malaking pandemya ang magaganap sa mundo. Mas malala pa ito sa anumang sakit na hinarap ng mga sangkatauhan. Magsisimula [musika] ito sa isang lihim na eksperimento ng mga taong kampo ng dilim. Ang mga taong sumasamba sa kapangyarihan at kayamanan na walang pakialam sa buhay ng marami. Anong klaseng sakit ito? Tanong ko pa. Gumagamit sila ng isang taong nahawahan ng ribis virus. Paliwanag pa ni Matatron, ang taong ito ay-expose nila sa mga mapanganib na radioactive element sa loob ng isang laboratoryo. Ang kombinasyon ng virus at radiation ang lilikan ng isang bagong strain ng
20:01 pandemyang nakamamatay. Maikakalat ang virus na ito sa pamamagitan ng kagat. Ang sinumang makakagat ng isang nahawahan na tao ay mawawala ng sariling pag-iisip sa loob ng ilang minuto. Sila ang magiging mga patay na halimaw na uhao sa laman ng buhay na tao. Walang awa nilang aatakihin ang sarili nilang pamilya at maging mga kaibigan. Napalunok ako. Papadudot. Parang na lamang ito sa mga pinapanood kong pelikula sa Sinihan. Pero ang marinig ito bilang bahagi ng plano ng langit at impyerno ay nagpabago ng pananaw ko. Parang gusto ko ng ihto ang pagsusulat pero alam kong kailangan kong tapusin ito. Ngunit ang hindi alam na mga kampon
20:47 ng kadiliman. Sabi pa ni Matatron na may kaunting ngiti sa mga labi ni Stephen ay na-anticipate na ito ng mga sugo ng liwanag sa itaas. Ang langit ay hindi pababayaan ang mga tapat sa kanya. Gumawa na ang mga sugo ng liwanag ng isang vaccine o antidote laban sa virus na ito at ang pagbuo nito ay gagawin mismo sa lupain ng Israel. Ibig sabihin po ba ay ligtas ang lahat kapag nagkaroon ng vaccine? Tanong ko at umaasang may magandang balita sa gitna ng bagsik ng kanyang mga hula. [musika] Hindi para sa lahat ang vaccine nela. Seryosong sagot ng anghel. Para lamang ito sa mga mamamayan ng Israel at sa mga
21:34 taong kaibigan at kinikilala ang existence ng Israel bilang banal na lupain. Ang mga bansang galit o nagtatakwil sa Israel ay hindi makakatanggap ng antidote na ito at sila ay maiiwan upang lamunin ang pandemya. Humintong muli si Matatron tumingin sa akin ng diretso. Nagpapadala rin ng langit ng kanilang mga sugo sa bawat bansa upang [musika] pamunuan ng mga tao sa panahong ito ng krisis. Ang mga sugong ito ay pumasok sa mundo bilang mga normal na pulitiko. May mga nanalo sa eleksyon, may mga natatalo. Ang mga bansang may nanalong sugo ng langit ay magiging mapalad dahil makakasama sila sa vaccine na program ng Israel.
22:19 Sino-sino mga bansa ang may sugo ng langit? Mabilis kong tinanong habang inihanda ang aking panulat. Ang ilan sa mga bansang ito kung saan ang sugo ng langit, ang kanilang kasalukuyang presidente o punong ministro ay ang Costa Rica. Tisia, isla ng marsal, Argentina, Italia, Mexico, Trinidad and Tobago atang Hapon. Isa-isang binanggit ni Matatron ang mga pangalan ng bansa habang sinusulat ko ang mga ito. At kung mananalo naman sa susunod na eleksyon sa pagkapresidente, si Kiko Fojimori ay mapapasama rin ang Peru sa listahan ng mga bansang
23:05 poprotektahan ng langit. Paano naman ang Pilipinas, matatron? Tanong ko habang umaasa na babanggitin niya ang ating bansa. Ligtas ba tayo rito? Tumingin sa akin si Matatron gamit ang kanyang mga puting mata. At sa pagkakataong ito ay nakita ko ang matinding lungkot sa kanyang mukha. Huminga siya ng malalim gamit ang katawan ng aking kapatid. Ayon sa talaan sa langit, Nela, hindi na masaya ang Panginoon sa nangyayari sa Pilipinas. Malungkot niya ang sinabi. Lalo na ang walang humpay na pag-idolize ng mga Pilipino sa mga corrupt at mapanlinang. Pinipili ng mga tao ang dilim kaya sa liwanag at patuloy nilang pinagtatanggol
23:51 ang mga nagnanakaw sa kaba ng bayan. Wala ba kayong sugo na ipapadala sa Pilipinas para mailigtas kami? Nanginginig na tanong ko. May naipadala na. Sabi agad ni Matatron. Pero hindi niyo siya pinakinggan at pinili. Sa puntong yon papaudot ay nakaramdam ako ng konsensya kasi mukhang kilala ko kung sino ang tinutukoy niya at aaminin ko na isa ako doon sa pakapan kong nanira sa taong iyon. Samantala'y muling nagsalita si Matatron. Ang Pilipinas ay tinuturing na beyond salvation o hindi na maihahabol sa kaligtasan dahil sa katigasan ng ulo ng mga mamamayan nito. Malaki ang magiging parusa sa lupain ninyo. Nanghina ako sa narinig ko,
24:37 papadudot. Ang sarili kong bansa, ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko. Lahat ba kami ay mapapahamak dahil sa mga kasalanan ng lipunan? Hindi pa nagtatapos doon ang mga sinabi ni Matatron papadudot. Marami pa siyang binanggit na mga detalye tungkol sa mga darating na taon na halos mapuno ang aking notebook. Sinabi niya na sa pakita ng 2028 at 2029 bukod sa pandemya ng mga Walking Dead, makakaranas din ang mundo ng matinding tagtuyot. Ang mga pananim ng mga natitirang survivor sa Hilaga Timog America at Asya ay masisira dahil sa pabago-bagong panahon na magiging dahilan upang mag-agawa ng mga survivor sa kaunting supply ng pagkain.
25:23 Ang presyo ng mga bilihin ay tataas ng samp beses sa kasalukuyang halaga nito at ang pera ay mawawala ng silbi. Gagamit na ang mga bansa ng isang digital currency na may kontrolado ng isang pandaigdigang sistema at ang sinoang hindi tatanggap nito ay hindi makakapamili ng pagkain. Binanggit din niya na ang teknolohiya ng artificial intelligence ay gagamitin ng mga kampon ng kadiliman upang gumawa ng mga peking milagro. Magpapakita mga imahe sa langit gamit ang holograms upang lilangin ang mga tao na sumunod sa isang huad na relihiyon na pag-iisahin ang buong mundo sa ilalim ng pamumuno ng isang huad na propeta. Ngunit nela biglang sabi ni Matatron
26:10 habang hinahawakan ang aking dalawang kamay. May pagasa pa upang mabago o mabawasan ang tindi ng mga planong ito. Hindi pahuli ang lahat para sa sang katauhan. Paano? Tanong ko habang lumuluha na dahil sa takot sa aking mga narinig. Pwedeng magbago ang takbo ng kasaysayan kung mapapabagsak ang mga kampo ng kadiliman sa lupa. Deklarasyon niya. Kailangan mapabagsak ang mga pwersa ng liwanag ang mga namumuno sa bansang Iran. Pati na rin ang mga teroristang grupo tulad ng Hamas, Hezbola at iba pang mga katulad na organisasyon. Sila ang pangunahing kasangkapan ng kadiliman upang mangyari at mais
26:55 katuparan ang ikatlong sikreto ng mahal na birhenang Fatima at Etonela ang magiging mitsa ng pagsisimula ng ikatlong digmaang pandaigdig kung magagawa silang magapi o mapigilan bago sumapit ang kalagitnaan ng 2027. Ang tindi ng digmaan at ang pandemya ay maaaring mabawasan at mas maraming buhay ang maisasalba. Yun ang huling mga pahayag na sinabi ni Matatron. Pagkatapos non ay binitawan niya ang aking mga kamay at tumayo ng tuwid sa gitna ng aming sala. Eksaktong pagkatapos ng huling rebelasyon ni Matatron, narinig namin ang tunog ng sasakyan nila mama at papa na paparada na sa harapa ng aming bahay. Sa sandaling yun ay biglang nanginig muli ang katawan ni Stepen.
27:41 Nakita ko kung paanong dahandaang bumalik sa normal ang kanyang mga mata. Ang kulay itim ay muling lumitaw. Ngunit kasabay nito ay ang pagkawala ng kakaibang liwanag at kapayapaan sa aming bahay. Umalis na si Matatron sa kanyang katawan. Stephen! Sigaw ko habang sumasalo sa kanya ng bigla siyang maudlot at mapaluhod. Ngunit bago pa man ako makalapit ng tuluyan, si Stephen ay biglang umubo ng napakatindi. Sa bawat ubo niya ay maraming sariwang dugo [musika] ang lumalabas sa kanyang bibig. Nabasa ang kanyang damit, ang sahig ng aming sala at maging ang aking mga kamay. Sobrang nanghina ang kanyang katawan. Tilaba biglang nawala ng lakas
28:30 ang kanyang mga kalamnan. Ate Nela, bulong niya habang dahang-dahang pumipikit ang kanyang mga mata. Puno ng dugo ang kanyang mga labi. Sakto namang pumasok sila mama at papa sa pintuan. Nang makita nila ang eksena si Stephen na duguan at walang malay. At ako na umiiyak habang hawak ang notebook ay agad silang sumigaw sa hisia. Hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Binuhat ni papa si Stephen patungo sa aming kotse at mabilis kaming sumugod sa pinakamalapit na ospital sa Quezon City. Pinasok agad si Stephen sa emergency room. Ilang oras kaming naghintay sa labas. Walang tigil ang pagdarasal nila mama at papa. [musika] Ngunit ang mga doktor ay lumabas na may malungkot na
29:16 mukha. Sinabi nila na nakaranas si Stephen ang multiple organ failure at matinding internal bleeding sa kanyang utak at baga na hindi nila maipaliwanag kung saan ang galing. Walang kahit na anong medikal na dahilan ng makapagturo kung bakit biglang nagkaganon ang isang malusog at 17 taong gulang na binata. Hindi na naisalbaha ang aking kapatid. Namatay si Stephen noong May 21, 2026. Devestated kaming lahat. papadudot. Ang buong pamilya namin ay gumuho ang mundo. Ang kapatid kong may napakagandang pangarap na maglingkod sa Diyos ay wala na. Habang mabilis na inihanda ang kanyang burol, ang matinding lungkot ay napalitan ng galit sa [musika] puso nila
30:02 mama at papa. Sinisisi na mama ang nilalang na sumapi kay Stephen. Kung totoong angel siya ng Diyos ay bakit niya pinatay ang anak ko? Haguluhol ni mama gabi-gabi sa harapan ng kabaong ni Stephen. Kinuha niya ang buhay ng anak natin Gardo. Hindi yun anghel. Isang masamang espiritu ang pumatay kay Stephen. Hindi ko magawang ipakita sa kanila ang aking mga naisulat sa notebook dahil alam kong mas lalo lamang silang magagalit at hindi nila maintindihan ang sitwasyon sa gitna ng kanilang pagdadalamhati. Nanatili akong tahimik at pinapasa ng bigat na mga sikretong iniwan sa akin ni Matatron. Matapos ang libing ni Stephen, ang pag-uwi namin sa bahay ay napakalungkot na para bang umuwi kami sa isang
30:49 abandonadong lugar. Wala ng kapayapaang nararamdaman namin noong narito pa si Matatron. Ang natitira na lamang ay ang malamig at malungkot na katahimikan ng isang pamilyang nawalan ng anak. Kinagabihan dahil sa matinding pagod at emosyon. Maaga akong nakatulog at doon papadudot nagpakita si Stephen sa aking panaginip. Hindi siya tulad ng itsura niya noong huli ko siyang nakita sa ospital. Ang panaginip ko ay napakaliwanag at nakita ko si Stephen na nakatayo sa isang napakagandang hard wearing a pure white gown at may malaking puting anghel sa kanyang paligid. Ang kanyang mukha ay napakasaya walang bakas ng sakit o hirap. Ang kanyang mga mata normal na muli ngunit
31:34 may kakaibang kislap ng kaligayahan. Ate Nela tawag niya sa akin sa panaginip habang humingiti ng napakatamis. Stepen, bakit mo kami iniwan? Galit na galit sina mama at papa sa nangyari sa'yo. [musika] Sigaw ko sa kanya sa aking panaginip at pilit na lumalapit ngunit may hindi nakikitang harang sa pagitan namin. "Huwag kayong malungkot, ate." Sagot niya habang ang boses niya ay puno ng kapayapaan. Namatay ang katawang lupa ko dahil hindi kinaya ng aking mortal na sistema ang labis na kapangyarihan at presensya ni Matatron. Napakabigat at napakatindi ng banal na enerhiya para sa isang taong laman. Ngunit huwag kayong mag-alala para sa
32:20 akin dahil narito na ako sa langit kasama ng mga taong lingkod ng Diyos. Masayang masaya ako rito. Huminga ako ng malalim sa aking panaginip. Medyo nabawasan ang galit at lungkot ko. Paano ang mga mensaheng sinulat ko, Stephen? Ano ang gagawin ko rito? 'Yan ang dahilan bakit kita kinausap ngayon. Seryoso niyang sabi. Huwag kang malungkot matakot dahil siguradong magkakasama rin tayo rito sa langit sa takdang panahon. Pinili ka ni Matatron dahil may misyon ka. Isa ka na ring sugon ng langit ngayon ate Nela. Obligasyon mo na ibahagi ang mensahe at mga plano na isinulat mo upang mabigyan ng babala ang mga tao. Kailangan mong kumilos bago dumating ang Setyembre.
33:07 Nagising ako na may basang mga pisngi dahil sa luha. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na dahil sa takot kundi dahil sa matinding determinasyon. Tiningnan ko ang notebook ko sa aking tabi. Alam kong may malaki akong obligasyon. Pagkatapos ng panaginip na yon, naramdaman ko na parang may mabigat na tungkulin ang aking mga balikat. Hindi ko pwedeng soluhin ang mga impormasyong ito. Kaya naman sinulan kong kontakin ang iba't ibang mga programa sa TV man o radyo. Nagpadala ng mga email at sa iba pang mga sikat na investigative magazine show sa bansa. Umaasang mapapansin nila ang aking kwento at ang listahan ng mga babala ni Matatron. Ngunit lumipa sa mga araw na walang sumasagot sa akin. Maramil
33:53 itinuturing nila akong isang baliw o nag-iimbento lamang ng kwento dahil sa trauma ng pagkamatay ng aking kapatid. At dahil nga sa regular akong nakikinig sa inyong programa lalo na sa mga totoong kwento ng buhay na tinatampok ninyo. Naisip ko na baka ikaw ay maging daan upang marinig ng maraming listeners mo ang babalang ito. Kaya naman pinadala ko sa inyo ang buong detalye ng aking sulat. Samantala, baka akalain ng marami ay baka isang mapanlinlaang na nilalang lamang si Matatron na nagnanais lamang maghasik ng takot o kaya'y kampo ng kadiliman na nagpapanggap na anghel. Ngunit lubos akong nagkamali papadudot. Sa aking muling pag-iyak habang yakap ang bibliya at ang notebook ni Stephen,
34:39 dinalaw akong muli ng isang malinaw na panaginip. Isang pagpapatuloy ng aking naunang pangitain. Naroong muli si Stephen ngunit sa pagkakataong ito. Kasama niyang isang napakalaking anino ng liwanag na may hawak na timbangan. Walang takot ang nararamdaman ko kundi isang napakalalim na kapayapaan at pagkakaunawa. Ipinakita sa akin ni Mataton ang tunay na kahulugan ng mga plano. Ang mga sakuna, ang pandemya, ang mga kahulugan ng pulitikal ay hindi nila gawa at hindi rin ito parusa na nanggaling sa isang malupit na pwersa. Ang mga ito ay ang mismong salamin at bunga ng mga maling desisyon, kasakiman at kawalan ng pagmamahal ng sangkatauhan sa isa't isa.
35:25 Ang langit ay hindi nagpaparusa kailan man. Ang tawang mismong gumagawa ng sarili niya ang kapahamakan sa pamamagitan ng mga digmaan, eksperimento at pagpili ng mga tiwaling pinuno. Si Matatron ay hindi pumarito bilang isang hukom ng parusa kundi bilang isang tagatala at tagabahala. Ang kanyang pagpasok sa katawan ni Stephen ay isang sakripisyo ng pagmamahal upang maiwan ang huling babala sa atin. Ang paghina ng katawan ng aking kapatid ay hindi dahil sa masamang hangarin ng anghel kundi dahil ang mortal na laman ng tao ay sadyang hindi kayang maglaman ng purong banal na karunungan ng matagal. Si Stephen ay maluwag na tinanggap ang
36:12 misyong ito upang maging tulay ng mensahe. Ang huling twist sa kwentong ito papadudot ay ang realization na ang kapalaran ng Pilipinas at ng buong mundo ay wala sa kamay ng isang nakatadhan ng sumpa. Nang sabihin niya ang bansa ay hindi na maisasalba sa kasalukuyan nitong estado. Ito isang hamon upang magising ang ating natutulog na konsensya. Ang pagiging sugo ng langit. na binanggit ni Stephen sa akin ay hindi nanganghulugang may kapangyarihan akong lumaban sa digmaan kundi ako ay binigyan ng tungkulin na maging boses ng katotohanan at pagbabago. Papadudot aaminin ko na habang papalapit ang September 1, 2026. Nandun pa rin ang
36:58 takot sa dibdib ko. Pero nakakaramdam din ako ng pag-asa. Alam kong buhay ang aking kapatid sa kabilang buhay at alam kong ang mensaheng iniwan sa akin ay hindi upang tayo ay mawala ng pag-asa kundi upang magbalik [musika] loob sa tunay na kabutihan. Iwanan ang pagsuporta sa kasamaan at patunayan na kayang baguhin ang tao ang kanyang sariling tadhana. Maraming salamat po sa pagbibigay ng espasyo sa aking buong salaysay. Ang inyong tagubaybay, Nela. Maraming salamat kay Nela sa pagbabahagi ng kanyang kwento. Ang sulat na ito ay natanggap namin noong May 30, 2026. At aaminin ko po sa inyo, kasama ng
37:45 aking mga staff na sumasagot sa email ay nagulat sa nilalaman ng kwentong ito. Ngayon, nasa sa inyo po yan kung kayo po ay maniniwala o hindi. Pero panatilihin po natin na maging sibilisado lalo na sa pagbibigay ng komento at opinyon. Samantala, napakabigat at napakatindi ng pinagdaanang karanasan ni Nela lalo ng mawala ng isang kapatid na nakababata sa kanya at misteryosong paraan pa ang pagkawala nito. Normal lamang ang makaramdam siya ng matinding obligasyon na ibahagi ang kanyang mga naitala dahil ang pagsusulat at pagbabahagi ng ganitong mga kwento ay madalas na nagiging paraan ng tao upang iproseso ang trauma at matinding shock
38:31 sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Mahalagang paalala para kay Inela na unahin muna ang kanyang sariling kalusugan, emosyonal na paghilom at kapayapaan ang kanyang isipan kasama ang kanyang pamilya sa gitna ng pagdadalamhati. Ang paghingi ng suporta sa mga propyonal sa mental health o mapagkakatiwala ang gabay sa buhay ay malaking tulong upang maging malinaw at magaan ang kanyang pagdadala sa ganitong kabigat na emosyon. Ang takbo ng kasaysayan ay nagpapakita na ang tao ay may hawak ng susi sa kanyang sariling kapahamakan o kaligtasan. Sa pamamagitan ng pangaraw-araw na desisyon,
39:16 moralidad at pagpili ng mga pinuno. Ipinapaunawa sa atin na ang takot sa hinaharap ay hindi dapat maging mitsa ng kawalan ng pag-asa kundi isang malakas na tawag upang gumawa ng kabutihan. maging mapanuri sa lipunan at magsilbing boses ng katotohanan sa sariling pamayanan. Sa huli ang tunay na kapayapaan ay hindi matatagpuan sa pag-alam ng detalye ng bukas kundi ang pagkakaisa pagmamahal sa pamilya at pagpili sa mabuting ehemplo sa kasalukuyan. At huwag kalimutan na ipahayag at iparamdam ang pagmamahal
40:01 sa ating kapwa na nanggagaling sa ating puso at hindi dinidikta ng kung sino man sa ating kapaligiran. Maraming maraming salamat po. [sumisingasing] Ang buhay ay mahiwag. Mahiwag. Laging may lungkot at saya. sa papadudod [musika][kumakanta] stories laging may karamay ka
40:50 [musika] mga problemang [musika] kaibigan [musika] dito ay pakikinggan ka [kumakanta] sa papadudod [musika] Good stories. Kami ay iyong [musika] kasama. [kumakanta] Dito sa papadudot [musika] stories. Ikaw ay hindi nag-iisa. [musika] [kumakanta] Dito sa papadudod [musika] [kumakanta] stories
41:36 may nagmamahal. Say' [musika] papadot [kumakanta] stories [musika] papadudo stories [kumakanta] papadudot stories [musika][kumakanta] >> [musika] >> Dito sa papadudot stories may nagmamahal [musika] sa'yo. Papadudot stories [musika][kumakanta]
42:27 papadudot. >> [kumakanta] >> Hello mga kaonline si papa po ito. Nagustuhan niyo ba ang kwento natin ngayong araw? Pwede kayong magpost ng mga komento at kalimutan na maglike, mag-share at magsubscribe. Maraming salamat po.