Ang Dapat Mabatid Ng Mga Tagalog SANAYSAY ni ANDRES BONIFACIO

Maikling Buod

Ang video ay tungkol sa sanaysay ni Andres Bonifacio na "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog." Layunin nitong ipamalayag ang tunay na kasaysayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila at ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Itinatampok ni Bonifacio ang halaga ng pagkakaisa at pagkakaroon ng kamalayan upang makamit ang tunay na kalayaan at kasaganaan.

  • Ang sanaysay ay nagsisilbing panawagan para sa mga Pilipino na gisingin ang kanilang kaisipan at kilalanin ang kanilang mga pinagmulan.
  • Tinutukoy nito ang mga kataksilan at pandaraya ng mga mananakop at ang pangangailangan ng mga tao na kumilos para sa kanilang sariling kapakanan.

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

Ang sanaysay ni Andres Bonifacio na "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" ay isang makabayang akda na naglalayong ipamalayag ang mga nakatagong katotohanan ng kasaysayan ng Pilipinas. Inilalarawan dito na bago dumating ang mga Kastila, ang Pilipinas ay may maunlad na kultura, pamahalaan, at kalakalan. Sa paglipas ng panahon, ang mga nakipagkaibigan na Kastila ay naging dahilan ng pang-aapi at pagkawala ng kalayaan. Ipinapakita ng akdang ito na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula mula sa kamalayan ng tao at hindi sa awa ng ibang bayan.

Menos na Paniniwala

Dito, tinalakay ang mga katanungan tungkol sa mga kasaysayan na maaaring naging kwento lamang ng mga nanalo. Nagsisilibing hamon sa mga Pilipino upang suriin ang kanilang sariling pagkakakilanlan at katotohanan. Ang layunin ni Bonifacio ay upang gisingin ang mga damdamin ng mga Pilipino at ipadama sa kanila ang kanilang tunay na ugat bilang isang bayan.

Kahalagahan ng Pagkakaisa

Ipinapahayag ang pangunahing mensahe ni Bonifacio tungkol sa pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Binibigyang-diin na ang tunay na kalayaan ay nagmumula sa sama-samang pagkilos at ugnayan ng mga mamamayan. Tinutukoy din dito ang mga hamon na ipapakita at ang mga pagkakataon para sa pagbabagong nakasalalay sa pagkakaisa ng sambayanan.

Pagkilala sa mga Sakripisyo

Inilalarawan ang mga sakripisyo ng mga ninuno at ang epekto ng kolonisasyon sa kasalukuyang estado ng Pilipinas. Tinatalakay ang mga pagdurusa at hinaing ng mga tao sa ilalim ng pamamahala ng mga banyaga. Ang mga pananaw na ito ay dapat kilalanin upang magbigay inspirasyon sa mga tao na kumilos para sa kanilang sariling kalayaan at ginhawa.

Panawagan para sa Aksyon

Nagbibigay si Bonifacio ng hamon sa mga Pilipino na gisingin ang kanilang mga isipan at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Binibigyang-diin ng sanaysay na ang panahon ng pagkilos ay narito na, at ang mga mamamayan ay dapat maging matatag at handang lumaban para sa kanilang bayan. Ang mensahe ng sanaysay ay nananatiling mahalaga kahit sa kasalukuyan, na nag-uudyok sa mga tao na mahalin at ipaglaban ang kanilang bansa.

Summarize any YouTube video in seconds

Get summaries like this one for any video, in your language, with the free Summ app.

Download on the Apple Store
Get it on Google Play

Transcript

YouTube Transcript Generator

0:00 Ang dapat mabatid ng mga Tagalog. Sanaysay ni Andres Bonifacio. Paano kung ang lahat ng pinaniniwalaan mong kasaysayan ay kwento lamang ng mga nanalo? Paano kung sa loob ng mahigit 3 da taon unti-unti tayong naturuang kalimutan kung sino talaga tayo bilang isang bayan? Ito ang tanong na gustong ipamulat ni Andres Bonifacio sa kanyang sanaysay na ang dapat mabatid ng mga Tagalog. Hindi ito isinulat upang magkwento ng nakaraan. Isinulat ito upang gisingin ang isip, pukawin ang damdamin at hamunin ang bawat Pilipino na makita ang katotohanang matagal na

0:46 ikinubli ng kasaysayan. Sa araling ito, ating susuriin ang isa sa pinakamatapang at pinakamakabayang sanaysay sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang dapat mabatid ng mga Tagalog. Sanaysay ni Andres Bonifacio. Itong katagalugan na pinamamahalaan noong unang panahon ng ating tunay na mga kababayan. Noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga kastila ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaan. Kasundo niya ang mga kapitbay at lalong-lalo na ang mga taga hapon. Sila ay kabilihan at kapalitan ng mga kalakal. Malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan.

1:31 Kaya't dito'y mayaman ang kaasalan ng lahat. Bata't matanda at s mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga kastila at dumulog na nakikipagkaibigan sa mabuti nilang hikayat na di umano tayo'y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan. Ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayunman, sila'y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga Tagalog na sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kukuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat at yao'y

2:19 inihalo't ininom nilang kapwa. tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magtataksil sa pinagkayarian. Ito'y siyang tinatawag na sandugo ng haring si Katuna at ni Legaspi na pinakakinatawan ng hari ng Espanya. Buhat ng ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa 300 taong mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan. Ating pinagtatamasa at binubusog kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugol natin ang yan, dugo at 10 ng buhay sa pagtatanggol sa kanila. Kinakahamok natin 10 ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila

3:04 ay pasakop. At gayun din naman, nakipagbakat tayo sa mga insik at mga olandes na nagbalak na umagaw sa kanila nitong katagalugan. Ngayon sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggoogle ang nakikitang kaginhawaang ibinigay sa ating bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugol? Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at ang mga pagtupad sa kanilang ipinanga kung tayo ay lalong gigisingin sa kagalingan. Bagkos tayo'y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal. Pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating bayan. Iminulat tayo sa isang

3:51 maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak na kasamaan ang kapurihan ng ating bayan. At kung tayo'y mgahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating mga minamahal na mga anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumula sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at kara-karakang nilalapatan ng malahayop na kabangisan. Ngayon wala ng maituturing na kapanatagan sa ating pamayanan. Ngayon lagi ng ginagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan. Buntong

4:37 hininga at hinagpis ng makapal na ulila. Balot't mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na kastila. Ngayon tayo'y malulunod na sa nagbabahang luha ng ina sa nakitil na buhay ng anak sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam. Ngayon, lalo't lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang na kalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katwiran na sumisikat sa silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga

5:24 matang malaong na bulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya ay tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganib na asal. Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay. kundi lalo'talong kahirapan, lalo'talong kataksilan, lalo'talong kaalipustaan at lalo'talong kaalipinan. Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawaan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating sarili at huwag

6:10 antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran na tayo'y magkaisang loob, magkaisang isip at akala at tayo'y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating bayan. Panahon na ngayong dapat lumitaw ang liwanag ng katotohanan. Panahon ng dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon ng dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog

6:55 ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutungtong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway. Kaya o mga kababayan, ating idilat ang nabulag na kaisipan at kusang igoogle sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtatagumpay sa minimithing kaginhawaan ng bayang tinubuan. Ang dapat mabatid ng mga Tagalog ay isang makabayang sanaysay na isinulat ni Andres Bonifacio noong panahon ng himagsikan. Bagamat't tinawag niyang mga Tagalog, ang tinutukoy niya ay ang lahat

7:42 ng anak ng Pilipinas, ano man ang kanilang wika o lalawigan. Sa akdang ito, ipinakita ni Bonifacio na bago dumating ang mga kastila ay may sariling pamahalaan, maunlad na kalakalan at marangal na kultura ang ating mga ninuno. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang pakikipagkaibigang ipinangako ng mga mananakop ay nauwi sa panlilinlang, pang-aapi at pagkawala ng kalayaan. Hindi lamang inilalahad ng sanaysay ang sakit ng nakaraan. Mas mahalaga rito ang mensaheng nais ipabatid ng may akda na ang tunay na pagbabago ay hindi nagsisimula sa awa ng ibang bayan kundi sa paggising ng sariling kamalayan. Para kay Bonifacio,

8:30 ang katuwiran ang magbubukas ng ating mga mata. Ang pagkakaisa ang magpapalakas sa sambayanan. Ang pagmamahal sa bayan ang magdadala sa tunay na kalayaan. Ito ang daan patungo sa isang malaya. at maunlad na Pilipinas. Dahil dito, kinikilala ang akdang ito bilang isang tekstong persuasive. Hindi lamang nito ipinapaalam ang katotohanan kundi hinihikayat din nito ang mga mamamayan na mag-isip gamit ang katwiran at malalim na pang-unawa. Manindigan para sa katotohanan at katarungan kahit may panganib at kumilos para sa ikabubuti at kalayaan ng bayan. Mahigit isang siglo na ang lumipas mula

9:18 ng isulat ni Andres Bonifacio ang dapat mabatid ng mga Tagalog. Ngunit hanggang ngayon mahalaga pa rin ang mensahe ng kanyang akda. Noong panahon ng himagsikan, hinikayat niya ang mga Pilipino na mag-isip, magkaisa at mahalin ang bayan. Ngayon ikaw naman ang tatanungin ko. Kung ikaw ang nabubuhay noong panahon ni Bonifacio, magiging tahimik ka ba o magiging matapang kang maninindigan para sa iyong bayan? At higit sa lahat, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa Pilipinas sa panahon natin ngayon? Вот

Share

YouTube Video Summaries