0:00 [Musika] Mawalan na naman ho ditoang nakahanda ng mga equipment na gagamitin ngayong umaga sa search and retrieval operation sa Taalake kung saan tinuturong itinapon ang mga labi ng ila sa nawawalang sabungero. Live mula sa Talisay, Batangas. May unang balita si James Agustin. James ig. Nakahanda na nga yung mga water assets ng Philippine Coastgu Guard. Dito po yan sa Fishport. Maging yung iba pang gagamitin sa pagsisit sa Taal Lake para hanapin ang mga labi ng mga nawawalang sabongero. Mag 2:00 sa madaling araw kanina ng
0:46 dumating sa Coastguard substation dito sa Talisay ang mga gagamitin para sa search and retrieval operations na sisimulan ngayong araw. Dinala ang mga ito sa fish port na magsisilbing staging area at isa-isang ibinaba ng mga tauhan ng PCG. Kabilang diyan ang mga diving suit, fins at oxygen tanks na gagamitin ng mga technical rec diver. Biasa ang mga technical divers na sumisid ng mas malalim lalo pa't nasa 198 m ang lalim ng Taal Lake o katumbas ng anim na palapag na gusali. Naka-standby na rin ang mga cadaver bag, first aid kits at life ring. Nakahanda na rin ang isang rigid hall inflatable boat o rib na kayang makapagsakay ng 10 tao. Maging ang tatlong rubber boats na kaya naman makapagsakay ng tatlo hanggang apat na tao. Ang pagsisimula ng pagsisisi ng mga
1:32 diver mamaya ay depende pa sa maging lagay ng panahon at water curret. inaasahan na darating ang mga kinatawan mula sa Department of Justice, PNP Criminal Investigation and Detction Group and Philippine Coastgard. Samantala, igan, sa mga oras na ito ay maganda naman 'yung lagay ng panahon dito po sa area na ito ng Talisay, Batangas. Pero kaninang madaling araw ay nakaranas tayo na mahinang pag-ulan. Yan ang latest sa sitwasyon mula dito sa Talisay, Batangas. Ako po si James Agustin para sa GM Integrated News. James, may binanggit ba kung anong oras posibleng simula na itong pagsisid at ano ano iyung mga hamon na hinaharap ng mga sisisid? Igan wala pang binabanggit sa atin kung
2:18 anong eksaktong oras magsisimula yung posibleng pagsisid dahil ang sinasabi sa atin ay pagdating dito ng iba't ibang kinatawan ng gobyerno tulad halimbawa ng PNPCIDG, DOJM, maging ng PCJ, magkakaroon na muna ng pagpupulong at briefing at pag-uusapan. an kung paano ito isasagawa dito sa Taal Lake. Ang nandito pa lamang ngayon ay mga assets. Doon sa tanong mo Igan na mga hamon, tatlo yung binabanggit sa atin na posibleng hamon. Unang-una ilagay ng panahon. Kaninang madaling araw ay nakaranas sa mahinang pag-ulan dito sa lugar. Pero ngayon naman ay mukhang maganda naman yung panahon ngayong umaga nung pumutok na yung araw. At ikalawa yung water current, yung agos po ng tubig dito sa Taal Lake. At ikatlong binabantay ang paigan ay naka-alert level 1 kasi itong bulkang Taal. Igan. Gaano ba kalalim yung bahagi ng taalik
3:03 na sisisirin mamaya? Yung mismong bahagi igan kung saan sisimulan yung pagsisid ay hindi pa natin tukoy kaya hindi pa natin masabi kung gaano kalalim yun dahil iba't iba daw kasi yung lalim nito area nito depende ah sa kung saang lugar dito sa Taalake pero yung pinakamalalim na part ay nasa 198 m o katumbas po yan ng anim na pong palapag na gusali pero kung ang pag-uusapan ay kung malapit lamang yan doun sa mga fish cages ay hindi naman ganon kalalim ayon doun sa mga nakausap natin na mga mangingisda at mga tauhan ng Philippine Coast Guard dito igung whistle blower ba na si Julie Patidongan alias Totoy o Dondon kasama ba siya diyan para personal na tukuyin yung ah
3:50 lugar sa Lawa 'yan igan ay wala pa tayong impormasyon na nakukuha mula sa DOJ at PNP at napakalimitado lang kasi nung impormasyon na naibahagi sa atin ng Philippine Coastgu Guard kaugnay dito sa isasagawa nilang search and retrieval operation ngayong araw. Igat kamusta sa ba lagay ng panahon ngayon at sakaling umulan kanselado ba yung operasyon na yan? Ngayon igan ay maganda naman yung panahon na nakikita natin kumpara nga kaninang madaling araw at may posibilidad na makansela yung isasagawa nilang operasyon kapag bumuhos yung ulan mamaya dahil isa yun dun sa mga konsiderasyon dito sa pagsisid sa Taalake. Kumusta seguridad sa paligid? James
4:37 ngayong umaga igan ay naghigpit na dito sa fishport kung saan matatagpuan itong water assets ng Philippine Coastgard at mas maghihigpit pa raw sila sa mga susunod na oras dahil inaasahan yung pagdating ng mga kinatawan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno. At natanong din natin ang coast guard simula daw n pumutok itong issue na ito na umano dito itinapon yung mga labi ng mga nawawalang sabungero ay mas naghigpit na rin sila sa pagpapatrolya dito sa area na ito ng Taalig. Igan maraming salamat James Agustine. Ingat. Matumal ang biyahe ng ilang namamasada ngayong maulan ng panahon sa ilang lugar sa Metro Manila. Live mula sa Marikina. May unang balita si EJ Gomez. EJ iga nakararanas ng pabugso-bugsong ulan
5:24 na may kasamang malakas na hangin dito sa Marikina City. Ang klase nga no sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ay suspendido na. Maulang panahon ang naranasan dito sa Marikina City. Pabugso-bugso ang ulan simula kaninang madaling araw. May pagbaha sa ilang lugar dito ayon sa ilang residente. Hirap ding mag-commute ang ilang papasok sa trabaho. Maulang panahon din ang naranasan sa ilang lugar sa Quezon City gaya sa IBP road na may ilang mamimili at commuter ang sumuong sa malakas na ulan. Balik tayo rito sa Marikina no. Dahil sa malakas o maulang panahon matumal ang biyahe ng ilang
6:11 namamasada. Gayun din ang benta ng mga nagtitinda. Bumaha din po dito sa may Malanday. Un po tsaka dito po bumaha na rin po dito habang nagtitinda po kami. Lalo na ngayon kasi ano ano train season. Ayan pagkadating talaga ng July hanggang September matumahal po yan. Suspended po kasi 'yung pasok kaya magte-training din po sana kaso sarado po 'yung sports center kaya uuwi na lang po at mag-aaral na sa bahay. Walang pasok, walang gaanong namamalengke kaya medyo mahina 'yung biyahe o kaya mahaba yung pila igan sa mga puntong ito no nakikita
6:57 ninyo na nasa 12.9 yung antas ng tubig dito ngayon dito sa Marikina River at 15 met yan no bago ideklara yung unang alarma makikita niyo rin na may kalakasan yung agos ng tubig itong lapad ng Marikina River ah ngayon ay nasa 50 to 55 m na pag natapos yung Pasig River Pasig Marikina River Channel improvement project ay magiging 80 to 100 m. Meron ding dredging na ginagawa na aabot sa humigit kumulang 3 m. Pag natapos yan ayon sa Marikina LGU no magiging doble yung water carrying capacity nitong Marikina River. Iganya ang latest mula rito sa Marikina City.
7:45 EJ Gomez para sa GMA Integrated News. Mayibagong traffic scheme sa Litex Payatas Road sa Quezon City na layong maibsaan ang matinding traffic. Pero ang ilang commuter hindi raw alam na may bagong ruta kaya naghihintay pa rin sila sa mga lumang sakayan. May unang balita live si Bea Finlac. Bea, igong traffic scheme na unang araw ipinatuto pa dito sa Barangay Commonwealth tila hindi pa mahigpit na nasunod kaninang madaling araw. Maagang namasada ng jeep si Mangheim ngayong araw. Ngayong hes unang araw ng pagpapatupad ng bagong traffic scheme sa
8:32 Litex Payatas Road. Ayon sa QCLGU, ipinatutupad ito ng Barangay Commonwealth para masolusyunan ang masikip na daloy ng trapiko sa lugar. Sabi ni Mang Haime, bawas na naman ito sa kita nila dahil mapapalayo raw ang iikutan nila sa bagong ruta. Bale gagastos kami ng gasolina ng marami dahil hahanap kami ng makadaan kami papunta rito apektado talaga dahil yung halimbawa kikita kami na ano idadagdag namin sa crudo. Wala kaming magawa walang ano yan hindi sila mapigil diyan eh. Talo kami. Sa bagong traffic scheme. Bawal ng pumasok o kumanan sa Soliven o Luna Street ang mga motoristang galing sa Montalban, Rizal. Diretso na ang mga sasakyan sa Litex Payatas Road hanggang
9:19 IBP Road. Kung galing naman kayong Commonwealth Avenue papuntang Montalban, Rizal, hindi na pwedeng pumasok o kumanan sa IBP road. Diretso na lang sa Commonwealth Avenue at saka papasok o kakanan sa Solliven o Luna Street hanggang sa kanto ng Litex Payatas Road. At sa mga galing IBP road patungong Montalban, Rizal, hindi na pwedeng pumasok o kumanan sa kanto ng Litex Payatas Road. Diretso na rin sila sa Commonwealth Avenue papasok sa Soliven o Luna Street hanggang sa kanto ng Litex Payatas Road. Ang problema ng ilang commuter na nakausap natin, hindi raw nila alam ang bagong traffic scheme kaya nag-aabang pa rin sila sa mga lugar na hindi na dapat pinapasukan ng mga pampasaherong sasakyan. Araw-araw po ako andito tuwing maaga. Ngayon ko lang
10:06 nalaman ma'am. Ayon sa QCLGU, inalis na rin ang mga vendor sa kalsada at naglagay ng mga tamang tawiran. Pero may mga tindahan pa rin na nakapwesto sa daan. Matagal na kaming pinagbawalan. Kaya lang naglalatag lang kami dito pag ganito. Madaling araw. T's mamaya aalis din kami. Wala na kayong maapekto sa amin. Syempre wala na kaming mapagtitindahan. Wala na kaming hanap buhay. Igan. Maulan ang bungad sa unang araw ng implementasyon ng bagong traffic scheme. Maga 6 ng umaga ng nakita nating dumating yung mga tauhan ng LGU at barangay para magmando ng trapiko rito. At doon mas nalinawan yung mga motorista kung saan na lang sila pwede at hindi na pwedeng dumaan. At yan ang unang balita mula rito sa Quezon City. Bea Pinlock
10:52 para sa GMA Integrated News. Naghain ng reklamong cyber libel si Senadora Riza Ontavero sa Department of Justice laban sa pitong personalidad dahil sa pagpapakalit umano ng maling impormasyon online. Ang mga inireklamo ay sina Michael Mourillo, Attorney Ferdinand Topacio, Byron Cristobal, Obanat Bay, Jeffrey Kaeric Cruz, Oselis, Criset Chu, Jay Sonsa at Alex Dor Moreno. Nagugat reklamo sa video ni Mourilio o alias Rene na lumabas nung hunyo kung saan sinabi niya na binayaran umano siya ni Ontiveros para tumestigo sa senado laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sarah Duterte at Pastor Apollo Kibuloy.
11:38 Tinanggi ni Ontiveros ang mga paratang. Ayon kay Tupaso, hindi pa siya makakapagkomento dahil wala pa siyang natatanggap na summons. Sabi naman ni Banat Bay, "Bakit masyadong defensive ang senadora sa issue?" Tinawag naman ni Moreno na legal harassment at bullying ang ginagawa ng senadora. Para naman kay Celiz, pag-atake ito sa free speech at freedom of expression. Sinusubukan pa naming makuha ang pahayag ng iba pang inireklamo ni Ontiveros. Sabi ng senadora, posibleng may mga sasampahan pa siya. ng reklamo sa mga susunod na araw. Lifelong na naniniwala ako at nagtataguyod ng freedom of speech, freedom of expression. At the same time,
12:24 malinaw ako mula sa simula. Hindi yan nag-e-extend sa pagkalat ng mga kasinungalingan na maglalagay pa sa panganib sa ibang mga tao. sa mga susunod na araw dahil patuloy yung aming pagkalap ng mga digital information ng mga taong ito. Itong unang anim at pati yung mga ah isang yung anim pa naisama sa reklamo ko sa NBI. Maaaring magdagdag pa kami ng mga isasama sa kaso. [Musika] Kaugay naman sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court. Sinabi ng anak niyang si Vice President Sara Duterte na tila may pekeng testigo sa kaso ng ama. Ang naging basehan ng bise ang nabasa raw
13:09 niyang affidavit ni Michael Mourillo o alias Rene ang testigo sa senado na nag-retract ng kanyang testimonya laban kay Apollo Kibuloy. May unang balita si Marison Abdurrahman. Mula sa De Netherlands, may alegasyon si Vice President Sarah Duterte tungkol sa mga ihaharap na saksi sa International Criminal Court laban sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sabi ng B, tila meron daw kasama ditong mga pekeng witness ang kanyang basehan. Ang nabasa umano niyang affida David ni Michael Mourillo alias Rene ang testigong ini sa senado ni Senador Risa Ontiveros. Para din noon si pastor Apollo Kibuloy at ang mag-amang Duterte. Pero kalaunan ay binawi ang kanyang mga sinabi sa pamamagitan ng isang video. Nabasa ko na
13:55 yung ate David niya bago pa man siya lumabas publicly no. Ah in fact merong mga nakalagay doon na nakasama niya ang mga witnesses ko no ng ICC doon sa isang bahay kung saan siya ah pinatira. ni Senator Ontiveros. Sinabihan ko din ng lawyer ni President Duterte non no na merong meron ngang ganon na statement yung witness against sa POy na ngayon ay ah nagsasabi na hindi totoo yung mga sinabi niya sinabi niya na na kasama niya sa tirahan ah mga witnesses ng ICC. alegasyon ni Mourillo. Binayaran
14:42 umano siya noon para humarap sa pagdinig ng senado. Kaugnay ng mga pangaabuso umano ng pastor. Sabi ng bisey, seryoso ang alegasyon kaya dapat daw maghain ng kaso si Mourillo. It should be answered no clearly kung ano ba talaga ang nangyari. And kung sa tingin ni alias Rene na dapat siya ay magile din ng kaso ay dapat gawin niya din yon para nasasabi niya yung totoo sa loob ng korte at ah nakakasagot din ng maayos yung mga akusado sa loob din ng korte. Sa isang pahayag, sinabi ni Hontiveros na pinaninindigan niya ang kanyang mga sinabing kasinungalingan ang mga sinabi ni Mourillo sa video. Kung meron daw bagong affidavit si Mourillo na
15:29 naglalaman ng mga kasinungingan laban sa kanya at mga biktima ni Kibuloy, sa tingin niya maaari siyang kasuhan ng perjury. Gusto rin malaman ni Honteveros kung paano nakuha ni VP ang salays ni Mourillo bago pa ilabas ang kanyang video na tinawag niyang fake news. Ito ang unang balita. Marisola Abdurrahan para sa GMA Integrated News. [Musika] Ang ating Island Girl trending benta sa netizens ang recent tiktac entries ni XPB housemate and sparkle starvi at rata. At ko masabi na ako'y isang [Musika]
16:15 gwapa naman talaga flexing her morena beauty si Shuvi sa video. Tampok diyan ang TDH ni Shuvi na si sparkle artist Anthony Constantino. May 4.1 million views na yan sa TikTok. Trending din sa kilig ang isa pang tikt entry nila ni Anthony na may 3.1 million views na. Showbiz Chica tayo sangre terra Bianca Umali. Napanood na sa episode kagabi ng Encantadia Chronicle Sangre. Nagdalaga na kasi si Tera sa mundo ng mga tao. Ayun. Ipinasilip din ang kanyang
17:02 training sa paggamit ng Arnist Sticks. Kung noong bata siya marami ng pagsubok, ano pa kaya ngayong dalaga na siya? Abangan yan Mondays to Friday sa GMA Prime 8 p.m. pagkatapos ng 24 oras. Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka. Mag-subscribe na GM Integrated News sa YouTube. [Musika]