0:24 O hiyakapipita si Rekano Langon! Kumusta kayo? Maligayang pagbabalik sa DepedTV Channel. Isang panibagong kaalaman at sayo na naman ang ating pagsasaluhan sa araw na ito. Kasama niyo pa rin ang inyong gurong lingkod? Ginoong AC! Easy ka lang! Tayo natuklasin ang mundo ng asignaturang Pilipino. Bago tayo magsimula, iyaking hawak na ninyo ang inyong mga self-learning modules sa Pilipino at maglaan ng bolpin at papel sa pagsasagot ng ating mga gawain. Handa na? Tara! At simulan nating talakain
1:13 ang isang kwentong bayan mula sa Maranaw na pinamagatang, Ang Linting Ibo. Balikan muna natin ang mga nakarang aralin sa Filipino. Naalala mo pa ba ang iba't ibang uri na akdang pampanitikan? Tama! Nariyan ang nobela pabula parabola alamat maikling kwento, dula, sanaysay, kwentong bayan, at marami pang iba! Pero sa bahaging ito, ang pag-uusapan natin ay ang Kwentong Bayan ng Maranaw Tara!
2:01 Ang kwentong bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Kariniwan itong naglalahad ng kaugalian tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. Ang Maranao ay mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng Lanao. Sila ang mga taong naninirahan sa tabi ng lawa. Sila ang pinakapopular at pinakamalalaking tribo ng mga Muslim. Tinataya nga abot sa siyamnapung bahagdan
2:49 ang bilang ng mga ito na naninirahan sa Lanao del Norte, Cotabato at Bukidnon. Ang sentro ng pangangalakal, pangkultura at iba pang edukasyon ng mga Maranaw ay sa lungsod ng Marawi o dating tinatawag na Dansalan. Ito ay kabisera ng Lanao del Sur. Sa kanilang kultura, iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal na tirahan ng mga maranaw ang bahay na walang dibisyon sa gitna. Sa bawat higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop.
3:36 Sa likuran ng tirahan, may isang kusinang pinagsasaluhan ng lahat ng pamilyang nakatira dito. Ang kanilang ikinabubuhay, pangingisda at pagsasaka. Lahat ng sinusunod nilang kaugalian ay batay sa kanilang turo sa relihiyong Islam. Ngayong mayroon na kayong sapat na ideya tungkol sa tradisyon ng mga maranaw, ating sagutan ang mga sumusunod na sitwasyon. Una, maraming pangyayari sa ating kasaysayan ang nakakapekto sa pag-iisip, gawi at pamumuhay ng mga Pilipino. Halimbawa ang mga kapatid nating Maranao. Sa iyong palagay, ano kaya ang
4:25 nakaapekto sa kanila kung bakit ganito ang kanilang kultura at paniniwala sa kasalukuyan? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ikalawang sitwasyon. Minsan, naisip ko rin ano kaya ang hitsura ng Pilipinas kung hindi tayo nasakop ng mga Kastila. Amerikano at Japon. Kung nalinang sana ang sibilasyasyong itinayo ng ating mga ninuno, sa palagay mo, ano kaya ang kalagayan ng ating bansa sa kasalukuyan? Aba ang nakabibilib! Alam mo ba na ang ginawa mo ay isang paghihinuha?
5:13 Ito ay ang pagbibigay ng iyong sariling hakahaka o opinion tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap. Bago natin basahin ang nakasasabik na kwentong bayan, ay lililangin muna natin ang iyong kaalaman sa talasalitaan. Paghusayan mo! Para sa pagpapalawak ng talasalitaan, ibigay ang kasing kahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit ito sa pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. Para sa unang bilang, lumanabas ang mag-asawa tuwing takip silim upang mangaso. Ang salitang nakadiin
6:01 ay takip silim. Ano kaya ang kasingkaulugan nito? A. Hating gabi B. Katanghali ang tapat C. Madaling araw D. Papalubog na ang araw. Kung ang sagot mo ay D, Papalubog na ang araw, Tama ka! Lumalabas ang mag-asawa tuwing papalubog na ang araw upang mangaso. Para naman sa ikalawang bilang, Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop. Ang salitang nakadiin ay bitag
6:47 Kaya ang kasing kahulugan nito. A. Kampihan B. Pagkain C. Pana D. Patibong Kung ang sagot mo ay D. Patibong, tama ka! Gumagamit sila ng patibong upang makaakit ng mga hayop. Ikatlong bilang. Gayon na lang ang kanyang pangigilalas sa nakitang kakaiba. Ang salitang nakadiin ay pangigilalas. Ano kaya ang kahulugan nito? A. Pagkaasiwa
7:34 B. Pagkagulat C. Pagkalungkot D. Pananabik Kung ang sagot mo ay B, Pagkagulat, tama ka! Gayo na lang ang kanyang pagkagulat sa nakitang kakaiba. Ikaapat na bilang. Sinolo ng lalaki ang biyayang natanggap. Ang salitang nakadiin ay sinolo. Alin kaya sa mga sumusunod ang kasing kahulugan nito? A. Ibinahagi
8:19 Sinarili, C, tinago, o D, ipinamigay. Kung ang sagot mo naman ay B, sinarili, tama ka! Sinarili ng lalaki ang biyayang natanggap. Para naman sa ikalima at huling bilang, kitang-kita sa taong iyon ang pagiging tuso. Ang salitang nakadiin ay puso. Ano kaya ang kasingkaulugan ito? A. Mapagpanggap B. Mabuti C. Mapanlinlang D. Tapat Kung
9:08 ang sagot mo ay C. Mapanlinlang Tama ka! Kitang-kita sa taong iyon ang pagiging mapanlinlang Napakanin nyo ang iyong mga sarili naway nakadagdag sa inyong talasalitaan ang mga salita ang hinanapan natin ng kasing kahulugan. Handa ka na ba sa susunod nating gawain? Kung gayon, ituloy na natin ang paglalakbay. Ito ang mga katanungan para maging gabay sa ating pagbabasa. Ano-ano ang katangian ng mag-asawa ang ipinakita nila sa kwento? Banggiti ng mga pangyayari sa kwento para mapatunayan ang mga ugaling kanilang ipinakita
9:59 sa isa't isa. Ang Munting Ibon Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa malayong bayan ng Agamaniog. Sila sina Lokes Ababay at Lokes Amama. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawang Subalit hindi lang ang lalaking si Lokes Amama ang nangangaso, kundi maging ang kanyang may bahay na si Lokes Ababay. Bago sumapit ang takip silin, ay inilalagay na ng mag-asawa ang kanilang-kanilang bitag sa gubat at ang mga ito'y kanilang binabalikan sa madaling araw. Isang gabi,
10:48 habang nahihimbing si Lokes Ababay, ay dahang-dahang lumabas ng bahay si Loke sa mama upang tingnan ang kanilang mga bitag. Anong laking gulat niya, nang makitang ang kanyang bitag na nakasabit sa puno, ay nakahuli ng isang munting ibon. Samantalang ang bitag na nilagay ng kanyang asawa sa lupa sa tabi ng ugat ng isang malaking puno, ay nakahuli naman ng isang malusog na usa. Hindi maaari ito. Ang sabi ni Lokes sa mama sa sarili. Matabang usa ang nahuli ng bitag niya? Kamantalang ang sa akin isang munting ibon lang ang nadali? Alam ko na. Pagpapalitin ko
11:35 ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag. Ang nakangising uwi ka ni Lokes sa mama habang inilipat ang usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes sa mama ng nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isang panluloko ito sa kanyang asawa. Kinabukasan, maagang ginising ni Loques Amama ang asawa. Gusto niya kasing sabay silang magtungo sa kagubatan upang sabay ring makita ang mga huli ng kanilang mga bitag. Gulat na gulat si Loques sa babay Nang makita ang matabang usang nakasabit sa
12:22 bitag ng asawang nasa itaas ng puno. Samantala ang kanyang bitag na nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang maliit na ibon. Ipinagtataka niya kung paano nga ang bitag na nasa itaas ng puno ang nakahuli ng isang usa. Subalit hindi na lang siya kumibo. Sahalip, inuwi niya ang munting ibon at inilagay ito sa isang hawla. Samantalang inuwi naman ni Loke sa mama ang kanyang huli at saka iniluto. Umaamoy sa kapaligiran ang nakagugutong na amoy ng nilulutong usa. Subalit ng handanay agad itong nilantakan ng lalaki ng hindi man lang nag-alok
13:10 sa kanyang asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit Alam niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa'y ang bitad naman talaga ni Loke sa babay ang totoong nakahuli sa usa. Likas siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa. Kaya hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya binigyan si Loke sa babay na nananatiling walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa. Nang maubos niya ang lilutong usa, ay muling niyaya ni Loke sa mama ang asawa. Gusto ko huling makatikin ng matabang usap. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat. Ang kanyang
14:00 paanyaya sa asawa. Muli, naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Loke sa babay. At dahil hindi man lang siya tinulungan ni Loke sa mama, ay inilagay na lang niya uli ang kanyang bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay. Hating gabi nang mamalaya ni Lokes Ababay ang kanyang asawang bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto, nagkunwari siyang tulog. Matalinong babae si Lokes Ababay at nahulaan niya ang ginagawa ng asawa. Subalit, wala siyang intensyong sundan ito. Alam kong niluloko mo lang ako,
14:47 pero hindi kita papatulan. Ang tahimik niyang naibulong sa sarili at sa kanya, pinilit makatulog kahit pa siya'y nagdaramdam sa ginawang pagtrato sa kanya ng asawa. Nang siya'y makatulog, ay nanaginip siya. Napanaginipan niyang pinakakain daw niya ng palay ang kanyang alaga at anong laking gulat niya