0:02 [Musika] [Palakpakan] Magandang tanghali po. Oras na para sa maiinit na balita. [Musika] Balik. Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap umanong pulis sa Taguig. Ang lalaki nabuking matapos ireklamo ng isang babaeng tinakot niya matapos siyang singilin ng utang. Balitang hatid ni Bam Alegre exclusive. Arestado ang lalaking ito sa Barangay
0:47 Komembo, Taguig kagabi na nagpanggap daw na pulis. Inireklamo siya ng isang babae matapos umano siyang manutok ng baril. Base sa imbestigasyon, ayaw magbayad ng suspect sa utang niyang Php20,000 sa babae. Sinindak daw niya ang biktima at nagpakilala raw na pulis. Nagsumbong ang biktima sa pinakamalapit na pulis outpost ng kpronthin ang lalaki ng mga totoong pulis doon na nagkaalaman. Nung pinuntahan naman ng mga kapulisan natin, naka-jacket pa siya. Naka-jacket pa siya ng pulis. Uniform na jacket ng pulis with pulis markings. And may radyo pa. May radyo. So pagkatapos nga non nung makita na nakapulis na jacket siya, tinanong siya ng tropa at hiningan siya ng ID. Nagpakilala o nagp tinanong siya kung pulis ka ba
1:33 talaga. Nagpakilala siya. Sabi niya pulis daw siya. So nung hiningian naman na siya ng uh documents like the ID, PNP ID, wala siyang maipakita. So sa katagalan uma din siya, "Sir, hindi po ako pulis." Nang inspeksyon din siya malapit kung saan siya nakatira, nakuhanan ng lalaki ng handgun na walang sapat na papeles na magpapatunay na ito, lisensyado. Pati isang sachin ng hinihinalang shabu. Depensa ng suspect. Ang tanging pagkakamali lang niya magsuot ng jacket na may police markings. Hindi raw siya nagpapakilalang pulis. Itinanggi niya rin kanya ang nakuhang kontrabando. Kaya sabi ko sa sa kanila drug test tayo ngayon. Kung positive ako sige. Eh pangit naman na pagdating sa pulis
2:19 lapag yung baril at saka yung droga. Hindi hindi naman tama yun. Nakatakdang is sa ilalim sa inquest proceeding ang suspect na nahaharap sa patong-patong na reklamo. Nakasunan lang po natin siya ng userpation of authority. Ayun. And uh kasi nga wearing uniform, nagpapakilala siyang pulis, may badge pa nga and ano then isa pa isa illegal possession of firearms. Article 10591 with ah RA article 9165 for illegal possession of uh dangerous drugs. Bam Alegre nagbabalita para sa GMA Integrated news.
3:05 Nag-inspeksyon sa Port of Manila ang Customs, Department of Agriculture at DOH sa mga container van na may lamang misdeclared agricultural products. May ulat on the spot si Oscar Oida. Oscar. Yes, Raffy. Aabot nga sa mahigit 34 na milyong halaga ng sinasabing misclared agricultural products ang nasabatang Bureau of Customs sa Port of Manila nitong Huno. At kanina nga ay binuksan at in-inspeksyon ang anim na container van na kinilalagyan ng mga nasabing kontrabando sa pangungunayan nina Agriculture Secretary Francisco Chu Laurel Jr., Customs assistant Commissioner Attorney Vincent Maronilla at Health Secretary
3:51 Ted Derbosa. Ang mga ito ay pawang mga shipment umano mula pa sa China at idineklara bilang manto, egg noodles at kimchi. Pero cover lang daw pala ito pagkatamihan pala sa mga laman ay red onions, white onions at frozen macarel. Batay sa estimate ng Department of Agriculture 10.2 2 million ang halaga ng red onions, Php3.8 million naman sa white onions at lampas sa Php20 million sa frozen macarel. Ang pagkakasabat umano sa mga kontrabando ay patunay na buo umano ang determinasyon ng mga ahensya ng gobyerno na supili ang smuggling at ipagtanggol ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. Pananagutin umano ang mga nasa likod nito. Raffy.
4:40 Maraming salamat Oscar Oda. Nasundan po muli ngayong Hulyo ang rollback sa LPG. Eh magkano nga ba? Piso ko kada kilo ang bawas presyo sa LPG ng Petron at Solain. Ibig sabihin po niyan Php1 ang tapya sa kada tangke na karaniwang tumitimbang ng lilo. Sa Metro Manila pumapalo ngayon sa mahigit Php800 hanggang halos Php1,100. ang presyo ng kada tangke. 'Yan na ang ikalimang sunod-sunod na buwan ng rollback sa presyo ng LPG. [Musika]
5:26 Wala pong bagyo ha pero ilang lugar sa Central at Southern Luzon ang binaha dahil sa walang tigil na ulan. Balitang hatid ni EJ Gomez. Mabagal ang daloy ng trapiko sa Almeda Highway sa Naga, Camarines Sur. Baha kasi sa kalsada dahil sa malakas na pag-ulan. Tuloy-tuloy raw ang pag-ulan doon ng dalawang oras kaya mabilis na binaha ang lungsod. Sa Iriga, Camarin Sur, abot baywag ang baha. Humupa na ang ulan pero mataas pa rin ang baha sa lugar. Abot tuhod ang tubig sa Iriga City Centro. Ganyan din ang eksena sa Lipa, Batangas.
6:11 Pahirapang makatawid ang mga maliliit na sasakyan kaya ang iba nag-uuter na lang at naghanap ng ibang madaraan. Ang ibang motorsiklo naman pumarada muna sa gilid ng kalsada at nagpatila. Matinding traffic din ang naging epekto ng pagbaha sa Kalamba, Laguna. Hindi kasi madaanan ang ilang lane sa pangunahing kalsada dahil sa tubig. Hindi naman madaanan ang isang spilway sa San Antonio, Quezon dahil din sa baha. Humarang paroon ng mga sanga ng punong kahoy. Natanggal din kalaunan ng mga nakaharang at nadaraanan na rin ng lugar. Ayon sa San Antonio Municipal Disaster Wisk Reduction and Management Office. Malakas din ang buhos ng ulan sa Malolos, Bulacan. Naging pahirapan turoy ang pagbiyahe sa mga motorista lalo't
6:57 halos zero visibility na sa kalsada. Mabagal din ang daloy ng trapiko roon. Ayon sa PGA-asa, pinaghalong epekto ng traff ng low pressure area at hanging habagat ang nagpaulan sa Southern Luzon. Localized Thunderstorm naman ang nagpaulan sa Bulacan. EJ Gomez nagbabalita para sa GMA Integrated News. Sabi po ng Pag-asa, tumaas ang tansang maging bagyo ng binabantayang low pressure area malapit sa Central Luzon. Namataan niyan 545 km silangan ng Kasiguran, Aurora. Kung sakaling maging bagyo, tatawagin niyang bagyong bising. Sa ngayon, nagpapaulan na ang traff o extension ng anasabing LPA sa Bicol Region, Isabela, Quirino, Aurora at Quezon Province. Habang malaking bahagi
7:42 ng bansa, kasama na po ang Metro Manila ang uulanin pa rin dahil naman sa hanging habagat. Base sa rainfall forecast ng Metra Weather, posible ang ulan sa mga susunod na oras sa halos buong bansa. May mga heavy to intense rains na maaaring magpabaha o magdulot ng landslide. Mga Kapuso, dalawa o kaya tatlong bagyo ang posibleng mamuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Hulyo. Ayon sa Pag-asa, may tansa itong mag-landfall sa Visayas, Central Luzon o kaya'y dumaan malapit sa Batanes. May tansa rin namang lumihis ang potensyal na bagyo pero inaasang magpapalakas ito sa habagat. Pinaghahanda pa rin sa bantanang baha dulot ng High Tide ang ilang taga Camanava. Ayon sa Malabon LGU, asahan po ang 1.50 m na pagtaas ng tubig bandang
8:28 227 mamayang hapon. Huli ka ang pagbangga ng isang SUV sa motorsiklong iyan sa Barangay Kwartero sa Haro, Iloilo City. Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima. Hindi naman huminto ang SUV dahil sa insidente na nakit ang katawan ng rider na pauwi noong galing sa trabaho. Patuloy pang tinutukoy ang may-ari ng SUV. Posible siyang maharap sa reklamang reckless imprudence resulting in damage to property dahil sa nasirang motorsiklo. Saampahan po ng reklamo ni senadora Risa Ontivero sa NBI ang mga nasa likod ng video ni Michael Maurillo alias Rene na nagsabing tinakot at binayaran umano siya ng senadora para akusahan si Pastor
9:14 Apollo Quiboloy at mga Duterte. Pinabulaan niya ng senadora sabay labas na mga screenshot ng email at text ni alias Rene balitang hatid ni Mav Gonzalez. [Palakpakan] Sinungaling na nga ng haharas pa. Mariin ang pagtanggi ni senadora Risa Ontiveros sa mga pahayag ni Michael Maurilio alias Rene June 25 ng i-post online ng isang pagtanggol valiyente kung saan sinasabi ni Maurilo na tinakot at binayaran lang uman siya ng senadora para akusahan si Pastor Apollo Kibuloy at idawit ang mga Duterte. Kabilang sa mga isinawalat niya noon sa senado ay ang pang-aabuso umano ni Kibuloy sa ilang babaeng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ. Michael exposed people who trusted the Senate with their
10:01 stories and these are people who were already afraid. Now they are in danger. Again, yan ang tagang kinagagalit ko. Hindi lang ito paninira. Giit ng senadora, si Maurilio raw ang paulit-ulit lumapit sa opisina niya mula December 2023 at nag-volunteer na tumestigo laban kay Kibuloy. Naglabas pa siya ng mga screenshot ng email at text bilang resibo. Siya mismo ang gumawa at nagbigay sa aking opisina. Andoon na ang pangalan ng mga Duterte. Walang pumilit. Siya ang nagkusang loob. No one paid him. No one coerced him. Ilang araw bago
10:47 lumabas ang video, nag-message pa raw si Maurilio sa opisina ni Honteveros noong June 22 at 23. Michael was the one frantically messaging my staff. Sabi niya, quote, "Help me. Kinidnap ako at tinatakot ako ng kingdom. Dito ako kinulong sa Glory Mountain." Ni-report daw nila ito sa PNP Davao. Pero habang inaakson na ng pulisya, biglang lumabas naman ang video ni Maurilio na binabawi ang mga nauna niyang pahayag sa senado. Ayon kay Ontiveros, hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng video. Pero ang turing niya rito, witness tampering, fake news, psychological warfare. This isn't just an attack on my office.
11:32 This is an attack on truth telling. Hindi rin anyan nito napahina kundi lalo pang napalakas ang findings ng Senate Committee on Women and Children laban kay Kibuloy. Hindi lamang si Michael ang testigo. Maalala po natin ling sila ni hindi siya ang star witness. At yung iba sa lingat pang witness na iyon ay nag-reach out na sa opisina ko para sabihing handa nilang patunayan. Sabihin muli na sila'y nagtestigo ng malaya at hindi sila uh binayaran. Ayon kay Hontiveros, sa miyerkules ay magsasampa sila ng reklamo sa National Bureau of Investigation o NBI laban sa mga nasa likod ng video kabilang na si Maurilyo. Pinag-aaralan din niya ang pagsasampa ng kasong
12:17 kriminal. Hinihingan pa namin ng komento ang kampo nina Kibuloy at Duterte. Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News. Pinaka ito ang GMA Regional TV News. Mainit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV. Patay sa pananaksak ng sariling kapatid ang isang lalaki sa Mangaldan, Pangasinan. Chris, ano daw ang dahilan nitong suspect na kapatid pa niya? Connie, hindi raw kasi nagustuhan ng suspect ang paggising sa kanya ng kanyang kapatid na ginawa lang daw ng biktima dahil isinugod sa ospital ang anak ng suspect. Kwento ng kanilang kaanak, nakainom ng alak ang suspect ng umuwi sa kanilang bahay sa barangay Bar at uminom pa ulit sa bahay bago matulog.
13:05 Hinala nila nasa impluwensya rin ng iligal na droga ang suspect kaya nagawa ang krimen. Natutulog na raw noon ang biktima ng pagsasaksakin siya ng kapatid. Tumanggi magbigay ng pahayag ang suspect pero humiin na raw siya ng paumanhin sa kanyang pamilya. Desidido ang kanilang pamilya na sampansya ng reklamo. Sugatan naman sa pamamarilang isang lalaki sa Batak, Ilocos Norte. Base sa imbestigasyon, nakatambay noon sa isang car wash establishment ang biktima ng may humintong riding in tandem. Dalawang beses siyang binaril ng nakaangkas. Tumakas ang mga salarin. Isinugod sa ospital ang biktima na nasa maayos na ngayong lagay. Tinutugis na ang mga suspect at inaalam ang motibo sa krimen. [Musika]
13:53 Tuesday latest na mga mare at pare. Panalo ang ilang Kapuso stars at programs sa 53d Box Office Entertainment Awards. Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, film actress of the year para sa pelikulang balota. Phenomenal box office king si Asia's multimedia star Alden Richards. Natanggap din ang kanyang pelikulang Hello Love Again, ang best Ensemble Acting for movies. Movie supporting actor of the year naman si Kapuso Primetime action hero Ruro Madrid para sa pelikulang Green Bones. Hinirang na daytime TV drama actor of the year si Richard Yap at Daytime TV drama actress of the year si Jillian Ward. Para yan sa kanilang hit GMA Afternoon Prime series na abot kamay na pangarap na natanggap
14:39 din ang most popular daytime drama TV program of the year. Most popular child performer si Rafael Landicho para sa Kapuso series na My Guardian Alien. Hinirang naman as most popular TV program for News and Public Affairs ang 24 oras at most popular TV program sa talent search reality or game show category ang Family Feud. Ikinawad naman ang post humous awards sa as entertainment icon sa mga icon na sina Nora Onor, Gloria Romero, Pilita Corales, Haji Alejandro at Ricky Davao. Guys, sa baksan guys, tumambad ang sawangan yan sa makina ng isang sasakyan sa isang smoke emission testing center sa Tagom, Davao del
15:25 Norte. Batay sa imbestigasyon, dinalaro ng may-ari ang sasakyan para ipa-test nang buksan ng staff ang hood nito na andun na ang sawa. Ayon sa may-ari, matagal ng hindi ginagamit ang sasakyan at nakaparada lang malapit sa isang sapa. Hindi raw nila binuksan ang hood para suriin ang makina bago pumunta sa center. Nailigtas ang sawat na iturnover na sa city environment and natural resources office ng Tagum. [Musika] Sabi ng Department of Energy, posible pang masundan ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolo. Sa panayam ng Super Radio DWB kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, sinabi niyang malaki ang tansa na ibalik ang presyo ng oil products noong
16:11 nakaraang tatlong linggo. Mula po nitong June 10, mahigit anim hanggang halos PH8 kada litro ang naging dagdag presyo. Ngayong araw, epektibo na ang oil price rollback matapos ang sunod-sunod na lingguhang price hike. At sentimo ang bawas presyo sa kada litro ng diesel. piso at senti mo naman sa gasolina habang mahigit para sa kerosine. Ito ang GMA Regional TV News. Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV. Nauwi sa trahedya ang inuman ng tatlong lalaki sa malaybalay bukid non. Sarah, anong nangyari?
16:56 [Musika] Raffy patay ang isa habang sugatan ang isa pa. matapos silang pagtatagain ng kainuman sa barangay san Jose. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtalo ang suspek at mga biktima sa kanilang inuman na humantong sa pananaga. Tumakas ang suspect na sumuko kalaunan sa isang barangay tanod. Ayon sa pulisya, aminado sa krimen ang suspect na gumamit daw ng itak. Inaalam pa ang kanyang motibo. Wala siyang pahayag habang sinusubukan pang kunan ng pahayag ang sugatang biktima na nagpapagaling sa ospital. Patay ang isang mag-asawa matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Bacolod City. Batay sa imbestigasyon, nakatawag pa ng bombero ang babae at nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay.
17:43 Pero hindi siya nakalabas kasama ang kanyang bedriden na asawa. Ayon sa mga bombero, naka-grills at sementado ang bahay kaya nahirapan silang pasukin nito. Kwento ng anak ng mga biktima, walang kasama ang mga magulang nangyari ang sunog. Tinatayang nasa milyongo ang pinsala ng sunog. Hinihinalang sirang air conditioning unit ang posibleng sanhi ng apoy. [Musika] May inaprubahang dagdag na Php50 sa araw sahod ng minimum wich earners dito po sa Metro Manila. Hirit ng ilang manggagawa hindi sapat ang omento. Narito ang aking report. [Palakpakan] Simula July 18, epektibo na ang Php50 na umento sa sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila. Ang dagdag
18:30 sahod mangyayari isang taon matapos ang huling umento sa Metro Manila na Php35. Ang service crew na si Louis natawa na lang sao lalo pa't umasa siya sa Phpongento na paano kala sa senado. Dagdag pagkakain lang yun sir pero pang gas sa araw-araw parang hindi kakayanin pa rin yun sir. Opo. Kung apprubahan nila yung 100 baka pwede pa yun sir. Wala pang sariling pamilya si Louis pero siya ang nagtataguyod para sa kanyang may sakit na ama at inang nag-aalaga rito. Salamat na rin daw siya sa dagdag ng Swent. Ikaw ba umaasa ka sa mga congressista na ibalik pa rin? Ituloy nila yung legislated na at least 100 o 200? Na ako umaasa doon sir. Yung 50 pa nga lang sir hirap na silang aprobahan eh. 100 pa kaya Php695 na ang minimum
19:17 para sa mga nasa nonaggriculture sector sa Metro Manila mula Php645. Para naman sa agriculture sector, service and retail establishments na l pababa ang bilang ng empleyado at manufacturing establishments na walang 10 ang bilang ng empleyado. Magiging Php658 ang sahod mula sa kasalukuyang Php608. Ang Employers Confederation of the Philippines mas tanggap daw ang Php50 na aumento kumpara sa panokalang Php100 na aumento mula sa kongreso at Php200 mula sa senado. Kahit na marami sa mga miyembro namin ng medyo hindi masaya eh we will try to convince them and live with Cesaro sa registrated wage site na masyadong emotional at hindi regal sa proseso. Kabilang sa batayan
20:04 ayon sa National Wages and Productivity Commission, ang 5.4% na paglago ng kita sa mga produkto at serbisyo sa bansa o GDP nitong first quarter. Ang pagbagalan nila ng pagmahal ng mga bilhin sa Metro Manila na nasa 1.7% noong Mayo at unemployment rate na nasa 5.1% naman noong Abril. Kinailangang balansehin ang mga yan dahil sa pangambang mauwi ang taas sahod sa pagmahal ng bilihin at pagbawas sa bilang ng trabaho. Syempre tataas depende sa kumpanya meron naman yung component ng labor malaking percentage sa operation eh pagka yun tinaasan mo mapipilitang magtaas ng presung iba ah yung iba naman mapipilitang magpa ng tao kung hindi nila kaya. Pebrero noong nakaraang taon lumusot sa senado ang panukalang Php100
20:49 legislated wage high. Ang bersyon ng Camara naipasa noong June 4. Pero patapos na ang 19th Congress nang maipadala ito sa senado. Bago matapos ang sesyon, hinikayat ng senado ang Camara na i-adopt na lang ang kanilang bersyon. Pero ang Camara nanawagang i-convin ang bicameral conference committee para pag-isahin ang magkaibang bersyon. Sa huli, natapos ang 19th Congress ng hindi nai-reconcile ng kongreso ang panukala na dapat sanay unang legislated wage hike sa loob ng halos apat na dekada. Ngayong 20th Congress, sinimulan ng ihain ang mga panukalang sa sahod gaya ng panokalang Php1,200 na living wage para sa pribadong sektor. Nais naman ng ilang kongresista na buwagin ang provincial wage system at magtakda ng iisang minimum wage sa buong bansa.
21:36 Raffy Team nagbabalita para sa GMA Integrated News. At kaugnay nga po ng Php50 na pagtaas sa minimum wage sa Metro Manila, kausapin na po natin si National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Kriselda Sea. Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali. Ah magandang umaga po sa inyo at sa inyong mga tagasubaybay. Opo, ma'am Kriselda, para po sa ilang labor groups, kulang at barya lamang daw itong PHP na umento sa sahod para po sa minimum wage earner sa Metro Manila. Ano po ang masasabi niyo diyan? Ginagalang po natin yon pong mga pananaw ng ating mga kasamahan sa hanay ng mga manggagawa at gayun din po ang pananaw
22:21 ng ating mga kasamahan sa hanay ng mga employers. Ang pagdedesisyon ho ng ating regional tripartite wages and productivity board sa NCR ay naaayon po doon sa kanilang mandato na kanila hong balansehinong hong rights ng ating mga manggagawa na maprotektahan ang kanilang Hello. Yes. Go ahead ma'am. ang kanilang sweldo from und low pay. At ang mga management naman ay magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng reasonable profit sa kanila pong ah pag ah pag-i-implement ng kanila pong negosyo. At kasama rin din po dito ion pong concern ng ating government na everytime
23:09 that we have to issue a wage order it has we have to make sure that it is consistent with the trust of the government at uh to to improve the economic condition of our country. Opo. At may mga negosyo bang posible hong hindi mapabilang o exempted na sa inaprubahang sa sahod? Ah nakalagay po sa ating batas na yong mga retail and service establishments regularly employing po not more than 10 workers ay ah pwede pong mag-apply for exemption sa atin pong regional tripartite wages and productivity board sa NCR. Okay. Pero sila po ay merong ah hanggang
23:57 they have 75 days or hanggang September 15 para po mag-apply for exemption. I see. At ma'am, ano ho ang magiging pananagutan ng mga employer o kumpanya kung hindi ho nila mabigay itong Php50 wage increase? Ah nakalagay po sa ating batas na sila ay magkakaroon ng penalty na hindi po bababa sa 100,000. O at ang ah meron din ho silang ah civil and criminal liability under the law. Allr pagka ganito pong syempre mayo sa NCR humihirit din yung mga tagaaprinsya. Meron ho ba tayong nakaambang naman na maaaring wage hike din sa kanila? Yes po. Ah between tinataya po natin na
24:44 between July and August this year ah yung regions na nasa ah Calabaron region 3 or yung Central Luzon at region 7 ay susunod na rin po na mag ah mag conduct ng kanilang public consultation at public hearing. I see. Okay. at mungkahi po ng ilang mga kongresista na buwagin ang provincial regional wage system at magtakda po ng iisang minimum wage sa buong bansa. Posible ho ba ito at kung saka-sakali kailan naman ho kaya pwedeng maging effective ito? Ito po ay nasa sa kamay ng ating ah mataas at mababang kapuluhan. Ang ang mandato po ng NWPC at RTWPs ay tinatawag
25:30 po natin na delegated authority from the Congress. So at ah ito po ay aming pinapatupad ng naaayon po sa kanilang ipinasang batas noong 1989. Mhm. So na ah kami po ay active na nagbibigay ng technical assistance at technical input sa kanila sa pagbabalangkas ng batas kung sakaaling magkakaroon po sila ng ganitong desisyon. Marami pong salamat sa inyong update na ibinigay sa amin dito sa Balitang Hali, Ma'am. Thank you. Salamat din po. Yan po naman si National Wages. And Productivity Commission Executive Director Maria Criselda C. [Musika] Mga pare at pare, nag-sorry si Sparkle
26:17 Star Paul Salas sa kanyang fan na tampok sa isang viral video ng kanyang performance. [Musika] Matapos magpa-picture kay Paul, natumba ang babaeng fan. Hindi kasi sinasadyang kinuha ni Paul ang kanyang upuan para gawing impromp to prop sa kanyang performance sa Brooks Point, Palawan. Umani ang iba't ibang reaksyon ng viral video na yan. Chica ni Paul sa akin palagi siyang kumakanta at nakikihalubilo sa audience tuwing may event. Lesson learn din daw ito para sa kanya. Nakatsikahan din namin ni Paulang fan na si Katrina Jane Lopez na moving forward na after the incident.
27:06 Sorry, sorry. Hindi ko napansin talaga kaya mga Kapuso at nakutil na yung pangba-bash din sa aming dalawa. Naramdaman ko po yung sincerity din na hindi po sinasadya yung pangyayari no. Yun po and then yun syempre po ah syempre may konting kilig din bawi daw siya eh. Mula sa level 3 o voluntary repatriation ibinaba ng Department of Foreign Affairs sa level 2 o restriction phase ang sitwasyon sa Israel. Ayon sa DFA, bumubuti na ang sitwasyon ng seguridad sa Israel kasunod ng ceas fire nito sa Iran na idineklara noong June 24. Mahigpit pa rin daw na babantayan ng DFA ang tensyon sa Middle East. Ngayong alert level 2 sa Israel, sinabi ng ating embahad roon na pwede ng bumalik ang mga
27:52 OFW na may valid overseas employment certificate at reentry visa. Bawal pa rin po ang deployment ng mga bagong OFW at pagbisita ng mga turista o pilgrims wala pang anunsyo ang DFA kung ibababa na rin sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Iran mula sa kasalukuyang Alert Level 3. Balik po tayo sa mga balita sa bansa. Nauwi sa pamamaril ang pagresponde ng dalawang pulis sa insidente ng Holdapan sa Barangay Commonwealth sa Quezon City. Patay po ang isa sa mga aoridad pati ang bumaril sa kanyang suspect. Balitang hatid ni Nico Wahe. Pulis ang lalaking ito na nakita sa CCTV sa Katipunan Street Barangay Commonwealth, Quezon City. Maya-maya may
28:37 lalaki sa likod na lumapit sa kanya. Sa puntong iyon binaril ng lalaki ang pulis. dumating ang ka-buddy ng pulis at gumanti sa lalaking bumaril. Although meron na po siyang mga tama, nakaretaliate pa po or naka pag fire back pa itong ating um pulis dito sa ating suspect. Tinulungan din naman po siya nung kanyang ah nung kanyang ka-buddy na at matapos po yun ay naitakbo pa po ng ospital. Ang napatay na pulis kinilalang si patrolman Harwin Kurt ni Bagay ang balang tumama sa braso niya tumago sa dibdib. Hindi patukoy ang pagkakakilala ng suspect. Ayon sa NCRPO, nasa lugar ang dalawa para rumisponde sa holdapan. Sabi ng isang saksi, sunod-sunod ang umalingaw na putukan noon. Ito 'yung pulis pasugod na 'yung
29:23 may customer kaming gumagawa kami ng burger non eh. May customer kami. 'Yun 'yung mga customer napayuko bigla. Narinig kami ng ano. Una akala namung motor. Pangalawa sunod-sunod na yung putok ng baril. Sugutan ng food cart owner na hinold up ng lalaki pati isang bystander na nabaril din. Dito nakaposte yung mga pulis ng may marinig na putukan at nangreresponde sana tumakbo sila sa bahaging ito kung saan isang lalaki ang nakasalubong nila na nagtuturo kung saan umano tumakbo ang nagpaputok. Pero ang nagturo siya palang holder at ang siya ring nagpaputok. Kaya pagtalikod ng pulis ito rin ang bumaril sa kanya. Hindi po kasi nila identified kung sino pa yung suspect. So doon po sila napalapit nung tumalikod na po itong ating mga pulis saka po bumunot naman po
30:10 itong ating ah suspect at pinaputukan po itong ating ah isang patrolman. Inaayos na raw ng PNP ang pagpaparangal kay Patrolman Bagay Ngikwahe nagbabalita para sa GMA Integrated News. Mas maraming Pinoy ang pabor na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC. Ayon sa OCTA Research Group. Batay sa kanilang tugo ng Massa Survey, 57% ng mga Pinoy nationwide ang pabor sa muling pagsali ng bansa sa ICC, 37% ang hindi sang ayon at 6% ang undecided. Sa lahat ng rehon sa Luzon, majority o lampas 50% ang nasabing pabor sila na bumalik sa ICC. Majority yes din sa western at Eastern Visayas pati na sa Negros Island Region.
30:56 Sa Central Visayas naman, mas marami ang hindi pabor na bumalik sa ICC ang bansa. Sa lahat din ng rehiyon sa Mindanao, mas marami o majority rin ang nagsabing hindi sila pabore. Ayon sa OCTA Research, noncmission ang survey na may 1,200 respondents. May margin of error ito na plus or minus 3%. Ginawa ang survey noong April 20 hanggang 24 mahigit isang buwan matapos maaresto at makulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kasong crimes against Humanity na isinampa sa ICC. March 2019 ang kumalas ang Pilipinas sa Rome statute na nagtatag sa ICC. Wala pang komento kaugnay ng survey ang Malakanyang. Sinabunutan at kinaladkad ng babaeng yan ang isa pang babae sa isang bar sa
31:42 Barangay Santo Niño, Iloilo City. Ang isa na matupad ng silya. Umaawat ang ilang customer at mga bouncer ng bar pero hindi natigil ang gulo at umaabot pa sa labas. May natumba pang motorsiklo at napaupo ang isang babae. Tuluyan lang natigil ang gulo nang umawat ang mga barangay tanod. Ayon sa pulisya, apat na babae mula sa dalawang grupo ang napaaway. Nagsimula raw ito sa parinigan at masasamang tingin sa isa't isa hanggang sa nauwi ito sa sagutan at sa bunutan. Nagtamo ng mga sugat ang dalawang sangkot sa away. Nakatakdang magharap sa barangay ang apat na sangkot sa gulo. Sinisikap pa ng GMA Regional TV na kunin ang kanilang pahayag. [Musika]
32:30 Sa pagsisimula po ng termino para sa 20th Congress, iginiit ng ilang senador na dapat ituloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sarah Duterte. Balitang hatid ni Mav Gonzalez. Nagsimula na ang termino ng lawang senador na nanalo sa eleksyon 2025. Kaya si Senator Risa Ontiveros maipanawagan kay Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Chis Escudero. Sana ipanumpaan ni presiding officer yung lawa pang ah bagong mga senador. Sa lingawang newly elected senators, lima ang reelected. Sinapia Cayatano, Bato Del Rosa, Bongo, Lito Lapid at Imy Marcos. Apat naman ang returning o mga
33:15 dating senador na nagbabalik senado si Naabam Aquino, Ping Laxon, Kiko Pangilinan at Tito Soto. Habang tatlo ang mga bagong salta sa senado, sina Rodante Marcoleta, Erwin Tulfo at Camille Villar. Sabi ni Hontiveros, incon pa rin ang impeachment court at hindi pwedeng basta lang i-dismiss ang kinakaharap na articles of impeachment ni Vice President Sarah Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis. Tulad ng sinasabi ng iba, the impeachment trial is alive uh and ongoing. Due process requires it. Hindi naman pwedeng ah um meron lang motion to dismiss pagbobotohan na namin. Ah dismiss, in effect. Gayun din. Hindi naman pwedeng hindi pa kami
34:00 nagko-condukta ng trial boboto na kami convict. So hindi yan patas whether sa prosecution, whether sa umpached official, higit sa lahat sa ating publiko. Sabi rin ni Senador Joel Villanueva, tututulan niya kung may magmosyon na i-dismiss agad ng korte ang articles of impeachment. I don't know if it is still vague to some individuals iyung provision ng Constitution. Yung initiation exclusive sa house, trial exclusive sa Senate. For me, parang napaka-clear. We need to have a trial. Gusto rin makita muna ng bagong senador na si Erwin Tulfo ang mga ebidensya kaya kailangang umabot sa trial. Pero sabi
34:47 niya, I'll be the first one to say kung within after few days wala naman laman, why don't we just dismiss this? Pero kung may laman naman, then let's fight. Uh it will take six months Senator Erwin Tulf then let's go for it. Sabi rin ni Senador Tito Sotto dapat bigyan ng pagkakataon ng prosekusyon at ang vis na ipresenta ang kani-kanilang argumento sabay banggit sa hinaharap ng Senate Leadership. I expect that the impeachment court we will be called by July 29 nung kung sino man iyung Senate President. Hindi pupwedeng ide-drible yun. Hindi pupwedeng ah nga babaliwalain yun. Hindi pwede because it's uh it what it's what the constitution says. We have to follow the constitution. At kahit pa hindi sumunod ang Camara sa ikalawang
35:33 utos ng impeachment court na dapat ideklara ng 20th Congress na desidido pa silang ituloy ang impeachment, mananawagan kami na na magkaroon ng schedule para pag-usapan kaagad 'yun at mag-convene yung impeachment court. Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News. [Musika] Weather update tayo ngayong tumaas ang tansang maging bagyo ng binabantayang low pressure area. Kausapin natin si Chris Perez, Assistant Weather Services Chief ng Pag-asa. Magandang umaga at welcome po uli sa Balitang Hali. Magandang umaga Raffy at sa lahat po ng ating mga tagasubaybay. Opo. Saang direksyon po patungoy itong binabantayang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Sa ngayon Raffy medyo mabagal ang
36:19 pagkilos nito. Kumbaga wala tayong definite nakikitang pagkilos during the last 6 hours pero nananatili pa rin ito sa karagatan dito nga sa silangang bahagi ng ah Central Luzon at inaasa natin na posible pa itong bahagyang kumilos papalapit ng landbas ng ating bansa bago nga tuluyang maging isang ganap na bagyo possibly beyond the 24 hour period and then saka kumilos ng palayo ng ating bansa sa mga susunod na araw. Mm. Bakit po tumaas ang tansa nitong LPA na maging isang bagyo? Rapi kasi ang nakikita natin nong bagyo ay nasa bahagi ng dagat na kung saan mainit ang tinatawag nating seorfcus temperature. Yung around 30° Celus ay very favorable para sa isang low pressure area na tuluyan ng maging isang ganap na bagyo. Dagdag pa diyan yung tinatawag nating ah wind sheer o yung pagbabago ng lakas ng hangin sa iba't
37:06 ibang level ng ating atmospera. kung saan nandito yung low pressure, mahina itong hangin nito kaya patuloy nga yung cloud development ng binabantian nating low pressure. So ilan lamang yan sa mga factors na nakikita natin na kung kaya't mas tumataas ang tansa nitong maging bagyo nga beyond the 24 hour period kaya continuous monitoring tayo dito sa Pagasa. Mm. May mga epekto na po ba itong LPA sa kalupaan ng bansa? Sa ngayon po iyung trap or extension nitong low pressure, inaasahan nga natin na makakaapekto sa kabikulan sa lalauwigan ng Isabela, Kirino, Aurora at ng Quezon. Itong mga nabangit nating lugar magiging maulap. May mga pag-ulan at mga pagkidlat at pagkulob in the next 24 hours. Mm. At kahit inaasahan pong lumayo itong ah ah bagyo kung maging bagyo ito, hihilahin ba nito yung habagat? Tama, Raffy no. Actually sa
37:53 ngayon pa lamang ay may umir na tayong habagat na siyang nagdudulot ng pag-ulan hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa buong Visayas. Dito nga sa Calabar zon sa may Maropa ganun din sa Zamboanga Peninsula Caraga, Northern Mindanao at sa natitirang bahagi ng Central Luzon. Kaya pinapayuan natin yung mga kababayan natin dito sa mga nabanggit na lugar na patuloy ding mag-monitor sa mga thunderstorm at rainfall advisory na ipapalabas ng ating mga PAGAASA Regional Services Division. maging alerto rin sa mga posibleng pagbaha at paghuhun ng lupa. Lalong-lalo na kung yung mga lugar nila ay ilang araw na pong nakakaranas ng mga pag-ulan. Kaya patuloy pong tumutok sa balitang hali at sa GMA News. Maraming salamat po Chris Perez ng Pag-asa. Maraming salamat din po. Magandang araw. Kinilala at pinasalamatan ang mga
38:38 miyembro ng Philippine Air Force dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa bansa. Maulat on the spot si Ivan Myina. Ivan Coni pana pandangal sa ikait na founding anniversary ng Philippine Air Force si Pangulong Bongbong Marcos dito sa Villamore Airbase sa Pasay City. Sa kanyang talumpay kinilala ng pangulo ang mahalagang papel ng air force hindi lamang sa pagbabantay sa seguridad ng ating himpawid kundi maging sa matatawarang tulong nito sa pagresponde sa mga kalamidad at agar paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan. Sausapin naman ng pagbabantay ng teritoryo, kinilala rin ng pangulo ang mga nagawa ng air force sa pagmaman sa ating air space at gayon din sa ating karagatang sakop ng ating teritoryo. Angang patuloy
39:23 niyang umaasa ang sambayanan sa air force. Patuloy naman ang commitment ng administrasyon ng patuloy na suporta sa Philippine Air Force sa pagtiyak na mabibigay ang kanilang mga pangangailangan sa kagamitan at gayon din sa pagsasanay para patuloy nilang baganan ang kanilang tungkulin. Connie maraming salamat Ivan Mayina. [Musika] Mga mare at pare, nagkita sa Beyond 75 Kapuso event nitong linggo ang mag-ex na sina Jack Roberto at Barbie Forteza. Nasa dinner table noon si Barbie at kaharap niya si Jack na All smiles naman. Si Jack daw ang lumapit para batiin si Barbie. Hanga naman ang netizen sa magandang pakikitungo ng
40:10 dalawang Kapuso star sa isa't isa. 7 years ang relasyon nina Barbie at Jack. January nang i-anunsyong hiwalay na sila. Muling nagkasanang bantay sa gabal operations ang MMDA at pulisya sa bahagi ng Padrefa Street sa Maynila. Kabilang sa mga inalis ang isang bisikletang nakakadena malapit sa isang puno at poste. Wala roon ang may-ari ng bisikleta kaya kinumpiska ang bisikleta. Isang rider din ang nasita at natikitan dahil hindi nakasuot ng helmet. Nag-iikot ang mga autoridad sa Padrefa Street para tiaking walang nakahambalang na sasakyan sa kalsada. [Musika] Pinangunahan po ni Pangulong Bongbong Marcos ang special bell ringing ceremony sa Philippine Stock Exchange kaninang
40:56 umaga. Hudyat po yan ng unang araw ng pagpapatupad ng Republic Act number 12214 o Capital Markets Efficiency Promotion Act. Sa ilalim po ng batas na pinirmahan ng pagulo noong May 30, binawasan ang mga buwiis sa pag-i-invest at pinasimple ang tax system ng iba't ibang financial products gaya ng stock transaction tax na dating 0.6% ngayon'y 0.1 % na lang. Ayon sa PSC, malaking tulong ang batas para mas maging competitive ang stock market ng Pilipinas kumpara sa mga karatig bansa sa Southeast Asia. Ito ang GMA Regional TV News. Nalunod
41:46 ang isang lalaking senior citizen sa isang ilog sa Toledo, Cebu. Kwento ng anak niya sa pulisya na tangay ng tubig ang tsinelas ng kanyang ama habang tumatawid sila ng ilog. Sinusubukang kunin ng ama niya ang tsinelas hanggang napunta siya sa malalim na bahagi ng ilog. Hindi raw nagawa ng anak na sagipin ang ama dahil pareho silang nakainom at hindi rin daw siya marunong lumangoy. Kaya humingi siya ng saklolo. Naahon ang biktima ng mga bombero at coast guard pero idineklarang dead on arrival sa ospital. [Musika] Nahulog sa bangin ang isang mixer truck sa Dipakula Aurora. Dead on the spot ang 38 anyos na driver ng truck habang sugatan naman ang kanyang pahinante. Base sa imbestigasyon na wala ng preno
42:32 ang truck kaya nawalan din ng kontrol ang driver sa sasakyan. [Musika] Iba't ibang mga lokal na produkto at serbisyo ang ibinida sa 2025 wedding fair ng Department of Trade and Industry. Kabilang po diyan ang mga barong na may hand drawn details na hinabi pa mula sa Calibo, Aklan. Handcrafted fashion accessories mula naman po sa Losaguna at iba't ibang klase ng mga bridal at room shoes mula Marikina at Liliw Laguna. May events group din na ibinida ang mga destinasyon sa Laguna na swak maging wedding venue. Suportado o suporta raw ng DTI sa maliliit na negosyo ang wedding fair.
43:18 [Musika] Sa bawat pamilya meron talagang paboritong anak o apo eh ' ba sa isang pamilya sa Marikina aso ang paborito ni Lola. Maladonya raw ang trato sa kanilang Asp na pinangalanang Donya Buding. [Musika] Ang bango. Ang bango. Ayan oh. Kwento po ni Cooper Kay Aquino. Ganyan talaga mag-bonding ang kanyang aso at nanay niyang si Emy. Minsan daw paiba-iba pa ang tono at lyrics ng kanta. Biro ng ilang netizens si Donya Buding ang tagapagmana ni nanay Emy. Ang iba naman na touch sa lambingan nina Donya Buding at nanay Emy. Ang video na yan ay may
44:04 halos 300,000 views na online. Trending. Ang cute no? Ito po ang balitang hali. Bahagi kami ng mas malaking misyon. Ako po si Coan Season. Raffy Tima po. Sama niyo rin po ako. Obri karampel para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan. Mula sa GM Integrated news, ang news authority ng Filipino [Musika]