0:01 This is Philippine was a ballot that was first live mula sa GMA Network Center. Ito ang 24 oras. Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao. Sa walang saysay na pagpatay na uwi ang isang panibagong away kalsada na nahuli cam sa Dasmariñas, Cavite. Apat na buwan lang yan matapos ang serya ng mga road rage na ikinabahala noon ang transportation department at kinond pa ng pangulo sa isang vlog. Batay po sa imbestigasyon sa bagong insidente, away trapiko ang ugat ng pamamaril. Patuloy na tinutugis ang gunman at nakatutok si
0:48 Jomer Apresto. Umaga nitong miyerkules, makikita ang pagdaan ng dalawang sasakyan na yan sa Abad Santos Avenue sa Barangay Salitran 3, Das Mariñas, Cavite. Pareho silang huminto. Nagbukas ng bintana ang driver ng pulang kotse at sabay ulit silang dahan-dahang umandar. Pero ilang saglit lang, humarurot na ang pulang kotse at naiwan na ang puting pickup na minamaneho ng 54 anyos na si Mayo Jonel Santos na empleyado ng Meralco. Sa kuhang ito makikita na si Santos na duguan. Pinagbabaril pala siya ng driver ng pulang kotse. Ayon sa isang saksi, nagulat na lang sila ng makarinig ng mga putok ng baril. May dalawang putok na
1:34 magkasunod tapos 'yung ugong ng sasakyang na humarurot. Mabilis lang. Sinubukan pang isugod sa ospital si Santos pero hindi na rin siya umabot ng buhay. Ayon naman sa katrabaho ng biktima, walang nakakaaway sa kanila si Santos. Kagagaling lang din raw nito sa kanilang opisina sa Dasmñas at papunta sana siya ng Ortigas ng mangyari ang pamamaril. Nagpaalam na rin daw siya sa mga gwardya doon dahil magreretiro na sana siya sa katapusan ng buwan. 31 pa siya eh na magreretiro. Ay wala napakabait non. Sabi naman ng malapit na kaibigan ng biktima, halos kalalabas lang ni Santos ng ospital at kababalik lang niya sa trabaho. Wala raw siyang alam na nakakaaway ng kanyang kaibigan dahil wala naman itong bad record lalo
2:20 na sa kanilang barangay. Wala talaga. Talagang totoo. Hindi siya mahilig makipag-away. Napakabait na tao talaga. Ayon naman sa pulisya, away trapiko ang nakikita nilang pangunahing motibo sa pamamaril. Ito po ay ah isang insidente po ng road rage po. Ayun po ay base po dun sa mga ah saksi po dun sa mga bystander po dun sa lugar ng pinangyarihan. Pero hindi pa malinaw kung saan bahagi ng kalsada unang nagkagirian ng dalawa at kung ano ang dahilan nito. Kinon na naman ng Meralco ang pagkamatay ng kanilang empleyado at nagpaabot ng paikiramay sa pamilya ni Santos. Nakikipag-ugnay na rin daw sila sa mga kaanak ng biktima para magbigay ng tulong. Nakikiisa rin umano ang Meralco sa imbestigasyon ng aoridad at
3:07 sa paghahanap sa motoristang Namaril. Patuloy naman ang backtracking at follow up operation ng aoridad para mahuli ang gunman. Nakipag-ugnay na rin daw sila sa L transportation Office o LTO para ma-trace ang pulang kotse na ginamit sa Krimen. Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras. Nag-e-empake na para tumakas ng abutan at arestuhin ang Umanoy Chinese boss na nagpapatakbo ng Scam Hub sa Pasay. Nabisto ang operasyon nang makatakas at magsumbong ang isa sa mga empleyado na ikinulong, pinusasan at pilit pang pinagtatrabaho. Nakatutok si John Consulta Exclusive nang mabuksan ang pinto ng kanilang
3:52 target na condo unit sa Pasay City. We suspected that this is involved in telecom activity. Okay. You are under arrest in violation of the Philippine immigration law. You have the right you have the right to remain silent. Huli sa akto ang dalawang Koreano habang nago-oerate ng computer na hinihinalang ginagamit sa pangi-scam. Sa kabilang kwarto arestado ang isa umanong Chinese boss na inabutang nag-iempakina ng kanyang mga gamit. Ayon sa Bureau of Immigration Fug Research Unit, isang nakataka sa dayuhan ang nagturo sa kinaroroonan ng mga suspect. Nagugat itong operasyon nating ito ah. ah base sa isang complaint na ipinadala sa atin ng isang Chinese din na ah
4:38 sinasabing nakatakas siya sa isang Chinese boss kung saan sila ay kinukulong, pinoposas at pinipilit magtrabaho sa kanyang scam hub. Nag-e-empake na sila. Nakatunog na rin siya at nalaman niya na anytime ay papasukin siya. Kaya nung inabutan natin yung Chinese boss na to ay mukhang paalis na sila. Wala ng inabutang ibang tao sa pinasok na condo units dahil posible raw na una lang umalis ang kanilang mga kasama. nag-shift na sa guilla style na operation. So mas madaling maikuble kung magpapanggap sila na mga magkakakaibigan lamang or magkakapamilya sa isang residential unit at 'yun pala doun na sila na gumagawa ng kanilang mga scam operations. Kumpiskado ang mga computers at cellphone ng mga dayuhan. Wala pang pahayag ang mga ineresto na nakakulong na sa detention
5:24 facility ng camp Bagong Diwa. Para sa GMA Integrated News, John Consulta. Nakatutok 24 oras. Pulis pa rin si dating PNP Chief Nicolas Story at kakailanganing mag-report araw-araw sa camp krame pag natapos na ang kanyang leave sa Septyembre. Sabi pa ng general eh huwag siyang kaawaan sa kanyang pagkakasibak. Nakatutok si Jun Venerasyon. Ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. virtue of the war of arrest issued by the ICC at ang manhunt kay Pastor Apollo Kiboloy kabilang sa mga malalaking operasyong pinangunahan ni Police General Nicholas Toren
6:10 Ncolas Tor bago siya itinalagang PNP chief nitong hunyo. Kaya marami ang nagulat sa biglang pagsib kay Torres sa pwesto. Sabi ni Tore sa isang video online, "Salamat din sa mga naawa sa akin. Ngunit hinihiling ko sa inyo, huwag niyo akong kaawaan. In spite of my abrupt removal as chief of the Philippine National Police, okay po ako. Kung meron man tayong dapat kaawaan, iyon ay ang milyon-milyon nating mga kababayan na paulit-ulit na nagiging biktima ng palagiang pagbaha. Mulig Iginite Tore na naiintindihan niya ang pagtanggal sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos. Nauunawaan ko na kailangan niyang gumawa ng mga mabibigat na desisyon. Pulis pa rin naman ako and
6:56 I serve and I still continue to serve at the pleasure of the president and our country. Inilabas ni Tory ang video statement ngayong araw na nagkataong unang command conference ng pumalit sa kanyang si acting PNP Chief Pulis ng General Jose Melon Nartates Jr. Dinaluhan ito ng halos 100 opisyal mula sa iba't ibang panig ng bansa. I'm uh very happy to see them today. The moral of the uh uh PNP is high as according to their feedback. Ayon kay PNP Public Information Chief, Brigador General Randolf Tuano, hindi napag-usapan sa command conference kung magkakaroon ng balasahan ang utos lang ni Nartate sa kanyang mga tauhan, pagbutihin ang mga pulis operation at iyakinang kaligtasan
7:43 ng lahat. I reminded each and everyone that ang paggawa ng decision nila, is this the honorable thing? It is this for justice. Kaya nga service, honor and justice. Sabi ng PNP, aprobado na ang leave of absence si Torre mula August 28 hanggang September 29. Pagkatapos ng kanyang bakasyon, kailangang mag-report araw-araw ni Torres sa personal holding and accounting unit o pihaw kung saan kasama niya ang iba pang pulis na walang posisyon o yung tinatawag na naka-floating status. Ano nga ba ang trabaho ng mga nasahaw? Binibigyan din po ng duty ko yung may mga parids po tayo. Sila po yung mga nagiging element. Sila po yung mga nagiging group commander o batalon commander sa mga parids at sila po ay nagdu-duty rin po kung ikaw ay lutenan ker. Sila po ay
8:30 nagdu-dutyate na mga command duty officer. Para sa GMA Integrated news. June venerasyon nakatutok 24 oras. Wala ng buhay ng matagpuan sa isang hotel sa Cubao, Quezon City. Ang isang lalaking nakagapos pa ang kamay at paa. May mga nakita ring drug parafernal sa lugar. Nakatutok si James Augustine. Duguan at wala ng buhay ng matagpuan ang isang lalaki sa kwarto ng isang hotel sa Cubao, Quezon City bandang 8:00 kagabi. Ang lalaki nakatali pa ang mga kamay at paa. Hindi patukoy ang pagkakailanlan ng biktima na sa tantya ng pulisya ay nasa 30 hanggang 35 taong gulang. Malapit po siya sa CR nakadapa at may tali po yung
9:15 paa. Sa inisyal na imbestigasyon, nag-check in sa hotel ang biktima bandang 8:00 ng gabi nitong miyerkules. Makalipas ang 24 oras, dito na natagpuan ng Roomboy ang bangkay ng biktima. Laps na sila sa oras nila. kinatok sila ng roomboy nung hindi ho nagre-response ginamitan po ng master ge doun niya ho natagpuan na wala na pong buhay nagkalat ang mga gamit sa kwart may natagpuan din ang pulisya sa kama na drug parafernillia inalam pa ng Quezon City Police Distri kung sino ang nasa likod ng Krim nire-review na rin ang mga kuha ng CCTV camera sa lugar ongoing po ang investigation backtracking para ma-determine po kung sino Kung sala rin din para sa GM integrated news.
10:02 James Agustin nakatutok 24 oras. Good news po at bad news. Mas mura na ang karneng baboy at manok sa ilang pamilihan pero magmahal naman ang gulay. Sa bigas naman, nadagdagan pa ang mga pwedeng bumili ng Php20 kada kilo. At nakatutok si Bernadet Reyz. Tatanong na naman natin. Umaabot sa Php160 ang kilo ng bawang at sibuyas sa Agora Market sa Navotas. Batay sa monitoring ng Agria Trade Departments. I'm disappointed sa garlic no 160. That is too much. Ah magano ba dapat? Technically dapat 100 lang yan eh. Yung onion din nag-i-import na kayo ng onion dahil ubos na yung local stocks eh. But
10:48 the price of PH0 na nakita ko kanina hindi dapat yun. Dapat mga 120 lang. Halos dumoble naman ang presyo ng ilang gulay kumpara noong bago ang magkakasunod na bagyo. Tumaas po talaga dahil gawa na rin po nitong mga nakaraang bagyo. Sa kabila ng mataas na presyo ng ilang gulay, bumababa naman na ang presyo ng baboy at manok. Kaya naman ayon sa Department of Agriculture, hindi na muna magtatakda ng maximum SRP. Bumaba naman sa Php370 ang kada kilo ng liyempo na ilang buwan ding umaabot ng Php450 kada kilo noon. May mabibili na ring kasim sa Php330 kada kilo. Maging ang kilo ng manok nagmura sa Php165 mula sa Php220 kamakailan. Pero sabi ng
11:35 DA, maaaring tumaas uli ang presyo sa burms. We try to keep it na konti lang ang taas no dahil of course when demand is high talagang tataas pero September October should be stable. Sa kabila naman ng mga hirit na taas presyo ng ilang manufacturers siniguro ng DTI na may price freeze pa rin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity. There's always spending request but for now there's still no price increase. Php43 pa rin ang maximum SRP sa kilo ng imported rice. Ibig sabihin niyan yung mga nag bebenta above Php43 ah ay medyo may taking advantage yan profiting. Kabilang naman sa maaari ng bumili ng b kilong bigas ang mga mangingisda. Minsan
12:22 walang walalang walang pambiling bigas. Gann lang po. Gann lang po kami. Kaya lang nalaman po namin dito na mayroon po ditong bigas daw 20 daw isang kilo 10 dal nakapila po kami dito. Malaking bagay ma'am kasi talagang mura kasi siya. Simula September 16 naman ay isasama na sa mga pwedeng bentahan niyan ang mga jeep niya tricycle driver pero sa mga piling lugar pa lang muna tulad sa Navotas. Para sa GMA Integrated News, Brunadet Reyes. Nakatutok 24 oras. Sinuspende ng si araw ng LTO ang lisensya ng bus driver na nangararo ng siam na sasakyan sa Commonwealth Avenue
13:07 sa Quezon City kahapon. Nahaharap din ang driver sa mga reklamong reckless driving at improper person to operate a motor vehicle. Inisyuhan na rin ng LTO ng show cause order ang kumpanya ng bus. Hindi bababa sa 10 ang sugatan sa aksidente. Ayon sa konduktor, nawalan ng preno ang bus. Inaasahan ng LTO na isusuko ng kumpanya ang lisensya ng kanilang driver bago ang pagdinig sa September 4. Asa ng panibagong oil price hike sa susunod na linggo ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Energy Department, humigit kumulang piso kada litro ang posibleng itaas ng presyo ng diesel. Humigit kumulang 60 centimo mo naman ang inaasahang taas presyo sa litro ng
13:54 gasolina. Humigit kumulang 50 sentimo mo sa litro ng kerosine. Base yan sa apat na araw na trading kaya posible pang magbago. Kabilang sa mga nakaapekto sa presyo ang mas malaki sa inaasahang pagbagsak ng US inventories at impact ng bagong tarif ng America sa India. [Musika] Limang proyekto kontrabaha sa Quezon City. Ang dineklarang tapos na kahit hindi pa habang 23 ang hinahanap pa. Ilan lang yan sa mga nadiskubre ng Quezon City Hall nang magsagawa ng sariling imbestigasyon sa mga flood control project ng DPW sa lungsod. at nakatutok si Makido.
14:44 Umaabot hanggang ikalawang palapag ang baha sa bahaging ito ng Barangay Santa Cruz, Quezon City. Yung dinaranas po namin sobrang ano po um nakakatakot tsaka alam niyo po yung hindi po kayo makatulog sa gabi. Kaya umasa silang maiibsan na ang baha itinayo ang flood control project sa kanilang lugar. Sa boundary ng Barangay Santa Cruz at Barangay Mariblo, Quezon City, dalawang pumping station ang itinayo ng DPW. Magkatapat ang dalawang pumping station na 'to. Ito yung pumping station sa may Barangay Santa Cruz na may project cost na higit Php282 milion. Sa tapat niya ay isa pang pumping station. Dito naman sa may Barangay Mariblo na ang project cost din ay higit Php282 milion. Itinayo ito ng DPW kahit hindi
15:30 inaprubahan ng Quezon City LGU dahil hindi sumusunod sa drainage master plan ng siyudad. All Reconstruction Services ang contractor ng proyekto. Wala pa po tayong ah inaaprubahan na pump station kasi po yyung flooded area po natin hindi naman coastal. Hindi naman tayo coastal. So kung ipa-pump mo lang siya from one place to another e lililipat lang po yung baha. Ang tingin po naming solusyon is more on detention and retention basins. E ilanal lang ito sa mga DPW flood control project sa Quezon City. Sinusubukan pa naming kunin ang panig ng al Reconstruction Services ang DPWNCR. Tumanggi munang magbigay ng pahayag. Sa isinasagawang audit ng city hall mula 2021 hanggang 2025 lumalabas na nagtayo
16:16 ang DPW ng 254 flood control projects sa Quezon City na may kabuuang halaga na higit Php14 billion karamihan sa district 4. Lima rito idineklara ng tapos pero kasalukuyan pa ring ginagawa. 23 naman ang hindi mahanap habang 41't isang proyekto ang pare-parehong contract amount o kaya approved budget for the contract. How come na exactly the same ang contract amount? Iba-iba po yung projects, iba-iba po yung location, iba-iba rin po yyung beaders, iba-iba rin po yyung contractors. Ayon kay Engineering Department Head, Mark Dale Peral, marami sa mga proyekto itinayo sa mga lugar na hindi naman binabaha. Kapunapun rin any ilang proyekto na maraming faces o yugto na na-award sa
17:01 iba't ibang construction company. Umabot pa nga raw sa 66 faces ang flood mitigation project sa San Juan River na bahagi ng Quezon City. Pito sa top 15 construction companies na binanggit ni Pangulong Marcos, daang milyon din ang mga proyekto sa Quezon City. I'm convinced that there are anomalous projects. Bilyon ang nasasayang na pera ng bayan dito. At tingin ko kapag tunay na may commitment layunin ang mga government officials na resolbahan ang problema ng baha ay mas maliit pa na halaga sana ang ginastos natin. Naar resolban na natin yan. 141 lang sa mga proyekto ang nasa sumbong sa Pangulo website. Natunton ng city hall ang 113 na iba pa sa sarili nilang research at
17:48 sumbong ng mga residente at pa natatapos ang paghahanap nila. Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido nakatutok 24 oras. Chica minute na po mga Kapuso at ang maghahatid ng latest sa Showbiz happenings ngayong biyernes walang iba kundi si sparkle host Patricia Tumulak. Patricia maraming salamat Miss Vicky and happy Friday night. Chikahan mga Kapuso. Power couple indeed. Dahil pagkatapos ng famous best actress award ni Marin Rivera si Dingdong naman ang kinalala bilang best game show host sa PMC PCMPC Star Rather Awards for television. Eh si Dong may pa-celebratory branch pa para
18:33 kay Yan Makichika kay Tina Imperial. Sweet treat for his wife ang handog ni Kapuso Primetime King Ding Dong Dantes para kay Marian Rivera matapos mapanalunan ang best actress trophy para sa pelikulang balota kamakailan sa 73d FAMAS Awards. Ipinagdiwang ito ng kanilang pamilya nitong nakaraang weekend. More than the award, iyung role talaga bilang si teacher Emy ang espal kay Mariann. Alam mo dream talaga niya na magkaroon ng mga ganitong roles eh. and bonus na talaga na nagkaroon siya ng recognition. Pero now that the awards are really coming in ba yung mga recognition ng best actress niya for
19:18 that for that specific role really means so much to her because she really loves her craft as an actress. Maging si Dingdong kakatanggap din ng bagong award bilang best game show host mula sa PMPC Star Awards for television para sa top rating family Feud. Abangan din daw ang mga susunod na episodes ng Family Feud. Abangan niyo po ang mga tiga ano mga tiga integrated news ' ba magpapakitang gilas. Sa sunod-sunod na pagkilala kina Dingdong at Marian. Mas nai-inspire kaya ang mga anak nilang sina Zia at Sixto na sumunod sa yapak nila sa Showbiz? We don't know yet. But one thing is for sure uh we always make it a point that uh regardless of what we do ba in our
20:04 profession lalo na dito sa media sinisiguro namin na ginagawa namin ito para balang araw masabi ng mga anak namin ay proud kami sa trabaho na ginawa ng aming mga magulang. Yun ang parati naming iniisip. Dahil sa mga anak, passionate si Dingdong sa isinusulong niyang bagong advocacy ng GMA, ang B. Juan Tama na nagsusulong ng wasto at nakakatulong na impormasyon mula sa mga entertainment shows. Sila talaga yung consumers. Sila yung pwedeng manood sa amin. Sila yung pupwedeng makakuha ng mga kwento dahil sa aming mga trabaho, dahil sa aming ginagawa, dahil sa aming propesyon. So we always keep them in mind. Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
20:50 [Musika] Kaugnay pa rin ng mga flood control project, may nakahanda ng magsabi ng mga nalalaman niya sa Justice Department. Ang kumakatawan sa kanya, abogado rin ang isa sa 15 contractor na pinangalanan ng pangulo. Nakatutok si Salima Refrant. Sa paglutang ng mga questionableng flood control projects na pinonduhan ng bilyong bilyong piso pero madaling nasira o kaya'y nawawala. Sinabi ni Justice Secretary Hesus Crispine Remulia na may posibleng whistle blower na handa raw maglahad ng
21:36 nalalaman sa mga anomalya. I have been approached by a lawyer representing a potential whistle blower and they have told me he's given me an idea of what happened in one of the projects in uh central luzon uh in in projects worth 5 billion ghost projects. Sa inisyal na impormasyong nakuha ni Remulia, kasama raw talaga ito sa mga gumagalaw sa mga proyekto kabilang ang posibleng whistle blower sa tinukoy ng pangulo na top 15 contractors na nakakuha ng 20% ng Php545 billion na flood control projects. Nilahad raw nito ang mga modus, hatian at mga irregularidad sa mga kontrata. Siya 'yung lawyer ng isang kumpanya na
22:22 nasa top 15 na binanggit ng pangulo. Nagkakaroon ng engashment ng parang nagkaka-release ng pera ang landbank sa DPW kahit ang Check ay nasa pangalan construction company. Pero nasa exploratory stage pa raw sila sa posibleng whistle blower na ito at inaalam pa kung hanggang saan ang kanyang nalalaman. Kailangan din daw makausap ni Remuya ng personal ang taong ito. Sir, dito po sa specific na whistle blower na ito, hanggang sa mga opisyal ng gobyerno, kaya po niyang magturo? Ang tingin ko kaya eh. Kaya lang hindi pa tumutuloy. Nagbigay lang sa akin ng idea na yung contractor ang kinuha 40%. Ang tiga-DPW ganito
23:08 na nae-enclusion pera sa landbank. kahit na DPW lang kahit payable sa contractor basta't marami ng mga modus na sinabi sa akin nanghihikayat rin si Remulia sa iba pang whistle blower na lumantad pangako niya bibigyan sila ng proteksyon ng DOJ we can accommodate whistle blowers since we have a witness protection program um they can actually go to the DOJ for this we will discharge them a state witnesses they will have to We charge first discharge state witnesses to make sure that the cases are properly documented and that the case buildup goes on properly. Ang ulap o Union of Local Authorities of the Philippines handing
23:54 tumulong sa imbestigasyon sa mga maanomalyang proyekto sa kani-kanilang mga lugar. Nakarating nga raw kay Ula President Kerino Governor Dakila Kua, ang report tungkol sa isang mayor sa kanyang probinsya na nagsulong ng daang milyong pisong flood control program kahit na marami raw itong mas kailangan na infrastructure projects. Yung mayor nag-request ng mga flood control project, nagpapirma ng mga request sa mga barangay mismong araw pa ng Sona. Tapos umabot sa akin ng balita. Sabi ko sa lahat ng kailangan ng bayang ito, 'yun ang priority niya. Daang milyon ang papapirma niyang request ng flood control projects. Hindi ba siya nangangailangan ng kalsada, ng tulay, ng mga class flow, ng mga ospital? Ang
24:40 nakarating din na report kay Kua, nabenta na raw kasi ang proyekto sa isang contractor. Ang kumakalat pa sa aming balita ay nabili na daw yung mga proyektong yon ng isang malapit sa kanyang kontraktor. Sabi ko bakit ganon? Hindi pa raw nakakausap ni kua ang nasabing mayor para sa GMA Integrated News. Salima refra nakatutok 24 oras. Tukoy na ng COMELEC ang 15 contractor na nagbigay ng donasyon o suporta sa mga kandidato noong eleksyon 2022. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi pa nila masabi kung government contractor ang ling malalaman anila sa DPW kung may kontrata silang hawak sa panahon ng pagkain ng certificate of candidacy ng kanilang sinuportahan o
25:27 pagkatapos nito. Kung mapatutunayang may kontrata sila sa gobyerno, maituturing any itong election offense na may isa hanggang anim na taong pagkakakulong. Posible pa raw madagdagan ang listahan dahil national positions pa lamang ang kanilang nasilip. Sa usapin naman kung may pananagutan ba ang mga tumanggap ng suporta. Tsaka na namin pag-usapan yung liability ng tumanggap. Ang importante muna yung nagbigay kasi walang liability ang tatanggap kung legal naman ang binigay nung nagbigay. Kahit pangulo sakop ng lifestyle check sa buong eekutibo at handang maglabas ng kanyang salin o listahan ng mga ari-arian at utang ayon po yan sa palasyo. Panawagan ng ilan alisin na
26:13 kasi ang patakaran ng ombutsman na pumigil sa basta pagsasapubliko ng mga sal. Nakatutok si Joseph Moro. Bawal lumabas ng bansa ang mga opisyal at empleyado ng Department of Public Works in Highway sa OD DPW hanggang Nobyembre. Maliban kung kailangang bumyahe abroad para sa mga urgent medical reasons yan ay para mas mapadali ang imbestigasyong ginagawa sa DPW. I want everybody to be on board. We are in the process of this mga ongoing investigations from all sectors. E kailangan ko lahat ng mga tao dito na ano uh should be available. Ang pagsuspende sa mga biyaheng pa-abroad ng mga opisyal at empleyado ng DPWH ay sa
26:59 harap ng iniutos na lifestyle check ng pangulo sa mga posibleng may kaugnayan umano sa mga maanumalyang flood control projects. Kahapon sinabi ni Gunoa na handa niyang buksan ang kanilang statement of assets, liabilities and netwth o salin. Ngayon sabi ng Malakanyang kahit ang pangulo ganun din ang salin ay deklarasyon ng mga ari-arian, utang at kabuang yaman na taon-taong isinusumiti ng mga nasa gobyerno. Lahat ng ah parte ng eekutibo ay ready for lifestyle lifestyle check. Kasama po sa lifestyle check. Pagka po nagkaroon lifestyle check, mauna mahuli man ang pangulo, kasama po yan. Pero sino ang gagawa nito? Kasama sa naon ng binanggit ng palaso na pwedeng gumawa nito ay ang mga departamento mismo, ang Bureau of Internal Revenue na gumagawa na nito at ang Ombutsman.
27:46 Ngunit ang Ombutsman po ay isang independent constitutional body at kung ano man po ang kanilang magiging uh processo or mechanics patungkol po dito, nasa Ombutsman na po yon. Ang ilang mga kongresista sinabing ang ombusman nga ang dapat mamuno sa lifestyle check pero dapat daw ay bawiin muna ang pulisya ng ombusman na kailangan munang pumayag ang may-ari ng salen bago isa publiko ito. I do not think there is anything kasi in the law that prevents uh the a a end document from being uh given to the public. Since the public office is a public trust, all documents that you submit in order to get into that public office should also be public. That particular deep dive should be undertaken by the ombutsman. sila talaga
28:31 yung ano diyan eh ah main agency to undertake this particular action no so hopefully the new ombutsman po will do all of it no uh first uh to change the rules relating to silent disclosure and second ah iyung deep dive ang tinutukoy nila ay ang memorandum circular number one na inis ni kareretiro lamang na ombusman Samuel Marterrez noong 2020 kung saan nakasaad na maaari lamang makuha ang kopya ng sale ng taong may-ari nito o ng kanyang kinatawan o kung may utos ang korte o bilang bahagi ng imbestigasyon nung office of the ombsman. There is a complain. Halimbawa may involved na congressman. Opo, sir. Yan game the investigator now of the office of the
29:18 will request the speaker okay to furnish him a 10 copies for the past 10 years of the s of this particular congressman. At hindi niya pwedeng gamitin sir yung MC ' ba? Hindi kasi yung MC nasa amin lang eh. Kahit bago pa ang 2020 eh hindi na basta nakakakuha ng salen sa Ombusman. Pang 2017 pa ang huling salen ng isang pangulo na nais sa publiko. Sa panahon daw niya sabi ni Marre kailangang may reklamo munang ihahain laban sa isang tagagoberno bago buklatin ng Salen para sa lifestyle check. Let's say uh any of the any of the grounds under 2019
30:05 or under under other laws like plunder hindi pwedeng lifestyle checker siya eh. Kasi that would be fishing expedition on our part. Pero nasa bagong ombusman na daw ito kung babaguhin. He can repe that he does not have to follow what I did. Hindi lahat ng salen ay nasa ombutsman. Ang salen ng mga senador at congressman halimbawa ay nasa kani-kanilang mga kalihim. Habang ang sa mga mayado ng Corte Suprema nasa clerk of Court, ang iba pang mga public officials tulad ng mga kalihim o mga regional director, dapat sa Civil Service Commission o CSE nagsusumiti bagaman isinusumiti na ngayon sa Office of the President. So bakit napunta ang cabinet Mvest sa office of the president? Wala sa batas
30:50 yun eh. Kung anong authority ng civil service ngayon. Sabi ng CS naman, handa rin silang magbigay ng hawak nilang kopya kung may kaso rin at utos ang korte. Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras. Nagkomento si Vice President Sarah Duterte sa kung anong tingin niyang dapat gawin ng administrasyong Marcos para tugunan ang problema sa bahasa. Siguro dapat gawin nila yung ginagawa ko ' ba. Umiikot ako sa iba't ibang Filipino communities around the world. the overseas Filipinos and the overseas Filipino workers ang pinaka the best na mga consultants. tinatanong natin sila, ano ba yung nakita ninyo? Ano ba yung
31:35 pangarap natin para sa ating bayan? Ano ba yung doable ah doon sa ating bayan na best practices? Sa panayam sa kanya habang nasa Deg, Netherlands, inihalimbawa ng busy ang ginawa nila sa Davao City na kumuha ng international experts para sa gagawing proyekto kabilang ang flood control and drainage system. Sabi pa ni Duterte, matagal na niyang binanggit ang proyekto pero wala umanong interes ang gobyerno na pondohan nito. Naging mayor si VP Duterte ng Davao City mula taong 2016 hanggang 2022. Sa isang seson ng kasalukuyang Davao City Council ay sinabi rin ng city Engineering Office na kailangan na nila ng pangmatagalang
32:22 solusyon sa pagbaha sa lungsod. Ang sabi ng OIC ng opisina, 26 at 6 area sa Davao City ang matinding naapektuhan na mga pagbaha. Sabi naman ng palaso, kung may natutunang solusyon ang bise sa pagsugpo sa problema sa baha sa bansa, sa dami raw ng biyahe nito ay ibigay niya na lang ito ng libre kay acting Davao City Mayor Bast Duterte at abangan kung epektibo ito. Pinaghahanap ngayon ng mga autoridad ng isang kasambahay sa Ilo-Ilo tumangay umano ng mahigit PH,000ong pera ng kanyang amo. suspect nailala lamang daw ng mga biktima online. Nakatutok si Zen
33:07 Kilantang Sasa ng GMA Regional TV. Palakad-lakad lang ang babaeng ito na nakuhanan ng CCTV sa sala ng isang bahay sa Ilo-Ilo. Maya-maya pa, umakyat na siya sa second floor. At nang bumaba may dala ng plastic bag. Sabi ng may-ari ng bahay, nawalan sila ng Php118,000 cash kasunod nito at hinala nila sa plastic bag pinaniniwalaang inilagay ang pera. Ang babae naman kinilala nila ng pamilya na ang kanilang 28 anyos na kasambahay. August 15 lang umano ito nagsimulang mamasukan matapos mag-apply online. August 20 ng madaling araw naman nangyari ang sinasabing pagnanakaw. Inmessage ko siya gina tawagan ko siya.
33:52 Hindi siya namon ma-locate ang iya ng number hindi na unreachable na and then ano yun thorrow check namon dud nam out nga ang bag ko ara pero ang kwarta wala na sa pakikipag-ugnayan ng biktima sa mga kaanak ng suspect wala na umano ito sa kanilang bahay sinampahan na ng reklamong qualified theft ang suspect paalala ng pulisya sa mga naghahanap ng katulong sa bahay sa online nga legit ang group ng nasudla naton kag ah mag-require kita sa mga pertinent papers like Police clearance, barangay clearance, kaga ID sa akon ng mga postp. Mula sa GMA regional TV at GMA Integrated news, Zen Kilantang Sasa
34:39 nakatutok 24 oras. [Musika] Inisyuhan na sina Atong Ang at Grechen Bareto ng immigration lookout Bulletin order. Gayun din ang halos 6 na pong iba pang idinadawit sa missing sabungero case. Isa sa kanila ang nakalabas na ng bansa. Pag-aaralan naman ang paghingi ng precautionary whole departure order sa korte at nakatutok si Salima Refrant. May umiiran lang immigration. Lookout Bulletin Order laban sa mahigit 6 na pong inirereklamo para sa pagkawalaan ng mga sabungero. Ayon mismo kay Justice Secretary Hesus Krispin Remulia, mga binanggit ni
35:25 Patidongan have been issued the lookout bulletin already. Kabilang sa mga inisyuhan niya ng negosyanteng si Charlie Atong Ang aktres na si Grechen Bareto si dating NCRPO Chief Jonel Estomo at nasa mahigit 50 pinangalanan sa mga reklamo ng mga kaanak ng missing sabungeros. Kasama rin sa nasabing reklamo si Patidongan at maging ilang pulis na idinawit niya sa kanyang salaysay. Bagaman hindi pinagbabawal ng local bulletin order ang paglabas nila ng bansa tulad ng sa isang whole departure order, nire-require niya ng immigration na iulat sa Justice Department ang paglabas o tangkang paglabas sa bansa. Yung may isang umalis ng bansa, ewan ko lang kung nakabaliktad. Sir, is he a main player? Isa po sa mga alpha
36:11 members. Kapatid siya ni Atatuka. Kinukuha pa ng GMA Integrated News ang panigina na, Bareto at Estomo. Pero dati na nilang itinanggi ang anumang kaugnayan sa pagkawala ng mga sabungero. Ayon pa sa DOJ, malapit na silang maglabas ng mga sabpina para sa preliminary investigation sa mga reklamong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention at iba pa laban sa respondents. Pag-aaralan rin ang paghingi ng PhD o precautionary whole departure order sa korte. We will study that if for example there is basis no to anticipate that any of them might abscond or probably leave the country or there is that danger. Sinegundahan rin ni Remulia ang binunyag ng Napplecom na may isa pang active
36:57 police general at ilang pang pulis ang iniimbestigahan. Isa pang general na ginawang regional director na hindi dapat inilagay sa pwesture kasi siya yung naging ah nagbigay ng ah tulong at ayuda sa mga suspect dito sa missing sameros case. Samantala, magkakaroon ng recovery periods ang divers ng Philippine Coastgard sa patuloy na pagkalugad ng Taal Lake para sa mga labi ng mga nawawalang sabungero. Delikado na raw kasi sa kalusugan ng estado ng lawa. Iyung mga divers nagkakaroon ng skin disease. The they are they they're getting skin infections because uh it's full of fecal matter. The lake is full of vehicle matter and
37:44 other very unhealthy contents. Taal lake is really dying and they're dumping the dead there. Gumagamit na rin daw ng decompression chambers ang divers para mapabilis ang kanilang recovery. Para sa GMA Integrated News sa Lima Refran, nagatutok 24 oras. Bagama hindi tumama sa lupa at ilang oras lang nagtagal sa bansa ang bagyong Hasinto. Nagdulot naman ng mga pagbaha ang pinalakas nitong habagat. Nakatutok si Raffy Timog naman. Nagmistulang ilog ang mga kalsada sa town proper ng Mauban, Quezon dahil sa bahang dulot ng malakas na ulan. May mga nakadaan pero meron ding hindi kaingang tumawid sa malakas na agos. May
38:31 ilang binitbit na lang tuloy ang bisikleta. Binahari ng ilang bahagi ng Palawan dahil sa mga naranasang pag-ulan. Gayon din ang ilang kalsada sa Talisay Cebu. Pahirapan ang pagtawid ng ilang sasakyan at stranded ang ilang residente. Ayon sa Pag-asa, habagat na pinalakas ng Baguong Hasinto ang nagdulot ng masamang panahon sa mga nabanggit na lugar. Para sa GMI Integrated News, Raffy Tim nakatutok 24 oras. [Musika] Mga Kapuso, nakaalis na ang bagyong Asinto pero may panibagong low pressure area na posibleng pumasok sa loob ng Philippine area of responsibility. Huling namata ng LPA sa layong 1,410 km silangan ng Southeastern Mindanao.
39:17 Ayon sa Pagasa, sa ngayon ay mababa pa ang tansa nitong maging bagyo pero inaasahang papasok yan sa par bukas ng hapon o gabi. Posibleng umakyat ito sa hilagang bahagi ng Philippines C. Hindi magla-landfall pero hahatak ng kabagat kaya magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Bukod sa kabagat, may ilang lugar pa ring hagip ng traff o 'yung extension ng bagyong asinto. Base sa datos ng Metro Weather, bukas ng umaga may tsansa ng ulanin ang ilang bahagi ng Mimaropa, ilang bahagi ng Central Luzon, Western Visayas at Sulu Archipelago. Magpapatuloyan sa hapon at may mga pag-ulan na rin sa iba pang bahagi ng bansa. Matitindi ang buos ng ulan sa ilang probinsya kaya maging alerto pa rin sa bantang Baca landslide. Linggo ng umaga may pag-ulan ulit sa ilang bahagi ng Memaropa, malaking
40:03 bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Socaraben at Caraga. Malawakan na ulit ang ulan sa hapon sa halos buong bansa. Posibleng hanggang gabi pa yan sa ilang lugar sa Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao at Caraga. sa Metro Manila. Maaaring maaliwalas pa sa umaga tanghali pero unti-unting tataas ang tansa ng ulan sa hapon at gabi. Posibleng isama ng Camara sa imbestigasyon nito ang nasirang flood control project sa Matagob, Leyte na nasa distrito ni Congressman Richard Gomez. Isinapubliko naman ni Gomez ang mga mensahe ng humihingi ng kanyang panig kasama ang kanilang mga contact number. bagay na maai umanong maging batayan ng ethics complaint ayon sa isa
40:49 pang kongresista. Nakatutok si Tina Panginiban Perez. Maaring masama ang nasirang flood control project na ito sa Barangay Riverside sa Matagob, Leyte sa imbestigasyon sa flood control projects ng House Infrastructure Committee simula sa susunod na linggo. Pwede pong masama yan. Particularly kung nagkaroon po ng uh collapse dapat po tumatagal po yung mga proyekto. I think uh more or less dapat within the span of 5 years. Nitong Pebrero lang sinimulan ng proyekto at matatapos dapat sa Septyembre. Pero dahil sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Martes nasira ito. Naan katungod kayagaanag katungod saong presidente para pagpangin an mga proyekto saong lungsoding
41:36 dpw mga contractors sayang kayo ang kwarta gipangita saong congressman. Si Representative Richard Gomez ang congressman ng Late Fourth District na nakakasakop sa lugar kung nasaan ang proyekto. Pero paglilinaw ni Mayor Taco, hindi niya sinasabing may kinalaman si Gomez sa nasirang proyekto. Dahil sa mga naunang pahayag ni Mayor ay maraming humingi ng panig ni Gomez gaya ng mababasa sa mga screenshot na mga mensahe sa kanya na ipinost niya online. sa caption. Sinabi ni Gomez na may ginagastosang media spin laban sa kanya dahil magkakatulad anya ang issyung tinatanong ng media. Pero paalala ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP, humihingi ng panig
42:24 ni Gomez ang media at paborito sa kanya dahil binibigyan siya ng pagkakataong depensahan ang kanyang sarili sa mga alegasyon ni Mayor Tacoy. Kasamang pinost ni Gomez ang pangalan at cellphone number ng mga nag-message sa kanya. Sabi ng ilang kasamahan sa Camara, maaaring batayan ito ng ethics complaint. Hindi naman pwede mga ganon. No, I mean uh you are you are you are asked to explain something, you are a legislator. You explain. Bahagi ho ng trabaho ng gobyerno ho yun eh. Magsagot ng mga tanong particular ho na nakidikit po sa amin pong trabaho. Hininga namin ng pahayag si Gomez pero hindi niya sinasagot ang mga tawag namin simula kahapon. Para sa GMA integrated news, Tina Panganiban Perez nakatuto 24 oras.
43:13 Pinakomento ng korte suprema ang ilang sangay ng gobyerno sa mga petisyon na nagsasabing labag sa konstitusyon ang pagpapaliban sa 2025 Barangayan Sangguniang Kabataan Elections o BSKE. Binigyan ng 10 araw ang Office of the President, Senado, Camara at Comelec para magsumiti ng komento hinggil sa mga petisyon at kahilingang maglabas ng temporary restraining order. Inutusan din ng mga petitioner at respondent na magkomento sa petisyon ng liga ng mga barangay para makialam sa kaso at sa kanilang pagtutol sa iba pang mga petisyon. Nauna ng nilagdaan ng pangulo ang batas para iuusog sa November 2026
44:00 ang BSKE na isasagawa sana sa Disyembre ngayong taon. Iginit ng Pilipinas at Australia na legal ang katatapos lamang na amphibious and land operations o Alon Exercise. Sa pagitan po ng dalawang bansa, sa closing ceremony ng Alon 2025, sinabi ni Major General Francisco Lorenzo Jr. ng Philippine Army na hindi laban sa anumang bansa ang pagsasanay kundi paghahanda para sa anumang banta sa teritoryo ng Pilipinas. Dagdag pa ng isang opisyal mula sa Australian Defense Force. Natural lang sa mga magkaalyadong bansa na magtulungan at paigtingin ang kanilang interoperability. Unang sinabi ng Defense FKS Personal ng China na kinukuninti ng ilang bansa ang anay reckless behavior ng Pilipinas at
44:47 binabaliwala ang common interest ng ibang bansa sa rehiyon. What we done is uh is within the uh legal framework of the exercise and we have not done any wrong. We're doing exercise of uh freedom of navigation and uh we had a uh dual maritime patrol to exercise that increase the interoperability of both the navies of the Australia and the Philippine navy. So there's nothing wrong with that. It is normal for allies and partners to train together to build interoperability uh and certainly normal for allies and partners to exercise within each other's territories um to build that interoperability between our two
45:34 countries. Get ready sa panibagong Maca this September. Natiyak na magpapaiyak at magpapakilig sa mga manonood. Pati characters ng CAS E para sa spinoff. Iba-iba raw from the previous seasons. Iikaya ni Nelson Canlas. May bagong spinoff ang Kapuso Youth Oriented program na Maka. Iba't ibang anggulo ng school drama ang mae-enjoy ng mga manonood sa bagong Maka stream. Intervovent stories ito ng mga estudyante na magpapagalit, magpapaiyak at syempre magpapakilig sa mga Kapuso. Kasama pa rin ang makabarkada nina Zephan, Sean Besagas, Marco Masa, Elijah
46:21 Alejo at marami pang iba. Ibang-iba raw ang mga character na kanilang ginagampanan sa mga previous Maka seasons. Honestly, naninibago po talaga ako kasi syempre one year po namin uh pino-portray yung mga characters namin. Like ako po si JC pero now uh I'm super excited rin talaga kasi um ayun nga we get to explore different characters every month. So ito itong fourth na to na mga ka-lov it's a collaborative effort talaga when when they were formulating this new re brand. talagang hiningi rin lang nila yung input namin ng cast and pati yung mga fans talagang they did their du diligence talaga na na lahat kaming trip namin yung ginagawa namin. Sa unang yugto nito na pinamagatang 28 days,
47:07 i-ready na raw ang feels lalo't emotional ang kwentong bibigyang buhay ng makabarkada. One thing na I find na very similar with the characters na I've done before is laging hopeful talaga siya. Pero this time, I think mas hina-hide ko yung pain compared to ZF Molina. Ito yung hindi ko pwedeng pakita. Kailangan strong ako. So ngiti lang and nagpupursig para sa family. Guided pa rin sila syempre ng kanilang direktor na si Frasco Mortis sa bagong yugto na ito ng Maca. Ah si Derek Fraspook. Frost ko po kasi is very ano eh um lagi kaming kinakausap and like let's say po like with the lines na kung 'yung character mo ba Sian sasabihin ba
47:53 niyo 'to ganyan. So if ever po medyo naliliis medyo binibigyan niya kami ng freedom to change ' ba the lines. Mapapanood ang MAC love stream simula September 6, 4:45 p.m. pagkatapos ng wish ko lang on GMA at Kapuso stream. At kung nabitin pa kayo, may ibang side stories pa na mapapanood sa YouTube channel ng Maka After Each episode. Nelson Canlas updated sa Shubis happenings. Nanalasa ang isang buhawi sa bayan ng Panay sa Capis kahapon. Sa kuhang ito tila may mga nilipad pangyero na nagpaikot-ikot sa nanalasang Buhawi. 15 hanggang 20 minuto raw itong tumagal. Matapos ang pananalasa, tumambad ang
48:41 pinsala nito na sumira sa dalawang bahay at puminsala sa walong iba pa. Wala namang nasaktan sa nangyari. Ayon sa LGU, tatlong sityo ng isang barangay ang dinaanan ng Buhawi. Ayon naman sa Pagasa, posibleng nabuo ang Naturang Buhawi dahil sa Thunderstorm sa lugar. Nahuli na ang pang-apat na suspect sa pagpatay sa isang lalaki sa Cebu City. Nagtago ang suspect sa isang public market bago ito madakip. Nakatutok si Alan Domingo ng GMA Regional TV. Labis ang paghinagpis ng babaeng ito na makita ang karumalumal na sinapit ng kanyang kapatid na si Giovanni Aerbong Hanoy. Ang 46 anus na biktima. Tatlong
49:27 araw napaulat na nawawala bago makita ang labi na nakasilid sa isang sako at nakalibing sa barangay pungol cibugay sa Cebu City. Ang na-recover na sir katong gisodla niya sa sakoya katong trapal ng iyang gitabon sa pating lawas. Sir ang pala. Unang naaristo ang tatlong suspect edad 20 18 at ang pinakabata 15 anyos lang. Ang ikaapat na suspect na aristo rin kinalaunan matapos magtago sa Tabuan Public Market sa Barangay San Nicolas Proper. Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasama ang suspect at ang biktima na nagtatrabaho sa isang game farm sa Cebuay. Nag-inuman ang anim ayon sa
50:13 pulisya at ng Malasing. Nag-away ang suspect at ang biktima na humantong sa pananaksak. Basig manghagit. sa sampahan ang kaso murder ang suspect at accessory to the crime ang mga kasamahan niya [Musika] mula sa GMA regional TV at GMA Integrated News, Anan Domingo nakatutong 24 oras. Nasira ang isang tulay sa Barangay Ilawod sa Kamalig, Albay matapos umanong dumaan ang isang truck na may dalang buhangin. At dahil diyan, hindi muna makadaan ang ibang uri ng mga sasakyan kaya napilitan na lang maglakad ang mga
50:59 residente para makatawid. Sinimulan na ng DPW ang pagkukumpon ng tulay at posible itong matapos ngayong linggo. Tiniyak din ng mga opisyal ng barangay na hihigpitan ang pagbabantay roon para maiwasang masira ito muli. At update tayo sa away kalsada na nauwi sa paamaril sa Cavite. Tukoy na ng mga aoridad ng gunman. Nakatutok si Raffy Tima. Sa pamamagitan ng plaka na trace sa follow-up operation ng Dasmñas Pulis, ang rehistradong may-ari ng pulang kotse na nasangkot sa away kalsada na nauwi sa pamamaril sa barangay sa Litrang 3 sa Dasmariñas, Cavite nitong miyerkules. Nakilala na rin daw ng pulisya ang namaril driver na nakatira lang sa barangay kung saan nangyari ang
51:45 insidente. Pinaghahanap na siya ngayon ng mga aoridad. na-verify po namin sa dating mayari ng sasakyan. Tapos itinuro ng dating may-ari yung yung may yung may-ari ngayon nakabili. Yun nga po nangangalang alyas kwan. Pinuntahan daw ng mga imbestigador ng bahay niya pero wala ng nakatira. Kanina nagtungo naman sa Dasmiñas Police Station mga kaanak ng biktima para samahan ng testigong nakakita sa buong insidente para sa pagsasampa ng kaso. Ang isasampa po namin dito ay kakasong murder po. Ilang araw na lang daw paretiro na sana sa kanyang trabaho sa Meralco ang biktima. Hindi na nga daw sana siya papasok noong araw na mangyari ang pamamaril pero pinili nitong pumasok dahil pupunta siya sa kanilang main office sa Ortigas. May pang kasiyahan o
52:31 happy-happi doun sa main office nila. parang ipaghahanda owting salaw-salo doun sa biktima kaya siya pumasok. Opo. Para sa GMA Integrated News, Raffy Team nakatutok 24 oras. Naaresto na ang isa sa mga suspect sa pagpatay sa isang lalaki sa isang hotel sa Cubao, Quezon City na lumalabas eh nobyo pala ng biktima. Nacontact siya dahil pinatubos pa niya ang motorsiklong ginamit ng biktima sa at kanyang tinangay. Nakatutog si M Zumali. Sa kuha ng CCTV footage na ito kagabi, makikita ang lalaking ito na may dalang helmet at nag-aabang na motorsiklo. Maya-maya pa, huminto sa kanyang harapan
53:18 ang isang motor at saka siya umangkas. Ang dalawa ang itinuturong pumatay sa 38 anyos na lalaking natagpuan sa isang hotel sa Cubao, Quezon City. Ang biktima nakagapos ng extension cord ang mga pa't kamay at may busal pa sa bibig. Ayon sa pulisya, ninakaw ng dalawa ang motorsiklo. Bitbit ang iba pang gamit ng biktima. Nakapanayam namin ang may-ari ng motorsiklo. Dati raw niyang karelasyon ang biktima at ngay'y matalik na niyang kaibigan. kwento niya nag-chat pa noong miyerkules ang kaibigan para manghiram ng 3,500 pambili raw ng mga gamit. Hindi rin kasi ako masyadong nagtatanong and kulang siya ng pera kaya nagpa-gica siya sa akin. Yun nga po hindi ko po kilala pero kampante po ako dahil nga po sa kaibigan ko nga po siya. Pero kanina muli na naman daw kumontact
54:05 sa kanya ang numero at nanghingi na ng Php4 na,000 para matubos ang motor. Doon na siya nakipagtulungan sa mga pulis hanggang sa maaresto ang suspect. sa pag-iimbestiga ng ating kapulisan, nakita po nila doon 'yung mukha nung isang suspect and uh nakuha din po nila 'yung pangalan at ID dahil nagbigay siya ng totoong ID niya nung nag ah checkin sila doon sa hotel. Hininga namin ng pahayag ang suspect pero ang tanging sinabi niya, "No-comment na lang po ako sa lahat. Pasensya na po kayo." Inamin daw mismo ng suspect sa pulis na apat na buwan na silang magkarelasyon ng biktima. frequent sila doon na mag-checkin sa hotel na 'yun. And pag nagche-checkin sila ayun nga ang sabi niya is uh may drug ah 'yung jamming na sinasabi niya is nagda-drug sila. Pero
54:52 may iba pang lumalabas na motibo sa krimen kasi nawawala po yung gamit ng biktima ang kanyang ah laptop, cellphone and yung motor na dala niya doon sa pag-checkin niya. nabanggit niya is ah parang 'yung isang kasama niya na suspect ang gumawa nung lahat nung pagpatay doon sa victim at accordingly ay iginapos nga siya at parang hindi siya wala siyang ginawa doon at parang nakita niya na yun na nga yung ginawa ng kanyang kasama according sa kanya is baka natemp lang po talaga na magnakaw. Dinala na sa punerarya ang biktima para isa ilalim sa autopsy. Ang kanyang kaibigan labis na naghihinagpis. [Musika] Since 2009, magkaibigan na kami niyan.
55:42 Hindi ko matanggap. Pinatira ko sa bahay namin para lang may mag-alaga sa kanya. Pangako ko yun sa mama niya. Ngayon na mangyayari kasi patay na siya. Sana man lang iniwan na lang nilang buhay. Kinuha nila lahat. Pati motor ko. Huwag na nilang ibalik. Basta sana iniwan na nilang buhay ka. Bukod sa isang naaresto na may dalawa pang tinitignang suspect sa kaso. Kakasuhan ang mga sangkot ng robbery with homicide at posibleng masampahan din sila ng kaso sa ilalim ng RA 9165. A comprehensive dangerous drugs act dahil sa paggamit umano nila ng iligal na droga. Patuloy ang manhunt laban sa mga suspect at hinihikayat ng Quezon City Police District ang publiko na makipagtulungan upang mabigyan ng
56:27 hustisya ang biktima. Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali nakatutok 24 oras. Pahabol at tsakahan tayo para sa updated sa Showbiz. happiness [Musika] ako na may tulungan mo mrupid tulungan mo naman si mika salamangka dahil kilig na kilig ang fans sa brand new video niya with brent manalo habang napapa-cute to the tune of mrupid happy rin ang fans sa bagong milestone ni mika nang mabili niya ang kanyang dream car congrats team Shuvi is in Japan. Enjoy na enjoy Ashley at Ralph de Leon sa kanilang
57:15 ramen bonding sa Land of the Rising Sun. Of course, kasama rin ang duo sa pamamasyal si Shuvi Ettrata. Naging masaya naman ang fan meet ng Kop Group na Cloud 7 kasama ang kanilang fans na rainbows. Dapat ding abangan ang kanilang upcoming news song. At yan ang mga balita ngayong biyernes. Ako po si Mel Tianco. Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon. Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan. Ako po si Emil Sumangil. Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino. Nakatuto kami 24 oras. เฮ
58:00 [Musika]