0:01 This is Philippine that was live mula sa GMA Network Center. Ito ang 24 oras. Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao. Nabitawan ang isang taong gulang na bata habang inililikas sa baha. Dahilan upang ano rin siya sa tabing ilog sa Las Piñas. Nadala pa siya sa ospital pero pumanaw rin. Isa lang 'yan sa matinding epekto sa Metro Manila ng mga pag-ulan mula kagabi hanggang kanina at nakatutok si Mark Salazar. Nagmistulang ilog ang kalsadang ito sa
0:46 Barangay Talon TR sa Las Piñas. Ang ilang basura inanod ng tubig. Sa taas ng baha, inilikas na ang ilang residente at dinala sa covered court. Sa gitna ng walang patid na pag-ulan, isang taong gulang na babae ang natagpuang walang malay sa tabing ilog. Mayong isang lalaki na ano na tumatakbo papunta rito at binigay sa akin yung isang bata at ang kanyang declaration is ano ah nalunod daw. So habang nire-revive namin siya ay dinadala na rin namin siya sa ano sa hospital. Possible po hindi po taga Barangay Talontres yung bata na inanod lang talaga. Agad din siyang dinala sa ospital pero tuluyan ang nasawi ayon mismo sa kanyang ina. Nabitawan umano ng kanyang ama ang bata
1:31 habang lumilikas sa gitna ng baha sa Barangay Almanza Uno. Umapaw rin ang ilog sa bahagi ng river drive ng lungsod. Sa kuha ni Cooper Shery de los Santos, kita ang mabilis na pagtaas ng tubig. Kaya nahirapang dumaan ang ilang residente. Aakalain mo ring dagat ang tinatawid ng mga sasakyang ito sa southbound ng South Luzon Expressway dahil sa baha. Sa kuhang ito, tila inaalon ng tubig ang dumaraang sasakyan. Kaya bumagal ang daloy ng trapiko. Ang ilang commuter lumusong na sa baha naglakad. Kwento ni Cooper Sherelyn Santos, stranded sa
2:17 kalsada ang mga sinasakyan nila. Hindi na rin any sila tumuloy sa bahagi ng toll gate sa Alabang dahil mas mataas ang baha. Sa abiso ng Estlex Manila Tall Expressway Systems, kaninang pasado 12 ng madaling araw, umabot sa 12 km ang tail end ng trapiko mula sa Alabang Exit Southbound. Habang mahigit 4 na kilometro ang sasukat exit northbound po yung daanan natin sa mayilo circle barangay pahirapan din ang pag-uwi ng ilang dumaan sa Mandaluyong City lakas loob na lumusong ang ilang sasakyan pati residenteng hindi naalintana ang hanggang tuhod na tubig grabe pa pinakawi estudyant inabutan din ang ulan ng mga estudyanteng ito sa Taguig
3:03 ganito rin ang eksena sa Caruncho Avenue sa Pasig Ayon kay Cooper Christian Dakutanan manalon halos pumasok na ang tubig sa sinasakyan niyang tricycle. Baharin sa bahag ito ng pinagbuhatan. Ayon sa Pag-asa, habagat ang nagpapaulan sa Metro Manila. Para sa GMY Integrated News, Mark Sala Lazar. Nakatutok 24 oras. Mga pagguho naman ng lupa ang tumama sa Benget. Bukod sa Luzon, ilang bahagi rin ng Mindanao ang binaha. Nakatutok si Chino Gaston. Hala uy, kasunod ng ulan biglang rumagasa. Tumaas ang level at nagkulay
3:49 putik ang Bulatukan River sa Makilala, Cotabato. Dali-dali namang lumayo ang mga trabahador ng isang dianod ang mga nakaparada nilang motorsiklo. Patuloy na inaalam ng mga aoridad ang sitwasyon ng mga naiwang sasakyan. Nagmistulang ilog naman ang ilang kalsada sa bayan ng Malang dahil sa baha. Ayon sa mga residente, pumapaw ang dam at mga ilog sa lugar bunsod ng malakas na ulan mula pa noong Lunes ng gabi. Hanggang ngayon, baha ilang lugar doon tulad sa Barangay New Barbaza kung saan apektado ang mahigit 40 ektarya ng bagong tanim na palay. May mga bahay ding pinasok na ng tubig. Nasira naman ang bahagi ng isang tulay sa bayan ng
4:35 Tulunan dahil sa pagguho ng lupang pinalambot ng ulan. Pansamantalang diyan pinadaraanan sa mga four-wheel vehicle. Sa bayan ng Kapangan sa Benget, humambalang ang gumuhong lupa sa sakburoy section ng Amburayan Boneng Provincial Road. Kasunod ng walang patid na ulan. Pansamantalang madaanan ang bahagi ng kalsada. Malalaking bato naman ang nagbagsakan sa gilid ng bundok sa sityo Cabuyao sa bayan ng Tuba. Sa ngayon, isang lane lang ang nadaraanan dahil sa pagguho pero magsasagawa na roon ng clearing operation. Malalakas na hangin at ulan naman ang numerwisho sa Bonggao, Tawi-Tawi kahapon. Bumahari sa ilang kalsada roon. Ayon sa PGA-asa, habagat ang umiiral at
5:22 nagpapaulan sa maraming lugar sa bansa. Para sa GMA Integrated News, Chino Gast nakatutok 24 oras. Dagdag pahirap ang malakas na ulan sa pag-alis ng mga labi ng driver ng truck na sumalpok sa isang bahay sa Binangonan, Rizal na iniulat natin kahapon. Maswerte namang nakaligtas ang may-ari ng bahay at nakatutok si EJ Gomez. Bumulusok ang isang truck ng basura sa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal. Sumalpok ito sa isang bahay at tindahan. Dead on the spot, ang 43 taong gulang na driver na si Cholan binala. Sugatan naman ang may-ari ng bahay. Naupo lang ako rito para magpalamig dito sa tapat
6:09 ng aircon hanggang bigla na lang may sumabog na bog tapos biglang humagis sa akin yung aircon. O nga o. Sugat yun oh. Tapos paglabas namin makita namin yung truck. Yung mukha nung truck na diyan na. Namatay ang isa nilang alagang aso na nabagsakan ng semento. Buti hindi ako nagbukas kasi ano kumakain muna ako. Pagtapos ko ano tapos ko kain narinig ko lang biglang sabog. Akala ko anong nangyari. Ayun pala ko na dumiretso doun. Buti nga walang wala 'yung mga anak ko dito eh. Sa lakas ng impact matindi ang pagkakayupi ng unahang bahagi ng truck. Kwento raw ng pahinante tapos na silang maghakot ng basura kaya pinatanggal ng driver ang kalso ng gulong. Hindi tiyakong nakaandar ang makina ng truck
6:54 noon pero bigla na lang daw itong dumausdos. Nung magtanggal sila ng kalso, biglang dumire-diretso yung ah sasakyan. So unexpected na mawawalan siya ng preno. So kaya nagdire-diretso siya dito. Base po sa report ng ah ating pulis sa binangunan, itong dump truck na ito ay bumabyahe pababa. Pabulusok siya dahil ang kalsada medyo pababa. Patuloy na iniimbestigahan ng Rizal Provincial Police ang insidente. Naging pahirapan ang pagtanggal sa labi ng driver dahil sa tindi ng pagkakayupi sa cabin ng truck. May punto pang lumakas ang ulan at nagmistulang ilog ang matarik na kalsada. Nakakaawa po yung ano niya.
7:40 Durog yung ganito niya. Naawa ko kayang tingnan ng matagal na naulila ng driver ang kanyang living partner at kanilang tatlong anak. Sobrang hirap po kasi siya lang po yung naghahanap buhay sa amin eh. Pati yung mga anak koang maliit. Iyak ng iyak ngayon. Iiyak siya. Hinanap niya papa niya eh. Tiniyak ng barangay na tutulungan nila ang pamilya ng nasawing truck driver. Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa may-ari ng tinamaang bahay at tindahan para pag-usapan ang Danoss. Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez. Nakatutok 24 oras. [Musika]
8:27 Handa ng Philippine Coast Guard. Sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake kung saan umano itinapon ang labi ng mga nawawalang sabungero ayon kay Donon Patidongan. Pero sa lawak at lalim ng lawan ng Taal, magiging pahirapan umano ang paghahanap sa mga labi. Nakatutok si Ian Cruz. Lawa sa loob ng isang bulkan, ganyan kong ituring ang Pamosong Taan Lake ng Batangas. Pero ngayon may madilim na sikreto sa ilalim ng lawa na itinuturing ng ground zero sa paghahanap sa katawan ng mga nawawalang sabongero. Matapos ibunyag ng whistle blower na si Julie Donondon Patidongan na sa Taalik
9:12 itinapon ang katawan ng mga sabungerong pinatay na umano. Maya'tmaya na ang seborne patrol ng Philippine Coastgu Guard sa Taal Lake ayon sa PCG dito handa na raw sila sakaling iutos na ang pagsisid sa Taal Lake. Ito iyung fish port dito sa bayan ng Talisay na nakaharap nga dito sa Taal Lake. At ayon sa kanilang alkalde, ipapahiram nila itong lugar na ito sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan na magtutulong-tulong para mahanap yung mga missing sabungero. Sabi ni Jess Secretary Boying Rimula, sisimulan na ngayong linggo ang paghahanap sa labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake. Natukoy na raw nila kung saan uumpisahan ang operasyon. Merong fish f list yung isang suspect na na ano natin na tinutukoy natin. Yun ang
9:59 ating ano ground zero natin sa start from the start. Pero hindi birong hamon ito. Ang Taal Lake kasi may lawak na 234 s km siam na beses na mas malaki sa lungsod ng Maynila. Ang lalim niyan nasa 198 m. Katumbas ng anim na palapag na gusali. Malalim kasi yung ano eh yung lake eh. Mahigit 100 m yan sa deepest part kung saan may crater. So depende yan kung saan. And then yung organic matter kasi na lumulubog ah syempre lumulubog doon mad hindi na maka-penetrate din yung sunlight kaya madilim. Ang PNP sine-secure na raw ang paligid ng Taa Lake para maihanda ang search and retrieval operations. Pero
10:46 hindi lang daw sa Taal Lake sila maghahanap. Meron kaming mga ilan na bibisita. May mga areas kami not only around Lanna or Batangas but in other parts of the metro and underlying area saka na namin id kasama sa composite team nasisisid sa Taal Lake ang elite force ng naval special operations command ng Philippine Navy. Tatlong team na may tigapat na navy seals ang ipapadala nila lahat technical divers na kayang sumisid hanggang sa lalim. na 94 m o 308 FET. Magde-deploy din daw sila ng drone na kayang sumisid hanggang 100 m ang lalim. We could even retrieve underwater objects without
11:31 setting any diver. But unless it's quite complicated like yung mga nangyari sa mga lumubog na mga barko na papasukin mo sa loob na mahirapan ang drone lalo kung may 10thd ang drone mo, then we have to send out divers. But again on situation like this, the last option will be the diver. Makakasama rin sa composite team ang Mines and Geosciences Bureo ng DNR. Dagdag na hamon pa ang patuloy na pag-aalboroto ngayon ng bulkang Taal. Pero pagtitiyak ng Volks sa Lawa safe naman 'yun kasi alert level 1 ang TBZ lang yung ah ni-recommend natin na pasting. Sabi naman ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano kung walang ma-recover na mga labi mula sa lawa, hindi nito maapektuhan ang kaso. Anya,
12:17 hindi raw absolutely necessary na mahanap ang katawan ng biktima para patunayan ng krimen ng pagpatay. Para sa GMA Integrated news, Ian Cruz nakatutong 24 oras. Mariing itinanggi ni PCSO Chairman at dating judge Felix Reyz ang mga akusasyong nag-uugnay sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabongero. Yan po ay matapos siyang pangalanan ng lumutang na whistle blower na si Dondon Patidongan alias Totoy. Nagbabalik si Ian Cruz. Sa panayam ng GMA Integrated News, kinumpirma ni Julie Donondon Patidongan alias Totoy kung sino ang dating judge na sinabi niyang tagalakad ng mga kaso ng negosyante at isabong tycoon atong.
13:04 Si X judge ah exudge na yan na chairman yan ng piso. Siya talaga ang tagalakad. Si exjudge nabanggit mo chairman siya. Yes, chairman siya ng PCSO ngayon. Yes. Ang kasalukuyang PCSO chairman ngayon ay ang retiradong judge sa si Felix Reyz na naglabas ang pahayag ngayong araw para ming pabulaanan ang alegasyon ni Patid Dongan. Hinamon niya si Patid Dongan na tukuyin ang sinasabing kaso ni Ang o yung mga kinalaman sa mga nawawalang sabongero na sa pagkakaalam niya ay nakabinbin pa sa korte na inayos umano niya pabor kay ang. Kung hindi raw mapapatunayan ni Patidongan ang
13:49 akusasyong case fixing, dapat daw manahimik ito. Pinoarin ni Reyz na lumabas ang alegasyon ni Patidongan isang araw matapos siyang maghain ng aplikasyon para maging sunod na ombudsman. Sabi ni Reyz, handa siyang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon na magbibigay linaw sa mga anyay walang basihang alegasyon ni patinong para na rin mabahiran ang hudikatura at prosecution service. Mayo nung nakaraang taon na italaga ni Pangulong Marcos si Reyas bilang Sherman ng PCSO. Bago yan, nagsilbi si Reyas bilang board member ng PCSO simula November 2022. Naging presiding judge o acting judge naman siya sa regional trial courts ng Taguig, Lipa, Calamba at Marikina mula 2006
14:36 hanggang 2021. Nagpaliwanag naman si Patid Dongan kung bakit niya tinukoy si Reyz. Judge, ah pasensya ka na na binanggit ko yung pangalan mo. Ito naman talaga ang totoo. Alam mo naman na ito si Mr. Atong ang buhay ko na ang gusto niyang mawala. Hindi lang buhay ko, buong pamilya ko gusto niyang ipapatay. Kaya ako iniligtas ko lang yung sarili ko. Pasensya na kayo na nasabi ko yung mga pangalan niyo dito. Sinusubukan pa rin ng GMA Integrated News sa makakuha ang panig ni Ang. Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras. Para iwas disgrasya lalo na ngayong
15:21 tag-ulan pinagtatanggal ang mga nakalaylay at sala sa labat na kawad sa isang bahagi ng binondo sa Maynila. Kailangan na rin ng permit mula sa Meralco kung may gustong ikabit na kable sa Maynila. Nakatutok si Dano Tingkungko. Dahil sa bigat na mga kable kung kaya alominong nagsibagsak ang siam na poste sa bahaging ito ng Binondo Maynila noong 2023. Para mapigilang maulit ang insidente na ikinasugat ng tatlo. Nakipag-ugnayan ng Manila City Hall sa Meralco para alisin ang spaghetti wire sa bahagi ng Yuchenko Street sa Binondo pa rin. Ayon sa Meralco, mula pa Abril ay hindi nabababa sa 2, kilo ng kawad na
16:07 hindi na magamit ang nakuha nila sa lugar. Pagtag-ulan nandy diyan din yung possibility ng power outages brought about by inclement weather. So ito uh ginagawa na natin this early although tag-ulan na tayo para maayos natin ng mabuti 'yung mga poste natin hindi mabigatan kasi otherwise agag duma pag dumaan ng malakas na hangin at medyo minalas tayo pwedeng mabuwal yan. Ayon sa Meriralco, kasagsagan ng lockdown ng sunod-sunod ang pagkakabit ng mga kable sa mga poste ng walang cleiran sa Meralco. Kaya simula kahapon, required ng kumuha ng permit mula sa Meralco ang mga magkakabit sa mga poste sa lungsod. It is now Miralco who will say yes or no o
16:54 kung kayo'y makakapaglatag sa poste ng Miralco. If it is for development and if it is workable and feible I don't think Miralco will deny your request kasi at the end of the day puro high tension wire iyan eh. O ano yan? Mas mas delikado yan para sa mamamaya namin. Inaalis na rin ng Meralco ang mga spaghetti wire sa iba pang lugar na sakop ng kanilang prankisa. Dagdag nito, may plano ng gawing underground ang mga linya ng kuryente. Pero sa ngayon, prayoridad muna ang pag-aalis sa mga keng wala naman na talagang silbi. Para sa GMA Integrated News, Daano Tingkoon ko nakatutok 24 oras. Happy midweek chikahan mga Kapuso.
17:40 Aminado si pambansang ginoa David Lika na ready na siyang magpakasal in the next few years pero secret daw muna kung meron na siyang special someone pero may iniwan din siyang piece of advice. Si David para naman sa kaibigang si Dustin you. Makichika kay Obre Carampel. Bukod sa kanyang career bilang aktor hanggang sa pagiging entrepreneur, maraming goals na gusto pang i-achieve sa buhay si pambansang Ginoo David Likao. Para ma-reach ko yun, kailangan kong i-figure out kung paano yun. And yun, kapag kapag lahat yun nagawa ko na ah feeling ko ma-reach ko yung goal ko. Movies 'di ba? Movies. Um, gusto kong mag-vlog, gusto kong maging active sa social
18:26 media. At pag-amin niya, isa raw sa kanyang goals in the future ay to get married. Oo. Siguro 3 4 years from now. Siguro. I mean yun yyung ideally ' ba. Syempre by then 34 na ako. Alang namang wala pa. Pero ng tanungin kung meron na nga ba siyang special. Meron na ba? Ko sure. Sometimes kasi ano ako eh private ' ba. Sometimes sometimes we learn. Sometimes we say sometimes we learn. This time I have learned you have learned to keep things private. Yeah. I mean it's not to say na meron akong meron ako ba I just don't want to let people know. For now, gusto raw muna
19:14 niya to work para mas makaipon. Thankful nga siya sa mga dumarating na blessings kabilang ang bagong endorsements. So it just motivates me to do better, to improve on my craft, to improve on everything that I do so that um I get more. Recently lang spotted together si David at ang kanyang best friend na si PBB Celebrity Collab Edition Housemate Dustin ngayong nasa spotlight si Dustin after his PBB journey. May advice siya sa kaibigan. Ang advice ko lang sa kanya actually yesterday nag-usap ko sa phone sabi ko sa kanya na huwag mo na isipin yung mga haters at this point like andyan na yan eh parang control what you can control and I feel like kailangan niyang gawin yung mga ginagawa niya dati
20:00 ba yung kung sino siya kailangan niyang balikan yun ebre karampel updated sa showbiz sa happening [Palakpakan] [Musika] Bukod kay Donon Patidongan, isa pang posibleng testigo sa missing sabungeros case ang nagparamdam ng maghahayag ng mga nalalaman ayon sa National Police Commission. Nakatutok si June Venerasyon. opisyal. Kasunod ng paglantad ni Donondon Patidongan alias Totoy, isa pang testigo ang nagpadala ng filler kay National Police Commission Vice Chairman Rafael Kalinisan para maglahad din umano
20:47 ng nalalaman sa kaso ng mga missing sa bungero. Mukhang malalim yung gustong lumapit eh. Um, mukhang malalim. So let's see. Um sana nga matuloy. Very interesting iyung story. In fact a yung umabot sa aking feeler. Inaasahang makatutulong ito kung tugma sa mga naunang sinabi ni Patidongan. Malupit yung sustansya niya. O yun na lang e. Mahalaga syempre ah. Anyone who builds on the story of another, anyone who corroborates, I think builds on the credibility of that witness. Bukas naman ang pulisya na makipagtulungan sa imbestigasyon ang ilan sa lingang pulis na idinawit ni Patidongan at nasa restrictive custody. That's one of the directions that we can take if some of them will volunteer to the state businesses or theyve decided
21:34 to but even without that we can solve this uh case even without the cooperation of the suspects. Luten and colonel ang pinakamataas na rango sa lingang pulis. Pero sabi ng Naplecom, ah ayokong magsalita ng tapos na Lutenant Colonel lang kasi sa karera simulang-simula pa lang ito eh. At ah let's just say kung ikaw naman ang nag-iimbestiga dito, mapapaisip ka eh ah doun lang ba ang level na yan? Ah ba kaya meron pang mga involved diyan? Patuloy na nananawagan ang Justice Department sa iba pang sangkot at pinangalanan sa kaso na makipagtulungan. Marami sa kanila ang lumutang na Anya. There are other people who are actively getting in touch with the DOJ now who
22:20 want to clear their names or who wish to cooperate. Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon nakatutok 24 oras. Tila may pekeng testigo umano sa kasong hinaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC. Ayon kay Vice President Sarah Duterte, ang basehan niya ang nabasang salaysay ni alias Rene na nakasama nito sa isang safe house ang ilang tetestigo sa ICC. Nakatutok si Marisol Abdurrahman. Mula sa De Netherlands, may alegasyon si Vice President Sarah Duterte tungkol sa mga ihaharap na saksi sa International Criminal Court laban sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Sabi ng bis tila meron daw kasama ditong mga pekeng
23:06 witness ang kanyang basehan. Ang nabasa umano niyang affidavit ni Michael Mourillo alias Rene ang testigong iniharap sa senado ni Senador Risa Ontiveros. Para din noon si pastor Apolo Kibuloy at ang mag-amang Duterte. Pero kalaunan ay binawi ang kanyang mga sinabi sa pamamagitan ng isang video. Nabasa ko na yung ate David niya bago pa man siya lumabas publicly no. In fact merong mga nakalagay doon na nakasama niya ang mga witnesses ko no ng ICC doon sa isang bahay kung saan siya ah pinatira ni Senator Ontiveros. Sinabihan ko din ng lawyer ni President Duterte
23:51 non na merong meron ngang ganon na statement yung witness against pasokuloy na ngayon ay ah nagsasabi na hindi totoo yung mga sinabi niya sinabi niya na na kasama niya sa tirahan ah mga witnesses ng ICC. alegasyon ni Mourillo. Binayaran umano siya noon para humarap sa pagdinig ng senado. Kaugnay ng mga pangaabuso umano ng pastor. Sabi ng bese, seryoso ang alegasyon kaya dapat daw maghain ng kaso si Mourillo. It should be answered no clearly kung ano ba talaga ang nangyari. And kung sa tingin ni alias Rene na dapat siya ay magile din ng kaso ay dapat gawin niya din yon para
24:40 nasasabi niya yung totoo sa loob ng korte at ah nakakasagot din ng maayos yung mga akusado sa loob din ng korte. Sa isang pahayag, sinabi ni Huntiveros na pinaninindigan niya ang kanyang mga sinabing kasinungalingan ang mga sinabi ni Mourillo sa video. Kung meron daw bagong affidavit si Mourillo na naglalaman ng mga kasinungingan laban sa kanya at mga biktima ni Kibuloy, sa tingin niya maaari siyang kasuhan ng perjury. Gusto rin malaman ni Honteveros kung paano nakuha ni VP ang salays ni Mourillo bago pa ilabas ang kanyang video na tinawag niyang fake news. para sa GMA Integrated News. Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras. [Musika]
25:26 Alamin po natin ang magiging lagay ng panahon at kung hanggang kailan ang malalakas na ulan. Makakasama natin ang weather presenter ng GMA Integrated News Weather Center na si Amor L. Rosa Amore. Salamat Vicky. Mga Kapuso. Posibleng maulit pa rin po yung mga pag-ulan sa ilang bahagi ng ating bansa ngayong gabi at sa mga susunod na araw. Naka-monitor pa rin po ang pag-asa sa sama ng panahon sa paligid po ng ating bansa. So unahin po natin yung dating Bagyong Bising o yung may international name na Danas. Bahagya pong bumababa yung pagkilos po niyan. Pa-east southeast po ito sa bilis na 10 km/h. Bagam't medyo malapit na po ulit dito sa bahagi po ng Taiwan. Ayon naman po sa Pag-asa ay mababa naman po yung tansa na
26:12 pumasok ulit yan dito sa ating Philippine area of responsibility. 'Yun namang low pressure area o LPA sa silangan po ng PAR, mas mababa na po ang tansa sa ngayon na ma-develop bilang isang bagyo. Huli po yang namataan, 1,655 km east northeast ng Basco, Batanes. Paliwanag po ng Pag-asa, bahagya pong naiimpluwensyahan ng mga weather disturbance yung hanging Habagat o yung Southwest Monsoon. Kaya po patuloy rin po yung epekto niyan dito sa Pilipinas. Mga Kapuso, yung habagat po ay binubuo ng hangin galing po dito sa may Southwest o timog kanluran at warm and moist po yung katangian nito. Dahil marami po itong moisture, very favorable po yan sa pagkakabuo ng mga kaulapan. Kaya po nagdadala rin po 'yan ng mga
26:57 pag-ulan gaya po ng nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng bansa. Bukod po diyan, patuloy rin pong minomonitor 'yung kumpol ng mga ulap o cloud cluster. Dito po yan sa silangan ng Taiwan na posible ring mabuo bilang bagong LPA. Ayon po sa Pag-asa. Dah po sa habaga uulanin pa rin ang ilang bahagi ng ating bansa. Base po dito sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi posible pa rin yung mga pag-ulan sa ilang bahagi po ng Ilocos region ganon din sa may Zambales, Bataan. Iba pang bahagi po ng Central Luzon, Calabar Zon, Mimaropa. Ganun din dito sa ilang lugar sa Western Visayas at pati na rin sa may Zamboanga Peninsula. Posible rin po ang mga pag-ulan sa ilang lungso dito po sa Metro Manila gaya po ng naranasan natin kagabi. Kaya doble ingat. Kinaumagahan
27:43 naman may mga kalat-kalat na ulan pa rin po. Lalong-lalo na dito sa western sections po ng Luzon. Kasama po diyan ang Ilocos region pababa po dito hanggang sa mayaropa. Kasama po dito ang Mindoro at ganun din ang Palawan. Halos buong Luzon na po ang uulanin bukas ng hapon. May mga malalakas sa pag-ulan dito po yan sa may Cagayan Valley pati na rin sa Ilocos Region. sa ilang lugar dito sa may Central Luzon, Mimaropa at meron na rin pong mga pag-ulan sa ilang bahagi naman ng Bicol Region at Calabar Zon. Posible rin po ang ulan sa Metro Manila bukas bago po magtanghali ay meron po tayong mga nakikitang mga pag-ulan na at pwede po yang maulit sa hapon o kaya naman po ay sa gabi. Kaya panatilihin po ang pagmo-monitor sa advisories ng Pag-asa. May mga pag-ulan din po sa Visayas at Mindanao bukas.
28:30 Ayun po meron po tayong nakikita. Lalong-lalo na po pagsapit ng hapon. Posible po yung mga malalakas na ulan. Dito po 'yan sa Western Visayas, Negros Island Region at malaking bahagi po ng Mindanao. Nakikita po natin meron pong mga heavy to intense rains na posible pa rin pong magdulot ng mga pagbaha o paghuh na lupa. At para po sa mga nagtatanong, hanggang kailan nga ba itong mga pag-ulan? Ayon po sa Pag-asa, posible pong maranasan pa rin natin ang epekto ng habagat hanggang sa biyernes. Pero patuloy po natin yangang imo-monitor. Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon. Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center. Maasahan ano man ang panahon. Hanggang bewang naman ang baha sa ilang lugar sa Bacoor, Cavite. Sa lakas ng ulan kagabi, may residente pa ngang
29:16 nakagat ng daga. Nakatutok si Jomer Apresto. Hindi na gaano kalalim ang baha sa Mambog 4 sa Bacoor, Cavite pasado 2:00 ng madaling araw kanina. Pero umabot hanggang bewang ang lalim ng tubig rito kagabi kaya hindi nakadaan ang mga sasakyan. Ang nakaibike na ito nag-aalangan pang dumaan kahit hindi na gann kalalim ang tubig. Naabutan naman namin ng tricycle driver na si Tonton na nagkawang-gawa ng magtanggal ng mga nakabarang basura mula sa drainage. Kasi barado na po eh para mabilis pong bumaba yung ano tubig. Ang 32 years old naman na si Jomar nakagat ng daga kagabi. Naninigarilyo ako dito. Kinagat na lang akong bigla. Ang laki ng daga
30:01 eh. Lumalaban sa tao eh. Agad naman daw siyang magpapaturok ng antibis. Sa kasagsagan ng baha, naabutan din namin ang lalaking ito na may napulot pang plaka ng sasakyan. Madalas raw mayroong nalalaglag na plaka dito lalo kapag mataas ang baha. Isinasabit naman nila ito sa poste para agad makita ng mga may-ari ng plaka. Napasilip pa ang lalaking ito dahil nalaglagan din daw pala siya ng plaka kagabi pero bigo siya na makita ang kanyang plaka. 10 p.m. po mga hanggang bewang po yung baha simula dito. So alam ko kaya naman ng pickup ko eh kaya dinaan ko siya. And all of a suddin pag-uwi ko ngayon napansin ko wala na yung harapan na plaka ko. Sabi ng mga residente matagal na nilang problema ang baha sa bahaging ito ng Mambog Road. Kaunting ulan lang
30:47 kasi mabilis na tumaas ang tubig. Kaya ang karamihan ng mga residente rito naglalagay ng mga sandbag sa labas para hindi pasukin ang loob ng kanilang bahay. Bukod sa mambog, mataas rin ang baha sa bahagi ng bayanan road kung saan nag-aalangan dumaan ang mga motorista. Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras. Isang dinarayong beach sa Zambales ang mayaman sa natural hydrogen gas. Ayon sa isang pag-aaral, kaya naman maaari itong magamit sa produksyon ng kuryente. Nakatutok si Sandra Aguinaldo. Dahil sa ganda ng tanawin, madalas dayuhin ang nagsa-sub beach sa San
31:33 Antonio, Zambales lalo na kapag tag-init. Pero kamakailan ay dinayo rin ito ng ilang researcher para sa native hydrogen ayon sa Department of Energy. Lumabas kasi sa pag-aaral ng mga eksperto na may mataas na natural hydrogen gas sip sa San Antonio na magagamit sa produksyon ng enerhiya. Binisita rin ng researchers ang Pangasinan. The DOE technical team conducted field assessment in the Mang Mang mangatarem hotpring in Pangasinan and the Butulan hotpring and Nagsasa in Zambales. Paghahanda rin ito lalo't inaabangan ang pagpirma ni Pangulong Marcos sa service contract para sa native hydrogen exploration na bahagi ng
32:19 paghahanap ng mapagkukunan ng kuryente sa bansa. Sa parehong press conference ng energy department ay tinanong din kung meron bang kartel sa oil industry sa bansa. Bagamatinadong halos pare-pareho ang mga oil price adjustment ayon sa energy department. If you look at some of the computation ng mga oil companies pare-pareho iyung adjustment because isa lang iyung tinitignan natin, iyung benchmark natin, the min of plat Singapore for the penis petrolling products and duai crud. I would not uh say that is there is no cartel who they are that is something to confirm. I do believe that there are still players na hindi pa playing according to the rules. There are still distortions in the
33:05 reporting. Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras. Posibleng inip na ang taong bayan sa impeachment trial ni Vice President Sarah Duterte at naimpluwensyahan sila ng mga tatayong Senator Judge. Yan po ang basa ng ilang house prosecutor kaugnay ng resulta ng survey sa sentimento ng publiko sa impeachment. Nakatutok si Tina Panginiban Perez. Dalawang punto ang lumabas sa pinakahuling non-commission survey ng social weather stations. Una, mas marami ang 42% na hindi sangayod sa impeachment complaint kumpara sa 32% na sangayon. At pangalawa, mas marami ang 44% na
33:52 naniniwalang sadyang dine-delay ng Senado ang impeachment proceedings kumpara sa 25% na hindi naniniwalang pinatatagal yan. Paniwala ng isang house impeachment prosecutor, posibleng naiinip na ang taong bayan at naiimpluwensyahan ng mga sinasabi ng ilang Senator Judge. I think with our interpretation of the World Fourth WS, medyo na-frustrate ang ating mga kababayan that we did not proceed right away to trial. Hindi natin po pwedeng uh panghawakan 'yung uh survey na 'yan dahil napakadami pa rin talagang uh undecided at gustong makita kung ano talaga 'yung ah nilalaman no na ebidensya. Ayon sa ilang kongresista, ano man ang resulta ng survey,
34:39 kailangang idaos pa rin ang impeachment trial at naniniwala silang makukumbinse nila ang mga kontra sa impeachment na magbago ng posisyon kapag nailatag na ng house prosecution panel ang mga ebidensya sa impeachment trial na ah kapag nandiyan na yung ebidensya nananalig kami, umaasa kami na maiiba yung pananaw nung mga nagsasabi na yan na hindi nila gusto. ang impeachment. Naiimpluwensyahan din 'yan ng mga komento ng ilang mga senator judges na in the first place hindi dapat sila nagbibigay ng mga komento. Pero si Senador Bato de la Rosa natatayong impeachment judge balak pang kwestonin ang jurisdicyon ng Senado. Siguro ang pinakaunang motyon ko is
35:25 to determine whether or not the Senate of the 28th Congress is uh willing to be bound by the actions of the previous senate. Yun lang ang tanungin ko para ma-ettle natin iyung issue on jurisdiction. Sabi tuloy ng ilang congressista, if they're so confident about the survey, then why are they still pushing for dismissal of the impeachment of the impeachment case. Para sa GMA Integrated News, Tina Pangan Perez nakatutok 24 oras. Short but sweet ang naging Japan trip nina nakapusok couple ni Rudu, Madrid at Bianco Bali. Sinulit yan dahil bihira
36:11 raw silang mag-out of town due to their own projects. At katunayan niyan, may work na muli si Ruru after Lolong season 2. May chika si Athen Imperial. Nagpunta sa Japan si Ruru Madrid to have a break from his work and projects. Gusto raw niyang i-enjoy ang fruits of his hard work after ng success ng GMA Prime series niyang lolong pangil ng Maynila. Ginrub na rin daw itong opportunity ni Ruru para makapag-quality time with girlfriend na si Bianca Umali na no ay nasa Japan din for work. Bitin kasi parang sumunod lang ako kay Bianca doon parang nag-extend siya for 3 days. So 3 days lang ako nasa Japan. Sobrang nag-enjoy pa rin kahit papaano because it's my first time din na maikot ang
36:57 Osaka. So nakapag-doton bory kami. Ah kumain ako ng mga ilang beses sa ramen. Um siguro yun naman din talaga pagka nasa Japan ka food trip hindi mo talaga iisipin yung diet. Pagbalik naman sa Pilipinas back to work agad si Ruru. Thankful ang sparkle actor sa tiwala ng long time brand collabs niya. So it's been 10 years at uh parang every year laging nadadagdagan 'yung 'yung pagmamahal at ah tiwala nila sa akin. Ito naman din talaga yung gusto kong dalhin like ah kahit saan ako mapunta ah you know to represent our country, mahalin yung sariling atin. Love local. Athina Imperial updated sa Showbiz Happenings. Naghain ang reklamong cyber
37:43 Libel sa DOJ si Senadora Risa Ontiveros laban sa anim na personalidad na any'y nagpakalat ng mapanirang video ni alias Rene. Sinampahan din ng reklamong cyber libel si Michael Maurilio na nagpakilalang alias Rene. Sinabi noon ni Maurilio na tinakot at binayaran umano siya ng senadora para tumestigo laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sarah Duterte at Pastor Apollo Quibuloy. Itinanggi ni Ontiveros na binayaran si Maurilio at sinabing si Maurilio ang nag-alok na tumestigo kaugnay ng umanoy pangaabuso ni Kibuloy sa ilang miyembro ng kanyang religious group. Ayon kay Attorney Ferdinand Topaso, hindi muna siya magkokomento
38:30 hanggang hindi pormal na natatanggap ang summons kaugnay ng reklamo. Hindi pa niya nakita ang kopya ng complaint. Sabi naman ni Banat Bay, "Ginagamit ang senadora ang label laban sa mga kritiko." Tinawag naman ni Tio Moreno ang hakbang bilang legal harassment at bullying. Habang si Kaer Eric Celis, tinawag itong pag-atake sa free speech at freedom of expression. Sinusubukan pa po naming makuhanan ng pahayag ng iba pang respondent sa reklamo ni Ontiveros. [Musika] Target ng administrasyong Marcos na wala ng babayarang kontribusyon ang mga Phil Health beneficiary. Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, tinatrabaho ng gobyerno na dahan-dahang mabawasan ang
39:15 kontribusyon ng mga miyembro hanggang sa maabot yan. Palalawakin din any ang coverage ng Phil Health. Sinabi ni Pangulong Marcos kanina sa okasyon ng pamamahagi ng mahigit 3 patient transport vehicle na pinunduhan ng is bilyong ng PCO. Pag naayos natin ang ating ekonomiya ng mabuti at kaya na natin ay kaya naman siguro natin wala ng kontribusyon ng pasyente. Siguro yung mga yung kagaya sa ibang lugar na nakikita ko na nasubukan ko ah administrative cost lang. May sapat ng bilang para manatiling Senate President si Senador Cheese Escudero batay sa pakikipag-usap ng GMA
40:02 Integrated News sa mga magkakaalyadong senador. Kabilang diyan ang ilang makaduterte at ilang tumakbo sa ilalim ng senatorial slate ng administrasyon pitong eleksyon. Nakatutok si Mav Gonzalez. sila hindi pwedeng naghahayag ngayon ng suporta para kay senador cheese Escudero ang tinaguriang Duterte Block sa senado para manatili siya sa pwesto. Ayon kay Senador Bato de la Rosa, nakapag-commit na kami. I don't know kung nakapirma na yung iba. Ay kayo sir? Ako naka ako I don't know kung uh nag-usap na sila personally pero in principle kami Duterte Black napag-usapan namin we are inclined to support uh Senate Senate President Jus Cero.
40:50 Bukod kay Dela Rosa, kasama rito sina Senador Bongo, Robin Padilla, Rodante Marcoleta, Imy Marcos at magkapatid na Mark at Camil Villar. Batay sa aming pakikipag-usap sa mga magkakaalyadong senador, lumalabas na para rin kay Escudero ang magkapatid na sina Alan Peter at Pia Cayatano, magkapatid na JV Eerscito at Jingoy Estrada at magkapatid na Irwin at Raffy Tulfo. His stand towards impeachment is not a factor to our decision in uh choosing him as our Senate president. Ang pinaka-big factor diyan na nakikita ko lang talaga is yung pagka-open pagka-open niya. Nakikinig siya. Pag impeachment ng pinag-uusapan kanya-kanya kami ng desisyon diyan. Oo namang sa
41:37 leadership ah nagusap kami ng mga kasamahan ko sa partido na we will vote as one as a black. No. Ah yung una apat kami, naging lima naging ah pito. Kung sino yung makakatulong sa mga pagsusulong ng mga programa na makakatulong sa mga mahirap. I think ano hindi lang siguro nagpapatawag si ng cocus ah as a whole no the body as a whole but I think he talks to them um as blocks or as groups. Kung tuloy ang kanilang pagsuporta kay Escodero hanggang sa magbukas ang sesisyon meron ng linglong boto si Escodero o Mayorya.
42:23 Pero tuloy pa rin daw sa pangangampanya para kay Senador Tito Soto ang kanyang grupong veteran's block na binubuo ng limang senador. There are many cocuses that are happening still right now. I believe Senator Lar Legarda has been meeting also several individual senators. Uh Senator Soto as well and Senator Ping Lakson are meeting individual senators. It's a slow process but eventually uh we'll never know. On the 28th of July we'll see what happens. Hindi pa malinaw kung para kanino ang ibang senador pero nababanggit ang mga pangalan nina Senador Kiko Pangilinan at Bob Aquino sa mga magkakaroon ng komite kung mananatili sa pwesto si Escudero. Na ang aming tanungin, sinabi lamang ni Pangilina na hintayin na lang ang pagbubukas ng 20th congress habang wala pang tugon si Aquino. Si Senador Risa
43:09 Ontiveros na nangampanya para kinapangilinan at Aquino noong eleksyon sinabing mananatili siya sa oposisyon. Hindi ako naha-hurt basta patuloy akong maninindigan kung ang bawat isa sa amin ay may sariling diskarte. Eh ako rin naman po basta nakatutok pa rin ako doun sa layunin na palakasin yung oposisyon hindi lang sa loob pati sa labas ng senado. Nababanggit din ang pangalan ni senador winalan sa mga mabibigyan ng komite. Hinihingan pa namin siya ng pahayag. Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras. Mabilis na chicken tayo para updated sa Sherbiz Happenings.
43:58 Layag na layag ang Wilka Shippers Nina Will Ashley at Bianca Deva sa outside world. Ang kanilang TikTok entry na ipinost ni Will may 12 million views na at 2 million likes. Kuha ang video na yan ng magbalikbahay ang housemates para sa kanilang Thanksgiving party. London workation mode on ang Juliver. Ilang tourist site ang hindi pinalampas ng couple sa kanilang trip sa London kagaya na lang ng Big Ben, Buckingham Palace at Stonehenge. Naroon ang Juliver para sa London Body of Fiesta 2025. Wow! A sweet birthday surprise ang inihanda nina Max Collins at Pancho Magno para sa kanilang baby boy na si Sky. Sa post
44:43 naman ni Max, Mala Cowo Boy Look ang birthday boy habang bina-blow ang kanyang cake. Mission accomplished to yall. Nagtapos man bilang third big placer feeling like a big winner pa rin ang Chares Duo nina Charlie Fleming at Esner dahil sa pagmamahal na natatanggap nila sa outside world. Isa-isa ring sinagot ng duo ang comments ng netizen sa pagsalang nila sa GMA Integrated News Interviews. Makichika kay Obri Carampel. [Musika] H atake ang energy ng Chares Duo nina Charlie Fleming at Esneer nang sumalang sila sa GMA Integrated News Interviews.
45:30 Itinanghal man sila as third big placer, feeling big winner na rin daw sila dahil sa love and support na natatanggap sa outside world. Anong na-feel niyo 'yung oras na 'yon nung tinawag kayo na third placer kayo? Ako naman po, I really wasn't expecting anything. I was just happy na po na nabalik na nga ako sa bahay at napasama na sa Big Four. So I was an expecting big winner and whatever runner, whatever place we got, sobrang contented na po ako diyan. Yung pagmamahal nila big winner na po kami dahil doon. Marami pong big winner material po sa amin. Kaya on that night nag hindi po ako nag-expect pero syempre there's the hope na kasi sobrang lapit na namin ganyan. Super happy sa mga natatanggap na mga reactions po ng mga
46:16 tao kasi somehow um super na-appreciate po namin yung mga taong niru-rot po talaga kami na maging big winner. Isa raw marahil sa kanilang PBB journey highlights ay ang tapatan challenge with the evicted housemates. Sabi ng Chares, raw nila 'yun pinaghandaan at sinagot lang ang mga katanungan galing sa puso. 'Yun po talaga yung totoong mga nararamdaman namin at totoong thoughts po namin about the questions po na naiba to sa amin. The only thing I told as Near was, "Let's be graceful. Let's handle it with grace na hindi kami magi-insulto on whatever emos will feel." I'm proud of us kasi even if we've raised our voices to be heard, we've never given an insult to and each and every one of them kasi we still handled it with love po. Sinagot din
47:03 nila ang ilang puna tungkol sa kanilang naging PBB journey. Si Charlie na pinakabata sa housemates nasabihang imature. Yes, I misunderstood. But I hope people know that in my generation a lot of us are misunderstood also. And if they could really give people chances, if they could really give the teens in my generation chances po, they would really get to understand them and get to see the good spots of them just like how they gave me a chanted inside the house po. Pero sa pagbalik niya sa bahay ni kuya, ipinakita niya ang kanyang maturity and growth. Madalas din siyang mag-share ng Bible verses sa kanyang fellow housemates. Saan nagkagaling yun? At such a young age, Charlie, it came from my mom po talaga. Um, when my mom got to know Jesus, she saw he was good.
47:48 He saw he was amazing po. She shared that to us. Dinadala niya po talaga ako sa Bible studies and I go to church and every Sunday. And ako din po, ate Young, medyo na-open na din po talaga yung eyes ko to see the grace of God na din po, yung grace that he's given us. And knowing po that it's something good, it's something that's so full of love, why not share it with everyone? Si Esne near nagulat naman daw na nasabihang playing safe sa loob ng bahay ni kuya. Hindi ko po talaga alam paano po nila nasabing playing safe ako kasi siguro po ako lang po yung walang kalaban sa bahay. Feeling po siguro talaga nila na um ha hindi kasi po yung ano ako kilala po talaga ako na nagb-bring ng light sa house at yun po yung pinakauna ko po talagang ikaw talaga yan. Yes. Kumbaga yun po
48:34 yung ako na po yun eh. Yun na po yung pinaka-goal ko po na gusto ko po mag-spread ng positivity sa bahay at gusto ko po na makapag-share po ng tawanan, laughts ganyan. Kasi gusto ko po na itong season na 'to habang andito po ako ay um ma-love po ng mga tao 'yung personality ko. At the same time ma-love po nila ako bilang bakla. Isa naman daw sa ipinagpapasalamat niya ay naging tulay ang PBB sa pagkakaayos ng relasyon niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ama. It's a blessing and this guys po for me kasi pumasok po ako ng hindi po okay yung pamilya po namin sa mga pamilya nila. Tapos lumabas po ako na sobrang okay na po kaming lahat. So
49:20 nagkaroon ng healing kumbaga. Yes po. May healing at reconciliation po. Hindi man big winners, mission accomplish naman daw sila sa kani-kanilang ipinaglalaban na i-represent ang mga tulad nilang bread winners at sa kaso ni Isne, ang LGBTQIA plus community. At 'yung main goal naman po talaga namin is makapag-share kami ng kwento namin don sa bahay at maka-influence kami. Gamitin namin 'yung platform po namin para sa mga taong nire-represent po namin, para sa mga bread winners, para sa mga probinsyana at syempre sa LGBTQIA plus communities. Pobre karambel updated sa Showbiz sa Happenings. And that's my chica this Wednesday night. Ako po si Iya Arelyano, Miss Mel, Miss Vicky. Thanks I salamat sao Iya. At
50:06 'yan ang mga balita ngayong Miyerkules. Ako po si Mel Tianco para sa mas malaking misyon. Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan. Ako po si Vicky Morales. Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino. Nakatuto kami 24 oras. เฮ [Musika]