Full transcript of “BATAS MILITAR (1997) A Documentary on Martial Law in the Philippines #MartialLaw #EDSA39”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.
0:45 That is quite clear. In spite of any result of any constitutional convention, I have no intention of running for a third term. Don't you think that two terms is enough for any man?
2:02 Sa simula pa lamang ng 1970, Kumakalat na ang usap-usapan tukul sa mga plano ni Presidente Ferdinand Marcos. Noon ay kahahalal pa lamang ni Marcos sa kanyang ikalawang term bilang presidente ng Pilipinas. Sa ilalim ng konstitusyong umiiral noon, dalawang term lang ang presidente. Hindi na pwedeng tumakbo si Marcos sa pagkapresidente sa 1973. Ayon sa usap-usapan,
2:52 pinaplano na ni Marcos kung paano siya mananatili sa kapangyarihan. Ang kanyang plan A, gawing parlamentaryo ang sistema ng gobyerno. Sa gayon, kung hindi na siya pwedeng maging presidente, ay pwede pa rin siyang manungkulan bilang prime minister. At ang plan B, ayon pa rin sa kumakalat na usap-usapan, ideklara ang martial law, patas militaro. Sa unang term pa lamang ni Marcos, nagbigay ng babala ang isang bagong senador, si Benigno Aquino. Sa isang privileged speech, sinabi ni Aquino na sa ilalim ni Marcos, ang bansa ay unti-unting magiging Garrison State, isang bansang kontrolado ng puwersang militarista.
3:45 Sa pagpasok ng 1970, naglagablab ang protesta laban sa gobyerno. Ipinahayag nila ang kanilang damdamin tungkol sa iba't ibang isyo, ang pagtaas ng presyo ng gasolina at presyo ng mga pilihin, ang pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa lupaing Pilipinas, ang pagkontrol ng mga dayuhan sa ekonomyang ng Pilipinas, ang katiwalian at kabulukan sa gobyerno, ang palaki ng palaking agwat sa pagitan ng mahirap at mayaman. I would like to
4:33 inform our people that the government has demonstrated to everyone, not only to the insurrectionary elements, but to everyone's capability to meet any threat against the city of government and against the peace and order of our city. Hindi takot ang naging epekto ng dahas militar, lalo lamang lumakas ang pagtutol. Yung mga handles na mga placards, ginagawang pamalo. Tapos, una mga bato. Then, natutunan gawin ng mga pillboxes. At yung mga sumunod na pangyayari bago mag-marsel, yung tinatawag na first quarter esto, yun ang pinakamalaki na palagang enkwentro ng lusubid ng mga aktivista
5:21 ang grade 6. at bumabas yung mga Alacanang Presidencial Guard Battalion, tinawag ang Task Force Lawin at alos ano yan, magdamag yung pitch battle diyan sa Nandiola. Lumala ang krisis sa ekonomiya at politika, nagkaroon ng debaluasyon at bumaba ang halaga ng pera. Maraming nawala ng trabaho. Natigil ang pag-unlad ng agrikultura at industriya. August 21, 1971. Lugar, Plaza Miranda, sa harap ng Simbahan ng Quiabo sa downtown ng Maynila. Sa makasaysayang Plaza Miranda, karaniwan nagtitipo ng mga
6:11 aktibista at politiko. Ang lugar na ito'y simbolo ng demokrasya at kalayaan sa pananalita. Panahon iyon ng kampanya para sa eleksyon ng mga senador. Dalawang partido politikal ang naglalaban. Ang mga nasyonalista ang nasa poder. Ang partido ng administrasyon, ang partido ni Marcos. Ang mga liberal ang nasa oposisyon. Sa rally ng partido liberal sa Plaza Miranda, dalawang granada ang inihagi sa entablado.
6:57 Sa pagsabog ng granada, halos sandaang karaniwang mamamayan ng nasugatan. Sugatan din ang mga leader ng Partido Liberal. Isa na rito si Sen. Jovito Salonga. May git sa isandaang piraso ng srapnel, hanggang ngayon ay nasa loob ng aking katawan Makikita ninyo itong efekto sa mga kamay ko. Ito'y nalaglag na eh. At dito, dito tumama ang isang malaking shrapnel na one millimeter short of my aorta. Ang sabi ng mga doktor, kung yun eh, just so much as touch yung aorta, patay ka na. So I missed death by
7:45 only one millimeter. Si Senador Benigno Aquino, ang kaaway na mortal ni Marcos, ay hindi pala kakarating sa Plaza Miranda nang pumutok ang mga granata. Dahil dito, pinagpintangan siyang kasabwat ng mga komunista sa pambobomba sa Plaza Miranda. Isang misteryo hanggang ngayon ang insidente sa Plaza Miranda. Malakas ang sospecha noon na si Marcos mismo ang nagutos ng pambobomba Sa tingin ng marami, layunin niyang maghasik ng lagim at lumikha ng kaguluhan para mailatag ang pundasyon ng martial law.
8:43 Kasunod ng pambobomba sa Plaza Miranda, Sinuspindi ni Marcos ang writ of habeas corpus. Ibig sabihin kahit sino ay pwede nang ipadakip ng mga may kapangyarihan at hindi na kailangang iharap sa korte. Dahil sa lakas ng protesta laban sa writ suspension, napilitan si Marcos na ibalik ang writ of habeas corpus. Pero ang suspesyon ng writ ay parang isa ng dry run, isang pag-eensayo tungo sa deklarasyon ng martial law. Nang sumunod na taon, nagkasunod-sunod ang pambubompa. Nasugatan ang ilang mamimili sa Joe's Department Store, pero walang nasaktan sa iba pang
9:32 pambubompa. Parang ang layunin lamang ay manakot sa halip na pumatay. August 26, 1971, members of the New People's Army raided a tactical command post in Isabella, destroying two AFP helicopters. Bukod kay Senador Aquino, ang pangunahing pinagbibintangan ni Marcos sa nangyari sa Plaza Miranda ay ang Communist Party of the Philippines o CPP na pinangumunuan ni Jose Maria Cizzo. Isinilang ang CPP noong 1968 sa araw pagkatapos ng Pasko. Pagkaraan ng tatlong buwan, itinatag nito ang isang armadong grupo, ang New People's Army o NPA. Kabilang sa mga nagbuo ng MPA, ang ilang dating
10:21 Huk, mga miyembro ng Hukbong Mapagpalaya ng Pilipinas, isang grupo ng mga armadong rebelde na nakabase sa Central Luzon. Isa sa mga rebelding ito si Bernabe Buscaino, lalong kilala sa bansag na Commander Dante. Noong panahon na yun, lahat yata nang nangyayari, biniblame siya amin. Noong panahon na yun, Nagagalit kami at nag-iisip, kaya itong gumagawa ng ganitong intriga, inisip namin merong nagpapaaway. Marami kami pinag-ihinalaan. Pinaka-malapit na may tuturo mo ang mga grupo ni Marcos.
11:11 Narito ang ating konstitusyon, ang kadigan ng ating mga pang-alaw. Samantala, namumuo ang iba pang klaseng kaguluhan sa Constitutional Convention o CONCON. Inihalal ang CONCON para palitan ng 1935 Constitution na ginawa pa noong panahong ang Pilipinas ay isang kolonya ng Estados Unidos. Dahil sa pagmamaniobra ng mga delegadong Macamarcos, hindi nabigyan ng sapat na atensyon ng mga reformang panlipunan at pang-ekonomya. Sahalip, Ang napagbuhusan ng panahon ay ang mga panukalang palitan ang sistema ng gobyerno mula sa presidensyal tungo sa parlamentaryo. Ang napagtuunan ng pansin ay si
11:59 Marcos. This was the great desire of our forebears, their one vision, their one dream, the dream of freedom. Nang galing ang unang birada sa delegado ng Cebu, si Napoleon Rama. Nagharap siya ng resolusyon na tahas ang nagbabawal kay Marcos na tumakbo para sa pangatlong term. Sinuportahan ng mayorya ang resolusyon. Ang kasunod na hakbang ni Marcos ay inilantad ni Eduardo Quintero, delegado ng Leyte, at kababayan ni Imelda Marcos. Inamin ni Quintero na isa siya sa mga delegadong binigyan ni Imelda ng mga
12:48 sobrang puno ng pera. Isinoli niya ang pera ayon kay Quintero. Then he got the convention to pass a transitory provision which said, during the transition, habang pinapalitan ang sistema ng gobyerno, e sino ang kukontrol sa gobyerno? Saan mapupunta ang legislative at executive power? Ang sagot, sa transitory provision, ang nakakalagay doon, lahat ng poder legislativo at ehekutibo mapunta sa kamay ng Presidente nung nakasalukoyan nasa mga kanyang. In other words, Marcos. Sa kalaunan naaprobahan ng transitory provisions, nahikayat punirma ang mga
13:36 delegado dahil makikinabang din sila sa visa ng mga provisyong iyon. Ang mga pakana ni Marcos ay hindi na natiling lihim. Sa isang privileged speech, ibinunyad ni Senador Aquino na may detalyadong programa para ganap na ipailalim ang pansa sa kontrol ng militar. Ang codename ng nasabing programa, Oplan Sagittarius. In spite of any result of any constitutional convention, I have no intention of running for a third term. Don't you think that two terms is enough for any man?
14:25 Oakland Sagittarius, blueprint ng martial law ayon kay Ninoy Aquino. Ang planong ginawa para sa pagpapatupad ng batas militar. A lot of publicity has been made on Sagittarius. and they claimed that it was the plan that answered in martial law, which is not correct. O Plan Sanitarius was a contingency plan on how to utilize the forces of the armed forces, the elements of the armed forces in case of any trouble. Si General Romeo Espino ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines noong panahong iyon. Siya rin ang sumulat ng orihinal na report ng Oplan
15:14 Sagittarius. Iginiit ni Espino na ang Oplan Sagittarius ay isa lamang emergency plan para tumugon sa sitwasyon sa Mindanao at ilang lugar sa Luzon. Maaaring hindi na nakilala ni Espino ang Oplan Sagittarius pagkatapos napasadahan ito ni Marcos at ng kanyang defense minister si Juan Ponce Enrile. Arriving by helicopter at Camp Aquino, Sarlac, Kasunod ni Marcos, si Juan Ponce Enrile ang pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno pagkatapos si deklara ang martial law. Hinirang siyang martial law administrator at sa unang walong buwan ng rehimeng militar, siya ang namumuno sa mga meeting ng
16:04 kabinet sa kanyang opisina sa Camp Aguinaldo. kabilang si Enrile sa labindalawang tao na tumulong kay Marcos sa lihim na pagpaplano ng martial law. Binubuo ng sampung matataas na opisyal militar at dalawang sibilyan, ang grupo ay nakilala sa bansag na Rolex 12. Ito'y dahil binigyan daw ni Marcos ang bawat isa sa kanila ng mamahaling relong Rolex. The Rolex 12, which incidentally is... Ayon
16:52 sa librong Waltzing with a Dictator na sinulat ni Raymond Bonner, ang Rolex 12 ay binubuo ng sumusunod. Defense Minister Juan Ponce Enrile. General Fabian Ver ng National Intelligence and Security Authority, pinuno ng Presidential Security. General Romeo Espino, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. General Fidel Ramos, pinuno ng Philippine Constabulary o PC. General Rafael Sagala, pinuno ng Philippine Army. General Ignacio Paz, pinuno ng AFP Intelligence. General Jose Rancudo ng Philippine Air Force.
17:37 General Tomas Diaz ng PC. Rear Admiral Hilario Ruiz ng Philippine Navy. General Alfredo Montoya, pinuno ng Metropolitan Command o MetroCon. Coronel Romeo Gatan, commander ng PC sa Rizal Province. At Eduardo Dandingco Juanco, gobernador ng Tarlac at pinsang buo ni Cory Aquino. Maaaring ang papel ni Dandingco Juanco sa Oplan Sagittarius ay tiyaking mananatiling kontrolado at tahimik ang tarlak, kilalang baluarte ni Ninoy Aquino. Hindi lahat ng kasama sa Rolex 12 ay nakakaalam sa lahat ng detalya ng Oplan Sagittarius. Ayon kay Ruben Canoy, oposisyonistang miyembro ng
18:24 Batasang Pambansa noong 1938, may iba't ibang bahagi ang plano. Sina Marcos at Enrile ang nagplansya ng mga aspetong legal para mapalabas na lehitimo ang martial law. Ang mga opisyal militar naman ang namahala sa pagpapatupad ng plano. Dahil ang presidente ang commander-in-chief ng sandatahang lakas, iilan lamang ang opisyal militar na nagpahayag ng pagtutol sa emergency room. Isa na rito si General Manuel Llano. dating Chief of Staff ng AFVP. Hindi pa naman malala ang sitwasyon sa Mindanao noon. Kukunti lang ang talagang
19:10 conflict sa Mindanao noon. Yung MNLF, wala pa yan. MIM lang noon. Yan ang forerunner ng MNLF. At yan ang mga hook. Hindi rin naman malala ang isang sitwasyon tungkol sa New People's Army na kayang sukwi naman ng ating armed forces yan. through small unit actions only. At yan ang mga student demonstrations. Nung panahon yun, tayo ay nagtatag na ng mga units of the armed forces against demonstrations. Tayo ay bumili ng maraming equipment, ng anti-riot equipment, in order to be able to quell this student unrest peacefully. Yan ang mga option na dapat gawin. Hindi kailangan ng
19:58 martial law. Ang mga opisyal militar na tutol sa martial law ay agad na inalis sa mga sensitibong posisyon. Bago pa man ideklara ang martial law, si General Yan ay hinirang ng embahador sa Thailand. Ang isa pang tumutol si General Rafael Ileto, Vice Chief of Staff ng AFP, ay hindi na napromote sa Chief of Staff at muntik pang arestuhin nang ipataw ang batas militar. Somebody whispered to me from higher quan that you might be arrested. So, somehow, it's all right. To show you that I was one of, maybe considered one of the threats to the success of martial law. I had voiced my
20:46 disagreement in some instances, and so I was left without any command. and I was under observation. I was almost forced to accept a diplomatic post which lasted for about 10 years. September 22, 1972. Lumabas sa radyo at televisyon ng balitang, Inambos ang kotse ni Kalihim Juan Ponce Enrile. Ang insidente nito ay isa sa mga binanggit na dahilan sa pagdideklara ng martial law. Pero gawa-gawa lamang ang ambos. Aaminin nito ni Enrile mismo pagkaraan ng labing apat na taon sa unang araw ng pag-aalsa sa ETSA, February
21:34 22, 1986. Bago pa man umamin si Enrile, binunyag na ito ng peryodistang si Primitivo Micares sa kanyang librong Conjugal Dictatorship. dating malapit si Mijares sa Malacanang. Ayon sa kanya, bago nangyari ang peking ambos, ay tinawagan pa ni Marcos si Juan Ponce Enrile at tinatasang gawin na ang napag-usapang dapat gawin. Make it look good, di o manoy sabi ni Marcos. Baka mas magandang may masugatan o mamatay, siguruhin mong umabot sa Big News o News Watch. Noong gabing iyon, nang pauwi na si Enrile, tinagtag ng bala ang kanyang sasakyan habang dumaraan sa Wakwak
22:21 subdivision, Mandaluyong. Sinabi ni Enrile na nakaligtas siya dahil ang sinakyan niya ng gabing iyon ay ang kotse ng kanyang mga bodyguard. Kinabukasan, lumapas si Presidente Marcos sa telebisyon. I have proclaimed martial law in accordance with the powers vested in the President. by the Constitution of the Philippines. I assure you that I am utilizing this power for the proclamation of martial law vested in me by the Constitution for one purpose alone, and that is to save the Republic and reform our society. 23 ng September 1972, nang malaman ng
23:10 bayan na nagsimula na ang panahon ng martial law. Pero abente uno ang opisyal na pechang nakasulat sa Proclamation 1081. Now, the limit has been rich for we are against the wall. We must now defend the Republic of the Philippines with this stronger power granted by the Constitution. To those guilty of treason, insurrection, rebellion, It may pose a grave danger, but to the ordinary citizenry, to almost all of you whose primary concern is merely to be left alone,
23:55 to pursue your local activities, this is the guarantee of that freedom that you seek. All that I do, and we in government must do, is for the Republic and for you. This is the old but lucky bed where the President was born. the
24:40 morning of Monday at 7 o'clock, September 11, 1917. We had our bed here. My husband is there. Do you know where the crib would be? There, by his side. Ang presidenteng nagdeklara ng martial law ay kinilalang isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang henerasyon. Habang estudyante sa law school at 21 anyos lamang, nasangkot siya sa isang kontrobersyal na insidente. Ang kanyang ama, si Mariano Marcos, ay natalo sa pagkakongresista ng Ilocos Norte. Ang nanalo ay si Julio Nalundasan. Isang gabi pagkatapos ng eleksyon, habang nagsisipilyo sa bintana ng kanyang bahay, si
25:28 Nalundasan ay binarel at napatay. Ang pangunahing pinaghinalaan, ang sharpshooter na si Ferdinand Edralin Marcos. Sa husgado, napatunayan siyang nagkasala at hinatulan siya ng labimpitong taon sa bilangguan. Nag-review siya para sa bar habang nakakulong at naging top-notcher sa kabila ng lahat. Sa Korte Suprema, siya mismo ang dumipensa sa kanyang sarili. Ang hukom ng Korte Suprema na dominig sa kaso ni Marcos ay si Jose Laurel Sr. na naging presidente ng papet na republikang itinatag na mga Hapones noong ikalawang digmaang pandagdig. Nang hinayang si Laurel kung mabubulok lamang sa kulungan ang isang
26:17 talinong mapapakinabangan ng bayan. Pinawalang sala niya si Marcos. Para kay Marcos, isang malaking tagumpay ang kasong nalundasan Sa panahon ng gera, mas marami pa siyang tagumpay na inangkin, karapat dapat man o hindi. Sa ikalawang digmaang pandaigdig ayon sa kwentong pinalaganap ni Marcos, bumuusya at pinamunuan niya ang isang grupong gerilya na nakilala sa pangalang Ang Maharlika. Humikit kumulang sa tatlumpong medalya ang diumanoy hinakot ni Marcos dahil sa kanyang kabayanihan. Kabilang daw dito ang Congressional Medal of Honor, ang pinakamataas na
27:04 karangalang iginagawad ng gobyernong Amerikano sa sundalo. He was a defender of bataan. He was an officer in one of the intelligence units of the Filipino Grupo Ing Bataan. but to exaggerate his roar that he delayed the fall of bataan by three months, single-handedly. My God, that's too much of a feat of any ordinary mortal. Si Congressman Bonifacio Galliego, isang dating opisyal ng Army Intelligence, ang unang nagpunyag na karamihan sa mga medalyang pinagparangalan ni Marcos ay Juan Peque. Peke man o hindi,
27:54 nakatulong ang mga medalya sa pagsulong ni Marcos sa larangan ng politika. Apat na taon pagkaraan ng gera, nahalal siya bilang kongresista ng Ilocos Norte. Ang pwestong napanalunan ni Julio Naloldasan may isang dekada na ang nakaraan. Tatlong term nanungkulan si Marcos bilang kongresista ng Ilocos Norte. Pagkatapos, nahalal siyang senador at lumabas na top-notcher Di nagtagal, naging Pangulo siya ng Senado, isang pwestong ginagawang tuntungan ng mga nangangarap na maging presidente ng Pilipinas. Para kay Marcos, pati ang pag-aasawa ay isang desisyong politikal. Kongresista siya noong makilala niya si Imelda Romualdez.
28:42 Sa loob lamang ng ilang araw, napasagot niya at pinakasalan ang Rosas ng Takloban. Sa pagpapakasal kay Imelda, nagkaroon si Marcos ng baluarte sa dalawang rehyong mayaman sa boto. Tagasuro si Imelda, taga-norte ako, na sabi niya sa isang interview, Kung magkasama kami, saklaw namin ang buong bansa. What can I do, what can I be when I'm with you? I wanna stay there If I'm true, I'll never leave and if I do, I know the way there Tama ang kanyang kalkulasyon. Enero 1966, nanumpa
29:28 si Ferdinand Marcos bilang ikaanim na presidente ng Pilipinas. The first term in particular was memorable for the
30:13 achievements in infrastructure. And whenever you travel in the country, you still see this foundation. Asama na rin yung mga malalaganap na national highway sa buong bansa. Yung four years ni President Macapagal, less than, I think, less than 50. If I'm wrong, I'd say less than 500 classrooms were built. In the first two years of Marcos, 17,000 classrooms were built.
31:06 1967, eleksyon para sa Senado. Maaaring mataas na mataas ang popularidad ni Marcos pagkaraan ng halos dalawang taon ng panunungkulan. Maaaring mahusay ang kanyang makinaryang pampulitika o ang makinarya ng pandaraya. Ano man ang dahilan, lahat ng kandidato para sa senador ng Partido Nasyonalista ang partido ni Ferdinand Marcos ay nanalo. Liban sa isa, Ang tanging kandidato ng oposisyonistang Partido Liberal na nakalusot ay si Benigno Aquino Jr., dating gobernador ng Tarlac. Walang inaksayang panahon si Aquino sa Senado. Sa kanyang kauna-unahang privilege speech, binatikos niya ang
31:54 militarismong pinapairal ni Marcos. Sa taon ding iyon, isang naiibang eskandalo ang pumutok, ang Dovey Beams Affair. Si Dovey Beams ay isang starlet sa Hollywood na pumunta sa Pilipinas para lumabas sa pelikulang Maharlika tungkol sa diumanoy kabayanihan ni Marcos noong panahon ng gera. Umugong ang balitang may relasyon si Marcos at Dovey Beams. Dahil pinutol ni Marcos ang relasyon ng matunugan nito ni Imelda, At dahil hindi nabayaran si Dovey Beams sa pagganap niya sa pelikula, tumawag ang starlet ng press conference.
32:43 Ipinarinig niya ang ginawa niyang kaset tape ng umanoy pagtatalik nila ni Marcos. I'm so mistaken. I'm so mistaken. Ang mga skandalong ito ay pasakalye sa eleksyon ng 1969 nang tumakbo si Barcos para sa kanyang ikalawang term. Iyon ang isa sa pinakamarumi, pinakamadaya at pinakamagastos na eleksyon sa kasaysayan ng Pilipinas.
33:30 The heavy election spending in 1969 caused inflation to go through the ceiling. The economy faltered. So in the second term of Mr. Marcos, there was a build-up of public frustration as well in terms of the services of the government. Ang pagkawala ng tiwala ng publiko ay lalo pang naging kapansin-pansin sa eleksyon ng 1971 pagkatapos ng pagbomba sa Plaza Miranda. I ask you to support Ople, Enrile, Maceda, Elizalde,
34:23 Talo ang lahat ng kandidato ni Marcos. Ang ibinoto ng taong bayan ay ang mga kandidato ng Partido Liberal na nasugatan sa Plaza Miranda. I
35:14 must tell you a sticker. First Lady and I, pledge to ourselves, we will not sing, we will not find any joy, and we won't be happy. That was after the proclamation of martial law, until there is hope for the country attaining its dreams. Now that we have sung tonight, it must be because of the fact that the country will soon realize the dreams that our people Martial law was a Lincolnian instrument. If you will remember, President Lincoln,
36:01 during almost the Union of the United States, there was a civil war. In order to stop the disintegration of the United States, of the Union, he proclaimed martial law even if martial law was not provided for in the American Constitution. September 23, 1972, Madaling Araw. Sa magkakahiwalay pero halos magkakasabay na operasyon, pinagdadampot ng pulis at militar ang maraming itinuturing na kaaway ni Marcos. Kabilang sa mga hinuli at dinala sa mga kampo militar, ang mga leader ng oposisyon na tulad nina Senador Ninoy
36:47 Aquino at Jose Diocno. At sa loob lamang ng ilang buwan ay umabot sa 30,000 ang ikinulong sa mga stockade at kampo militar sa buong bansa. Everything was quiet on the streets and on radio, it was just music. And nobody knew what was happening except for me and my family and the families of the soon-to-be-arrested opposition leaders. Kasabay ng maramihang pag-aresto, ipinasara ni Marcos ang Kongreso at ang mga opisina ng dyaryo, radio at telebisyon. I know that opportunity has been knocking at the door for a long, long time for the Filipino people to rise up on
37:34 their own and build a new nation and build a new country, a country of which our children and their children New Society Iyon ang itinawag niya sa bagong kaayosan itinatayo niya kapalit ng sistemang kanyang
38:20 giniba, bagong lipunan. Sa biglang tingin, mukhang kapuri-puri ang mga unang ginawa niya para mailatag ang pundasyon ng pinapangarap niyang bagong lipunan. Iniutos niya na lansagin ang mga private armies. Pinasuko niya ang mga armas na hindi lisensyado. Pinatalsik niya ang humigit-kumulang sa 6,000 empleyado ng gobyerno na diumanoy kasangkot sa graft and corruption. Ang dami ng mga nang dala, ang dami ng damang dala, magaling araw ay nang
39:07 dili mga. isang nagngangalang Lim Seng ang ginawang halimbawa para ipakitang seryoso ang bagong lipunan sa kampanya Laban sa Kasamaan. Sa utos ni Marcos, si Lim Seng ay mabilisang isinakdal sa krimeng paglalaku ng droga at hinatulan ng kamatayan ng hukumang militar. Binaril siya ng firing squad.
39:58 Estudyante pa lamang siya sa universidad, ay sumulat na si Marcos ng thesis tungkol sa authoritarian governments, sa madaling salita, diktadura. Ngayon na isinakatuparan na niya ang kanyang thesis. Ang filosofiya ng kanyang paghahari ay tinawag niyang constitutional authoritarianism. Batay sa paniniwalang ito, sinikap ni Marcos na suutan ang kanyang diktadura ng balabal ng legalidad. Lahat ng dektador ay gustong magpakita ng konstitusyonelidad ng kanilang gobyerno upang huwag sabihin na sila ay ang kanilang regime ay sa pwersa labang. Muling pinulong ni Marcos ang
40:46 Constitutional Convention. Dahil nakakulong na ang maraming delegadong kontra sa kanya, hindi na makapalag ang mga delegadong naiwan sa labas. Mabilis nilang tinapos ang saligang batas at pagkatapos ay isinumite ito kay Marcos sa Malacanang. Nagtakda ang rehymen ng plebesito para ratipikahin ang bagong saligang batas. Pero naramdaman ito na matatalo ang botong yes at mananalo ang no sa isang tunay na plebesito. Kalat na kalat ang biruan na ang iboboto ng taong bayan ay aki, no o jok. No. Kinansila ni Marcos ang plebisito. Ang ipinalit ay isang kakatwang pagtitipon na
41:36 tinawag na Citizens Assembly. Sa halip na lihim na balota, dinaan ang botohan sa taasan ng kamay. Pag-iipon-ipon sila ng mga Citizens Assemblies at saka pati yung mga batang-bata pa na hindi makakaboto ay kasali. Pagkatapos noon ay magtatanong daw sila, Kung sino yung gusto ng librang bigas ay magtaas ng kamay. Eh syempre, kasi mahirap yung mga panahon na yun, ay lahat syempre gusto ng librang bigas. Sabi nila, overwhelming yung ratification ng bagyong konstitusyon ng citizens' assemblies. Palibhas ay abogado, mabusisi si Marcos pagdating sa legalidad. Sa labing apat na taon ng kanyang rehimeng militar,
42:22 naglabas siya ng humigit-kumulang sa tatlong libong letters of instruction at presidential decrees. Bukod sa legalidad, may isa pang bagay na tiniyak si Marcos. Ang suporta at tulong ng Amerika. May katibayan na bago niya idineklara ang martial law, kumunsulta muna siya kay Presidente Richard Nixon ng Estados Unidos. Hindi siya pinigilan ito. Hindi kailasa kanya na ang Estados Unidos ay sumusuporta sa mga diktador para
43:10 lamang mapigilan ang pagsulong ng komunismo sa mundo at para mapangalagaan ang sarili nitong mga interes. Naniniwala ang maraming dalubhasa na ang Estados Unidos ay nagbulag-bulagan sa mga pagmamalabis ng batas militar dahil nabigyan ni Marcos ng proteksyon ang mga base militar at ang mga negosyong Amerikano sa Pilipinas. We love your adherence to democratic principle and to the democratic processes. Nang pumutok na ang EDSA noong 1986, nang nalalagay na sa peligro ang interes ng Estados Unidos dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa rehimeng militar, ay saka pa lamang
43:56 tuluyang binitawan ng Amerika si Marcos. Wala kaming human rights violation dito sa Pilipinas. Araw-araw nga eh, meron kang kabah. Dahil sa unang-una, hindi mo nakikita kung ano yung haharapin mo, no? In the course of your daily duties. Ikalawa, hindi mo rin alam kung ano yung magiging utos na magagaling sa itaas.
44:48 Ang tagapagpatupad ng martial law ay ang Armed Forces of the Philippines. At salamat sa martial law, lalong naging makapagnyarihan ang sandatahang lakas. Makikita natin na simula noong 1972, in increasing numbers, military officers became, well, assumed important and strategic positions in the civilian bureaucracy. Lumaki ng husto ang puwersa ng AFP at lumobo ang budget nito. Para masentralisa ang kapagnyarihan, ang pulisya na dati nasa ilalim ng mga alkalde ay ipinailalim ni Marcos sa militar. Ang danger naman nitong centralization, particularly when you don't have competing centers of political
45:35 power, is that power is controlled by a very select group. And all the instruments of repression, state repression, are under the control of one person. So walang check and balance. Binalasa ni Marcos ang militar para matiyak na ang nasa matataas na pwesto ay tapat sa kanya. Pinaburan niya ang mga kapwa ilokano pagdating sa promosyon. Ang pangunahing na kinabang, si General Fabian Ver. Kalalawigan at dating driver ni Marcos, si Ver Marcos. ay naging isa sa pinakamakapangyarihang tao sa rehimeng militar.
46:20 Hindi matatawaran ang katapatan ni Ver kay Marcos. Ayon sa birubiruan, kung palulundagin daw ni Marcos si Ver, ang isasagot nito eh, from what floor, sir? Tatlong ahensya ang pinamunuan ni Ver, ang Presidential Guard Battalion, ang Intelligence Service of the AFP o ESAFP, at ang National Intelligence and Security Authority o NISA. Ito'y mga intelligence agencies na may tungkuling mag-espia sa taong bayan. When you change from a democratic system to an authoritarian system, you need to sharpen and empower the intelligence agencies of the government because you have to know where the The
47:07 sources of dissent are... The general order signed by President Marcos said that even civilians can be held before a military court. Eh pag dyan, wala ka na because the rules there are rules on soldiers for military discipline. Lapsided dyan. Ang mga wesis dyan, panay military officers, hindi mga civilian judges. Hindi nga mga abogado yun eh. So, one-sided. malupit at walang pakundangan ng militar at ang polis. Sa ilalim ng Rehimeng Marcos, ayon sa grupong Amnesty International, humigit kumulang na 70,000 ang ikinulong, 34,000 ang dumanas ng torture at 3,240 ang pinatay. Ginamitan ako ng electric shock, kuryente,
47:57 hinubad, binuhusan ng tubig, ilagyan ng kuryente. Tapos sa iba't ibang bahagi ng katawan ko, yung other end. Mula dito pababa hanggang sa... Nakita ko nga minsan nung hindi pa ako nare-release doon sa Kramep. Halos walang magdamag yung kanilang walkie-talkie ganyan. O nandito kami sa Paranaque. May dadalhin kami dyan. Handa kayo. Natatantaan ko noon yung mga babaeng Nagtatapat naman ng mga na-rape at saka yung mga istorya nila bago sila nakulong. May mga
48:44 kasama silang pinapaupo sa eyes, ganyan, so on. Talagang nakakapangilabot. Kabilang sa libu-libong nakulong sa panahon ng martial law ay sina Nena Fajardo at ang kanyang asawa. Si Nena ay pinaghinalaang may koneksyon sa mga komunista. 19 anyos lang siya noon. Nakunan si Fajardo habang nasa detensyon pero hindi agad dinala sa doktor. Nang lumaya silang mag-asawa, naging aktibo sila sa pag-oorganisa ng mga tagatundo. Hindi nagtagal ay pinatay ang asawa niya. Hindi ko malaman kung anong magiging, anong pakiramdam ko noon. Kung madudumi ako, masusuka ako. Basta hindi
49:30 ko alam. Pero pinilit ko noon na ano na... Kasi dinala rin ako ng hospital dahil nasyok din ako dahil nakitok talaga sa TV asawa ko na binubuhat na parang baboy eh. Ang feeling ng mga anak ko hindi ko mahalan tatay nila. Ang hirap kong bumawi doon. Kasi hindi nila akong nakakita nung burol. Tapos sila hindi ko rin mahal yun ang feeling nila. Tapos galit sila hindi lang sa ano hindi lang sa militar. Pati sa Kilusan, nagkaroon sila ng galit nun eh. Dahil kung hindi daw sila sumama sa ganito, hindi mangyari sa tatay nila yun. Tsaka kung hindi rin daw ako nandito, hindi ko sila mapapabayaan.
50:24 Karamihan sa mga kaso ng paglabag sa mga karapatang tao, ay ibinintang sa Philippine Constabulary at sa Philippine Army. Kasi yung Constabulary, they planted evidence, they extracted confessions. Sila talagang may makinarya na parang maka-obtain ng evidence. Itong President ni General Ramos, he was Chief of the Philippine Constabulary. That was the principal agency ng maraming human rights violations. In fact, yung lahat ng mga inaresto yan, sila ni Noy, basta lahat yan. Ang commitment orders doon, pirmado ni General Ramos. I should know
51:12 that because I saw it. They were my clients. Meron din mga excesses ng mga intelligence officers protected by the mantle of yung Arrested out warrant, dahil nga martial law eh. In any case, we sought to correct those successes. Aminado ang nakapanayam ng mga opisyal at tauhang militar na ang martial law ay nakapinsala sa bayan. Pero wala ni isaman sa kanila ang umamin na may nagawa silang kasalanan. Iginiit nila na sumunod lamang sila sa mga utos na nanggaling sa itaas. A soldier only follows
51:59 legitimate orders. If an order is illegitimate, it's not sound, he's not duty-bound to follow such an order. Everyone is responsible for one's act, nobody else. You cannot pass that on to the top and say, oh, sinabi niya sa akin yun eh. Hanggang ngayon, itinatanggi ng Pamilya Marcos at ng iba pang dating opisyal ng diktadura na nagkaroon ng malawakan at sistematikong pang-aabuso. Pero sa isang importanteng kasong niliti sa Hawaii, kinilala ng hukuman na minaganap na paglabag sa mga karapatang tao at hinatulan ang Pamilya Marcos na bayaran ang humigit kumulang sa 10,000 biktima. Pero mas maganda kung...
52:47 There was no Filipino that was executed during the martial law period, even if he was convicted with murder or convicted for a death sentence. Walang Filipino. That's what martial law can be proud about. It was a compassionate society. It was a benevolent leadership.
53:44 Compassionate Society, Smiling Martial Law. Iyon ang gustong palabasin ng rehimeng militar. Hindi iyon ang larawang makikita sa kaso ni Primitivo Mijares. Si Primitivo Mijares ay isang peryodista na naging pangunahing propagandista ng rehimeng militar. Ano mang oras, kahit walang appointment, pwede siyang pumasok sa opisina ni Marcos. Ganoon siya kalakas. Pero nakaaway ni Mejares si Cocoy Romualdez, ang kapatid ni Imelda Marcos. Nagpasya si Mejares na kumala sa rehimen. Sa Estados Unidos, naglabas siya ng libro na pinamagatang The Conjugal Dictatorship, ang diktadura na mag-asawa. Dito'y inilabas niya ang paho
54:30 ng rehimen, pati na ang pambababae ni Marcos. Hindi nagtagal na wala na lamang at sukat si Mejares. Naging desaparecido niya. Maraming naniniwala na pinatay siya ng mga ahente ni Marcos sa Estados Unidos. Pero hanggang ngayon, eh wala pang natatagpuan ang bangkay. Mas matindi ang nangyari sa anak niyang si Boyette. May natanggap itong tawag sa telepono na nagsasabing buhay ang ama niya at gusto siyang makausap. Pakaraan ng mga dalawang linggo, natagpuan ang bangkay ni Boyette. He was tortured brutally. Ang mga kuko niya binunot lahat. Nunot ang kanya mga kuko. And then
55:16 33 ice pick-horns around the body. Ang mga malagim na kasaysayang katulad nito ay hindi lumabas sa media. Mahigpit ang kontrol ng rehymen sa dating tinatawag na freest press in Asia. Ang mga dyaryo at estasyon ng radyo at telebisyon na pinayagang magpatuloy ay pag-aari na ng mga Marcos at Romualdes at ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Walang makalusot na balitang kontra kina Marcos. They always had kept up this pretense that we had a free press. In other words, it wasn't a formal structured repression of the media. It was just something that you, ay mali pala yun kasi
56:03 you find yourself na in jail. Kapalit ng kalayaan sa peryodismo at kalayaan sa pagpapahayag ay ipinakalat ang mga eslogan tungkol sa bagong lipunan. Sinikil ng rehymen pati ang mga biro at pinarusahan ang sino mang nangahas na gawing katawa-tawa ang anumang aspeto ng bagong lipunan. Ang hindi makuha ng rehimen sa santong paspasan o santong pukpukan ay sinikap nitong makuha sa pacharmen.
56:49 Mrs. Marcos can be so disarmingly charming. I remember a story by Lino Broca who said, who really hated the guts of Mrs. Marcos. But when they meet in a party, Mrs. Marcus would charm him off his chair and he would respond in kind and be very gracious to her. And then when she leaves, she'll say, why did I talk to you? I remember when he became president, I asked him, now, Ferdinand, that you are president, this was in 65, what's my role as your first lady? And he said, you as first lady and mother of the country, he said, while I, Ferdinand, the father, built the house. You make it a home.
57:37 And so I had to reflect what makes a home. Love. What is love when made real? Beauty. Then I saw her face. Now I'm a believer. I heard a trace of doubt in my mind. Si Imelda Romualdez Marcos ay tinawag na secret weapon ni Marcos nang tumakbo ito sa pagkapresidente. Sa panahon ng martial law, tinawag siyang iron butterfly sapagkat ipinagsama niya sa kanyang katauhan ang ganda ng paru-paro at ang tigas ng asero. Dati, kontento na si Imelda sa pagiging butihing may bahay.
58:25 When the Dobby Beams affair happened, she then took it to hand herself. prove her worth that you know she was someone to contend with. Si Imelda ay naging gobernador ng Metro Manila at Minister of Human Settlements. Pumirma siya ng mga kasunduan sa China, Union Soviet, Roma,
59:12 Yugoslavia at Libya. Hindi lamang siya unang ginang. Ang tawag sa kanya ay the other president. Ang kapangyarihan niya ay halos kapantay ng kay Ferdinand Marcos. Naging pamuso si Imelda sa kanyang pagwawaldas ng pera ng bayan, sa shopping, sa mararangyang handaan. Ayon sa mga kritiko, si Imelda ay may edifice complex. Ito'y sa dahilang nagpatayo siya ng kung ano-anong edipisyo at gusali. Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, Heart Center, lung center, kidney center, film center,
1:00:02 cultural center. Yung cultural center, yun ang parang our monument to the Filipino soul and spirit. Doon natin ilalagay lahat ang kagandahan na ating that we have upheld, the beautiful and the good and the right that we have upheld and the true that we have upheld as a people through the centuries. Nang ikasalang anak niyang si Irene, Balitang gumasto si Imelda ng 1 million US dollars para lamang ipaayos ang simbahan sa Ilocos Norte. Ilang buwan pagkatapos ng kasal, nawasak ang simbahan sa isang lindol. Isang paboritong proyekto ni Imelda ay ang Film Center. Minadali ito para magamit sa Manila International Film Festival o
1:00:47 MIFF. I swear, it looked like the slaves building the pyramid. I was so stunned, I couldn't move. You see this whole line of people bringing up, toting these huge blocks of marble or whatever. You know, it was, I could hear Pharaoh music. Ayon sa mga ulat na hindi pinayagang lumabas sa media, gumuho ang dalawang palapag habang ginagawa ang film center. Dalawang daang katao ang tinatayang namatay sa insidente, natabunan ng simentong madaling matuyok. Basyadong ulan, basa pa yung simento sa tuktok, nag-collapse yung ceiling at merong nabaon na ilan tao doon. Pero hindi
1:01:36 totoo na merong kaming iniwan na patay doon. Yan naman Diyos ang may alam. Miskin natin hukayin piece by piece, stone by stone dyan, ni isang buto ng tao wala dyan na iwan. Totoo yan. I will never do that. Ang Manila Film Center ngayon ay isang hungkag at inutil na palasyo. Sinasabing pinagmumultuhan ito, malapit na itong ibain. Bakit ngayon? Ang dumi-dumi. Walang parang traffic, walang order. Tapos pagka nakikita ko pa yung mga bata, yung mga bulag, yung matatanda,
1:02:24 naglilimos, wala naman lang pumapansin. Ay nung araw, lahat yan, yung matanda man, bata, hindi mo makikita. Doon kasi kukuping ko lahat at lalagyan ko ng home for the aged, home for the orphans. Meron akong lahat noon from home to tomb. Masagana ng sinay, masagana Sa kanyang ikalawang presidential decree sa ilalim ng batas militar, ipinahayag ni Marcos na ang buong Pilipinas ay isa ng land reform area. Ipamamahagiraw ang lupa sa mga magsasaka. I, Ferdinand E. Marcos, President
1:03:10 of the Republic of the Philippines, do hereby decree and order. Henceforth, On this day on, October 21, 1972, the emancipation of tenant farmers of the Philippines. Nang magwakas ang batas militar, wala pang apat na porsyento ng mga kasama ang naging may-ari ng lupang kanilang sinasaka. Yung kanyang agrarian reform, mukhang magandang tingnan, pero implementation is very limited kasi ang inatake lang yung mga lupain ng mga kanyang mga kaaway. Isa sa pinag-inita ni Marcos ang angkan ng mga Lopez. Malawak ang kanilang mga
1:03:57 tubuhan at marami silang negosyo. Minahan, diaryo, radyo, televisyon, kuryente. Pinag-interesa ni Marcos ang mga ito. Si Henny Lopez, pamangkin ng dating vice-presidente Fernando Lopez, ay inaresto at ikinulong matapos pagbintangang kasangkot sa tangkang patayin si Marcos. Para mapalaya si Henny, pumayag ang mga Lopez na isuko kay Marcos ang ilan sa kanilang malalaking negosyo. The day they were supposed to sign the contract, the lawyers of Mr. Marcos asked my father, said, Mr. Lopez, you're about to sign the contract, you haven't even read the agreement. He said,
1:04:47 if I disagreed with any of these conditions, would you change it? They said, no. Well, he said, then what's the point? So he signed. Nakuha ni Marcos ang Meralco at ABS-CBN. Pero hindi siya tumupad sa pangako. Nakalimang taon sa kulungan si Henny Lopez. Lumaya lang siya nung umiskapo sila ni Serge Osmeña mula sa maximum security prison sa Fort Bonifacio. Binawag ni Marcos ang bahagi ng lumang oligarkiya na sumasalungat sa kanya. Pero pinalitan niya ito ng isang bagong pangkat na binubuo ng kanyang mga kamag-anak at katoto, ang mga cronies. Isang bagong kaayusan sa negosyo ang lumitaw, crony
1:05:33 capitalism. Kabilang sa mga nakinabang sa martial law ang sariling pamilya ni Marcos, ang kapatid niyang si Pasifiko, isang doktor, ay nagkanegosyo sa insurance, banking at real estate. Ang isa pa niyang kapatid, si Fortuna Barba, ay napasok sa shipping. Ang kanilang ina, si Josefa Edrelin Marcos, ay nabigyan ng kontrol sa mga kumpanya ng pagtutroso, tabako at food processing. Lahat-lahat, 48 kumpanya ang hinawakan ng pamilya Marcos. Hindi pa huhuli ang mga kamaganak ni Imelda. Napunta sa paborito niyang kapatid na si Cocoy Romualdez ang labing isang malalaking kumpanya. Kabilang dito ang ilang
1:06:19 negosyo ng mga Lopez. Si Cocoy ay naging embahador sa Estados Unidos. Ang mga cronies ay kalaro ni Marcos sa Gulf, mga dati niyang kaklase o Brad sa fraternity. Mga sumuporta sa kanya sa iba't ibang kampanyang pang-eleksyon. Kabilang sa mga ito, Rodolfo Cuenca, nakuha ang mga kontrata sa pagpapagawa ng mga expressways. Antonio Floirendo, binigyan ng penal colony sa Davao para gawing asyenda ng saging na pang-export. Ricardo Silverio, naging pangunahing dealer ng kotse at sole distributor ng Toyota.
1:07:06 Herminio De Sini, namonopulisa ang negosyo ng filter ng sigarilyo. Roberto Benedicto, sa kanya napunta ang ABS-CBN, mga estasyon sa radyo, isang dyaryo. Eduardo Cujuanco, namonopulisa ang negosyo ng NYOG at nakontrol ang San Miguel, ang pinakamalaking korporasyon sa buong bansa. Inalagaan ni Marcos ang kanyang mga cronies. Naglabas siya ng PD o Presidential Decrees at LOI, o letters of instruction, na pabor sa negosyo ng mga ito at umiipit sa kanilang mga kakompetensya. Kumabig din si Marcos ng milyon-milyong komisyon at kickback mula sa bawat
1:07:54 malalaking kontratang kailangang dumaan sa Baracanang. Masimula mukhang gumanda ang takbo ng ekonomiya. Ipinasok ni Marco sa gobyerno ang mga teknocrats na tulad ni na Paterno, Gerardo Sikat at Cesar Virata. Ang mga ito ay mga profesional na manager na kilalang hindi namumulitika o balitang hindi nangungurakot. Lumago ang tubo ng mga pangunahing korporasyon. Tumaas ang gross national product at nagkaroon ang Pilipinas sa
1:08:41 kauna-unahang beses ng balance of payment surplus dahil sa di inaasahang pagtaas ng presyo ng mga produktong pang-export. Pangunahin na ang asukal at nyog. I would say 1972 to 1976. I think that there were These were the best years of the Marcos administration. Pero hindi nagtagal ang oras ng ligaya ng mga negosyante. Nang pumutok ang gera sa Middle East, tumaas ang presyo ng langis at bumagsak ang export earnings ng Pilipinas. Lalong lumaki ang utang ng gobyerno sa World Bank at International Monetary Fund. Noong
1:09:28 1980, umabot sa 10 bilyong dolyar Amerikano ang panlabas na utang. What happened to us was a compendium of bad policies, which included this kind of crony capitalism, this kind of policies that allowed essentially, that resulted in our investments being so inefficient that we were not able to attain the income or the product that we needed in order to be able to pay back our loans. And so when it came time for the crunch, dead. There was no way. Starting from, I think, 81, we were paying for our loans by borrowing. Ang nagdusa ay hindi ang Malacanang, kundi ang Sambayanan. Naghigpit ang
1:10:17 International Monetary Fund para di umano ma-stabilize ang ekonomiya ng Pilipinas. So they stabilized us and we almost died in the attempt. So Marcos says a lot. a lot of responsibility. He has a lot to answer for as far as the economy is concerned. Of course he has the command responsibility, but by God, and he surrounded himself with some of the most brilliant people. Question is, did those brilliant people give him the benefit of what they were thinking, or were they all busy second-guessing him and trying to keep on his good side? If I had my life to live all over again,
1:11:02 probably would have gone to Mr. Marcos in 1976 and said, Mr. Marcos, pwede na ba? Pwede na ba ako umalis? What kept me going up to 79 or 80? I think partly ego. Partly the feeling that kung ako'y umalis, lalong sasama ang sitwasyon, Because the people that will take my place will not be as principled or scribbled as I am. So, I'm saying it's ego. And maybe I should have left earlier. Ikaw ay nagtiwala
1:11:48 ng buong puso sa kanyang mga pangako. Tamis ng kanyang dila ay pinakinggana kala mo ay totoo. Ang ginanti niya sa pag-ibig mo ay puro pagbabalag kayo. Dahil ko bilang sabi ng isang magsasaka, ako'y taga Bohol, ang liit na isla, dalawang taon, pitumpong kaso ng lupa. Hanggang ayun, walang binibigay kahit isa. Sabi nung magsasaka, hindi na yata pwede yung reforma, Ed. Pwede bang revolusyon? Sabi niya. Ngayon na ang tamang oras, always miminda, wag ka nang maghintay pa. Ikilos mo ang iyong mga kamay, ihapang mo ang iyong mga paan. Lumakas ang puwersa ng Communist
1:12:35 Party of the Philippines at New People's Army, lalo na sa kanayunan. Sa unang taon ng martial law, itinatag ang National Democratic Front, isang makakaliwang alyansa na nagtataguyod ng sandatahang pakikibaka. Sa kalakasan ng CPP-NPA-NDF, tinatayang umabot sa mahigit 20,000 ang armadong kasapian nito. Sa hanay ng Muslim Secessionist Movement, itinatag ang Moro National Liberation Front at sa kalaunan ang Moro Islamic Liberation Front. Ang mga grupong ito ay sinuportahan at inarmasan ng mga mayayamang bansang Muslim sa Middle
1:13:20 East. Naging madugong larangan ang Mindanao. Sa Cordillera, plano ng gobyerno na ipatayo ang Chico Dam, isang proyektong sisira sa tradisyonal na pamumuhay ng mga katutubo at sa kanilang mga pamayanan. Nagprotesta ang mga kalinga sa pambihirang pamamaraan. tumitindi na rin ang pakikipaglaban ng mga kalinga, yung mga kababaihan nga, isang beses, para tutulan nila ito, sila ay humarap sa mga militar na wala silang suot na pantaas. Sa marami pang mapanlikhang pamamaraan,
1:14:07 pinatunayan ng iba't ibang sektor ng lipunan na hindi lahat ay tumahimik o lumuhod sa takot. Kumilos din ang mga makabayang politiko. Noong 1978, dahil sa tulak ng administrasyon ni Presidente Jimmy Carter ng Estados Unidos, napilitan si Marcos na
1:14:57 idaos ang matagal ng nabibimbing eleksyon para sa interim batasang pambansa. Ako si Trin Aquino, ako'y pitong taong bulang na. Haros aling na taong ko nang hindi nakakapiling ang tatay ko si Ninoy Aquino. Sana'y tulungan po ninyo ako para makapiling ko naman ng mami ko, ng mga kapatid ko at langang-lalong na para makapaglingkod na rin sa inyo. Mula sa bilangguan, inilunsad ni Ninoy Aquino ang kanyang kandidatura. Hinayaan siyang kumandidato pero hindi siya pinayagang kumampanya. Binigyan lang siya ng isang pagkakataong magsalita sa telebisyon. We stand up. Hindi ka pa nakakatayo eh. Denied ng
1:15:46 motion mo eh. Eh siyempre mga general yan eh. Eh pag nagalit si Apu sa kanila eh di retirado na sila. Sir, wouldn't you think that by making a statement such as that, you're really questioning the integrity of all these men? No, it is the circumstance, Cronin. Kamukha mo, impiyado ka ng NMPC. Maataking ba si Marcos? I will not attack the president. I have no quarrel with him. Because you are also in the NNPC. Ang partido ng rehymen ng kilusang bagong
1:16:34 lipunan ay nagharap ng tiket na pinangungunahan ni Imelda Marcos. Sa pamumuno ni Ninoy Aquino, ang oposisyon ay nagbuo ng isang alyansa, ang lakas ng bayan o laban. Sinabi namin sa taong bayan na alam namin na yung mga boto ninyo baka hindi mabilang. Pero kung kayo ay buboto sa mga mga opposition candidates kay Ninoy Aquino particularly. Pwede bang sumali kayo sa noise barrage? Mag-ingay tayo. We will vote by our noise. Kung makasampung minuto man lang ang noise barrage ay magiging masaya na ang partidong laban.
1:17:24 pero tumagal ng tumagal ang protesta mula alas 7 ng gabi hanggang madaling araw. It was really an outpouring of sentiment of the people na dapat itigil na ang karasa ng martial law. Ang noise barrage ay isa sa mga unang manifestasyon ng people power. Pero nang matapos ang bilangan, Ang lumabas na panalo ay ang dalawampung kandidato ng kinusang bagong lipunan. Ang sikat na si Ninoy Aquino ay tinalo ng kung sino-sinong di kilalang kandidato. Ang lantarang pandaraya sa halalan ng 1978 ay nagkaroon ng di inaasahang bunga, ang radikalisasyon ng mga tradisyonal na
1:18:13 politiko at ng mga aktivistang moderato. Behind the series of terrorist bombings in the country. Bombing incidents in Metro Manila. Sa panahon ito isinilang ang Light of Fire Movement at ang April 6 Movement, mga grupong sinuportahan ng mayayamang Pilipino na nadistiyero sa Estados Unidos. Third force kami. So ang isa sa mga loyoin namin is to embolden ourselves, lumakas ang loob, lalo na yung nasa above ground. yung gumagamit ng parliamentary, yung conventional parliamentary tactics, street parliamentary tactics, nag-demonstrate, nagbibigyan ng leaflets, so, sumusulat, lumakas ang loob. At itapo namin throwback fear. Marami pa kami yung ibang gagawin, especially New Year's Eve.
1:19:01 Pasasabogin sana yung mga, ano to, yung mga crony newspapers. Yung hayagang asinwalingan ng mga nilalabas sa dyaryo. Si Doris Bafre ay empleyado ng gobyerno at lihim na kasapi ng April 6 Movement. Siya ang nagpasok ng bomba sa pandayigdigang kumperensya ng American Society of Travel Agents na ginanap sa Maynilang. Sa malaking kahihiyan ng rehymen, sumabog ang bomba matapos ang talumpate ni Marcos.
1:19:54 Natuntun at inaresto si Baffrey. Bagamat opisyal ng Philippine Navy ang kanyang ama, nagtagal siya ng limang taon sa loob ng Camp Crame. ang pinakamatagal na nakulong sa mga babaeng detenido. 1981, humina ang ekonomya. May bagong presidente ang Estados Unidos, si Ronald Reagan. Nakatakdang dumalaw sa Pilipinas ang papa si John Paul II. Dahil sa mga pangyayaring ito, napilitan si Marcos na magluwag. Formal niyang inalis ang martial law at nagdao siya ng isang eleksyon sa pagkapresidente.
1:20:42 Binoykot ng oposisyon ang halalan. Hindi sila naniniwala na magiging malinis ito. Isang politikong nilimot na ng panahon ang tumakbo laban kay Marcos. Ang suspetya ng karamihan ay si Marcos mismo ang nagpatakbo at nagpondo ng kanyang kalaban para palabasing totohanan at malaya ang eleksyon. tulad ng dapat asahan na nalo si Marcos.
1:21:28 Sa kabila ng pinangangalandakang pag-alis ng martial law, walang nagbago. Ang kapangyarihan ni Marcos sa ilalim ng batas militar ay naruroon pa rin. Pwede pa rin hulihin ang kahit sino ng walang warrant of arrest. Amendment 6 says in effect that the president, even if National Assembly is in session, can also make laws. Pero, siyempre ang proseso sa batasan, pangbansa mahaba, siya Sasabihin lang niya, di ba tas ang pambansa law something so and so, hereby repealed. Di yun na.
1:22:14 Sa panahong ito, naninirahan na sa Estados Unidos si Ninoy Aquino at ang kanyang pamilya. Napilitan si Marcos na palayain ang kanyang pangunahing kaaway na politiko noong 1980. Kailangang operahan si Ninoy para sa sakit sa puso. Natakot si Marcos na siya ang sisisihin kung sakaling mamatay si Ninoy sa loob ng bilangguan. Sa Amerika, ipinagpatuloy ni Ninoy ang pagbatikos sa diktadura. And as you very well know, a month after I met her, Marshal Law was lifted. But what kind of lifting? And I told Mrs. Marcos. Mrs. Marcos, I said, if your husband is sincere, nothing is impossible.
1:23:00 But if your husband is not sincere, Pagkaraan ng tatlong taong paninirahan sa Amerika, nagpasya si Ninoy Aquino. Imahusis sa gulpe si Marcos. He was probably the only leader of two leaders who knew the Filipino soul and the Filipino heart very, very well. The other one was Ninoy. Bago nag-martial law, si Ninoy Aquino ay isang tradisyonal na politiko. Isang henyo sa larangan ng politika
1:23:47 pero tradisyonal na politiko pa rin. Tulad ni Marcos, eksperto siya sa paggamit ng mga tradisyonal na instrumento ng eleksyon sa Pilipinas, guns, guns. goons and gold. Tulad ni Marcos, isa siyang balimbing. Umalis siya sa Partido Nasionalista at sumama sa Partido Liberal noong nasa poder ang Partido Liberal. Ninoy was, as everybody knew, he was very ambitious and he really wanted to be president. And his whole life was politics. I mean, he was 1923 when he became mayor and everything was just planned for that 1973 election. He has driven away all tourists which accounts for about a hundred million dollars. He has driven away foreign capital. He is
1:24:33 causing now a retrenchment of local industries. He is causing a flight of local capital. Now when these things finally bring their full impact on the Filipino people, let's say six months from now, his problems will be compounded. Nagbago ang buhay at pananaw ni Ninoy dahil sa karanasan niya sa ilalim ng martial law. Ikinulong si Ninoy sa salang subversion. murder and illegal possession of firearms. Nilitis siya sa isang hukumang militar at hinatulan ng kamatayan. Five of the members present at the time the vote was taken conquering sentences each one of you to suffer the penalty of death by firing squad. May panahong sila ni Senador Jose Diocno ay
1:25:22 magkahiwalay na binartulina sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija. Sa loob ng 43 araw ng solitary confinement, pareho silang inkumunikado. Wala silang nakitang ibang tao liban sa kanilang mga gwardiya at walang nakakaalam kung saan sila inilipat, kung buhay sila o patay. It was also, I guess, his most humiliating experience. Now, here is a senator of the Republic, a potential president, stripped naked when he's brought to Fort Magsaysay. His eyeglasses, his wedding ring, everything is taken away from him. He is just issued two sets of underwear, his
1:26:09 briefs and his undershirt, which he is made to wash. every morning so that we can have a clean change every day. And that is when he really, well first he asked, that was also his lowest. That was the first time I saw Ninoi cry. And for the first time, I thought that we were really defeated. But in the depths of my desolation, I discovered my faith and my God. And it was only then that I realized I'm nothing. I realized that all the pomp, the glory of the Senate, were ephemeral. That wealth, that clothing, keeping up with the Joneses,
1:26:56 was not of this world really. And having discovered that, I have lost my appetite for power. Hindi nawala ang diwa ng protesta. Sa kulungan, naglunsad si Ninoy ng hunger strike Apat na pong araw siyang hindi kumain, nang hina siya at muntik ng mamatay. Nang magkasakit siya sa puso, hiniling niyang magpa-opera sa Estados Unidos. I told them, where can I have my operation? Dito lang po, sa Heart Center. And that's the Heart Center of Imelda Marcos. And I asked, who can do the operation for me? The director said, ako lang po. He was the director of the Heart Center.
1:28:00 Pumayag si Marcos. Maaring inisip nito na hihina ang oposisyon kung wala si Ninoy sa Pilipinas. Samantalang babango naman ang reputasyon ng diktadura sa harap ng mundo. May 8, my wife visited me early in the morning and she told me, the hospital is crawling with Metrocom cars, guards all over the place. Baka kami magbibisita sa'yo. Then all of a sudden, my guards started jumping, putting their barong Tagalog, hiding all of their guns. I said, tama, may darating na BIP. And then lo and behold, the beautiful one ascended into my suite. She came and she was really beautiful. She has not aged
1:28:45 and she sat down and said, Naku Ninoy, sabi niya, I'm sorry to see you like that. Would you like to go to America? Abay kako, sure, sure. Oo, oo. Eh sa tuwa ko, tinanggal ko pa yung aking kwintas. Kakako, anting-anting ko ito, iwan ako nakaka-compare dito. Palayasin na niyo ako, pumunta niyo ako sa America. Sabi niya, there's a plane leaving at 6 o'clock. You can be in that plane. From living under the dictatorship, having your husband in prison, and wow, it was just such an abnormal life. And you've lived that life for seven
1:29:30 years and seven months. And suddenly, you're living together in a house. You can speak freely on the phone. People are nice to you. You can do so many things. And then, Ninoy has at least a decent kind of life. Sa Estados Unidos, sumama si Ninoy sa ilang grupong kontra sa diktadura. Isa na rito ang Movement for a Free Philippines na kinabibilangan nina Raul Manglapos at Iherzon Alvarez. Pagkaraan ng tatlong taong pagkadistiyero sa Estados Unidos, gusto nang umuwi ni Ninoy. Sa tingin ng mga oposisyonistang naiwan sa Pilipinas, siya lamang ang may kakayahang mamuno at magbuklod sa tradisyonal na
1:30:16 oposisyon. Kung wala siya, mangingibabaw ang mga komunista sa hanay na mga lumalaban sa diktadura. And so he wanted to come back, have an audience with Marcos and try to persuade him to call for clean and orderly elections. Daligalig ang gobyerno sa plano ni Ninoy. para mapigilan ang kanyang pag-uwi, kinansila ang kanyang pasaporte at winarningan siya na may mga magtatangkang pumatay sa kanya kung sakaling umuwi siya. Nung nagkita kami ni Ninoy, sabi ko Ninoy ang sabi ni Presidente, okay na okay daw. In fact, matagal ka nang hinihintay niya eh, ilang taon na yun, nagtataka siya, ba't hindi ka pa umuwi? Sabi ko, sabi ni Presidente, Marcos, okay na okay, pwede kang umuwi. Ngunit, Sabihin mo sa amin kung
1:31:07 kailang ka uwi. It is to help secure you sapagkat alam ninyo, ang iba dito, ang isip ay ikaw ay CIA, ang iba naman NPA, sino ka ba? E syempre yung NPA nagsiselo sa CIA, ang CIA naman magsiselo sa NPA. Kaya, for your security, you inform us. Noong panahon iyon, malubhana ang sakit ni Marco. Pagamat inililihim ng Malakanyang ang kanyang tunay na kalagayan, kalat na kalat ang balitang meron siyang lupus erythematosus, isang sakit na posibleng makamatay. President Marcos at that time, August 21, was not only sick, he was dying because there was a rejection
1:31:54 of his kidney transplant on August 7. He was dying. And so sabi niya, Tawagin mo si General Ver who was there and he said, ask if Ninoy is arriving. Ang sabi naman ni General Ver, I don't think so sir kasi matagal na yung balita e wala naman dumadating at saka hindi naman tayo in-inform. May sari-saring espekulasyon kung bakit pinipigilan ang pag-uwi ni Ninoy noong panahong iyon. Nakatakdang dumalaw si Presidente Ronald Reagan ng Estados Unidos at maaaring pinipigilan Ayaw ng rehymen na nasa Pilipinas si Ninoy pagdating ng araw na iyon. Maaring natatakot ang rehymen na mabubulabog ang
1:32:41 eleksyon para sa batas ang pabansa na nakatakdang Idaos sa 1984. May haka-haka rin na sina Imelda at General Ver ay may planong sunggaban ang kapangyarihan oras na mamatay si Marcos at natatakot silang baka masira ang plano nila kung darating si Ninoy. Ngayon man, nakagawa si Ninoy ng paraan para malusutan ang mga balakid sa kanyang pagbabalik. Nakakuha siya ng Peking pasaporte sa pangalang Marcial Bonifacio at dumaan muna siya sa ibang bansa para lituhin ang sino mang sumusubaybay sa kanya. You have to be very ready with your hand camera because this action can become
1:33:26 very fast. In a matter of 3-4 minutes, it could be all over, you know. I have no complaints whatsoever. I feel that the good Lord has been more than kind to me and my family. And I am glad that my husband tried to do
1:34:12 everything he could for the good of the people. Excuse me. Can I have water please? Just water. Anibersaryo ng pagbomba sa Plaza Miranda nang mapatay si Ninoy Aquino. Kung ang pagbomba sa Plaza Miranda ay hudyat ng pagsupil sa demokrasya, ang pagpatay kay Ninoy ay naging hudyat ng wakas ng diktadura.
1:35:04 Inabot ng labing isang oras ang prosesyon mula sa simbahan hanggang sa libingan. Daang daang libo ang naglakas loob na makiramay at makipaglibing. Isang rumaragasang daluyong ng nagnangalit na dagat. Dahil sa tindi ng reaksyon ng taong bayan, nagutos ng formal na investigasyon si Marcos. Dalawang investigative commission ang binuob. at binawag din pagkatapos dahil walang kredibilidad sa publiko. Ang ikatlo, ang Agrava Commission sa pamumuno ni Judge Corazon Agrava ay hindi nagpakita ng takot. It was so sad. On my birthday, months after, they indicted me in the Agrava Commission
1:35:51 1984. And hindi ko maintindihan bakit ako nakaunang sinalang nila indicted for the assassination of Ninoy. Si General Fabian Ver ay isa sa mga pinaghihinalaang utak ng krimen. Ipinatawag din siya ng Agrava Commission at kasama siya ng mga akusadong militis ng sandigang payan. Napilitan si Marcos na papagbakasyonin muna si Ver. When General Ver was asked to go on leave because of the initial findings of the Agrava Commission, The 68th general officers in the service at the time, I was
1:36:36 the 69th, passed around a manifesto declaring support for him. At that time, I was already the acting chief of staff, concurrently vice chief of staff and chief of the Philippine Constabulary, Integrated National Police. I refused to join in that manifesto. I was the only one who refused among the general officers. Medyo nakita ko doon na masyado ng self-serving, masyado ng garapal yung ginagawa nila. Isa palagi ko, orders from here in Malacanang. Pinawalang sala ng sandigang bayan si Ver. Agad siyang ibinalik ni Marcos sa dating pwesto, lalong tumindi ang galit ng taong bayan.
1:37:28 na wala yung takot ng Pilipino. Nakikita mo naman na yung mga tinatawag na confetti revolts sa Makati na umpisa na. Things are beginning to unravel at that point. But I think it was also universally felt at that time. That stability was like a ball of thread, you know, and having slipped from your hands. It is not easy to pick up the pieces and make it whole again. Sa mismong hanay ng militar, lumaganap
…