0:01 This is Philippine was a ballot that was first live mula sa GMA Network Center. Ito ang 24 oras. [Musika] Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao. Mga lumang problema sa unang araw ng pasukan. Kabilang ang kakulangan ng classroom na aabutin ng 55 taon bago mapunan. Yan ang sumalubong sa hindi bababa sa 27 milyong enrolly sa mga public school ngayong school year. Unahin natin ang lagay ng ilang paaralan sa Bulacan na binaha ng mga bagong problema dagdag pa sa mga naunang sinita ng pangulo. Nakatutok si Mariz Umali.
0:51 Unang araw ng pasukan pero problema agad ang tumambad sa mga estudyante at guro ng Francis National High School sa Kalumpit, Bulacan. Kahit hindi umuulan binaha ang kanilang eskwelahan dahil daw sa high tide. Napapalibutan ng paaralan ng dalawang ilog, ang Kalumpit at Pampanga River. Kaya ang principal, walang choice kundi suspendihin ang klase at pauwiin na ang mga bata. Ang gusto talaga natin, makumpleto nila yung number of hours natin dito sa school. However, kapag pinag-usapan ng bahaso so definitely baka merong mga leptospyrosis o syempre mae-endanger yung ating mga bata. So hindi natin kayang i-afford na ganun ang mangyayari sa mga bata. So we can't help but kundi talagang ang ginagawa natin kina-cut natin. Pero hindi lang ngayong araw tinapos ng maaga
1:37 ang klase dahil half day daw muna ang mga estudyante hanggang sa mga susunod na linggo habang high tide pa. Nahihirapan po kami. Hindi po kami makapagano ng subject po namin. Gann po kasi po nakakaabala po 'yung tubig para sa aming lahat. Modular distance learning na kami by next week. Yung online classes yun po ay i-activate natin para po yung mga bata hindi mabawasan yung oras nila. Diretso pa rin po ang pag-aaral nila at uh mino-monitor po ng mga teachers natin. Ginagawa natin ng paraan na matuto pa rin ang mga bata in the midst of high tide and then flooding. Pero kung sobra sa tubig sa paligid, problema sa loob mismo ng paaralan ang kakulangan ng supply ng tubig. ang mga banyo mahina o walang tumutulong tubig sa gripo o kaya'y wala
2:22 talagang gripo. Nag-aalala po ako kasi po yung mga bacteria po na dumadapo po sa amin hindi po kami makapaghugas ng kamay dahil wala pong tubig minsan. Paliwanag ng eskwelahan, problema pa rin sa high tide ang sanhi ng kawalan ng tubig. May mga kalawang na rin po kasi ang iba nating mga ah water source. So ang tendency po kasi baka ma-contaminate din. So ang ginagawa po natin ay ah pinatitigil natin 'yung water source lalo na po kapag hindi naman masyadong ginagamit. So ngayon po nasa period tayo na nire-repair nating lahat dahil baka po pumasok yun pong contaminants. Pinatitignan na raw ng eskwelahan ang mga tubong may leak. Pinakakabitan na rin daw ng mga gripo ang mga banyo. Plano rin daw nilang magpalagay ng foot
3:08 bath para magamit ng mga sumusuong sa baha. May programa rin ang Dep Ed na Wash in schools na naghihikayat sa mga estudyante ng tamang paghuhugas ng kamay. Nakikipag-usap na raw ang pamunuan ng eskwelahan sa lokal na pamahalaan para matulungan silang makapagpatayo ng dike para masolusyunan ang matagal na at naman maiwasang problema ng high tide dito sa kanilang lugar. Kasi po hindi po magiging solusyon na magtambak tayo lagi eh dahil po yyung surrounding area ay baha. Para sa Gym Integrated News, Mariz Umali nakatutok 24 oras. Kung may mga binahang paaralan sa Quezon City meron namang nasunog habang sa Zamboanga City kalbaryo ang biyahe sa dagat na mga nagtuturo sa mga isla kung
3:54 saan isang linggo silang stay. Nakatutok si Oscar Oida. Dumagdag ang sunog na ito kahapon sa mga problema ng San Francisco High School sa Quezon City. Marami pang sa loob eh. Halos isang oras bago naapula tanghali kahapon ang sunog na umabot sa ikatlong alarma. Pero ramdam hanggang sa unang araw ng balik eskwela ang epekto ng sunog. Dahil kasi sa pagkatubok ng ling silid aralan, 16 na seks ang naghahati sa iisang covered court. Mahigit an na raang estudyante ang katumbas niyan. Ang iba
4:39 sa lapag muna naupo. Sayang dahil balik one shift na sana ang senior high school nila. dahil don sa nangyari uh magre-revert po kami sa dating plano na two ship po. Tinitingnan namin ano 'yung ah agarang solusyon or agarang ah tulong nakapag hanap kami ng furniture na pwedeng ibigay doon para may magamit yung mga bata. Kung hindi init, baha ang problema sa ilang paaralan. Sa Malabon Elementary School, pinampalabas ng campus ang bahasa ulan kahapon na sumabay sa high tide. Pero sa kalsada naman sa labas na ipon ang baha. Antayin niyo lang ako. Huwag siyang lulusong basta dahan-dahan sa paglalakad. Baka mamaya madulas eh. Minsan pinapahatid ko siya
5:24 sa papa niya. Nag-e lang. Yung area po na may baha ay may mga may tubig diyan ay hindi naman po diyan pumupunta yung mga bata. 'Yung mga classroom po hindi affected. Sa Zamboanga City naman, maagang pinagandaan ng mga guro ang pagtungo nila sa mga island barangay sakay ng mga bangka. Stay in sila roon hanggang biyernes ng hapon kaya may mga dala ng gamit at supply. Malaki pong sacrifice everytime na pag pumupunta kami sir lalo na agag masama yung panahon kasi yung kailangan talaga namin harapin yung yung alon tos kasama na yung mga hangin para sa GMA integrated news Oscar Oid na nakatutok 24 oras
6:11 suspendido na ang lisensya ng viral taxi driver na naningil ng mahigit PH,000 para lang sa biyahe mula na terminal 2 papuntang terminal 3. Bistado ring may mga colorum unit ang kanyang taxi operator kaya ito'y pinagpapaliwanag. Nakatutok si Chino Gaston terminal 2 papuntang terminal 3 1,260 ganon para na kaming nagbiyahe ng probinsya. Sa social media post ng pasaherong Sana Terminal 3 noong biyernes, maririnig ang kanyang pag-alma sa singil ng taxi driver sa mahigit anim na kilometrong biyahe papuntang terminal 2. Nang mapanood ni Transportation Secretary Vince Dison ang video,
6:57 sobra naman yung 1,200 kalokohan na yon. Yan na pang-aabuso na yan. Suspended na yung driver, nahuli na natin. Suspendido na ang lisensya niya. Dahil ginawa mo yan ire-revoke yung lisensya mo. Hindi ka na makakapagmaneho ng taxi. Pasensya ka na. Pero ginoo mo yung kababayan natin eh. Na-impound na ng Land Transportation Office o LTO ang taxi na gamit ng driver. Napadalhan na rin siya ng subpina para sa administrative case na isasampa laban sa kanya. Sa imbestigasyon ng LTFRB, lumabas na pasional authority ng ling units ng taxi company na Taxi Hub Transport.
7:44 Pinadalhan na rin ito ng showcost order. The moment na nagkontrata ka na, ah you already violating the law. So may penalty kaagad po iyan which carries with it a 30day suspension 4th franchise unit. All the more ngayon poorum na pala lahat 'yung mga units hindi na nag-renew ng provisional authority. So all of those 15 units now will have to be technically impounded. Kukunin ang plaka. Sabi ng taxi hub, hindi nila kinukunente ang maling nagawa ng kanilang driver. Aminado rin daw ang driver sa nagawang kasalanan. Aminado naman siya. Mali niya yon. Momi naman. Um mommy naman siya na yung rate niya hindi yung rake namin. Hindi yung hindi
8:30 hindi niya binay sa metro. Naibalik na rin daw nila ang sobrang bayad at natanggap na rin ito ng pasahero. Sa mga darating na linggo ikakasa ng DOT katuwang ang LTFRB at PNPCIDG ang operasyon para hulihin ang mga taxi driver na labis maningil. Kuya para sa GMA Integrated News, Chino Gasto nakatutok 24 oras. Sinagot ni Vice President Sarah Duterte ang panawagan ng ilang mag-inhibit ang mga senador na hayagang pabor sa kanya. Kung ganon any dapat umanong, huwag ding lumah sa impeachment trial ang mga senador na kontra. Nakatutok si Argil
9:16 Relator ng GMA Regional TV. Sa gitna ng mga panawagang mag-inhibit sa hinaharap niyang impeachment trial ang ilang senador dahil sa kanilang mga pahayag at ikinilos. Nanawagan si Vice President Sarah Duterte na pagtiwalaan ang mga sanator judges na magiging patas sila. Sinasabi ko ibigay na natin 'yung benefit of a doubt diyan sa ating mga senator judges na gagawin nila ang trabaho nila ng patas ah according to sa sinumpaan nila as senator judges. Paliwanag niya kung bias umano ng isang senador pabor sa kanya ang magiging basehan. Paano naman daw iyong mga senador na may bias laban sa kaniya?
10:02 Kung gann ang ating uh basehan sa inhibition ay ah dapat din natin ipa-inhibit ang mga senators na meron ding bias against ah Sarah Duterte no. tulad na lang ni Senator Risa Ontiveros na in a public speech sinabi niya na kailangan talaga ibain ang ah pamilyang Duterte. Tugon niya sa pahayag ng ilang business groups na pagpapakita ng accountability ang pagpapatuloy ng impeachment trial. Iginiit niyang hindi ito tungkol sa accountability. Kung accountability daw ang hanap, dapat sa korte nagpunta at hindi sa impeachment court. Dalawa lang yung penalties diyan. Removal from office tsaka perpetual
10:49 disqualification from government service. Walang penalties diyan dahil walang kaso diyan. Ang impeachment ay removal process ng isang ah impeachable ah officers. Kung gusto talaga nila ng accountability ay mag-file ng mga kaso diyan sa mga korte. Noong nakaraang linggo, in-adopt ng Camara ang rekomendasyon ng House Committee on Good Government na sampahan ng kasong sibil at kriminal si Duterte para sa umano'y maling paggamit ng Confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education. Nagbigay ng reaksyon dito si VP Sarah sa isang video na ipinamahagi sa media ng OVP. Kung ako, okay lang dahil pultitiko ako. Ah
11:38 alam ko kung anong kailangan kong gawin at gusto ko rin sumagot ah sa loob ng korte. Pero naaawa ako dahil dahil sa mga threats sa harassment na ito ay merong mga empleyado ng ating opisina na nadadamay. Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News or Gil relator nakatutok 24 oras. Iginiit ni Senate President Chises Escudero na mapipigilan lamang ang isang senator judge na lumahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung maais ito bilang senador. Ang sabi ni Escudero, wala kasi siyang kapangyarihan magpa-inhibit sa kanyang mga kasamahan. Anyya ang maaaring gawin
12:25 ng mga kekweston sa mga senator judges magsamba ng ethics complaint laban dito. Nakasaad sa rules at ayon din sa ruling ng chair nung impeachment ni Chief Justice Corona na magsisilbing president. Pwede lamang matanggal sa bilang ang sinumang Senator Judge kapagka kapagka tinanggal sila bilang senador sa ilalim ng ethics at disciplinary procedure ng Senado. Hindi pag-inhibit bilang impeachment judge. Para tugunan ang malalang pananakot at pangakaras ng ilang online lending appilisin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang paghahain ng reklamo laban sa kanila. Katawang nilari
13:11 ang pulisya at ang Securities and Exchange Commission. Nakatutok si Makido. Konting tap lang sa cellphone nakakautang na sa mga online lending app. Pero bangungot ang kapalit para kay Julie. 46 to 50% pala ang interest nito at ang inabot niya sa naniningil hindi lang pagmumura kundi litrato niya na ginamitan ng AI para magmukhang nakahubad pati mental health niya naapektuhan. Hindi na po ako lumalabas ng bahay. Ah dati po jolly ako. Para matapos na po lahat para yung kahihian yung yung mawala na po lahat. Naisipan ko po na lang na mag-suicide. Kwento ng maraming
13:58 biktima. Nabudol na nga ng mga online lending apps pati ba naman sa paghahabulan nila ng hustisya tila nabibiktima sila. Sobrang hirap po. Babalik-balik po kami. Hindi po ramin alam kung saan po kami lalapit o kanino kami hihingi ng tulong. Kaya sa loob ng isang linggo simula ngayong araw, may one stop shop sa opisina ng Presidential Anti-organized Crime Commission sa Pasay City. May mga imbestigador na ng PNPCIDG, ahente ng PNP Anti-Cyber Crime Group at mga taga-securities and Exchange Commission o SEC. Hindi na ho kailangan pumunta sa ah sa pulis. Ah dito ho sama-sama na kami sa para ho mas madali ho yung pagpa-file natin nung kaso. Mas hindi na ho gagastos itong mga ah complainants natin sa pagpa-file nila ng
14:45 kaso. Mahigit 13,000 reklamo na ang nakuha ng paok nitong Abril at Mayo. May 100 complainant naman ang nagbigay ng sworn statements sa harap ng PNPCIDG para magsampa ng reklamo sa violators. Bottom line is we need to file an air tight case. Kung tutuusin, dapat rehistrado sa SEC ang mga online landing apps para ma-download ito mula sa mga app store. Pero aminadong SEC, nalulusutan sila. Payo nila, itawag o i-email sa kanila ang mga abusadong online lending apps para ma-block sa mga app store. Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido nakatutok 24 oras. Anim na Pilipino na ang nasaktan sa patuloy na gantihan ng atake ng Israel at Iran.
15:30 Isa sa kanila ang kritikal matapos madagan ng debr mula sa isang gusali. Nakatutok si JP Soriano. Muling umalingawngaw ang mga sirena sa Tel Aviv Israel. Dahil sa sunod-sunod na missile na pinakawalan ng Iran na sinasala ng iron dome defense ng Israel. Sa dami may mga nakalusot at tumama sa mga gusarit sasakyan. Nagsimula ang palitan ng air strikes nitong biyernes ng atakihin ng Israel ang Iran. Sa layong tapusin ang ballistic missile capability nito at pigilan ang pag-develop ng atomic weapons. Babala ng Iran, mas malala pa ang kanilang gagawin kung patuloy
16:17 natitindi ang tensyon. Umakyat na sa 23 ang nasa way sa Israel. Saan naman mahigit dal na ang napatay. Isang Pilipinong caregiver sa Rehov Israel ang nasa kritikal na kalagayan ngayon. Nadaganan siya ng mga dibre ng tinamaang gusali. Naipit po yung kanyang neck, yung kanyang leeg and uh monitoring po ngayon kasi nasa ICU po siya. Hopefully she's able to pass the night para ma-stabilize yung condition para ah pwede siyang operahan. Isa pang Pinoy caregiver ang nagtamo rin ng matinding sugat. Ang sinasabi lang kailangan ng tingnan kung ano 'yung baka magkaroon ng lifechanging uh impact 'yung sugat niya sa kanya once
17:05 she ano once she heals. Ang apat na iba pang Pilipinong nasaktan nakalabas na ng ospital ayon sa Philippine Embassy. Nakausap ko ang isang OFW na nagpadala ng mga video nang saglit siyang makalabas sa gusali kung saan siya nagtatrabaho. Grabe halos lahat ng building dito. Puro basag iung mga pinto. Ang building na ito wasak na at makilala. Grabe iyung fighting spirit ng mga Israel no? Kahit basag na tinatayo pa rin na yung bandila. Ito yun oh. Abe. Abe. Why? Oh my goodness. Sa ngayon wala pang gagawing sapilit ang pagpapauwi sa mahigit 30,000 Pinoy doon. Ngayon po ay nasa crisis mode at height
17:51 and alert. ang DFA ang DMW at OA para matulungan po ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya. Ready po ang ating mga ahensya kung kinakailangan po ng repatriation. Ang mga naka-schedule na talagang iuwi at nais umuwi sisikapin daw maiaalis agad ng Israel sa lalong madaling panahon at sakaling dumami pa raw ang mga nais umuwi. We always stand ready for any eventuality including master repatriation. Bukod sa Israel, mayroong 30 Pilipinong nagtatrabaho sa Iran. Nobody has been adversely affected from the in the Iranian side. Uh targeted kasi ang attacks naman na doon. Uh and and we continue to hope and pray na again humupa yung hidwaan na ito para
18:39 wala ng further na maapektuhan ng masaktan. Para sa GMA Integrated News JP Soriano nakatuto 24 oras. Pinadaragdagampang pangulo ang mga public school teacher. Ayon sa Dep, inaasahang bababa sa 30,000 ang kakulangan nila mula po sa kasalukuyang. Pero paano ang mga kulang namang classroom na limang dekada pa raw bago mapunan ang pansamantalang hakbang sa pagtutuk ni Darlene Kai. Bukod sa mga pamilyar na mga tagpo tulad ng mga bagong estudyanteng nasesepank sa mga magulang, [Musika] may espesyal sa unang araw ng pasok sa Epifano de los Santos Elementary School
19:24 sa Malati, Maynila. Isa sa pinakamalaki sa lungsod. Kinumusta kasi sila ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa isang grade one class nga, sinubukan pa niya ang kakayahan ng mga estudyante sa pagbasa. At bago lumabas ang pangulo ako yan. Yes. Ang galing. President na. [Musika] Pinulong niya rin via video conference sa mga kinatawan ng ibang paaralan. Utos niya magdagdag ng 20,000 guro at 10,000 administrative staff. Sa 20,000 na 'yun ah lim na li,000 na ang na-hire ng Dep na bagong bagong guro 10,000 naman na
20:12 administrative. Ah hindi ito nagtuturo kundi nag pinapatakbo ang pinapatakbo ang mga eskwelahan para yung teacher talagang nagtuturo. Mababa rin any na 60% lang ang mga paaralan na may internet connection. Ang problema talaga kuryente. Kaya aayusin natin 'yan. Dahan-dahan makikita natin magiging 100% 'yan lahat. Problema rin ang tubig kahit sa paaralang ito sa Maynila tulad sa mga napuna sa Bulacan. Kahit may supply ng tubig sa ibang bahagi ng paaralan tulad sa CR na ito. Sa hand washing area, may mga gripong walang tulo. Ang ating school ay matagal no. So isa po sa challenges yung mga old pipes. Ang ating mga non-teaching staff ay talaga pong ah sinisikap po na mai-check at kami po ay
20:57 yun nga po ah may pagka nag-iipon po kami ng mga tubig at marami po kaming mga container doon. At sa yun nga po para kinabukasan tuloy-tuloy po. Meron kaming standing order after that visit nung ni presidente sa sa Bulacan. Prioritize yung ah mga CR dahil yun ang pag hindi malinis ang CR do nagmumula yung sakit. Sa teniment Elementary School sa Taguig na binisita naman ni Education Secretary Sunny Angara, kulang ang mga classroom para sa mahigit 8,000 enrolies. Kaya hinati sa dalawa ang maraming silid. Sa buong Pilipinas 165,000 ang kulang pero aabutin daw ng 55 taon bago iyan mapunan. Yun sa proposal namin pagka duma ng NED na yon, siguro by next year makapag-umpisa na ng construction e. Doun sa proposal nga
21:42 natin, in the next 3 years, we will start construction of 105,000 classrooms. Pinag-aaralan na ang pagpapalawig ng voucher system sa ibang rehiyon para sa private schools muna mag-aral ang ilang estudyante at sasagutin ng gobyerno ang tuwisyon. Samantala, siam na raang eskwelahan naman ang magpapatupad ng revised curriculum para sa senior high school imbis na next school year. Talagang ah nag-overtime ang karamihan para sa preparation. Yan utos ng presidente na kailangan job ready na at nakaka relevant yung curriculum nung mga senior high school students. Para sa GMA Integrated News, Darlin Kay nakatutok 24 oras. Good evening mga Kapuso. Kinakiligan ng Barda Shippers ang birthday greeting ni Barbie Fortessa kay David Likao. Equally
22:29 proud daw sa achievement ng isa't isa ang Team Barda. Kabilang ang upcoming psychological horror film ni Barbie na P77. Makichika kay Nelson Canlas. Short but sweet message ang ipinost ni Barbie Portstay ni David Likao kahapon. Pero ang kinakiligan ng fans, ang pagtawag ni Barbie sa second name ni David na Alexander. Palagi raw proud si Barbie kay David at sagot ng pambansang Ginoo, ganun din siya sa ka-love team na sobra raw niyang naa-appreciate. I'm very proud. Pinanindigan mo talaga. Hindi ah. Si David kasi napaka-harwking niyang businessman. Basta ang wish ko lang para
23:15 sa kanya, every night he goes to sleep, masaya siya. Hindi naman maitago ni Barbie ang excitement niya. Kilala niyo si mama sa nalalapit na pagpapalabas ng GMA pictures and GMA public affairs offering na P77. I really am a fan of these types of films. Yung mind bending horror. Yun talagang um ang ano nila, ang target nila talaga yung utak mo. It plays with reality eh. That's why it's so scary kasi masyado siyang totoo. Ano siya eh, maga-grasp mo talaga 'yung horror kasi totoong buhay siya nangyayari. Saksi si Barbie ng lumagda ang GMA pictures ng isang distribution contract sa Warner Brothers Philippines. Ito ay para sa distribution ng highly
24:01 anticipated horror film na P77. Very happy to be the seventh local film to be distributed by Warner. So tamang-tama ba GMA7, seventh film P77. So mukhang ano the stars are aligning for this movie and we're very yes we're very happy na I believe that with Warner's help you can bring this movie to a wider audience. Nelson Canlas updated sa Shubis happenings. Six sa pwesto ang dalawang opisyal ng Land Transportation Office Region 2 nahulikam na nanakit sa dalawang lalaki kabilang ang isang menor de edad. Sa videong kuha sa Tugegarao Cagayan. kitang sinapak ng isang opisyal ang isang lalaki pagkatapos ay sinipa ng kanyang kasama ang menor de edad.
24:47 Nag-ugat umano ang insidente ng may gustong palapiting singer ang mga opisyal. Ayon kay Transportation Secretary Vince Don, pangaabuso ang ginawa ng mga opisyal. Hindi naan niya kailangan pa ng imbestigasyon kaya ipinag-utos ang aagarang pag-alis sa kanila sa pwesto. Abiso sa mga motorista, mas pinadali na ang pagtukoy kung may nagawa kayong violation nahulikam ng NCAP. Sa pamamagitan niya ng website na inilusad ng MMDA, nakatutok si Joseph Moro. Lampas 10,000 na ang nahuhuliam ng MMDA sa no contact apprehension policy o NCAP mula ng ibalik ito nung isang buwan. Kung gusto niyong malaman kung isa kayo diyan, pwede niyo yang i-check sa may huli ka na website ng MMDA. Kailangan
25:35 niyo lamang ilagay ang inyong plate number at motor vehicle number na makikita sa inyong certificate of registration. Sa ngayon, makikita lamang dito pagkaisang araw matapos mahuli kam. Ngayon po end of the day upon confirmation pero gagawin na rin po namin yan real time within 2 months. May 21 na AI camera sa EDSA bus Carousel at 162 sa kahabaan ng EDSA. Bukod sa AI, may mga CCTV operator ang MMDA. Iba-validate muna po. Ah i iaano pa po nila ito dadalawang Opo. Kung titikitan po o hindi. Kapag validated, magpapadala ng notice of violation sa lugar na nakarehistro sa
26:20 Land Transportation Office dahil matagal pa yan mula ng mahuli, pinag-uusapan ng MMDA kung pwede ng kapalit ang notice of violation ang makikita sa website. Sabi ng MMDA, pwede ng magbayad ang lalabas sa may Huli ka website. Isusunod na ng MMDA ang email at text notification at isang app. Wala ring multa kung late ang bayad. Dahil sa talas ng mga camera na ginagamit ng MMDA para sa NCAP, ayon sa MMDA ay gagamitin na rin ito ng PNP contracten. Ipinakita ni PNP Chief General Nicolas Tore kung paano. Ayan gusto niyo 600 kay sir 6. Sa kunwaring scenaryo may lugar na nangangailangan ng pulis batay sa NCAP ng MMDA sa ppm
27:05 dalawang minuto lamang may rumesponde na mas mabilis sa tatlong minutong response time na hamon sa mga pulis. Raider Bravo, pinapol ka lang namin dito sa MMDA. Pwede bang sumaludo ka? Maglalagay na kami rito ng pulis na may radyo na naka-connect diretso sa ating command center. So diretso dispatch na. Para sa GME Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras. Pinakakasuhan ng Department of Transportation sa LTFRB ang konduktor ng bus kung saan pinagbubugbog at kinuryente ang isang PWD. Sabi ni transportation secretary Vince Don, mismong ang konduktor ang gumamit ng taser sa pasaherong PWD.
27:52 Pinahanap na rin niya ang iba pang pasahero na nambugbog sa biktima. Sinuspende ang lisensya ng driver at konduktor at inisyuhan ng show cause order para magpaliwanag. Suspendido rin 15 units ng Precious Grace Bus Company. Git ng LTFRB responsibilidad ng mga PUV driver at konduktor na pangalagaan ng kanilang mga pasahero. Nauna ng sinabi ng kumpanya ng bus. Sa tingin nila ay ginawa ng driver at konduktor ang kanilang responsibilidad tuladila ng agad na pagre-report ng insidente sa mga aoridad. Halos 100 bahay ang nasalantang Buhawi sa Ilo-Ilo. Habang sa North Cotobato sumabay ang pag-ulan ng yelo sa
28:37 malalakas na hangin. Nakatutok si Dano Tingungo. Kasabay ng malakas na ulan, lumakas ang hangin hanggang maging Buhawi sa Lambunao, Ilo-Ilo kahapon. Nagtumbahan ng mga puno, natuklap ang mga bubong at nabalot ng takot ang mga residente. Walang nasaktan pero umabot sa limang bahay ang nasira. Ayon sa pag-asa madalas manalasa ang buuhawi sa tuwing may thunderstorms. Ayos oh tugnaw kayo. Pagbagsak ng yelo naman ang sumabay sa malakas na ulan at hangin sa makilala North Cotabato. Sa videong ito, kitang halosin laki ito ng mga butil ng mais. Ang hill storm sinabayan pa ng malakas na hangin. Nang humupa, bumungad sa kanila ang mga
29:23 nabual na puno pati na ang kanilang mga tanim na saging. Hanggang bewang nabaha naman ang idinulot ng malakas na ulan sa isang barangay ng Sibulan, Negros Oriental. Dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig, tumawag na ng rescue ang mga residente para ilikas ang ilang senior citizen. Rumaragasa naman ang tubig sa bahagi ng bayan ng Zamboangita. Stranded ang ilang motorista pero may ilang sinuong ang baha. Para mas makapaghanda sa mga ulan at baha o anumang lagay ng panahon, inilunsad ngayon ng PAG-asa ang bagong bersyon ng National Hydromet Observing Network o Panahon Interactive Platform. Kung saan makikita ang lahat ng rainfall at hazard warning pati na ang iba pang weather conditions. Mas accessible na ito dahil pwede n i-download sa inyong mga smartphone. All the real time data
30:11 from all the stations ng PAGASA. can be accessed readily. May mga warning systems tayo na rather uh classified as short range forecast like uh ito yung ah rainfull warning system plus iyung thunderstorm watch. Ito yung hindi natin nakikita sa ibang platform. Para sa GMA Integrated news daan na tinguon ko nakatutok 24 oras. Mga Kapuso, may bagong low pressure area na nabuo sa loob. ng Philippine Area of Responsibility. Huli itong namataan sa dagat malapit po sa Konsepson, Ilo-Ilo. Kahit mababa ang tansang maging bagyo sa ngayon, umaabot ang mga kaulapan nito hindi lang sa Visayas kundi pati sa ilang bahagi ng Souther Luzon. Bukod sa
30:58 LPA, patuloy rin ang ihip ng mainit na Easter le. Naka-monson break din tayo ngayon dahil sa pansamantalang paghina o pagkawalan ng epekto ng Southwest Monsuno o Habagat. Ayon sa Pag-asa, hindi inaasahang hahatakin o palalakasin ng LPA ang habagat. Pero maging handa pa rin sa mga pag-ulan lalo na ang mga commuter kabilang po ang mga estudyante na nagbabalik eskwela. Base sa datos ng Metro Weather, umaga pa lamang bukas may tansa na ng ulan sa Bicol Region, Aurora, Quezon at Bimaropa. Pagsapit ng hapon, may mga pag-ulan na rin sa Northern at Central Luzon. Iba pang bahagi ng Southern Luzon, pati sa Kalusbong, Visayas at Mindanao. May matitinding pag-ulan pa rin na pwedeng magpabaha o magdulot ng landslide sa Metro Manila. Mataas ang tiansang maulit ang mga pag-ulan gaya ng naranasan kaninang hapon.
31:45 Sinibak sa pwesto ang mga hepe ng pulisya sa walong lungsod sa Metro Manila dahil bigo umanong maipatupad ang 5 minut response time. Sila ang mga police chief ng Nabotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Parañque at Makati. Ayon kay PNP Chief General Nicolas Story, nakasalay sa mga hepe ang pagpapatupad sa direktiba ng mabilis na pagtugon sa isang 911 call sa loob ng limang minuto. [Musika] If they can cope up with it, if they can step up uh to that standard, we look for commanders who will uh do so. I want them to actually command not only
32:31 figuratively but literally they can issue the command over the radio. Mabilis na chikahan tayo para updated sa Shbiz Happenings. Humabol na rin sa trend si San Lopez na nag-transform bilang si Sangre Danaya. Ang transformation na iyan may almost 3 million views na sa TikTok. At syempre all support ang mga dati at bagong sangre. Mamaya na mapapanood ang Encantadia Chronicle Sangre pagkatapos ng 24 oras. Pa-block screening ng pelikulang Only. We know ang pa-fother's Day gift ni Marian Rivera para sa kanyang other half na si Dingdong Dantes. Proud wifey nga
33:18 raw si Marian dahil isa ito sa pinakamagandang pelikula ni Dong. Very thankful naman si Dingdong sa regalo ni Yan. Seriously sabi nga ng ilan funny is the new pogy kaya naman na-test ang sense of humor at witness ng sparkle campus cuties na sumailalim sa isang comedy workshop under bubble gang mainstay Paulo Cont. Bukod sa comedy sketches, itinuro rin niya ang ilang fundamentals of comedy na natutunan niya sa kanyang mentors. Ayon p at pao. Marami sa sparkle cuties ang may potenal. May mga nalambat na ring palutang-lutang na droga sa dagat ng Cagayan. Ayon sa Pideya, itinurnover sa kanila kahapon ng
34:05 dalawang mangingisda sa bayan ng Claveria ang nasa 45 kilo ng hinihinalang shabu. Nakabalot sa mga gold tea bag at may Chinese markings. Ang drogang aabot sa mahigit 3 at 10 milyong. Bago nito, halos 7 milyong na halaga ng taburin ang nalambat sa dagat na sakop ng bayan ng Kalayan. Habang mahigit PH5 milyong ng shabu naman ang nakuha sa Santa Praxes. Hawak na ng pideya at sinusuri na ang mga nakuhang droga. Patuloy rin ng imbestigasyon sa mga nakukuhang kontrabando sa dagat. Pinaigt na rin ang surveillance at maritime patrols sa Northern Luzon lalo't
34:50 magkakasunod na nakita sa dagat ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte ang milyongmilyong pisong halaga ng droga. Nagkasa ng kilos protesta ang grupo ng mga Pinoy workers sa America. Umabot sa apat na oras ang kilos protesta na pinangunahan ng Pilipino Workers Center. Layo ng pagkilos na ipanawagan ang pagtigil sa mga deportasyon ng administrasyon ni US President Donald Trump. Maaari rin nilang dumulog sa grupo ang mga kababayan natin sa America na kailangan ng pagkain o legal na tulong sa gitna ng pagkakalugog ng immigration and customs enforcement oce. Natanggap ng Senate Impeachment Court ang listahan ng mga abogadong tatayo
35:36 bilang defense council ni Vice President Sarah Duterte. Sa appearance adut, nakapirma ang mga abogadong sina Attorney Philip Sigrade Fortune, Gregorio Narva 2 at Sheila Season. Sila ay mula sa law firm na Fortuna Narvasa and Salazar. Sa ikatlong pahin na ng dokumento nakasaad na pinadalhan din nito ang House of Representatives. Get ready for an epic night dahil right after 24 oras mapapanood na ang inaabangang Encantadia Chronicles Sangre. At hindi lang Encantadics ang sabik ng makilala ang mga bagong tagapangalaga ng Brilyante. Ang buong cast at crew may pa-watch party pa.
36:23 Nandoon live si Aubry Karampel. Aubry Avisala Iya, the excitement is building up dito sa watch party ng Encantadia Chronicle Sangre. Lahat dito excited na sa muling pagbubukas ng mundo ng Encantarya at kung merong pinaka-excited eh walang iba kundi ang CAS ng Encantadia Chronicle Sangre at kasama ko silang lahat ngayon. Ayan. isa pa blendingisalo ayan syempre kasama ko unahin ko na si kerena ran ramos na maghahasik daw ng kadiliman sa mundo ng engantadia yes
37:09 kasi ano naisip ko yung lagim tsaka yung lamig same letters lang naman so I'll make hic all of that malamig dito ah sa venu eig damangdama ang ni Aves. Oo. Syempre Flamara Fate the Silva. Ako lang ako naman po gusto ko lang magpasalamat sa napakainit na pagtanggap ng ating mga Encantadics para sa Encantade Chronicle Sangre. Alam ko katulad po namin kayo ay excited na o na po yung pinakahihintay namin kaya Bisala Esh sa inyong lahat mga Kapuso. Oo of course Bianca Umali sa Gretera. Anong nararamdaman mo ngayon? Sa totoo lang, kanina pa kami nag-uusap-usap, Ate Obri, hindi namin maintindihan kung ano
37:55 yung nararamdaman namin. Kasi kabado kami pero sobrang excited kami dahil proud kami sa kung ano yung nagawa namin para sa project na ito. At ito sa wakas nabuo na namin at ipapalabas na para sa mga Encantadics kaya hay. Tignan natin sinaiyak. Sagr Dea ayan na talagang excited na excited na sila pero Sagr Dea, Angel Guardian, ikaw naman. Sobrang nakaka-excite especially us all here watching it for the first time. Medyo nakakakaba din pero yung excitement talagang nangingibabaw. Konting minuto na lang oh. O ilang
38:40 minuto na lang. How about you? Sangry Adamus Kelvin Miranda. Hindi ko to pinaghandaan. Well ah. Masaya na kinakabahan na nanginginig. Hindi mo alam kung malamig o mainit ' ba. Pero kailangan namin labanan para mabawi namin yung Encantadia. Naku kaya abangan niyo abangan niyo yan kung paano namin pababangunin ang Encantadia laban sa lahat ng naghahasik ng lagim ' ba. At syempre sabay-sabay tayong lahat dahil mismong kayo hindi niyo pa napapanood talaga yung pilot episode. So lahat tayo sabay-sabay manonood. Sabay-sabay magugulat talagang yung excitement ramdam na ramdam. First time. Oo. And Bianca nandito ang lola mo. Nandito rin.
39:25 Teka lang. Si Ibrahim nandito eh. Nandito si Ibrahim eh. Lola. Lola. Lola. Si Lola. Oo. Nandito ang lola ni Yes po. Nandito po ang aking lola. O ang aking inang reyna. Ang inang reyna nandito rin si lolong. Si lola at si lolong ay nandito. Of course, Ruru Madrid is also part of Encantadia Chronicle Sangre. O magbabalik ka. masisilayan ka rin namin. Of course, Ruru, excited ka rin no? Excited ka rin ngayon? Super excited dahil nga syempre isa na namang dekalibreng telesery ang mapapanood po natin. And very excited ako kasi nakita ko rin yung hirap at pagod ng lahat para dito. Syempre ang aking mahal pinaghandaan niya to. So sobrang proud
40:11 ako sa kanya kaya mahal ko naman lahat ng sangre pero bias team pera. Ganda ng sumbrero oh. Oo. Oo. At syempre 'di ba ngayong gabi mapapanood na natin after 2 years no'no ng pinaghirapan ninyo ngayong gabi na. Would you like to invite uh Bianca do the honors of inviting everyone, mga Kapuso, mga Encantadics at sa lahat pang mga nabubuhay na nilalang sa buong mundo at sa Encantadia. Sa wakas, magbubukas na po muli ang kwento ng Encantadia at para po ito sa inyo. Ilang minuto na lang mapapanood na po ninyo ang Encantadia Chronicles sangre. Sangre sangre sangre iya. Yan muna ang
40:58 latest dito at ako mula dito sa Quezon City nag-uulat ang sangre ng chika. Obre karampela. Balik sa inyo diyan sa studio. Yun yun eh. Maraming salamat sa ating mga sangre. Lola, Lolong at Obamd. [Musika] At meron pa sa tindi ng mga fight scene hindi naiwasang masaktan ang mga bida sa Encantad Chronicle Sangre. Bukod diyan worth ding abangan ang kwento ng mga bago at magbabalik na tauhan lalo't malalimang ikukwento ang character origin ng ilan. Makichika kay Nelson Canlasala. Sa ikatlong bahagi ng GMA Integrated news interviews with Sangret Tera Bianca Umali, Flamara Fita Silva, Adamus Kelvin
41:45 Miranda at Dea Angel Guardian. Ikinwento ng apat kung gaano kainit ang kanilang fight scenes na hanggang kaya ay hindi ginamitan ng double. The pain is real pag nagkamali sila sa ilang action sequence. Sobrang sorry naman ako talaga doon. Hindi gan kasi kasi hindi talaga nasaktan ko siya t's nasaktan din niya ako. Hindi ko alam kung ganti ba yun talaga intentional o hindi. Hindi kasi medyo ano talaga medyo masakit talaga yung nangyari. Yung tuhod ko napunta sa mukha ni Kelvin. As in ang yung yung number kasi na ginawa namin ano kailangan specific ka sa sa spot na pupuntahan mo eh. Pagka-kill ko sa ano sa sa kalaban,
42:31 pupunta na ako sa pwesto ko, nauna siya. Nauna siya sa akin. So yung pagpunta ko sa pwesto ko eh pagyuko ko, tumama yung tuhod talaga. Salubong talaga yung tuhod ko sa mata. Dito talaga sa mata. Hindi naman na-blockout talaga ako. Paano ka ginantihan? Nasuntok ako dito. Nasuntok talaga ako dito. May black. Hindi naman siya napunta sa black eye. Pero nag ye yyyow yellow. Bukod sa mga nag-aapoy na labanan, watch out for big twists lang sa takbo ng istorya. Kasama na rito ang pinagmula ng bawat karakter lalo't mas magiging masalimuot ang kwento ng lireo, Hatoria, Sapiro, Adamya at ngayon kasama na ang Miniabe.
43:17 Si Dea o bakit siya ang pinili ng brilyante ng hangin na galing siyang Mineve, galing siya ng mga lahi ng kalaban pero siya ang pinili. Abangan din ang mga magbabalik na karakter, mga ipakikilalang bago at mga emosyong ihahatid nila. I'm sure proud na proud si Ibrahim. Makaka mo ba siya dito? Secret. Ang daming secret ng Encantadya. Maraming kaya dapat abangan. Marami Nelson Canlas updated sa Shuby happening. [Palakpakan] At yan ang mga balita ngayong lunes. Ako po si Mel Tianco para sa mas malaking misyon. Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan. Ako po si Emil Sumangil. Mula sa GMA Integrated News,
44:05 ang news Authority ng Pilipino. Nakatuto kami 24 oras. [Musika]