0:00 Hataw balita ngayon. [Musika] Magandang magandang umaga Luzon, Visayas, Mindanao at sa buong mundo. Oras po natin sa buong Kapuluan 51 ng umaga Philippines na third time. Ako po si Annie Rantoy. Ngayon ay araw ng Lunes ika sa buwan ng Hulyo taong 2025. Tayo po ay sabayang napapakinggan sa Radyo Laberdad 1350 ang UNV radio. At syempre makakasama rin natin ngayong umaga ang ating global correspondent na
0:46 si Klein Singka mula naman sa Los Angeles, California, USA para ihatid ang mga balita mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kin magandang umaga sa iyo. Samantala simulan na natin nagbalitaan narito ang malalaki at makabuluhang balita ngayong araw. [Musika] Iginiit [Musika] ni Bicol sa royalist representative Terry Ridon na walang obligasyon ang Pilipinas na makipagcooperate sa International Criminal Court o ICC para sa interim release ni dating pangulong Rodrigo Dute. Anya hindi posible ngayon ang issue ng interim release o house arrests sa dating pangulo dahil sa naging desisyon ng
1:33 administrasyon nitong mag-withdraw ang bansa sa ICC. Ginawa nito ang pahayag sa gitna na isinusulong sa senado na isang resolusyon para hikayatin ang pamahalaan ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa ICC at hilingin ang house arrest nagdating pangulo habang naghihintay sa paglilitis sa kasong crimes against humanity. Kaugnay ng antidrag war nito. Hataw balita ngayon. Binigyan diin ni Senator Fanpil Ping Lakson na ang trabaho ng Senator Juds ay makinig sa mga argumento, counter arguments at gumawa ng desisyon. Ito ay matapos ihayag ng tagapagsalita ng Sanatin Peachman Court na inaasahan nila ang mainit na debate kapag nag-recon ang
2:21 impeachment court sa July 29. Kasunod ito ng paglalahat ni Senator Ronald Bato de la Rosa na maghain ito ngyon upang tanungin ang senado sa 20th Congress kung payag mga miyembro ng institusyon at talakayin pa rin ang impeachment case. Bonso nito naglabas ng gentle caution o malumanay nababala si Senator Ping Lakson sa mga kapwa niya si Senator Judge kaugnay ng jurisdiksyon ng impeachment laban kay Vice President Sarah Duterte. Ayon sa senador, dapat hayaan ng paghahain ng lahat ng motions at pleadings sa panig ng prosekusyon at depensa. Hataw balita ngayon.
3:06 Poor visibility ang nararanasan ng mga technical diver ng Philippine Coast Guard sa isinagawang search and retrieval operation sa Talake nitong weekend. Sa underwater video na ibinahagi ng PCG, makikita na kahit malakas ang flashlight na may na ang hirap pa ring maaninag kung ano ang nasa ilalim ng lawa. kung kaya't kinakailangan pa nila itong kapain. Ayon kay Coastgard District Southern Tagalog Commander, Commodor Heron Motovilla, sa mga nakuhang laman ng sako ay mayroon ding nakalagay na bato na pampabigat sa mga sako. Pero hindi muna ito kasama sa kinuha ng mga diver.
3:54 May ano siya kasi ah yung itong nakuha natin may sort of sinker. May pabigat. Ah stones din ba to? Yes. Oo. Ah minarkahan na lang. Minarkahan at ah ano kasi nakita niyo kanina ang tagal nung ano paghul nung ah tropa natin and ah medyo dina-drag nila para mas ah may pwersa paangat. Hataw balita ngayon. Ikinagalit ng Special Action and Intelligence Committee for transportation of Saec ang insidente ng pamamaslang sa isa nilang enforcer sa General Trias Cavite. Nagtamo ang biktima ni si Herbin Cabanban na mga tama ng bala sa leeg,
4:40 mata at pisngi. Iniimbestigahan pa ng autoridad kung may kinalaman sa trabaho niya sa pag-duty sa EDS Busway ang nangyaring pamaslan. Kinondin naman ng Department of Transportation ang insidente at sinisikap na ng ahensya na makipagugnayan sa law enforcement agency para mapanagot kung sino ang nasa likod nito. Ayon kay Transportation Secretary Vince Don, titiyakin anila nila na hahabulin ng hustisya ang pumaslang sa kanilang tauhan. Hataw balita ngayon. Pumanaw na ang overseas Filipino worker sa Israel na si Lea Mosquera na nagtamo ng mga sugat dahil sa pag-atake noon ng mga missile ng Iran sa Israel. Ayon sa
5:27 Department of Migrant Workers, ipinaabot na ng kanyang kapatid na nasa Israel din ang impormasyon. Sa ngayon, nakikipagugnayan na ang DMW sa Philippine Embassy sa Israel para maipauwi ang mga labi ni Musquera. Nagpaabot naman ng mensahe ang ng pasasalamat ang ahensya sa mga medical professionals na nag-alaga kay Muskera pati na rin ang mga Filipino community na tumulong sa kanya habang siya ay nasa ospital. Hataw balita ngayon. Ligtas na nakabalik ng Pilipinas ang 17 tripulante ng bulk carrier na MB Magic Seas na sinalakay ng huti militants sa Red Sea. No biyernes, unang nakauwi, anim na
6:14 tripulante sa bansa habang ang karagdagang 11 naman ay nakabalik na rin itong Sabado ng gabi. Unang na-rescue ang mga ito at dinala sa Jibuti East Africa matapos atakihin ng mga armadong rebelde. Ayon sa Department of Migrant Workers, bukod sa agarang tulong pinansyal at reintegration programs, sumailalim ang lahat ng sea fairers sa medical checkup kabilang ang physical at mental health assessments, pati na rin psychosocial counseling para matulungan silang makabawi sa pinagda pinagdaanang pagsubok sa ibang bansa. Hataw balita ngayon. In adunion ng Philippine National Wailway, balik operasyon na simula
6:59 ngayong araw ang kanilang biyahe mula Kalamba, Laguna hanggang Lucena, Quezon. 5 ng umaga magsisimula ang unang biyahe ng tren magmumula sa Lucena at inaasaha. Makararating ito ng Kalamban ng 7:33 ng umaga. Magsisimula naman sa Php15 hanggang ah Php105 ang pamasahe sa naturang ruta depende sa layo ng bababaang bilang na mga estasyon. Php12 hanggang Php84 naman ang magiging pamasahe sa mga estudyante, persons with disability at senior citizens dahil sa discount. Hataw balita ngayon. na mahagi ng smartphones ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
7:47 katuwang ang ilang pribadong kompanya 256 na mga katutubo mula sa Madaraza at Brooks Point sa Palawan ang napagkalooban ng mga smartphones ang mga benepisyaro ay miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Four Piece bahagi ito ng ipanalo ang kinabukasan campaign ng ahensya na magbigay ng digital financial literacy sa mga malalayong lugar. Sa pamamagitan ng smartphones, natanggap ng mga benepisyaro ang kanilang mga ayuda mula sa 4P sa digital banking. Hataw balita ngayon. Arestado nitong Sabado ang isang Filipino Japanese National Bell Akira Narcida Watanabe alias Akira
8:35 na sinasabing nagpapatakbo sa iligal na operasyon ng patagong sabong ng aso sa Tarlac. Ang operasyon ay pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group Anti-organized Crime Unit. Katuwang ang Presidential Anti-organized Crime Commission at Animal Welfare Investigation Project Owit, isang international group na tumutulong sa pagsagip ng mga hayop na nakararanas ng pagmamalupit. Na-recover sa lugar ang mga kagamitang ginagamit umano sa laban ng mga aso. Kabilang bite sticks, fighting cages at gamot na hinihinalan ginagamit sa paghanda ng mga hayop sa matinding laban. Ang suspect ay nasa kustodiyaan na ng CIDG
9:23 AOICU habang inihahanda na ang mga kasong isasampa. At para sa mga balita sa iba't ibang panig ng mundo, narito ang ating global correspondent na si Klein Ska mula sa LA, California, USA. [Musika] Magandang araw mga kasambahay. Inaprubahan sa senado ng Estados Unidos ang 500 million na pondo para sa security assistance ng bansa sa Ukraine. Ito ay bahagi ng National Defense Authorization Act para sa Fiscal Year 2026. Mula sa Toronto, Canada, may humahataw na balita si Sheila Reyz live.
10:12 Aman [Musika] ng National Defense Act na ito. Ang National Defense Authorization Act o NDAA ay isang tao ng pulisya sa Estados Unidos na nagbibigay ng pondo at autoridad sa militar ng bansa. Tinitiyak nito na ang sandatahang lakas ng Estados Unidos ay may sapat na kagamitan upang maisakatuparan ang kanilang mga misyon. Sa pamamagitan ng botong 261 ng Senate Armed Services Committee noong July 9, naipasa ang probisyon sa NDAA na naglalaan ng 500 million na ayuda para sa Ukraine hanggang 2028. Layunin nito natulungan ng Ukraine na palakasin ang depensa nito laban sa Russia. Kabilang
10:59 din sa mga probisyon ng naturang panukalang batas ang pagtatalaga ng 103 A10 Air Force aircraft upang matiyak ang tuloy-tuloy na air support. Sa kasalukuyan may nakalaang 25 million na pondo ang NDAA para sa depensa ng Estados Unidos. Balik sayo K. O Shila no matanong ko lang ano pa ang ibang mga bansang tinututukan nito ng NDAA? [Musika] Kind bukod sa Ukraine ang NDAA ay tumutugon sa iba't iba pang global security challenges kasama dito ang threats mula sa China, Iran at North Korea. Ang emphasis ay sa pangangailangan ng technological advancement sa areas tulad ng artificial intelligence, unman technology at hypersonic weapons upang ma-maintain ang
11:44 US military superiority. Kyle salamat Shilar mula sa Toronto Canada hataw balita ngayon ipineyag ni Ukrainian President Volodimir Zelenski na muling nagpadala ang Estados Unidos na mga kagamitang pangmilitar sa Ukraine. Samantala, isusugo sa KIV sa susunod na linggo ang special envoy nito na si Keit Kellog. Ito ang humahataw na balita ni James Hilario. Inihayag ni Ukrainian President Vladimir Zelenski na nagpatuloy na muli ang pagpapadala ng Estados Unidos ng mga ayudang pangmilitar kasunod ng pasentagon na pansamantalang itigil ang pagpapadala ng ilang mga armas sa cave.
12:30 Dagdag pa niya nakikipagtulungan ang kanyang bansa sa mga kaalyado nito ukol sa mga bagong kagamitan. mas pinaigting na produksyon ng armas at mas mahusay na pagtulong mula sa kanilang hukbo. Matatandaan na itinigil ng administrasyong Trump ang pagpapadala ng mga arma sa Ukraine noong Hulyo dahil sa pangamba nito na maubos ang kanilang sariling supply. Gayon din natigil ang tulong mula sa America dahil naranasan ng Ukraine ang pinakamataas na bilang ng mga nasawing sabilyan sa kabuuan ng digma ang nagaganap. Sa kabilang banda, umatake ang militar ng Russia sa katimugang pantalan ng siyudad ng Odesa sa Ukraine noong biyernes ng umaga kung saan hindi bababa sa walong katao ang sugatan ayon sa mga lokal na opisyal ng Ukraine. Bunsod ng mga pangyayaring ito ang pasya ng US na ituloy muli ang paghahatid ng tulong sa Ukraine ay
13:16 kailin sabay ng pagpapakita ni Trump ng kanyang umiikting na pagkadismaya kay President Vladimir Putin ng Rusia. James Hilario humahataw sa balita ngayon. [Musika] Ipinahiyag na maopisyal na Israel na nais nilang manatiling pangunahing daan ng humanitarian aid sa Gaza. Ang estado United Nations. Isang mahalagang pagbabago habang nagpapatuloy ang negosasyon para sa tigil utukan. Kasabay nito, lumilitaw ang mga tanong tungkol sa papel ng isang grupong suportado ng Estados Unidos na hiwalay na sa UN na nagdudulot ng pangamba sa koordinasyon at transparency ng mga operasyon sa
14:02 rehiyon. Mula sa Edmonton, Canada, may humahataw na balita si Jeffrey Cols live. [Musika] Jeffrey sa kabila ng mga balitang maaaring palitan ng Israel ang UN bilang pangunahing tagapaghatid ng tulong sa Gaza, ito pa rin ba ang inuuna nilang daan? Lin matibay ang hangarin ng mga opisyal ng Israel na manatili ang United Nations bilang pangunahing daan ng paghahatid ng tulong. Ayon na ito sa pahayag ni Wall Food Program Deputy Executive Director Carl Scow matapos ang kanyang pagbisita sa Gaza at Israel. Dagdag niya hindi man lamang napag-usapan sa mga pulong ang kontrobersyal na Gasa Humanitarian
14:49 Foundation o GHF. Pinuna ng UN ang GHF na sinusuportahan ng Estados Unidos dahil sa mga paraan ng distribusyon nito. Kabilang na ang paggamit ng private security at mga ulat ng sapilitang pagpapaalis ng mga tao. Iniulat din ng UN Human Rights sa Office na mahigit 6 na rao ang nasawi malapit sa mga lokasyon ng GHF. Bagam't itinanggi ito ng grupo at iginit na nakapaghatid sila ng mahigit p milyong pagkain ng ligtas. Sa kabila ng patuloy na operasyong militar, mga limitasyon sa pagpasok at mga suliranin na seguridad, giniit ng UN na nananatiling epektibo ang kanilang sistema ng paghatid ng tulong. Itinuro ng mga opisyal ang tigil putukan noong nakaraang bahagi ng taon
15:36 kung saan daang truck ang nakatawid araw-araw bilang ebidensya na mahalaga ang kapayapaan sa maayos na pagpasok sa tulong ng lupa. Balik sayo Kent. Oh Jeffrey napapansin natin parang kabaliktarin ito ng mga naunang ulat na tinatanggal na raw ng UN sa usapin ng AID. Lin sa kabila ng mga balitang maaaring lumipat ang Israel ng suporta sa isang mas kontrobersyal na proyekto na pinundahan ng America, malinaw ang mensahe nitong nakaraang linggo. Nananatiling gitna ng humanitary operation ang UN lalo na kung magkakaroon ng tigil putukan client. Okay. Salamat Jeffre Cos mula sa Edmonton, Canada. Hataw balita ngayon.
16:24 Muling ipinaalala ni Pangulong Donald Trump ang Estados Unidos ang tensyon sa pandaigdigang kalakalan matapos niyang mag-anunsyo ng malawakang 30% na tarifa sa lahat ng produktong inaangkat mula sa European Union at Mexico. Ito'y magiging epektibo simula sa Agosto 1. Ito ang humahataw na balita ni Nico Chicano. Kanyang liham sa pangulo ng Mexico. Sinabi ni US President Donald Trump ang kakulangan ng bansa sa pagpapatupad ng seguridad sa hangganan ng dalawang bansa at sinabing bigo itong pigilan ng mga kartel ng droga. Sa kabila naman ang pagiging pinakamalaking partner ng US, maaari ring tamaan ng husto ang European sa mahalagang export nito gaya ng mga gamot, sasakyan at eroplano. Nangako
17:11 naman ang European Commission na tutugon at handang magpatubad ng higit sa 100 da bilyong halaga ng mga ganting taripa. Bumagsak ang merkado noong biyernes matapos surpresang patao ni Trump ng 50% taripa ang Brazil. Ayon sa mga analista, maaaring magdulot ang mga bagong tari ng pagtaas ng inflation sa mga susunod na buwan na magpapahirap pa lalo sa presyo ng mga bilihin sa US. Samantala, sinabi ng mga opisyal ng European na nagpapatuloy ang kanilang negosasyon upang maiwasan ang mga tariang ipinapataw ng America. Nico Chicano humahataw sa balita. Ngayon, bagaman papalapit na ang 30day window para sa pag-aprubahan ng Trump Administration sa Ocus, nananatili pa
17:58 rin itong nakabitin ayon kay Australia Acting Defense Minister, Patrick Conroy, gayon pa man, kumpyansa pa rin ang Albanesi Administration na magiging positibo ang tugon ng America sa kanilang military path. Ito ang humahataw na balita ni Erley Briones. Habang papalapit na ang itinakdang 30day window para sa pag-apruba ng Trump Administration sa Ocus Pact, nananatili pa rin itong hindi tapos. Ayon kay Acting Defense Minister ng Australia, Patrick Conroy. Sa kabila nito, nananatili ang tiwala ng Albanesi Administration na magiging positibo ang tugon ng Estados Unidos hing sa kanilang kasunduang militar. Gayun pa man,
18:43 kinikilala rin ng pamahalang Albanise ang lumalaking pressure mula sa America. Nadagdagan ng defense budget ng Australia, isang panawagang naranasan na rin ng iba pang mga kaalyadong bansa sa Europa. Samantala, iginiit ni Minister Conroy na wala pa ring plano ang Australia na kumuha ng nuclear powered submarines sa kabila ng mga pahayag mula sa Trump Administration tungkol sa seguridad ng rehiyon. Ayon sa mga opisyal ng Australia, nananatiling layunin ng kanilang estratehiya ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan. Sa kabilang banda, sa isang social media post ni Senior Pentagon Official Elbridge Colby, binigyang diin niyang inaasahan ng America ang mas mataas na budget allocation at dagdag na kontribusyon mula sa kanilang mga
19:30 kaalyado pagdating sa kolektibong depensa. Early Briones, humahataw sa balita ngayon. [Musika] Nagbabadya ang isang malakas na sistema ng panahon na magdudulot ng panganib sa mga mamamayan. Ito ang humahataw na balita ni Abi Valdez. Nagpapatuloy ang matitinding thunderstorm sa Midwest simula pa nitong Sabado ng hapon mula Kanlurang Kentucky hanggang Michigan. Nanalasa rin ang sama ng panahon sa bahagi ng ples partikular sa silangang Ayowa kung saan naiulat ang pagbaha at pinsala mula sa hangin noong biyernes ng gabi. Sa timog na bahagi ng America, ang parehong sistema ay
20:16 nagdulot ng matinding pagbaha sa Oklahoma at Texas. Bumaha naman sa tulsa nitong Sabado ng umaga habang bumuhos ang malakas na ulan sa Abelyine. Naka-flood watch na ngayon ang malaking bahagi ng rehiyon kabilang ang mga county ng K, Travis at Bernet na sinalanta na nakamamatay na pagbaha noong nakaraang weekend. Maaaring umabot ng hanggang walong pulgada ng ulan sa Concha Valley kabilang ang San Angelo hanggang Linggo ng hapon. Sa kanlurang bahagi ng bansa ay matinding init ang nararanasan. May heat advisory sa Fresn at Redding habang isasama na rin ang Portland, Oregon simula linggo. Uma sa tatlong digit ang temperatura mula Central Valley ng California hanggang sa
21:02 desyerto na Southwest. Magkakabisa ang extreme heat watch sa Martes para sa Portland Metro Area habang muling tataas sa 94° Fahhe to 96° Fahhe o tinatayang nasa 34°C C to 36°C C ang temperatura. Sa hilagang Arizona, lumalawak ang wildfire sa mahigit 19,000 acres, ang white sage fire sa hilaga ng Grand Canyon at wala pang containment. Dahil dito, may mga kalsadang isinara at mga residente ang inilikas. Samantala, ang Dragon Bravo Fire na nagsimula noong Hulyo 4 ay isinasa ilalim na ngayon sa buong suppression efforts sa sukat na 5,000 acres. Panghuli, ang usok mula sa
21:47 wildfire sa Canada ay bumababa patungong timog na nakakaapekto sa kalidad ng hangin sa Minnesora, Wisconsin at Michigan. May air quality alerts na epektibo hanggang linggo ng gabi na maaaring magdulot ng hangin na maaaring humantong sa unhealthy level sa dulot at Minneopoly sa linggo. Aby Valdez humahataw sa balita ngayon. [Musika] Public service naman tayo mga kasambahay. Magkakaroon ng free medical free legal clinic sa Washington DC para sa mga kababayan nating nangangailangan ng legal advice. Samantala, magsasagawa naman ng councular outreach mission sa
22:35 Niagra, Ontario, Canada sa August 9. Ito ang humahataw na balita ni Lyn Perez. What's up kabayan? Magsasagawa ng Embassy on Wheels sa Hale Saudi Arabia mula July 18 hanggang 19 sa Golden Tulip Hil Hotel. Ilan sa mga serbisyong pagkakaloob sa ating mga kababayan ay ang passport renewal, notarial, civil registry at iba pa. Para sa iba pang impormasyon, bumisita lamang sa official Facebook page ng Philippine Empassy sa Saudi Arabia sa facebook.com/phlinksa. Magkakaroon naman ng preegal clinic sa Washington DC, USA para sa mga kababayan nating nangangailangan ng legal advice sa US immigration. Gaganapin ito mula August 4 to8 sa embada ng Pilipinas sa Washington DC. Sa mga interesadong
23:21 magkonsulta, mag-book lamang ng inyong appointment sa tinyurl.com/wdcppe appointment. Samantala, ready na for release ang mga newly arrive a passport sa Philippine Embassy sa Brunei. Maaring ma-claim ang inyong mga passport mula Lunes hanggang Biyernes sa 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Huwag kalimutang dalhin ng inyong lumang passport at resibo. Maaring makitang listahan ng available passport sa official Facebook page ng Pasuguan sa facebook.com/phinbrunay. at sa Ontario, Canada, isang consulate outreach mission ang isasagawa doon sa August 9 sa Thorold Senior Center. Ilan sa mga serbisyong ihahandog sa mga kababayan natin ay ang passport services, notarials, dual citizenship at iba pa. Maaari namang makita ang links para sa booking ng appointment at iba pang mahalagang impormasyon.
24:08 Len Perez sumahataw sa balita ngayon. At yan po ang mga balita mula sa iba't ibang panig na mundo mula rito sa Los Angeles, California, USA. Ako si Kenka. Magandang araw. Maraming salamat, K at ganon din kay L Perez. Patuloy kayong umantabay. Magbabalik pa ang hataw balita ngayon. [Musika] Mga kasambahay, may good news po kami dito sa Good Morning Kuya. Meron na pong permanent location ng MCGI Clinic na
24:55 pwede niyong puntahan. Bukas po ito sa lahat ng nangangailangan ng serbisyong medikal. Ano man ang inyong lahi, relihiyon o katayuan sa buhay. Matatagpuan po ang MCJ Clinic sa 141E Rodriguez Avenue, Marikina City. Sa mga nais pong magpakonsulta sa ating mga doktor, ang registration time po ay mula 5:00 ng madaling araw hanggang 9:00 po ng umaga. Pero ano-ano ba ang mga medical services na pwedeng ma-avail ng ating mga kababayan? Kung gusto niyong magpa-checkup, meron pong general consultation for adult at pediatrics naman para sa mga bata. Meron din pong dental extraction kung gusto niyo naman pong magpabunot ng ngipin at kung nanlalabo naman ang inyong paningin,
25:40 pwede niyong i-avail ang optical services na may kasama pang libreng reading glasses. At alam niyo ba kung ano ang best part dito? Ang lahat po ng medical and dental services sa MCGI Clinic ay for free. Yes mga kasambahay, tama po ang dinig ninyo. Libre po ang lahat ng serbisyong medikal dito po sa MCGI Clinic. Kaya sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal, magtungo lamang po sa 141 E Rodriguez Avenue, Marikina City at magpa-register from 5 a.m. to 9 a.m. Ang MCGI Clinic po ay bukas tuwing araw ng biyernes. At para naman sa update sa schedule ng mga ino-offer na medical
26:25 services ng MCGI Clinic, i-check lamang po ninyo ang aming social media accounts at palaging manood ng Good morning, kuya. Yeah. [Musika] Sa magpapatuloy ng hataw balita ngayon. [Musika] Siniguro ng mga kawani ng Naga City LGU na malinis at madadaan ng tubig at mga
27:10 waterway sa buong siyudad. Ito ay alinsunod na din sa utos ni Mayor Lenny Robredo upang maiwasan ang pagbaha sa lugar. Si Ryan Salatandol humahataw [Musika] sa pagtutulungan ng mga kawanin ng lokal na pamahalaan ng Naga City ng mga barangay officials at mga mamamayan ng siyudad muling tiniyak ng LG Yunaga ang malinis at maayos na waterway system at mga Crick sa lungsod. Nais ng mga opisyal na maiwasan ang pagbaha lalo ngayong panahon ang tag-ulan. Nauna na rito ang isang executive legislative agenda setting workshop na naganap at agad na sinundan ng isang courtesy meeting ang ginawa ng mga kawani ng city
27:55 environment and natural resources office o senro kasama ang mga division head ng naturang tanggapan kay Naga City Mayor Len Robredo. Layunin nito na personal na maiparating sa local chief executive ang kanilang suporta sa mga adikaing may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan. Prioridad ng opisina ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig at ng drainage kanal upang matanggal ang mga basurang sanhi ng pagbaha sa lungsod. Ibinahagi naman ng Watersh Management Division Head na nakatakda nilang pagandahin ang mga pangunahing lansangan sa lungsod sa pamamagitan ng pagtatanim ng Palawan, Cherry Blossoms. Ryan Salatandol humahataw sa balita ngayon.
28:42 [Musika] Isang operasyon naman contra loose firearms isagawa ng autoridad sa Tugigarao City na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaki at pagkasamsam ng iba't ibang uri na mataas na kaliber ng Arma sa airport Apple Street Barangay Tigi Ruyo Tugara ang bypass operation ay sinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Provincial intelligence unit o PIU provincial Drug Enforcement Unit o PD Deu katuwang ang Tugigarao City Police Station at First Cagayan Provincial Mobile Force Company. Aristado ang 38 anyos na suspect matapos nitong bentahan ng baril. Ang posure buyer gamit ang isang tunay na PH,000 o
29:29 Php1,000 bill at Php54 na pirasong Boodle Money na may parehong serial number. Hataw balita ngayon. Isa ang nawawala at dalawa ang sugatan sa landslide sa San Ricardo, Southern Leon. Dahil sa walang tigil na pag-ulan. Si Alan Manansala humahataw. [Musika] Isang foreman ang iniulat na nawawala matapos ang pagu ng lupa na naganap sa Barangay San Ramon, San Ricardo, Southern, Leyte. Madaling araw ng Linggo, July 13. kinilala ng mga autoridad ang nawawala na si Dador Moscosa, 54 anyos, residente ng Samar at nagtatrabaho sa isang construction site.
30:17 Ayon sa ulat ng San Ricardo Municipal Police Station, malalakas na pag-ulan na nagsimula pa noong gabi ng Sabado ang nagdulot ng paghuho ng lupa. Agad namang rumisponde ang mga autoridad at sinimulan ang search and rescue operations sa pangunguna ng San Ricardo PNP. Katuwang ang Philippine Coastgard San Ricardo LGU sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at mga tauhan mula sa Southern Leyte Police Provincial Office at Provincial DRRMO. Patuloy ang paghahanap kay Moscosa habang dalawang iba pa ang nasugatan sa insidente. Agad namang inilikas ang mga residenteng malapit sa landslide area patungo sa mga kalapit na barangay
31:03 bilang pag-iingat sa posibleng karagdagang paghuho ng lupa. Alan Manansala humahataw sa balita ngayon. [Musika] Paiigtingin pa nagdav City Police Office ang kanilang pagbabantay at present siya sa mga kalsada sa lunsod. Kasunod na insidente ng road race na kinasangkutan ng dalawang driver nitong linggo na nauwi sa pananaksak. Hinikahit naman ang kooperasyon ng publiko na agad nireport sa mautoridad ang anumang insidente ng alitan sa kalsada upang agad maagapan at maiwasan ang posibleng karahasan. Si Glades Tabi Humba hataw magtanawag
31:50 mo malaki sa lalaki makikita na nauwi sa pananaksak ang alitan ng taxi driver at habal-habal driver sa matina crossing sa Davao City nitong linggo ng gabi July 6. Galit na galit ang taxi driver at hinamon ng suntukan ang kapwa driver. Ayon sa ulat, matapos awatin at magkasundo, muling nagkainitan ang dalawa at sinaksak ng habal-habal driver ang taxi driver. Sa pamamagitan ng hot pursuit operation, nahuli ang suspect at nahaharap sa kasang frustrated homicide. Kasunod ng insidenteng ito, mas paiigtingin pa ng Davao City Police Office ang kanilang presensya at pagbabantay sa mga kalsada upang mapigilan ang anumang posibleng karahasan at masiguro ang kaligtasan ng
32:37 publiko sa gitna ng mga insidente sa kalsada. dili na iputang sawang kamot ang manaod and then kung naay problema na solusyon magtatalaga ng karagdagang personnel mula sa traffic enforcement unit at police auxiliaries para makita ang presensya ng mga autoridad sa mga lansangan lalo na sa matataong lugar hinihingi naman ng mga aoridad ang tulong at kooperasyon ng publiko ang in every situation siray makita ang mga concern citizen dili lang na tanwon sir no kung naay mgaaway sa kalsada unahan pa ng pagb sir Nagtawag sila dayon saang 911 or kung na sila number saang hotline sa station kung asa under ka ng area kung pwede itawag dion sir no para maandayon ka na ka ng pulis nagpaalala
33:25 naman ang DCPO sa mga driver at motorista na manatiling kalmado at huwag magpadala sa emosyon kung magkakaroon man ng aberya sa daan sumunod sa mga batas trapiko, iwasan ang pakikipagtalo. Tiyaking may tamang distansya sa mga katabing sasakyan. Para iwas road rage, maiging planuhin ang biyahe upang huwag magmadali at laging isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat isa. Gladis tuabi. Humahataw sa balita ngayon. Saampa naman ngayon ng reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998 ang may-ari na isang
34:10 maisan sa Ormox City. Matapos umanong malason ang siyam na aso ng kanilang kapitbahay. Samantala nasa 8 magsasaka naman ang nakatakdang makinabang sa irrigation project na itatayo ng National Irigation Administration ONEA sa Danao, Bohol. At sa Cagayan de Oro City, nagsagawa ang City Disaster Risk Reduction and Management Department o CDRMD ng tatlong araw na static display bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo. Si Kier Saiman humahataw. [Musika] Patay ang siyam na aso matapos na
34:56 malason sa isang taniman ng mga mais sa Barangay Liluan, Ormok City nitong Miyerkules. Ayon sa impormasyon mula sa Ormok City Police Station 3, nagsumbong sa kanila ang mga may-ari na mga aso nang madiskubre nila ang sabay-sabay na namatay ang kanilang mga alaga at nakita ang mga ito sa taniman ng mga mais sa lugar. Nakilala na ng mga aoridad ang may-ari ng maisan na naglagay umano ng lason para sa mga daga. Pero ang nakakain nito ay ang mga aso malapit sa lugar. Hindi umano nag-abiso sa kanila ang may-ari ng maisan na maglalagay ito ng mga lason para sa mga daga. Sa ngayon, inihanda na rin ng mga aoridad ang isasampang reklamo laban sa suspect. Posible siyang sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998. Sa Bohol. Aabot sa
35:44 8 magsasaka ang makikinabang sa Hibali Small Reserv Irrigation Project sa Barangay Hibali, Danao, Bohol na itatayo ng Hibali Nahod Irrigation Association. Ayon sa naturang pribadong asoasyon, nasa Php970 milion na halaga ng konstruksyon ang itatayo para masuplayan ng tubig ang 405 na ektaryang palayan sa apat na barangay ng Danao at sa Cagayan de Oro City. Tatlong araw na nagsagawa ng static display ang City Disaster Risk Reduction and Management Department OCDRMD ng Cagayan de Oro bilang bahagi ng National Disaster Resilience ngayong buwan. Layunin ang aktibidad na turuan ang mga kabataan tungkol sa kahandaan sa SakaU na lalo na't kabilang sila sa mga
36:30 sektor ng pinaka-vulnerable tuwing may kalamidad. Kabilang sa unang static display ang pagtuturo ng mga life saving skills, pagpapakita ng mga kagamitan para sa pagsagit ng buhay at ari-arian at pagpapahalaga sa kahalagahan ng pagtawag o paggamit ng 911 sa oras ng emerensya. Kabilang sa mga paaralang binisita ay ang Buluan National High School, Carmen National High School at Kamamaan Elementary School naiisa rin sa aktibidad ang Bule of Fire Protection at Smart Communications. At ang tema ng National Disaster Resilience Month sa taong ito ay kumilos para sa kahandaan, kaligtasan at katatagan. Kirman humahataw sa balita ngayon. [Musika]
37:27 Samantala, alamin muna natin ang magiging lagayan ng panahon sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong araw ng Lunes. Panoorin po natin ang update mula naman sa Philippine Weather Bureau, Pag-asa. Magandang umaga mula sa Pag-asa Weather Forecasting Center. Ito na ating update sa mangighintayan ng panahon sa susunod na 24 oras. As of 4 a.m. today, ito yung ating latest advisories sa ating mga lokalidad. So sa kasalukuyan as of RAM AM ng nga may nakataas tayong thunders advisory sa ilang areas ng Central and Southern Luzon. So may mga naobserbahan tayong Thunderstorm activity ngayong madaling araw sa area ng Zambales, Bataan at ilang bahagi ng Quezon. So para malaman natin at ma-monitor yung
38:13 mga Thunderstom advisories or rainful advisories na posibleng i-issue ng PA-AS sa ating mga lokalidad within the day ay maaring bisitahin ang official website ng panahon.gov.ph. PH. At para naman sa ating latest satellite images as of ah ngayong araw. So makikita natin dito sa ating latest satellite images itong patuloy na pag-iral ng Southwest Monsoon o yung hanging habagat sa buong bansa. Sa kasalukuyan wala pa naman tayong mino-monitor na low pressure area pero sa may minamataan tayong mga cloud clusters o yung mga kumpol ng kaulapan dito sa silangang bahagi ng Visayas Mindanao area. So patuloy natin itong mino-monitor sa kasalukoy hindi pa naman ito low pressure area. Ah mas magiging
38:59 concern natin ngayong araw yung pag-iral nga ng Southwest Monsoon Hanging Habagat. na siyang magdudulot ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkul at pagkilat sa kanurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at sa Mindanao. Samantala, sa Metro Manila at malalabing bahagi pa ng ating bansa ay bahagya maulap hanggang sa maulap na papawirin ang ating inaasahan. Sasamahan lamang yan ng mga pulo-pulong pag-ulan na may pagkulok at pagkilat na dulot ng Thunderstorms. Sa kalagayan naman nating karakatan sa kasalukuyan, walang gale warning na nakataas, banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ang mararanasan sa malaking bahagi ng ating bansa. Gayun pa man, iba yung pag-iingat pa rin sa ating mga kababayan na maglalayag sapagkat kung meron tayong offshore understorm activity, ito yung mga pag-ulan sa ating
39:45 mga dagat baybayin, natin ang ah mga pagbugso ng hangin. Kibat dito ang bahagyang pagtaas ng ating mga alon. At ang haring araw sa kaminilaan ay sisikat mamayang 5:35 ng umaga. Lulubog naman mamaya sa ganap na 6:29 ng hapon. At yan laman po ang latest mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center. Magandang umaga sa ating lahat. Ako po si Dan Villamin Nag-uulan. At napanood po natin update mula kay Pag-asa Weather Specialist Daniel James Villamal. Tandaan sa bawat araw na ating nasisilayan tayo'y magpasalamat sa Diyos na may lalaki.
40:39 Ginawan ran po ng parangal ng Jose Bingad Memorial General Hospital ang Members Church of God International o MCGI bilang pangalawa sa top performing blood donner partners nito. Umabot sa mahigit 2,000 bags ng dugo ang naging ambag ng MCGI sa nakalipas na taon. Dahilan para bigyan ito ng pagkilala ng naturang hospital. Si Alan Manansala humahataw. [Musika] Isa lamang ang mag-inang Vina Marie at ni Ren Vergara sa regular na recipient ng dugo ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa Pampanga. Sa loob ng
41:25 20 taon, libreng nasasalinan ng dugo si Vina na kailangan sa sakit nitong Veta Talasemia. Every month po five bags na dugo po yung sinasali sa akin. Tapos po pag po hindi po ako nasalinan nanghihina po ako. Katawan ko po parang hindi po makakilos isa. Gusto ko pong magpasalamat sa JBL lalonglalo na po mga stack po ng mga laboratory na walang saong tumutulong po sa ating anak nabigyan po kami ng donor. Papano po ang kapatiran ng MCI. Maraming maraming salamat po sa Diyos. Ayon kay Niren, nasa apat hanggang limang bag ng dugo ang kailangan ng kanyang anak kada buwan at isa ang MCGI
42:12 sa pangunahing naging blood donor na pumupunta pa sa JBL blood bank upang personal na magpakuha ng dugo. Ang mag-inang Vergara ay ilan lamang sa natutulungan mula sa blood donation ng Members Church of God International o MCGI, Pampanga. Dahilan ito para kilalanin ng JBL Memorial General Hospital ang MCGI bilang isa sa mga partners nito na may pinakamaraming naibigay ng dugo sa taong 2024. Sa datos ng ospital, nasa 2,6 na at 77 bags ng dugo ang napagkaloob ng samahan. Na unang-una po sa lahat no ah gusto ko pong i-congratulate ang MCGI.
42:58 Congratulations po. Ah salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta po sa aming hospital at lalong-lalo na no sa pagsuporta ninyo sa ating mga pasyente po na nangangailangan po talaga ng ikinagagalak naman ng Chief of Medical and Professional Staff 2 ng JBL na si Dr. Alfonso Dan ang ugnayan ng ospital at ng MCGI pagdating sa ganitong adbokasiya. Anya, naging instrumento ang MCGI hindi lamang upang makatulong sa mga nangangailangan ng dugo ng libre kundi sa pagiging mabuting ehemplo nito sa publiko na maging blood donor de. At kami po'y nagagalak na ang MCG ay gumagawa po ng mga efforts not only to
43:45 encourage their members but also the people around them to be blood donors. We hope that your mission no your advocacy will be part part of everybody's uh ah task at ah siguro po panahon na rin para atin pa pong palakasin at ah tugunan ang pangangailang ito dahil hindi naman po tayo malulugi kung tayo po ay magshe-share ng ating ah dugo sa ating kapwa tao pangalan po ni Kuya Daniel at ng kapatirang MCI. Atin pong aloy sa Panginoon una sa lahat ang pinakamataas na pagpuri at pagpapasalamat. Salamat sa Diyos and to God be the glory. Alan Manala humahataw sa balita
44:32 ngayon. Mga kasambahay. Kung may mga istorya po kayong nais balikan sa hataw balita, pwede niyo po itong muling mapanood sa aming official social media account. Magtungo lamang sa UNBS Rescue YouTube channel at i-click ang subscribe button gayon din po sa aming Facebook at TikTok accounts. Mapapanood niyo rin dito ang iba pang news programs ng UNTV pati na po ang iba pang video na nag-iisang public service channel. Kaya tara na. Subscribe, like and share. At sa aming ibabahaging mga salita ng Diyos na ating sandigan mula sa Juan
45:18 1032 sinagot sila ni Hesus, "Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo. Alin sa mga gawang yaon ang ibinabato niyo sa akin." At yan po ang mga humahataw na balita ngayong umaga ng Lunes ika sa buwan ng Hul 2025. Sa ngalan ng lahat ng bumubo ng UNTB News and Rescue, nakalimutan natin si Jaja, UNTV Radio Levandad 1350 at ang ating mga correspondents mula po sa Pilipinas at sa iba't ibang panig ng mundo. Sa ngalan po ni Amigo Sherwin
46:05 Kulubong, ako po si Annie Rentoy. At dito sa UNTV at UNTV Radyo La Verdad 13:50, Diyos ang aming sandigan, serbisyo publiko. ang aming pinahalagahan. Susunod na po ang Good morning, kuya. Salamat sa Diyos at magandang umaga. [Musika] เฮ [Musika]