Full transcript of “TERM 2-FIILIPINO 10- WEEK 5: Kontemporaryong DagliHAHAMAKIN ANG LAHATni: Abdon M. Balde Jr.”. Click a timestamp to open the video at that moment. Need another video? Use the YouTube transcript generator.
0:11 Magandang araw, Grade 10. Para sa ating aralin ngayon, pag-aaralan natin ang kontemporaryong [musika] tuluyan. Partikular ang sining ng banghay at wika sa pagsasalaysay. May mahalagang tanong tayo sa ibaba ng slide. Paano nagiging mabisa ang isang kwento? Sapat ba na maganda lamang ang paksa? O kailangan ding mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at pagpili ng salita? Sa araling ito, makikita natin na kahit napakaikli ng isang akda, maaari pa rin itong magkaroon ng malakas na epekto sa mambabasa kung mahusay ang pagkakabuo nito. Bago tayo magsimula, alamin muna natin ang inaasahang matutuhan ninyo. Una,
0:58 nabibigyang kahulugan natin ang mga pahayag sa akda. Ikalawa, na natalakay at naihahambing natin ang dagli sa maikling kwento. Ikatlo, naisa-isa natin ang mga suliraning panlipunan na makikita sa binasang akda. At panghuli, makabubuo tayo ng sariling dagli. Kaya mula sa pag-unawa ng teksto, pupunta tayo sa pagusuri, paghahambing at sa huli ay sariling paglikha. Simulan na natin ang unang sesyon. Bago natin kilalanin ang kontemporaryong daglig, babalikan muna natin ang isang akdang na pag-aralan na at pagkatapos ay iuugnay natin ito sa sariling karanasan. Mahalaga ito dahil ang panitikan ay nagiging mas makahulugan kapag nakikita
1:44 natin ang koneksyon nito sa tunay na buhay. Balikan natin ang mabangis na lungsod ni Efren Abueg. Ngayon isipin ninyo na kayo ang binigyan ng pagkakataong baguhin ang katapusan ng kwento. Ang tanong, kung ikaw ang magwawakas sa kwento, anong wakas ang ibibigay mo at bakit? Hindi sapat na sabihing gagawin kong masaya ang ending. Ipaliwanag na ano ang mangyayari sa tauhan. Anong problema ang malulutas at anong mensahe ang nais ninyong maiwan sa mababasa. I-pause muna ang video at bumuo ng sarili ninyong wakas. Ngayon naman bumalik tayo sa isang personal na karanasan. Magbahagi o mag-isip ng isang pangyayari sa inyong buhay na hindi ninyo makalilimutan.
2:32 Bakit hindi niyo ito makalilimutan? At ano ang aral na natutuhan ninyo mula rito? Maaaring masaya, malungkot, nakakahiya o nakakagulat ang pangyayari. Bakit natin ito ginawa? Dahil ang isang mahusay na dagli ay madalas na nakasentro sa isang makabuluhang sandali o karanasan lamang. Maikli pero may epekto. Basahin natin ang pahayag mula sa Florante at Laura. O pag-ibig na makapangyarihan, pag ikaw'y pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat. Masunod ka lamang. Anong ibig sabihin nito? Ipinakikita rito ang ideya na kapag labis ang pagmamahal ng isang tao, maaari siyang gumawa ng mga bagay na dati ay hindi niya inaakalang kaya
3:19 niyang gawin. Kaya ang tanong sa ibaba, magbigay ng patunay na ang pag-ibig ay makapangyarihan. Maaaring mula sa sariling obserbasyon, karanasan, pelikula o akdang nabasa. Tandaan ang linyang hahamakin ng lahat dahil magiging mahalaga ito sa ating pangunahing akda. Pamagat pa lamang hahamakin ang lahat. Ano agad ang pumapasok sa inyong isip? Tignan ang dalawang tanong sa ibaba. Ano ang pumapasok sa inyong isipan kapag naririnig ninyo ang linyang ito? At sino ang karaniwang gumagawa nito? At para saan? Karaniwan nating iniugnay ito sa matinding pagmamahal o determinasyon. Pero may isa tayong kailangang tanungin.
4:04 Lahat ba ng sakripisyong ginagawa dahil sa pag-ibig ay tama at makabubuti? Mamaya sasagutin natin yan sa pamamagitan ng isang napakaikling akda. Ang pangunahing akda natin ngayon ay hahamakin ang lahat ni Abdon M. Balde Jr. Isa itong halimbawa ng kontemporaryong dagli. Bago natin basahin ang mismong akda, unawain muna natin kung ano ang dagli at kung paano ito naiiba sa karaniwang maikling kwento. Pansinin ninyo mamaya kung gaano kaikli ang kwento, gaano kabilis sa mga pangyayari at kung paano nito ihahatid ang pangwakas na epekto sa mambabasa. Ano ang dagli? Ang dagli ay tinuturing na isang maiklingmaikling kwento o flash fiction. Ayon sa slide, lumaganap ito sa
4:52 Pilipinas noong unang dekada ng panahon ng mga Amerikano. Walang eksaktong haba na dapat sundin upang matawag na dagli ang isang akda. Ngunit isang bagay ang malinaw. Hindi ito dapat umabot sa karaniwang haba ng isang maikling kwento. Kabilang sa mga manunulat na iniugnay sa dagli sina Inigo Ed Regalado, Lope K. Santos at Jose Corazon deus. Kaya isipin ninyo ang dagli bilang kwentong napakaikli ngunit kailangang kumpleto at mabisa pa rin ang dating. Paluwakin natin ang definisyon. Ang dagli ay isang anyyong pampanitikan na maituturing na maikling-maikleng kwento. Hindi tiyak ang eksaktong pinagmulan at haba nito ngunit malinaw na mas maikli ito kaysa karaniwang maikling kwento.
5:37 Binabanggit din sa materyal ang ilang kilalang manunulat gaya nina Inigo Edregalado, José Corazon de Hesus, Rosauro Almario, Patricio Mariano, Francisco Laksamana at Lope Santos. Ang hamon sa dagli ay ito. Paano ka makapagkukwento ng napakaikli ng hindi nawawala ang emosyon at mensahe? Yan ang makikita natin sa ating babasahin. May anim na elementong karaniwang makikita sa mga kwentong dagli. Una, mabilis sa takbo ng pangyayari. Ikalawa, paggamit ng malalim na salitang katutubo. Ikatlo, pagasalaysay ng pangaraw-araw na buhay. Ikaapat, pagapalaganap o pagkapatingkad ng emosyon. Ikalima, magkakaugnay ng mga pangyayari
6:23 at ikaanim, pangwakas. Habang binabasa natin ang hahamakin ang lahat, hanapin ninyo ang anim na elementong ito. Buuin natin ang anim na elemento gamit ang visual sa slide. Mabilis ang takbo ng pangyayari dahil kaunti lamang ang espasyo ng manunulat. Maaaring gumamit ng malalim o katutubong salita upang mas maging mabisa ang kahulugan. Karaniwang ding nakaugat ang kwento sa pangaraw-araw na karanasan. Mahalaga ang emosyon dahil sa napakaikling panahon ay kailangang maramdaman agad na mababasa ang sitwasyon. Kailangang magkakaugnay ang mga pangyayari at higit sa lahat mahalaga ang malakas o nakakagulat na pangwakas. Sa dagli minsan isang huling linya lamang ay kayang baguhin ang kahulugan
7:09 ng buong kwento. Dumakot tayo sa ating ikalawang sesyon. Ngayong alam na natin kung ano ang dagli. Paghahambingin muna natin ito sa maikling kwento. Pagkatapos babasahin natin ang hahamakin ng lahat at susuriin kung paano nagawa ng mayakda na magkwento na maikli ngunit may matinding epekto. Gamitin natin ang ven diagram. Sa kaliwa ay maikling kwento. Sa kanan ay dagli at sa gitna ay ang kanilang pagkakatulad. Bago ko ipakita ang sagot sa mga kasunod na slide, subukan muna ninyong mag-isip. Ano ang pagkakaiba ng haba? Kumpleto ba? Pareho ba ang elemento? Pareho bang may tauhan na tagpuan? I-pause muna ang video at maglagay ng hindi bababa sa dalawang sagot sa bawat bilang.
7:55 Ngayon tingnan natin ang paghahambing. Ang maikling kwento ay mas mahaba, mas kumpleto ang mga elemento gaya ng simula, gitna at wakas at mas maraming detalye tungkol sa mga tauhan. Ang dagli naman ay mas maikli, mas mabilis ang takbo. Madalas nag-iiwan ng palaisipan o bigla ang wakas at kakaunti lamang ang tauhan. Ano naman ang pagkakatulad? Pareho silang anyyong tuluyan, parehong maaaring magkaroon ng tauhan at tagpuan at parehong nagasalaysay ng pangyayari. Kaya ang dagli ay hindi simpleng kulang na maikling kwento. May sarili itong paraan at lakas bilang anyyong pampanitikan. Basahin natin ang unang bahagi. Hinamon ni Cherry si Dindo. Kung kaya niyang mag-break done sa JS, para na rin siyang
8:42 sinasabing imposible yung mangyari. Parang pagputi ng uwak. Pero iba ang dating kay Dindo. Sa halip na gawing biro, ginawa niya itong isang hamon. Sinuway niya ang bilin ng magulang. Inilihim ang kanyang plano. Nagpalakas. Kinausap si Sam at nagsanay ng ilang buwan. Hindi niya alintana ang hirap at sakit. Ano agad ang napapansin ninyo sa takbo? Napakabilis sa ilang pangungusap lamang lumipas na ang ilang buwan. Ito ang isang katangian ng dagli. Walang maraming paligoy-ligoy. Isang linggo bago ang JS prom, nilapitan ni Dindo si Cherry. Handa na siya. Pero sa halip na matuwa, sinabi ni Cherry na seryoso ba talaga siya dahil sina ni Joapos
9:27 ito, malungkot na tumalili si Dindo. Ika-ika dahil sa kanyang kalagayan. At doon nagtatapos ang akda sa linyang malupit ang pag-ibig. Napaka hindi ba? Pero sa ilang linya lamang dumaan tayo sa hamon, pagisikap, pag-asa at bigla ang pagkabigo. Yan ang bisa ng dagli. Ngayon sagutin natin ang tatlong tanong. Una, tungkol saan ang kwentong binasa. Ikalawa, ano ang tunay na damdamin ni Cherry kay Did? At ikatlo, ano ang tunay na kalagayan o sitwasyon ni Dido. Sa pagsagot, huwag lamang manghula. Gamitin ang mismong teksto bilang ebidensya. Halimbawa, anong sinabi o ginawa ni Cherry na makatulong upang malaman natin ang tunay niyang saloobin? At anong
10:14 detalye naman ang nagpapakita sa pisikal na kalagayan ni Dindo? I-pause muna ang video at sagutin ang tatlo. Ngayon naman, mas malalim na tanong. Tama ba na binigyan ni Dindo si Cherry ng higit na pagpapahalaga kaysa sa sarili niyang kapakanan? Bakit? At ikalawa, kaya mo bang magsakripisyo para sa taong minamahal mo? Paano mo malalaman kung tama o labis na sakripisyo ang ginagawa mo? Dito natin makikita na ang hahamakin ng lahat ay hindi lamang simpleng kwento ng pag-ibig. Tinatanong din ito kung saan ang hangganan sa pagitan ng pagmamahal, sakripisyo at pangangalaga sa sarili. Walang isang salitang sagot dito. Ipaliwanag ang inyong posisyon. Para sa unang gawain, gamitin ang graphic organizer. Ang sentrong tanong
11:02 ay paano nakaapekto ang kalagayan o pamumuhay ng isang tao sa kanyang pagharap sa mga hamon ng buhay? Maglagay ng apat na ideya sa paligid. Maaari ninyong pag-isipan ang pisikal na kalagayan, pamilya, pinansyal na sitwasyon, suporta mula sa ibang tao o pagtingin sa sarili. Iyugnay ninyo ito kay Dindo. Sa kabila ng kanyang kalagayan, ano ang nagtulak sa kanya upang tanggapin ang hamon at paano rin kayang makaimpluwensya ang kanyang sitwasyon sa naging epekto ng pagtanggi ni Cherry. Ngayon naman, bigyang kahulugan natin ang mga idiomatikong pahayag mula sa akda. Una, pagputi ng uwak. Ikalawa, malupit ang pag-ibig. Ikatlo, tumalilis. Ikaapat, hindi alintana ang sakit. At ikalima, kung
11:49 kaya mong mag-break dance. Bilang pahayag sa konteksto ng kwento, huwag lamang literal na basahin. Tignan kung paano ginamit ang bawat pahayag sa sitwasyon. I-pause muna ang video bago natin i-check. Narito ang kahulugan ayon sa ating materyal. Pagputi ng uwak, imposibleng mangyari. Malupit ang pag-ibig, nagdudulot ng pasakit o matinding kabiguan. Tumalilis o mabilis na mabilis dahil sa hiya o lungkot. Hindi alintana ang sakit. hindi ininda o hindi pinansin at kung kaya mong mag-break dance, isang matinding hamon o dare. Pansinin na mas epektibo ang ilang pahayag dahil hindi literal ang kanilang kahulugan. Diyan pumapasok ang kapangyarihan ng wika sa isang napakaikling akda.
12:35 Hindi lamang pag-ibig ang maaaring pag-usapan sa akda. May isa pang mahalagang issyung panlipunan, ang sitwasyon at pagtrato sa mga persons with disability o PWD. Ngayon, magsaliksik o magbahagi ng kaalaman tungkol sa mga programa o batas ng pamahalaan na magataguyod sa kapakanan ng may mga kapansanan. Pagkatapos sagutin ang tanong. Paano natin sila higit na matutulungan na maging bahagi at aktibong kalahok ng lipunan sa araw-araw? Mahalagang ang sagot ay hindi nakabatay sa awa lamang. Mas makabuluhan ang pagtingin sa dignidad, accessibility, pantay na oportunidad at paggalang sa kakayahan ng bawat tao. Dumakot tayo sa ating ikatlong sesyon. Sa unang dalawang sesyon, nakilala natin
13:20 ang dagli at nabasa ang hahamakin ng lahat. Ngayon naman, tutukan natin ang sining ng banghay at wika. Aalamin natin kung paano kinokontrol ng mananulat ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari at kung paano naman nakadaragdag ng emosyon ang pagpili ng salita. May tatlong focus tayo sa bahagi ito. Una, banghay. Masusuri natin ang iba't ibang technique sa pag-ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ikalawa, wika. Mabibigyang kahulugan natin ang mga pahiwatig, idioma at bisa ng salita. At ikatlo, synthesis. Maipiliwanag natin ang ugnayan ng banghay at wika sa pagbuo ng isang mabisang tuluyan. Sa madaling salita, titignan natin ang dalawang tanong. Ano at kailan nangyari? At paano
14:06 ito sinabi? Ano nga ba ang banghay? Hindi sapat na magkaroon lamang ng maraming pangyayari. Kung walang malinaw na relasyon ang mga ito, parang mga piraso ng puzzle na nakakalat lamang. Ang mahusay na banghay ay may sanhi at bunga at may malinaw na direksyon. Isipin ang manunulat bilang isang direktor, siya ang nagpapasya kung anong pangyayari ang mauuna, ano ang itatago muna at kailan niya ibibigay ang pinakamahalagang detalye. Ginagawa niya ito upang lumikha ng emosyon gaya ng gulat, lungkot, tensyon o suspense. Unang technique, tuwirang pagkakasunod-sunod. Dito ay diretsong sumusunod ang kwento mula simula, gitna hanggang wakas. Malinaw ang sanhi at bunga. Halimbawa,
14:52 nag-aral si Marco. Kumuha siya ng pagusulit at nakakuha siya ng mataas na marka. Madaling sundan dahil lohikal ang daloy. Epektibo ang ganitong technique kung naisang manunulat na maging malinaw at organisado ang kwento. Ang ikalawang technique ay foreshadowing o pagbibigay ng pahiwatig sa hinaharap. Nagbibigay ang manunulat ng isang maagang clue tungkol sa maaaring mangyari sa susunod. Layunin nitong ihanda ang mambabasa at lumikha ng suspense. Halimbawa, bago umalis si Carlo ay binalaan siya ng kanyang ina na huwag dumaan sa lumang tulay. Kapag nabasa natin iyon, agad tayong nagtatanong. Bakit? May mangyayari ba sa tulay? Yan ang epekto ng for shadowing. May maliit na clue na nagtutulak sa ating magpatuloy sa pagbabasa.
15:38 Ang ikatlong technique ay may dalawang konsepto. Una, sa imultanity. Dito dalawa o higit pangyayari ang nagaganap ng sabay. Halimbawa, habang nag-aaral ang isang tauhan, may ibang tauhan namang gumagawa ng isang bagay sa ibang lugar sa parehong oras. Ikalawa, parallelism. Dito ay may dalawang magkatulad o magkasalungat na karanasan na ipinakikita upang palalimin ang sitwasyon. Magkaiba sila. Sa simultanity, mahalaga ang sabay na oras. Sa parallelism, mahalaga ang pagkakatulad o kontras ng karanasan. Ang ikaapat na technique ay ang Inmedias rest at pagabalik o flashback. Sa Inmedias rest, nagsimula agad tayo sa gitna ng aksyon. Halimbawa, tumakbo ka. Sigaw ni Ben habang hinahabol sila. Agad
16:23 tayong nandoon sa tensyon. Samantala, ang flashback ay bumabalik sa isang nakaraang pangyayari upang ipaliwanag ang kasalukuyan. Halimbawa, habang tumatakbo ang tauhan, maaari niyang maalala kung paano nagsimula ang problema. Kaya ang immedia stress ay agad humihila ng atensyon. Ang flashback naman ay nagbibigay ng background at konteksto. Buuin natin ang apat na technique sa isang matrix. Hatuwiran, kasalukuyan at lohikalang takbo. Ang epekto ay kalinawan. So for shadowing ay may pahiwatig tungkol sa hinaharap. Ang epekto ay anticipation suspense. Hasimultanity sabay na nagaganap ang mga pangyayari. Nagbibigay ito ng tensyon at pagkukumpara. At sa inmedia stress nagsisimula agad sa gitna. Ang epekto ay
17:10 agarang interes at gulat. Kaya mapapansin nating walang iisang pinakamagandang technique. Ang pinakamahusay na technique ay nakadepende sa epektong gustong likain ng manunulat. Ilapat natin ngayon ang banghay sa hahamakin ng lahat. Una, kalagayan. Nalaman ni Dindo na may boyfriend na pala si Cherry. Bago ito, mayroon tayong hamon. Nagsanay siyang sumayaw ng break dance at pagkatapos ay dumating ng climax sa paglapit niya kay Dindo bago ang JS prom. Pansinin ang direksyon ng kwento. Napakabilis daloy. Direkta ang aksyon. Hindi maraming eksenang isinisingit at napakalakas ng huling linya. Malupit ang pag-ibig kaya kahit napakaikli ng akda, mayroon itong malinaw na directoral arc.
17:56 Ngayon, kayo naman ang banghay detective. unang pahayag habang naglalabas si Anna, naguluto naman ang kapatid niya. Anong technique? Ikalawa, takbo, may sunog. Sigaw ni Ben. At ikatlo, hindi niya pinansin ng maitim na ulap bago pumalaot sa dagat. I-pause muna ang video at tukuyin kung ano ang sagot. Ngayon, i-check natin. Habang naglalabas si Anna, nagluluto naman ang kapatid niya sa Imultanity dahil sabay ang dalawang gawain. Takbo, may sunog. sigaw ni Ben in media stress dahil agad tayong inilagay sa gitna ng aksyon at hindi niya pinansin ang maitim na ulap bago pumalaot sa dagat for shadowing dahil ang maitim na ulap ay maaaring clue sa panganib na darat kung nakuha
18:44 ninyo ang tatlo, mahusay mula sa banghay dumako naman tayo sa wika hindi lamang tagapagdala ng mensahe ang wika nagbibigay rin ito ng tono, imahe at damdamin sa mababasa apat na bagay ang husuriin natin bisa ng salita, pahiwatig, idoma at estilo. Isipin ninyo, pareho ba ang epekto ng umalis siya at tumalilis siya? Pareho silang pag-alis pero magkaiba ang bigat at imahe. Yan ang kapangyarihan ng salita. Paghambingin natin. Umalis si Dindo ng mabilis at tumalilis si Dindo. Mas buhayang tumalilis. Nagbibigay ito ng imaheng bigla ang pag-alis at may kasamang matinding hiya o sakit. Pansinin din ang estilo ng may akda.
19:30 Maikli ang mga pangungusap kaya mabilis ang ritmo at tensyon. Gumagamit din siya ng natural na diyalog o gaya ng serious ka. Dahil dito parang aktwal na nating naririnig ang mga kabataang nag-uusap. Kaya ang estilo ay hindi lamang tungkol sa malalim na salita. Kasama rito ang ritmo, haba na pangungusap, diyalogo at tono. Gamitin natin ang larawan ng iceberg. Ang nakikita sa ibabaw ay ang literal na salita pero nasa ilalim ang konteksto at tunay na kahulugan. Halimbawa, pagputi ng uwak. Hindi natin hinihintay na literal na pumuti ang uwak. Ibig sabihin ito ay isang bagay na napakahirap o imposibleng mangyari. Malupit ang pag-ibig. Hindi literal na tao ang pag-ibig na nananakit. Tumutukoy ito sakit ng
20:15 pagtanggi at emosyonal na kabiguan. Kaya ang prinsipyo natin, huwag basahin na literal lamang. Suriin kung ano ang nasa ilalim ng salita. Subukan naman natin ang iba pang idioma. Bukas palad. Anong ibig sabihin? Tama. Mapagbigay. Nagdilang anghel. Ibig sabihin nagkatotoo ang magandang sinabi o hinulaan. At butasang bulsa. Hindi literal na butas ang pantalon. Ibig sabihin ay laging walang pera o mabilis maubusan. Ano ang mapapansin ninyo? Ang idioma ay maikli pero may mas mayamang imahe kaysa literal na pagpapaliwanag. Kaya malaking bahagi ito ng malikhaing paggamit ng wika. Pagsamahin natin ang dalawang pangunahing konsepto. Ang banghay ang
21:01 sumasagot sa ano ang mangyayari at kailan ito ipapakita. At ang wika naman ang sumasagot sa paano ito sinabi. Ang mahusay na banghay may direksyon at estruktura ang kwento. Kapag mahusay naman ang wika, nagkakaroon ito ng buhay, kulay at damdamin. Hindi natin dapat sila paghiwalayin. Ang mahusay na pagkakasunod-sunod ng pangyayari at mahusay na pagpili ng salita ang magkasamang lumilika ng karanasan na mambabasa. Ngayon isipin ninyo na kayo ang direktor. Ang sitwasyon, nahuli ang isang estudyante sa klase dahil tumulong siya sa isang matandang nadula sa kalsada. May tatlong paraan ang pagkukwento. Pull A, tuwiran. Magsimula sa pag-alis niya sa bahay. Pull B,
21:47 inmedi's rest. Magsimula agad sa tanong ng guro, bakit ngayon ka lang? Pull C, simultaneity. Ipakita ng sabay ang pagtulong niya sa matanda at ang klaseng naghihintay. Ngayon sagutin. Paano magabago ang tingin natin sa tauhan sa bawat technique? Iisang pangyayari ngunit maaaring maiba ang unang impresyon natin depende sa impormasyong unang ibinigay. Tatlong mas malalim na tanong. Una, bakit kaya hindi agad sinabi ng may akda sa simula ang tunay na kalagayan ni Dindo? Anong epekto ng unti-unti nitong matuklasan? Ikalawa, kung aalisin ang maikling diyalogo sa akda, paano magabago ang emosyon ng dagli? At ikatlo, paano kinokontrol ng banghay ang pananaw at simpatya natin sa isang
22:33 tauhan? Pansinin na ang manunulat ay hindi lamang nagkukwento. Kinontrol din niya kung kailan natin malalaman ang impormasyon at kung ano ang mararamdaman natin sa tauhan. Bago tayo matapos sa sesyong ito, sagutin ng maikli. dalawa hanggang tatlong pangungusap bawat isa. Una, aling technique sa banghay ang pinakamabisang gamitin para gumawa ng suspense? Bakit? Ikalawa, bakit mas mabisa ang paggamit ng mga idumatikong pahayag kaysa sa purong literal na paglalarawan sa isang akda? I-puse muna ang video. Huwag lamang pangalan ng teknikang isagot. Ipaliwanag ang epekto nito sa mambabasa. Bago tayo dumako sa huling sesyon, tandaan natin ang pabaong kaisipan. Hindi lamang kung ano ang sinabi ng
23:19 kwento ang mahalaga. Mahalaga rin kung paano ito sinabi. Iyan ang pinakapuso ng ating aralin. Ang mahusay na mananulat ay nakikita sa kung paano niya pinaghahabi ang banghay at pinipili ang wika. Kapag mahusay ang dalawa, kahit napakaikling dagli ay maaaring manatili sa isip at damdamin na mambabasa. Narito na tayo sa ating ikaapat at huling sesyon. Sa bahaging ito, pagasama-samahin natin ang lahat ng natutuhan. tungkol sa dagli, banghay, wika, tauhan at estilo. Pagkatapos, magkakaroon tayo ng panginilay at maikling pagkataya. May anim na salita na nasa slide. Dagli, tuluyan, maikling kwento, tauhan, estilo at pahayag. Ang hamon, gamitin ang lahat
24:05 ng anim na salita upang makabuo ng isa hanggang dalawang pangungusap naglalagom sa ating aralin. Halimbawa, huwag lamang gumawa ng listahan. bumuo ng isang malinaw na kaisipan tungkol sa ugnayan ng daglig, maikling kwento, tauhan at estilo. I-puse muna ang video at bumuo ng sariling synthesis. Ngayon naman, tingnan natin kung ano ang nabili o nakuha ninyo mula sa ating aralin. May tatlong shopping cart. Una, narutuhan. Ano ang pinakamahalagang konseptong nadagdag sa inyong kaalaman? Ikalawa, nadama. Anong emosyon o reaksyon ang naramdaman ninyo sa akda? At ikatlo, nais buhay. Anong aral ang nais ninyong dalhin sa totoong buhay? Mayroon din tayong takdang aralin. Magbasa ng isang halimbawa ng maikling
24:51 kwento o dagli at iisa-isahin ang mga elementong makikita rito. Ihanda ito para sa susunod nating talakayan. Subukan natin ang inyong pag-unawa. Isulat ang tama kung wasto ang pahayag at mali kung hindi. Bilang isa, ang dagli ay madalas na may twist o punch line sa dulo. Bilang dalawa, mas maikli ang dagli kaysa sa maikling kwento. At bilang tatlo, ang dagli ay nagtataglay ng temang nanunuyo, nang-aasar o nanunukso. I-pause muna ang video at isulat ang inyong sagot. Ipagpatuloy natin. Bilang apat, ang dagli ay nakatuon sa iisang kaganapan. At bilang lima, ang dagli ay isang akdang tuluyan. Pumili ng tama o mali. Pagkatapos, ihanda ang inyong sagot dahil iwawas natin ang lahat ng limang bilang. Narito ang sagot ayon sa ating
25:39 answer slide. Bilang isa ay tama. Ang dagli ay maaaring magkaroon ng twist o punch line sa dulo upang mag-iwan ng malakas na epekto. Bilang dalawa ay tama. Mas maikli ang dagli kaysa sa karaniwang maikling kwento at bilang tatlo ay tama. Ayon sa sagot na ipinakikita sa slide, i-check ang inyong unang tatlong sagot. Para sa huling dalawang bilang, ayon sa answer slide, bilang apat ay mali at bilang lima ay mali. I-check ang kabuuan ninyong puntos. Kung may maling sagot, balikan ng mga katangian at elementong tinatalakay natin tungkol sa dagli. At pagkatapos ng ating aralin, tandaan natin ito. Hindi kailangang mahaba ang isang kwento upang maging makapangyarihan. Sa dagli, bawat pangyayari at bawat salita ay kailangang
26:26 may silbi. Kapag mahusay ang banghay ay maingat ang pagpili ng wika at malinaw ang emosyon. Maaaring mag-iwan ng napakalalim na epekto ang isang akdang ilang talata lamang ang haba. Maraming salamat at mahusay na pag-aaral.